Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Hindi Na Ako Mapipiringan ng “Magagandang Intensiyon”
Meng Yu Lungsod ng Pingdingshan, Lalawigan ng Henan
Minsan habang ginagawa ang aking tungkulin, napansin ko na sinusubukan ng isang kapatid na pasayahin ang kaniyang mga kapatid na babae, isang pagpapakita ng masamang aspekto ng kaniyang disposisyon sa aking mga mata. Nagpasiya akong maghanap ng isang pagkakataon upang ipaalala sa kaniya ang mga bagay na ito. Nagdaan ang mga araw at napansin ko na hindi na masyadong mabunga ang kaniyang pagganap ng tungkulin—patunay ng aking naging paghuhusga sa kaniya. Kaya nagdesisyon akong makipag-usap sa kaniya nang harapan. Gayunpaman, nang mapag-usapan namin ang bagay na ito, matigas niyang itinanggi ang lahat ng aking komento at pagalit na sinabing mapanghusga ako. “Dahil sa lahat ng nagdaang taon,” sabi niya, “tuwing nakikipag-usap ka sa akin, sinesermunan mo ako na tila nagmamaliit, at ngayon ay kinakausap mo ako sa parehong mapagmaliit na paraan….” Ang pag-uusap ay naging mas malala pa kaysa sa pagiging bigo—nagwakas ito sa tuluyang hindi pagkakasundo. Ang kaniyang reaksiyon ay nagdulot sa akin ng isang mapait na konklusyon, iniisip na: “Nakipag-usap ako para makatulong, hindi para ipahiya ka sa pamamagitan ng paglalantad ng iyong mga pagkukulang. Sa halip na makinig, naghanap ka ng kamalian ko at inakusahan ako ng pagiging mapagmaliit. Sige! Pababayaan na kita. Gayunpaman, mabuti ang aking mga intensyon, at ang iyong pagtanggi ay nagpapakita lamang na hindi mo hinahanap ang katotohanan.” Simula noon, lagi ko nang itinuturing ang aking sarili na siyang tama, habang iniisip na ang kapatid lamang ang siyang nagkamali. Gayunpaman, kamakailan ay nakilala ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pakikitungo sa mga tao at mga bagay-bagay na inilagay ng Diyos sa paligid ko.
Ilang araw ang nakararaan, nagbigay ang iglesia ng bagong gawain sa isa sa aking mga batang kapatid. Siya ay dating nasa masamang kalagayan, ngunit mula nang maitalaga, nagbago siya at naging isang bagong tao, mas masigla sa pag-iisip at mas kompiyansa sa pagsasalita. Isang araw, nakipag-usap siya sa akin sa isang tono, ekspresyon at paraan na labis kong ikinainis. Alam ko na sinasabi niya ang kalooban ng Diyos at tapat na nagsasabi tungkol sa akin, ngunit ayoko lang talagang makinig sa kaniya, lalo na ang tanggapin ang kaniyang sinabi. Nang malapit na akong sumabog, bigla kong nakita ang sarili ko sa kaniya at naalala ang tono at ekspresyon na ginamit ko ilang buwan na ang nakalilipas nang makipag-usap ako sa aking kapatid. Hindi nakapagtataka na itinuring ako na mapagmaliit. Totoo ang kaniyang naramdaman, at ngayon ay nararamdaman ko ang parehong pagkainis na naranasan niya mula sa akin—tulad ng nakakasukang pakiramdam ng pagkain ng isang patay na langaw. Inayos ng Diyos ang gayong kapaligiran para makita ko ang katotohanang ito: Ang isang taong may mabubuting hangarin ngunit walang pagbabago sa disposisyon ay walang puwang sa puso ng Diyos, kung gayon, ang kaniyang inihahayag ay natural, at ang pinakadiwa ng kaniyang maka-Satanas na disposisyon. Sa sandaling iyon, naalala ko ang isang bagay mula sa pakikipag-usap ni Cristo: “Ang tungkol sa susi sa pagmumuni-muni-sa-sarili at pagkilala sa iyong sarili ay ito: Mas nararamdaman mong nakagawa ka ng mabuti sa ilang tukoy na larangan o nagawa ang tama, at mas naiisip mong nabibigyang-kasiyahan mo ang kalooban ng Diyos o karapat-dapat magmalaki sa mga larangang iyon, kung gayon mas karapat-dapat para sa iyo na kilalanin ang iyong sarili sa mga larangang iyon at mas karapat-dapat para sa iyo na saliksikin pang mabuti ang mga iyon para makita kung anong mga karumihan ang naroon sa iyo, at kung anong mga bagay sa iyo ang hindi makakapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos” (“Nakikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong