Pag-bigkas ng Diyos | Mga Salita tungkol sa Pagtitiwala at Pag-asa sa Diyos
19. Ang Makapangyarihang Diyos ay sumasakop sa lahat ng bagay at pangyayari! Hanggang ang ating mga puso ay tumitingin sa Kanya sa lahat ng sandali at tayo ay pumapasok tungo sa espiritu at nakikisama sa Kanya, kung gayon ay ipakikita Niya sa atin ang lahat ng bagay na ating hinahanap at ang Kanyang kalooban ay tiyak na mabubunyag sa atin; ang ating mga puso kung gayon ay magkakaroon ng kagalakan at kapayapaan, matatag at may perpektong kalinawan. Ito ay napakahalaga na makayang kumilos nang naaayon sa Kanyang mga salita; ang makayang tarukin ang Kanyang kalooban at mabuhay nang nananalig sa Kanyang mga salita — ito lamang ang tunay na karanasan.
—mula sa “Kabanata 7” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
20. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Ulo ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang trono. Namumuno Siya sa ibabaw ng sansinukob at sa lahat ng bagay at ginagabayan Niya tayo sa buong lupa. Tayo ay malimit na magiging malápít sa Kanya, at lalapit sa Kanya sa katahimikan; kailanman ay wala tayong sasayanging isa mang saglit, at mayroong mga bagay na dapat matutuhan sa lahat ng sandali. Ang kapaligirang pumapalibot sa atin gayundin ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, lahat ay pinahintulutan ng Kanyang trono. Huwag magkaroon ng pusong mareklamo, o hindi ka pagkakalooban ng Diyos ng Kanyang biyaya. Kapag dumarating ang karamdaman ito ay sanhi ng pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang mabubuting hangarin ay tiyak na nasa likod nito. Kahit na ang iyong katawan ay nagtitiis ng pasakit, huwag kang tatanggap ng mga ideya mula kay Satanas. Purihin ang Diyos sa gitna ng iyong pagkakasakit at tamasahin ang Diyos sa gitna ng iyong papuri. Huwag mawalan ng pag-asa sa panahon ng pagkakasakit, patuloy na maghanap at huwag kailanman susuko, at pasisikatin ng Diyos ang Kanyang liwanag sa iyo. Gaano ba katapat si Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang makapangyarihan-sa-lahat na manggagamot! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Kung mayroon ka lamang isang hininga, hindi ka hahayaang mamatay ng Diyos.
Ang buhay ng nabuhay-na-muling Cristo ay nasa loob natin. Tunay na kulang ang ating pananampalataya sa presensya ng Diyos, at nawa ay pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay na pananampalataya sa loob natin. Tunay ngang matamis ang salita ng Diyos! Ang salita ng Diyos ay makapangyarihang gamot! Hiyain ang mga diyablo at si Satanas! Kung maarok natin ang salita ng Diyos magkakaroon tayo ng sandigan at agad na ililigtas ng Kanyang salita ang ating mga puso! Pinapawi nito ang lahat ng bagay at ang lahat ay inilalagay sa kapayapaan. Ang pananampalataya ay gaya ng isang tulay na may iisang troso, sila na matinding nakakapit sa buhay ay mahihirapang tumawid rito, ngunit sila na handang isakripisyo ang kanilang mga sarili ay makatatawid nang walang pangamba. Kung ang tao ay mayroong mga isipang nag-aalala at natatakot, sila ay nililinlang ni Satanas, Natatakot ito na makatatawid tayo sa tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. Si Satanas ay gumagawa ng bawat paraang maaari upang ipadala sa atin ang mga kaisipan nito, kailangan nating laging manalagin na ang liwanag ng Diyos ay sisikat sa atin, at kailangan nating laging umasa sa Diyos na dalisayin tayo mula sa lason ni Satanas. Lagi tayong magsasagawa sa ating mga espiritu upang mapalapit sa Diyos. Hahayaan nating ang Diyos ang magkaroon ng kapamahalaan sa ating buong katauhan.
