Salita ng Diyos | IX Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag sa Napakasamang Disposisyon ng Tiwal

1. Ang pagsalungat at pagka-mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil siya ay nagawang tiwali na ni Satanas, ang konsensya ng tao ay naging manhid na, siya ay imoral, ang kanyang mga saloobin ay sumasama, at siya ay may paurong na pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumalima sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos magawang tiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinahina ni Satanas. Kaya, nawala na niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis na, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya na ng sa hayop, at ang kanyang pagka-mapanghimagsik sa Diyos ay nagiging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. Ang pahayag ng disposisyon ng tao ay ang pagpapahayag ng kanyang katinuan, pananaw at konsensya, at sapagkat ang kanyang katinuan at pananaw ay hindi batay sa katotohanan, at ang kanyang konsensya ay sukdulang pumurol, kaya ang kanyang disposisyon ay mapaghimagsik laban sa Diyos. Kung ang katinuan at pananaw ng tao ay hindi maaaring baguhin, kung gayon ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay hindi isinasaalang-alang, ganoon din ang kalugdan ng puso ng Diyos. Kung ang katinuan ng tao ay hindi batay sa katotohanan, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya akmang gamitin ng Diyos. “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit hinahatulan pa rin Siya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.

—mula sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Ang sanhi ng pahayag ng tiwaling disposisyon ng tao ay walang iba kundi ang kanyang mapurol na konsensya, kanyang malisyosong kalikasan at kanyang wala sa katotohanang katinuan; kung ang konsensya at katinuan ng tao ay maibabalik sa normal, siya ay magiging akmang magamit sa harap ng Diyos. Ito ay dahil ang konsensya ng tao ay matagal nang manhid, ang katinuan ng tao kailanma’y ’di batay sa katotohanan, at lalo pang pumupurol habang ang tao ay lalo pang naghihimagsik sa Diyos, kaya nga ipinako pa niya si Jesus sa krus at hindi pinapasok ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw sa kanyang tahanan, at hinusgahan ang katawang-tao ng Diyos, at itinuturing pa ang katawang-tao ng Diyos bilang hamak at mababa. Kung ang tao ay mayroong kahit na kaunting pagkatao, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa nagkatawang-taong Diyos; kung mayroon siya kahit na kaunting katinuan, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawang-tao ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit na kaunting konsensya, hindi siya magiging masyadong “nagpapasalamat” sa Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan. Ang tao ay nabubuhay sa panahon na ang Diyos ay naging tao, nguni’t hindi niya magawang magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng ganoong kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinusumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at para bang tutol siya rito at nayayamot ukol dito. Hindi alintana paano man tinatrato ng tao ang pagdating ng Diyos, ang Diyos, sa madaling sabi, ay laging nagpatuloy na sa Kanyang gawain kahit anupaman—kahit na ang tao ay wala ni katiting na pagbati ng pagsalubong sa Kanya, at walang taros na humihiling sa Kanya. Ang disposisyon ng tao ay naging napakasama, ang kanyang katinuan ay naging napakapurol, at ang kanyang konsensya ay lubusan nang niyurakan ng masama at matagal nang tumigil bilang orihinal na konsensya ng tao. Ang tao ay hindi lang walang utang na loob sa Diyos na nagkatawang-tao sa pagkakaloob Niya ng gayong buhay at biyaya sa sangkatauhan, ngunit lalo pa ngang naghihinakit sa Diyos sa pagbibigay Niya sa kanya ng katotohanan; ito ay sapagkat ang tao ay wala ni kaunting interes sa katotohanan kaya siya ay naghihinakit sa Diyos. Ang tao ay hindi lang sa walang kakayahang ialay ang kanyang buhay para sa Diyos na nagkatawang-tao, ngunit nagsisikap din siyang makakuha ng mga pabor sa Kanya, at umaangkin ng mga pakinabang na dose-dosenang beses na mas marami kaysa sa naipagkaloob ng tao sa Diyos. Ang mga tao na may gayong konsensya at katinuan ay itinuturing ang lahat ng ito bilang nakatakda, at patuloy na naniniwala na sila ay gumugol na nang napakarami sa Diyos, at ang Diyos ay nakapagbigay lamang ng kaunti sa kanila. May mga tao na nakapagbigay lang sa Akin ng isang mangkok ng tubig ngunit naglahad ng kanilang mga kamay at ang hininging kapalit[a] ay dalawang mangkok ng gatas, o nakapagbigay sa Akin ng isang kuwarto para sa isang gabi nguni’t nagtangkang singilin Ako ng mas maraming beses para sa bayad sa pagpapatira. Sa gayong pagkatao, at sa gayong konsensya, paano ninyo magagawang naisin pa na matamo ang buhay? Kayo ay mga kasuklam-suklam na sawing-palad!

