Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpak

Sagot: Hindi komo napatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay wala nang kasalanan ang tao, na hindi na sila nagkakasala o naging banal na sila. Pinatatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao. Ano talaga ang tinutukoy ng “kasalanan” sa kontekstong ito? Tinutukoy nito ang pakikiapid, pagnanakaw, atbp., anumang labag sa mga batas, kautusan o salita ng Diyos ay kasalanan. Kasalanan din ang kumalaban, tumuligsa o humatol sa Diyos. Anumang kalapastanganan sa Diyos ay kasalanan, na walang kapatawaran! Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging handog ang Panginoong Jesus para sa kasalanan ng sangkatauhan. Yaon lamang nanalangin sa Panginoon at nagsisi ang hindi parurusahan o mamamatay. Ibig sabihin, hindi na ituturing ng Diyos na makasalanan. Ang taong pinatawad sa kanyang mga kasalanan ay makapagdarasal nang direkta sa Panginoon at makakabahagi sa Kanyang biyaya. ‘Yan ang tunay na kahulugan ng “Pinatawad ang mga kasalanan.” Hindi komo pinatawad na ang mga kasalanan ng tao dahil sa handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan, tumigil na sila sa paggawa ng kasalanan at pagkalaban sa Diyos. Nananatili pa rin ang likas na pagkamakasalanan ng tao, kaya nagagawa pa rin nilang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos at ituring Siyang kaaway. Pa’no magiging marapat ang ganyang mga tao na makapasok sa kaharian ng langit? Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang mga kasalanan ng tao; hindi nito nilutas ang kanilang tiwaling disposisyon. Ang kayabangan sa utak, pagkamakasarili, kasakiman, panloloko at nananatili pa rin ang iba pang mga aspeto ng kanilang napakasamang disposisyon. Ang tiwaling disposisyong ito ay mas malalim at mas determinado kaysa kasalanan. Ito ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos. Pag hindi nalutas ang tiwali at napakasamang disposisyong ito, patuloy silang magkakasala, kakalaban sa Diyos, at hahatulan at tutuligsain Siya ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon at ideya. Pag nagdurusa at pinahihirapan sila, maaari nilang itanggi at itakwil pa ang Diyos tulad ng ginawa ni Judas. Kapag may kapangyarihan sila, maaari silang magtatag ng mga kaharian na malayang kakalaban sa Diyos. Nagnanakaw pa nga ng mga alay sa Diyos ang ilan at sinasaktan ang Kanyang disposisyon; parurusahan at papatayin sila ng Diyos. Karamihan ngayon ng mga pastor at pinuno ng mga relihiyon ay hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoong Jesus. Iniinterpret nila ang Biblia batay sa sarili nilang mga ideya. Itinuturing nilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao sa Biblia. Pinupuri nila ang mga salita ng mga tao sa halip na patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Dahil dito, mga tao ang sinasamba at sinusunod ng mga tao, at walang lugar sa puso nila ang Panginoong Jesus. Ang mga nananalig na ito ay nabibitag at kontrolado ng mga pinuno ng mga relihiyon. Totoo ito lalo na pag nagbalik ang Panginoong Jesus para humatol. Hindi hinahanap o inaaral ng mga pastor at pinunong ‘yon ang gawain ng Diyos. Sa halip, tinutuligsa nila ang Kanyang gawain, at hinahatulan at nilalapastangan Siya. Nagtatahi-tahi sila ng mga kasinungalingan para linlangin ang mga nananalig at harangin ang iglesia. Hayagan nilang itinuturing na kaaway ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon. Ito ang pinakamalubhang pagkalaban sa Diyos. Kasalanan ito na walang kapatawaran! Mas nakakagulat pa ang kanilang kasamaan kaysa sa mga Fariseo sa pagkalaban sa Panginoong Jesus! Kung gayon, pag ‘di nalutas ang ugali ng mga tao na kalabanin ang Diyos, pag ‘di nalinis ang masama at tiwali nilang disposisyon, kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan para kalabanin ang Diyos. Pa’no makakapasok ang ganitong klaseng mga tao sa kaharian ng Diyos? Kung gayon, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala na iligtas ang sangkatauhan at sa mga aktuwal na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, nagpapahayag Siya ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan sa mga huling araw, at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain na tumutupad sa propesiya sa Biblia na, “[kailangang magsimula ang] paghuhukom sa bahay ng Dios,” at nilulutas ang pangunahing problema na ang tiwaling sangkatauhan ay kontrolado ng kanilang kademonyohan. Ganyan dahan-dahang kakawala ang tao mula sa kanilang tiwali at masamang disposisyon, titigil sa paghihimagsik at pagkalaban sa Diyos, magagawang sumunod at magpitagan sa Diyos. Noon lamang sila malilinis at makakapasok sa kaharian ng langit.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala