Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Gawain ng Diyos ay Napakarunong

Shiji Lungsod ng Ma’anshan, Lalawigan ng Anhui

Noong panahon na nagtatrabaho ako bilang isang pinuno sa iglesia, madalas na nagbabahagi ang aking pinuno ng mga halimbawa ng mga pagkabigo ng iba para magsilbing aral sa amin. Halimbawa: Sinasabi lamang ng ilang pinuno ang mga sulat at doktrina ngunit nabigo silang banggitin ang kanilang sariling katiwalian o pakikipag-usap kaugnay ng kanilang pag-unawa kung paano naisasabuhay ang katotohanan sa tunay na buhay. Bilang resulta, sila ay hindi nakakapagsagawa ng praktikal na gawain, nagiging huwad na mga pinuno na dapat nang palitan. Ang ilang pinuno ay nagpapasikat, itinataas ang kanilang mga sarili at sumasaksi para sa kanilang mga sarili upang protektahan ang kanilang estado. Sa bandang huli, ang ganoong mga pinuno ay pinangunahan ang mga tao at naging mga anticristo na nakagawa ng lahat ng uri ng kasamaan at napaalis mula sa iglesia. Ang ilang pinuno, sa pagsasagawa ng kanilang gawain, ay nagpapakita ng labis na pagsasaalang-alang para sa kanilang sariling laman, nagnanasa ng paglilibang at hindi kailanman nagsasagawa ng tunay na gawain. Ang ganoong mga pinuno ay parang mga linta na nabubuhay sa mga pakinabang ng estado sa iglesia. Sa huli, sila ay nailantad at naalis. … Pagkarinig sa mga kuwentong ito ng pagkabigo, isang katanungan ang pumasok sa aking isipan: Hindi ba makapangyarihan ang Diyos? Dahil ang mga pinunong ito ay nagsasagawa ng kasamaan, tinututulan ang Diyos at iniimpluwensyahan sa negatibong paraan ang gawain ng iglesia, bakit hindi kaagad namagitan ang Diyos para ilantad at alisin ang mga huwad na pinunong ito? Sa ganitong paraan, hindi ba’t ang buhay ng aking mga kapatid at lahat ng gawain ng iglesia ay magiging ligtas mula sa kapahamakan? Ang katanungang ito ay nanatili sa aking isip nang walang kasagutan.

Ang Gawain ng Diyos ay Napakarunong!