—mula sa “Kabanata 6” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
21. Ito ay hindi sa ang inyong pananampalataya ay mabuti o dalisay, kundi, ang Aking gawa ay kagila-gilalas! Ang lahat ay dahil sa Aking habag! Ikaw ay hindi dapat magkaroon ng munti mang tiwaling disposisyon ng pagkamakasarili o pagmamataas, kung hindi ang Aking gawain sa iyo ay hindi uunlad. Kailangan mong maunawaan nang malinaw na kung ang mga tao man ay bumagsak o tumayo nang matatag ay hindi dahil sa kanila, ito ay dahil sa Akin. Ngayon, kung hindi mo nauunawaan nang malinaw ang hakbang na ito, ikaw ay hindi makaaabot sa pagpasok sa kaharian! Kailangan mong maunawaan na kung ano ang ginagawa[a] ngayon ay ang kagila-gilalas na gawain ng Diyos; ito ay walang kinalaman sa tao. Ano ba ang halaga ng mga hakbang ng tao? Kapag sila ay hindi nagiging makasarili, mapagmataas, at puno ng kapalaluan, ginagambala nila ang pamamahala ng Diyos at winawasak ang Kanyang mga plano. O, ang mga tiwali! Kailangan mong lumapit upang umasa sa Akin ngayon; kung hindi mo gagawin, ngayon ay sasabihin Ko sa iyo na wala kang anumang makakamit kailanman! Ang lahat ay mauuwi sa wala at ang iyong mga ginagawa ay mawawalan ng kabuluhan!
—mula sa “Kabanata 38” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
22. Dapat kang makinig sa lahat ng salita na itinuturo ng Banal na Espiritu; huwag mong ilaglag ang mga ito sa tabing-daan. Napakaraming ulit mo nang narinig ang Aking mga salita at pagkatapos ay nakalimutan ang mga iyon. O, mga walang pag-iisip! Ikaw ay nawalan na ng napakaraming pagpapala! Ikaw ngayon ay dapat na makinig nang mabuti at bigyang-pansin ang Aking mga salita, mas higit na makisalamuha sa Akin at maging mas malapít pa sa Akin. Tuturuan kita tungkol sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan, at Aking pangungunahan ka tungo sa pasulong na daan. Huwag mag-ukol ng labis na pansin sa pagsasalamuha sa ibang tao dahil marami ngayon ang nangangaral ng mga titik at mga doktrina, at lubhang kakaunti ang tunay na nagtataglay ng Aking realidad. Ang pakikinig sa kanilang pagsasalamuha ay gagawin kayong lito at manhid, hindi nalalaman kung paano uunlad. Kahit na kayo ay nakikinig sa kanila, kayo ay makakaunawa lamang nang kaunti tungkol sa mga titik at mga doktrina. Dapat ninyong bantayan ang inyong hakbang, pangalagaan ang inyong puso at laging mabuhay sa harapan Ko, ipagbigay-alam sa Akin, maging malapít sa Akin at hahayaan Kong makita ninyo iyong hindi ninyo nauunawaan. Dapat mong bantayan ang iyong sinasabi, manatiling nakabantay sa iyong puso sa lahat ng sandali at lumakad sa daang Aking nilalakaran.
—mula sa “Kabanata 26” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
23. Dapat kang gumawa ng pangunang hakbang sa pakikipag-tulungan sa Akin; maging masigasig at huwag kailanman maging tamad. Palaging makisalamuha sa Akin at magkaroon ng mas malalim na pakikipagniig sa Akin. Kung hindi mo nauunawaan, huwag kang mainip para sa mabilisang mga resulta. Hindi naman na hindi Ko sasabihin sa iyo; nais Kong makita kung umaasa ka sa Akin kapag narito ka sa Aking presensiya at kung umaasa ka sa Akin nang may pagtitiwala. Dapat kang palaging nananatiling malapit sa Akin at ilagay ang lahat ng bagay sa Aking mga kamay. Huwag bumalik nang walang kabuluhan. Pagkatapos ng hindi-namamalayang pagiging malapit sa Akin sa ilang panahon, ang Aking mga intensiyon ay maihahayag sa iyo. Kung natatarok mo ang mga ito, kung gayon tunay na makakaharap mo Ako, at tunay mong matatagpuan ang Aking mukha. Ikaw ay magiging lubhang malinaw at matatag sa loob at magkakaroon ka ng isang bagay na aasahan, at magkakaroon ka rin ng kapangyarihan gayon din ng pagtitiwala. Magkakaroon ka rin ng isang landas pasulong at magiging madali ang lahat sa iyo.
—mula sa “Kabanata 9” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
24. Huwag mag-atubili, huwag kang masiraan ng loob o maging mahina. Direktang makibahagi nang higit pa sa Akin sa iyong espiritu, magtiyagang maghintay at tiyak na ihahayag Ko sa iyo nang alinsunod sa Aking panahon. Talagang dapat na ganap kang mag-ingat at huwag hayaan ang Aking pagsisikap na masayang sa iyo, at huwag mag-aksaya kahit isang sandali. Kapag ang iyong puso ay patuloy ang pakikibahagi sa Akin, kapag ang iyong puso ay patuloy na nananahan sa harap Ko, kung gayon wala ni isa man, walang pangyayari, walang bagay, walang asawa, walang anak na lalaki o babae ang maaaring gumambala sa iyong pakikibahagi sa Akin sa loob ng iyong puso. Kapag ang iyong puso ay patuloy na pinaghihigpitan ng Banal na Espiritu at kapag nakikibahagi ka sa Akin sa bawat sandali, ang Aking kalooban ay tiyak na maihahayag sa iyo. Kapag patuloy kang nakakalapit sa Akin sa paraang ito, sa kabila ng iyong mga nasa paligid o ano mang kinaroroonan mong okasyon, hindi ka maguguluhan kahit sino o ano man ang iyong kinakaharap, at magkakaroon ka ng isang daan sa pagsulong.
—mula sa “Kabanata 8” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
25. Kapag ikaw ay tumingin at umasa sa Diyos, posibleng hindi ka Niya bigyan ng anumang damdamin o anumang malinaw na mga ideya, lalo pa ng malinaw na pang-unawa, lalo pa ng anumang malinaw na direksyon, ngunit hinahayaan ka Niya na makaunawa. O marahil sa oras na ito, wala ka pang naiintindihang anuman, subalit tama lamang na tumingin ka sa Diyos. Ang mga taong nagsasagawa nito sa ganitong paraan ay hindi ginagawa ito dahil lamang sa mga panuntunan, sa halip ito ang kailangan ng kanilang mga puso at ito ang dapat gawin ng mga tao. Hindi naman ibig sabihin na magtatamo ka ng kaliwanagan at gabay sa tuwing titingin ka sa Diyos at tatawagin ang Diyos; ang espirituwal na estadong ito ng tao ay normal at natural, at ang pagtingin sa Diyos ang normal na interaksyon sa Diyos sa puso ng mga tao.
Paminsan-minsan, ang pananangan sa Diyos ay hindi nangangahulugan ng paghingi sa Diyos na gawin ang isang bagay gamit ang tiyak na mga salita, o paghingi sa Kanya ng tiyak na paggabay o pag-iingat. Sa halip, ito ay yaong kapag nakakasagupa ang mga tao ng ilang usapin, nagagawa nilang tumawag sa Kanya nang taimtim. Kaya, ano ang ginagawa ng Diyos kapag tumatawag ang mga tao sa Kanya? Kapag ang puso ng isang tao ay naaantig at naiisip nila ito: “O Diyos, hindi ko ito magagawang mag-isa, hindi ko alam kung paano ito gagawin, at ako ay nanghihina at negatibo,” alam ba ito ng Diyos? Kapag naiisip ng mga tao ang ganito, ang mga puso ba nila ay taimtim? Kapag sila ay taimtim na tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan, pumapayag ba ang Diyos na tulungan sila? Sa kabila ng katunayan na maaaring hindi sila nakapagsabi kahit isang salita, nagpapakita sila ng kataimtiman, at kaya sumasang-ayon ang Diyos na tulungan sila. Kapag ang isang tao ay nakakasagupa ng isang napakamasalimuot na paghihirap, kapag wala silang sinumang malalapitan, at nadarama nila ang lalong kawalang-pag-asa, nagtitiwala sila sa Diyos bilang kanilang tanging pag-asa. Paano sila nananalangin? Ano ang kalagayan ng kanilang pag-iisip? Sila ba ay taimtim? Mayroon bang anumang di-dalisay sa panahong iyon? Kapag nagtitiwala ka sa Diyos na parang Siya ang huling hibla na makakapitan upang iligtas ang iyong buhay, umaasang tutulungan ka Niya, na taimtim ang iyong puso. Bagama’t maaaring hindi ka gaanong nagsasalita, ang iyong puso ay naaantig na. Iyon ay, ibinibigay mo ang iyong taimtim na puso sa Diyos, at ang Diyos ay nakikinig. Kapag nakikita ng Diyos ang iyong mga paghihirap, liliwanagan ka Niya, gagabayan ka, at tutulungan ka.