Mga Lisyang Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pamamagitan nito, hangarin ng Diyos na turuan ang mga tao na maunawaan ang kakulangan ng kadalisayan sa kanilang mga salita at gawa. Sapagkat ang mga tao ay likas na mapanghimagsik at puno ng maka-Satanas na mga lason, ang kanilang mga gawa, maliban kung itatama ng katotohanan, ay likas na lumalaban sa Diyos. Iyong mga nag-iisip na alinsunod sa katotohanan at di-maaaring sisihin ang kanilang mga pag-uugali, ay talagang hindi nagbabago ng disposisyon, at hindi pa napeperpekto ng Diyos. Patuloy pa rin sila sa pagsalungat sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang panloob na kakanyahan at inihahayag nila ang kanilang mala-Satanas na disposisyon. Napakaraming kasamaan ang mga tao na kailangang mahimay, makilala at matugunan. Ngayon habang inaalala ko ang aking pakikipag-usap sa kapatid na iyon, pinangatwiranan ko ang aking pagiging tama gamit ang aking mabubuting hangarin, nguni’t nabigo akong makita na nakagawa ako ng huwad na paninindigan sa aking pakikipag-usap. Inilagay ko ang aking sarili bilang panginoon ng katotohanan, isang taong makapagsasabi kung ang iba ay kumikilos nang normal, at ang ganap na nakakakilala; pinipilit ko ang nakikinig sa akin para sa pagtanggap at tinawag siya na “hindi naghahanap ng katotohanan” sa pinakamaliit na tanda ng hindi pagkakasundo. Ano ang ipinakita ko? Pagmamataas, kalupitan, paniniil, disiplina—ang nakakasuklam at nakakamuhing mga disposisyon ni Satanas. Mayroon bang pagkakaiba ang aking inihayag at ang mga pampulitikang paniniil sa maraming kilusang pampulitika na patuloy na hinahagupit ng malaking pulang dragon? Ang malaking pulang dragon ay hindi umasa sa anuman kundi sa sarili nitong mga hangarin nang magtanim ito ng mga akusasyon at isinailalim ang mga tao sa mga brutal na paniniil. Hindi ako tunay na nanalangin sa Diyos o humingi ng Kaniyang patnubay bago ako nakipag-usap sa aking kapatid, ni hindi ko tiniyak kung siya ay tunay na nagkasala bago ako humugot sa nakaraan kong palagay, iniugnay ang kaniyang hindi mabungang pagganap sa pag-iral sa ilalim ng impluwensya ng kasamaan, at nagpumilit para sa kaniyang pagtanggap ng akusasyon. Ngayon ay napagtanto ko na ang aking angking kalikasan ay katulad sa malaking pulang dragon—bawat galaw na ginawa ko, ang aking ekspresyon at paraan ng pagsasalita, lahat ay nangangalingasaw ng mga palalong disposisyon na karaniwang ipinapakita sa malaking pulang dragon. Paano ako magiging kapaki-pakinabang sa mga tao sa aking bulok na disposisyon? Paano kikilos ang Banal na Espitiru sa pamamagitan ko? Kung wala ang Kaniyang paggawa, paano ko maaasahang magbunga ang aking pakikipag-usap? Ngayon ay nakikita ko na walang bunga ang pakikipag-usap, hindi dahil inayawan ng kapatid ang katotohanan, ngunit dahil hindi ko inilagay ang Diyos sa puso ko at hindi ako tapat na tao sa harap ng Diyos. Ang inihayag ko ay hindi lamang kinamuhian ng Diyos, ngunit gayundin ng tao.
Dahil sa aktuwal na gawain ng Diyos, kilala ko na ang aking sarili at nauunawaan na kung ang mga tao ay hindi nagbago ng disposisyon, wala silang magagawa kundi ihayag ang masamang disposisyon ni Satanas kahit pa iniisip nila na mayroon silang mabubuting hangarin at angkop na mga kilos, at pagkatapos ay dapat nilang maunawaan ang kanilang sarili. Mula ngayon, pipilitin kong magtuon ng pansin sa mga pagbabago ng mga disposisyon sa aking buhay, na makilala ang aking sarili at baguhin ang aking angking kalikasan, na magpigil sa paggawa ng mga paghuhusga na may mababaw na mga pagtingin, na pigilan ang pagkahilig na huminto sa paghanap ng kamalian sa aking sarili kapag ako ay may mabubuting hangarin, na makilala ang aking sarili sa lahat ng bagay, na makamit ang mga pagbabago sa disposisyon at bigyang-ginhawa ang puso ng Diyos.
0コメント