Tagalog Music Video | Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas
Tagalog Christian Music Video | "Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas"
I
Ang gawain ng Banal na Espiritu'y araw-araw nagbabago,
mas mataas sa bawat hakbang
nang may mas maraming pagbubunyag.
Ganito gumagawa ang Diyos
upang maperpekto ang sangkatauhan.
Kung di makasasabay ang tao, maaaring maiwan siya.
Kung walang pusong handang sumunod,
di siya makasusunod hanggang sa wakas.
II
Lipas na ang dating panahon, at bagong kapanahunan na ito.
Kapag dumarating ang bagong panahon,
bagong gawain ay dapat magawa.
At sa huling panahon kapag pineperpekto ng Diyos ang tao,
ang Diyos ay gagawa nang napakabilis,
ginagawa ang bagong gawain.
At kaya kung walang masunuring puso,
napakahirap sundan ang mga yapak ng Diyos!
Ang mga likas na sumusuway,
kusang kinakalaban gawa ng Diyos,
mapag-iiwanan sila, mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.
Tanging ang mga sumusunod,
masayang nagpapakumbaba ng sarili
ang makasusulong hanggang sa wakas, sa dulo ng landas.
III
Ang gawain ng Diyos ay hindi di-nagbabago
ni saklaw ng mga patakaran,
kundi ito'y laging mas bago, ito'y laging mas mataas.
Ang Kanyang gawa ay nagiging mas praktikal sa bawat hakbang,
mas lalong nakaayon sa aktuwal
na mga pangangailangan ng sangkatauhan.
Tanging kapag dumaan ang tao sa ganitong uri ng gawain,
maaaring magbago sa wakas ang kanyang disposisyon.
IV
Lumalago ang kaalaman ng tao tungkol sa buhay,
kung kaya't iniaangat ng Diyos Kanyang gawain.
Ganyang pineperpekto ng Diyos ang tao
at ginagawa siyang akma para magamit ng Diyos.
Kinakalaban, itinatama ng Kanyang gawa
ang mga pagkaunawa ng tao,
inaakay sila sa mas mataas, mas tunay na kalagayan,
ang pinakamataas na antas ng pananalig sa Diyos,
upang kalooban Niya'y matutupad.
Ang mga likas na sumusuway,
kusang kinakalaban gawa ng Diyos,
mapag-iiwanan sila, mabilis ang pagsulong ng gawain ng Diyos.
Tanging ang mga sumusunod,
masayang nagpapakumbaba ng sarili
ang makasusulong hanggang sa wakas, sa dulo ng landas.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
0コメント