Hanggang isang araw, nabasa ko ang sumusunod na sipi mula sa isang ermon: “Palaging pinupuna ng ilang tao ang mga pinuno ng bawat antas at gumagawa ng mga iresponsableng komento. Ano ang inilalantad ng ganitong pag-uugali sa mga taong ito? Inilalantad nito na sila ay mga mapagmataas at wala silang anumang pag-unawa sa gawain ng Diyos, at wala silang kakayahan na magkaroon ng tamang pag-unawa. Kung mababatid mo na ang taong ito ay nagkukulang sa gawain ng Banal na Espiritu at hindi dinadala ang mga pinili ng Diyos sa katotohanan sa pamamagitan ng kaniyang gawain, hindi ba ito nagpapatunay na ikaw ay nakapasok na sa katotohanan? Kung nakikita ng isang tao ang ganitong uri ng pangyayari—kung ang mga huwad na manggagawa o mga huwad na apostol ay magsulputan—ano ang tungkulin ng pinili ng Diyos? Paano lulutasin ng pinili ng Diyos ang ganitong sitwasyon? Paano nila pakikitunguhan ang ganitong uri ng isyu? Maaari ninyong isumbong ang isyung ito sa inyong mga nakatataas at ilantad ang taong sangkot. Magsagawa ng mga tamang paraan para mas marami pang pinili ng Diyos ang makaalam, at magsagawa ng angkop ng hakbang para maisumbong, mailantad, at magbigay ng mga mungkahi—hindi ba’t malulutas ang problema sa ganitong paraan? Kaya, kailangan ding pasanin ng pinili ng Diyos ang responsibilidad at kailangang alam nila ang tamang paraan para malutas ang ganoong mga bagay. Kung ang mga taong pinili ng Diyos ay walang katotohanan, siguradong hindi sila kikilos nang naaangkop sa paglutas sa ganitong mga isyu. Ang ilang tao ay may matibay na pagpapahalaga sa katarungan—hindi nila basta hahayaan ang mga gumagambala at sumisira sa gawain ng Diyos sa loob ng kanilang iglesia. Sa sandaling nakita nila ang ganoong tao, kaagad nilang isusumbong at ilalantad ang mga ito. Ang ilang tao ay tututol laban sa mga gumagambala o sumisira, samantalang ang iba ay bulag na susunod. Ang ilang tao ay bulag na sumasamba at sumusunod sa pinuno kahit sino man siya, ang iba ay kumikilos nang walang pag-unawa, sumusunod at tinatanggap ang anumang sinasabi ng sinuman. Kaya tingnan mo, sa ganitong paraan, lahat ng uri ng tao ay nailalantad. Kapag nangyayari ang mga bagay na katulad nito, talagaing inilalantad nila ang mga tao, at sa likod ay naroon ang mabuting hangarin ng Diyos. Kung ang mga taong pinili ng Diyos ay may matibay na pag-unawa sa katotohanan, kung gayon ang karamihan sa kanila ay makakaalam, tututol at tatalikuran ang mga huwad na apostol at mga huwad na manggagawa kapag sila ay nagsulputan. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na ang buhay pinili ng Diyos ay marunong na at natuto na, na ganap na nilang natanggap ang kaligtasan at sila ay nakatamo at nagawa nang kumpleto ng Diyos. Kung gayon, ang magagandang hangarin ng Diyos ay nasa likod ng lahat ng nangyayari” (“Paano Malalaman ang mga Kuro-kuro at Paghahatol ng Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay III). Lubusan nitong nilutas ang aking kalituhan. Ang naging kinalabasan nito, hinahayaan ng Diyos ang mga huwad na apostol at mga huwad na manggagawa na lumitaw sa loob ng ating iglesia, dahil pinahihintulutan nito ang Diyos na ilantad ang lahat ng uri ng tao. Pinahihintulutan Siya na itanim ang katotohanan sa kalooban ng mga tao at bigyan ang mga tao ng pagkilala at kaalaman, upang mabatid nila ang katotohanan at isabuhay ang salita ng Diyos. Ang lahat ng naghahanap sa katotohanan at may matibay na pagpapahalaga sa katarungan ay titindig at magsusumbong, ilalantad, tututulan at iiwanan ang mga gawain ng mga huwad na apostol at mga huwad na manggagawa kapag sila ay gumagawa ng mga gawaing masama at gumagambala sa gawain ng iglesia, para mapangalagaan ang mga karapatan ng iglesia at maging saksi para sa Diyos. Dahil kulang sila sa pagkilala, nakakaya lamang nilang makisabay sa mga masa, bulag na sumusunod at sumasang-ayon sa iba, silang mga hindi naghahanap sa katotohanan, ngunit walang pakundangang sumusunod sa iba at humahantong sa pakikipagsabwatan sa mga gumagawa ng masama. Dahil wala silang pagmamahal sa katotohanan, ngunit sumasamba at sumusunod lamang sa iba, silang mga mabababang nagtataguyod at sumisipsip sa mga maimpluwensya ay malilinlang ng mga huwad na apostol at mga huwad na manggagawa. Dahil hindi nila nakikilala ang gawain ng Diyos, ang mga mapagmataas at mga wala sa katuwiran ay maghahayag lamang ng opinyon at magkakaroon ng mga pananaw tungkol sa gawain ng iglesia at pagdududahan o hahatulan pa ang gawain ng Diyos. Dahil dito, sila ay mailalantad. Malinaw na malinaw, ang gawain ng Diyos ay nakaparunong! Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng mga bagay na ito na taliwas sa mga pananaw ng mga tao para ilantad, sanayin at gawing perpekto ang tao. Yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos at naghahanap sa katotohanan ang may kakayahan na hanapin ang katotohanan, maunawaan ang kalooban ng Diyos, isinasabuhay ang katotohanan, at nabubuhay na saksi para pasayahin ang Diyos at tanggapin ang lunas at pagka-perpekto ng Diyos. Yaong mga hindi naghahanap sa katotohanan ay isinasalamin lamang ang mga salita ng iba, bulag na sumasamba, o naghahatol sa Diyos batay sa konteksto ng kanilang sariling mga pananaw at imahinasyon. Dahil dito, sila ay nailantad at naalis. Naisip ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos, “Sa pamamagitan ng maraming mga negatibong bagay, maraming mga kagipitan ginagawa kang perpekto ng Diyos. Sa pamamagitan ng maraming mga pagkilos ni Satanas, mga paratang, at pagpapahayag nito sa maraming mga tao na tinutulutan ka ng Diyos na magtamo ng pagkakilala, sa gayon ay ginagawa kang perpekto” (“Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tunay ngang ito ay totoo. Maaaring ipagpalagay ng mga tao ang isang pangyayari bilang masama o negatibo, ngunit kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng masamang sitwasyong ito para hayaan ang mga tao na makatamo ng pagkilala at karunungan. Siya ay kumikilos sa pamamagitan ng sitwasyong ito para mabatid ng mga tao ang katotohanan, makilala ang karunungan, pagkamakapangyarihan at kahanga-hangang mga gawain ng Diyos at makita ang mga plano ni Satanas para talikuran si Satanas at manumbalik sa Diyos. Ito ang kahulugan sa likod ng pagsasagawa ng Diyos sa pamamagitan ng bagay na hindi naaayon sa mga pananaw ng mga tao para gawing perpekto ang tao. Kung kaagad na inilantad at inalis ng Diyos ang mga huwad na pinuno at mga huwad na manggagawa pagkatapos silang lumitaw, ang mga tao ay malilinlang ng mga mababaw na sakripisyo at mga pamumuhunan ng mga pinuno at manggagawa dahil wala silang kakayahan na maunawaan ang katotohanan at bilang resulta ng kanilang kawalan ng kakayahan na makilala at makita ang tunay na kalikasan ng iba. Bilang resulta, maaari silang magkaroon ng mga pananaw at paghatol sa gawain ng Diyos, ihayag ang mga hinanakit at ipagtanggol pa ang inaakalang kawalan ng katarungan na natamo nitong mga huwad na pinuno at mga huwad na manggagawa. Sa ganitong paraan, hindi magagawa ng Diyos na makamit ang Kaniyang layunin na gawing perpekto ang tao. Hindi pinabayaan ng Diyos na ilantad itong mga huwad na pinuno at mga huwad na manggagawa dahil hindi Siya makapangyarihan o dahil hindi Niya nakita ang kanilang pagkahuwad. Sa halip, ginusto Niyang palabasin ang mga negatibong gawaing ito bilang paraan para sanayin ang mga tao na makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu at sila na hindi, sa pagitan ng tunay at huwad na mga pinuno at manggagawa, at sa pagitan ng mga taong nagsasabi sa mga doktrina at sila na taglay ang pagsasabuhay ng katotohanan. Ginusto Niyang sanayin tayo na makita ang puso ng mga taong naghahanap sa katotohanan at nagtataglay ng pagpapahalaga sa katarungan at ng mga taong hindi naghahanap sa katotohanan at nagkukulang sa pagkilala, at yaong mga taong mapagmataas na patuloy na nagtataglay ng mga pananaw tungkol sa gawain ng Diyos. Sa sandaling naunawaan na ng lahat ng tao ang katotohanan, naisabuhay na ang salita ng Diyos, at naging pag-aari na ng Diyos, yaong mga huwad na apostol, mga huwad na pinuno at mga huwad na manggagawa ay nakapagsilbi na sa kanilang layunin. Sa ganitong paraan, kapag lubusang naalis na ng Diyos ang mga taong ito, hindi lamang mauunawaan ng mga tao ang Diyos, pupurihin nila ang Kaniyang pagkamatuwid at pagkamakapangyarihan. Malinaw na malinaw, ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng mga masama at negatibong pangyayaring ito para hayaan ang mga tao na mabatid ang katotohanan, makilala ang iba’t ibang uri ng tao at magkaroon ng tunay na pag-unawa sa tunay na gawain ng Diyos.

Maraming Salamat Diyos ko para sa Iyong paglilinaw at pamamatnubay, na nagpahintulot sa akin para maunawaan na ang mabuting layunin at karunungan ng Diyos ay naroroon kahit sa mga pangyayari na hindi naaayon sa mga pananaw ng mga tao. Kagaya ng sinasabi ng salita ng Diyos, “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas,” at “Minamaniobra ng Diyos ang lahat ng mga bagay upang maglingkod sila sa Kanya” para ilantad at gawing perpekto ang tao sa pinakamakahulugang paraan. Balang araw, isinusumpa ko na hindi ko gagamitin ang aking mababang pananaw bilang tao para sukatin ang mga sitwasyon, mabuti man o masama. Sa lahat ng bagay na aking gagawin, isinusumpa ko na hahanapin ko lamang ang katotohanan, hahangarin na makilala ang karunungan at pagkamakapangyarihan ng Diyos, at ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at sino Siya para tunay na maunawaan ang katotohanan at mapasaakin ang katotohanan.