Tagalog Christian Movies | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)
Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …
Isang araw, nagkataon lang na nanood siya ng ilang video ng mga himno sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Lubha siyang naantig sa kanilang nakakapukaw na mga titik at magagandang himig, na nagbigay-inspirasyon sa kanya na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos makipagtalo nang ilang beses tungkol sa katotohanan, naunawaan na niya ang kuwento sa likod ng Biblia sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw na niyang naunawaan ang mga tunay na pangyayari: Kinokontra at tinutuligsa ng mga Fariseo ng mga relihiyon ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkukunwaring pinupuri ang Biblia. Kalaunan, hindi niya pinansin ang pagkontrol at pagpigil ng mga relihiyong Fariseo at sumunod siya sa mga yapak ng Diyos …
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
0コメント