—mula sa “Ang Mga Mananampalataya ay Dapat Munang Makaaninag sa Masasamang Kalakaran ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
26. Gaano man kalaki o kaliit ang tayog ng isang tao, o anuman ang kapaligirang kinalalagyan ng isang tao, at gaano mang katotohanan ang naiintindihan ng isang tao, gaano man karami ang mga tungkuling kanyang ginampanan, o gaano man katindi ang dinanas ng isang tao habang ginagampanan ang mga tungkuling iyon, ang isang bagay na kailangang-kailangan nila ay na sa lahat ng kanilang ginagawa, dapat silang tumingin sa Diyos at umasa sa Diyos. Ito ang pinakadakilang uri ng karunungan. Kahit pa naiintindihan ng isang tao ang ilang katotohanan, sapat na ba ito kung hindi sila umaasa sa Diyos? May mga tao na matapos maniwala sa Diyos nang may katagalan ay nakakaintindi na ng ilang katotohanan at nakaranas na ng ilang pagsubok. Maaaring may kaunti na silang praktikal na karanasan, ngunit hndi nila alam tumingin sa Diyos at umasa sa Diyos. Nagtataglay ba ng karunungan ang gayong mga tao? Sila ang pinakahangal sa lahat ng tao, at sila ang uri ng tao na ang palagay sa sarili ay napakatalino nila; hindi sila natatakot sa Diyos at hindii lumalayo sa masama. Sinasabi ng ilang tao: “Naiintindihan ko ang maraming katotohanan at nagtataglay ng realidad ng katotohanan. Ayos lamang na gawin ang mga bagay nang may prinsipyo. Tapat ako sa Diyos at alam ko kung paano lumapit sa Diyos. Hindi pa ba sapat na umaasa ako sa katotohanan”? Ang “umasa sa katotohanan” ay mabuti naman, kung doktrina ang pag-uusapan. Ngunit maraming pagkakataon at maraming sitwasyon kung saan hindi alam ng mga tao ang katotohanan o ano ang mga prinsipyo ng katotohanan. Lahat ng may praktikal na karanasan ay alam ito mismo. Kapag may hinarap ka na ilang isyu, kung hindi mo alam kung paano isabuhay ang katotohanang kaugnay ng isyu na ito, o paano ito iaangkop, ano ang kailangan mong gawin sa mga pagkakataong tulad nito? Gaano man karami ang praktikal na karanasan mo, hindi mo maaaring taglaying lahat ang katotohanan sa lahat ng sitwasyon. Gaano man karaming taon ka pang naniwala sa Diyos, gaano mang karaming bagay ang naranasan mo, gaano man katinding pagpupungos, pakikitungo at pagdisiplina ang pinagdaanan mo, ikaw ba ang pinagmumulan ng katotohanan? Sinasabi ng ilang tao: Alam ko sa puso ko ang mga bantog na salita at talatang iyon sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Hindi ko na kailangang umasa sa Diyos o tumingin sa Diyos. Kapag dumating ang panahon, magiging ayos lang ako basta umasa lamang ako sa mga salitang ito ng Diyos.” Ang mga salitang isinaulo mo ay hidi nababago, ngunit ang mga kapaligirang kinabibilangan mo ay pabago-bago. Ang pag-intindi mo sa mga literal na salita at pagsasalita tungkol sa maraming espirituwal na doktrina ay hindi sapat para maunawaan mo ang katotohanan, at lalong hindi ito sapat para maunawaan mo ang kalooban ng Diyos sa bawat sitwasyon. Kaya may napakahalagang aral na matututuhan dito. Iyon ay ang pangangailangan ng mga tao na tumingin sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa pagtingin sa Diyos sa lahat ng bagay, matatamo ng mga tao ang pag-asa sa Diyos, at tanging yaon lamang na umaasa sa Diyos ang may landas na tatahakin. Kung hindi magkagayon, may isang bagay ka namang magagawa nang tama at nakaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, ngunit kung hindi ka aasa sa Diyos, kung gayon ang ginagawa mo ay ang gawain lang ng tao at hindi nangangahulugang nabibigyang-kasiyahan mo na ang Diyos. Dahil gayon lamang kababaw ang pagkaunawa ng mga tao sa katotohanan, malamang na sumunod sila sa mga panuntunan at patuloy na mangunyapit sa mga titik at doktrina sa pamamagitan ng gayunding katotohanan kapag humaharap sa iba’t ibang sitwasyon. Posible na maraming maisagawa kapag umaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, ngunit walang gabay ng Diyos, ni ng gawain ng Espiritu Santo. May malubhang problema rito, yaon ay ang paggawa ng mga tao ng maraming bagay na umaasa lang sa kanilang karanasan at sa mga panuntunan na naunawaan nila, at sa ilang imahinasyon ng tao. Ni hindi nila halos matamo ang pinakamagandang resulta, na nagmumula sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagtingin nila sa Diyos at pagdarasal sa Diyos, at sa pag-asa sa gawain ng Diyos, at pagkatapos ay umasa sa gawain at gabay ng Diyos. Kaya masasabi ko: Ang pinakadakilang karunungan ay ang tumingin sa Diyos at umasa sa Diyos lahat ng bagay.
—mula sa “Ang Mga Mananampalataya ay Dapat Munang Makaaninag sa Masasamang Kalakaran ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “kung ano ang ginagawa”.
0コメント