—mula sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao ay naging manhid at mapurol ang pag-iisip, isang demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang sa ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay naitala na sa mga aklat ng kasaysayan kung saan hindi man lang kayang isalaysay nang buo ng tao ang kanyang mga mapag-alsang gawi—sapagkat ang tao ay nagawang tiwali na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas na anupa’t hindi niya nalalaman kung saan tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kanya, at kapag hindi niya makikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon ngang iba na kahit nakasaksi na sa mga sumpa ng Diyos at sa poot ng Diyos, ay pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya masasabi Ko na ang katinuan ng tao ay wala na sa orihinal na gamit, at ang konsensya ng tao, gayundin, ay wala na sa orihinal na gamit. Ang tao na Aking itinatangi ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man siya magmukhang kahabag-habag sa Aking mga mata, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagkat ang tao ay wala nang unawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng totoo at di-totoo. Ang katinuan ng tao ay masyadong nagiging manhid, ngunit siya ay patuloy na naghahangad ng mga pagpapala; ang kanyang pagkatao ay nagiging masyadong walang-dangal ngunit naghahangad pa rin siya na taglayin ang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya sa gayong katauhan mauupo sa isang trono? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais na makamtan ang mga pagpapala, ipinapayo Kong humarap muna kayo sa salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang katangian ng pagiging hari? Taglay mo ba ang katangian ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala ka pa ring ginawa ni katiting na pagbabago sa iyong mga disposisyon at hindi mo isinasagawa ang katotohanan, ngunit ikaw ay naghahangad pa rin ng isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo lang ang iyong sarili!

—mula sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Ang mga mapanirang impluwensya sa kalaliman ng puso ng tao na naiwan ng libu-libong taon ng “matayog na diwa ng pagiging makabayan” at pati na rin ang pyudal na pag-iisip kung saan ang mga tao ay nakatali at nakakadena, nang wala ni ga-tuldok na kalayaan, walang paninindigang maghangad o magtiyaga, walang pagnanais na umunlad, sa halip ay nananatiling walang-pagkilos at paúróng, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin, at kaya ang obhetibong mga salik na ito ay nagbahagi ng isang di-mabuburang marumi at pangit na anyo sa pangkaisipang pananaw, mga simulain, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang teroristang mundo ng kadiliman, na walang sinuman sa kanila ang naglalayong pangibabawan, at walang sinuman sa kanila ang nag-iisip na sumulong sa isang mundong uliran; sa halip, kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay, ang gugulin ang kanilang mga araw sa panganganak at pagpapalaki ng mga anak, nagsusumikap, nagpapapawis, nagtatrabaho, nangangarap ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng pagmamahal ng asawa, ng paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang, ng kagalakan sa kanilang katandaan habang matiwasay na isinasabuhay ang kanilang mga buhay …. Sa loob ng mga dekada, ng libu-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang mga oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng isang buhay na perpekto, lahat ay naghahangad lamang na makipagpatayan sa madilim na mundong ito, nakikipagkarera para sa katanyagan at kapalaran, at sa pang-iintriga laban sa isa’t isa. Sino ang kahit kailan ay naghanap sa kalooban ng Diyos? Mayroon bang sinuman na kahit kailan ay pumansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng pagkatao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao mula noon, kaya lubos na mahirap isakatuparan ang gawain ng Diyos, at mas lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon.

—mula sa “Gawain at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ang kalikasan ng tao ay ganap na naiiba sa Aking kakanyahan; ito ay sapagka’t ang tiwaling kalikasan ng tao ay buong nagmumula kay Satanas at ang kalikasan ng tao ay naproseso na at nagawang tiwali na ni Satanas. Iyan ay, nananatili ang tao sa ilalim ng impluwensiya ng kasamaan at kapangitan nito. Ang tao ay hindi lumalaki sa isang mundo ng katotohanan o sa isang banal na kapaligiran, at dagdag pa hindi namumuhay sa liwanag. Samakatuwid, hindi posible para sa katotohanan na likas na mataglay sa loob ng kalikasan ng bawat tao, at dagdag pa hindi sila maipapanganak na may takot-sa-Diyos at sumusunod-sa-Diyos na kakanyahan. Sa kabaligtaran, sila ay nagtataglay ng isang kalikasan na tumututol sa Diyos, sumusuway sa Diyos, at walang pagmamahal para sa katotohanan. Ang kalikasang ito ay ang problemang nais Kong pag-usapan—ang pagkakanulo.

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Ang pag-iral ng sangkatauhan ay nababatay naman sa pagkakatawang-tao ng kaluluwa. Sa ibang salita, bawat tao ay nagtatamo ng isang pantaong buhay ng laman sa pagkakatawang-tao ng kanilang kaluluwa. Pagkatapos na ang katawan ng isang tao ay naipanganak, ang buhay na iyon ay nagpapatuloy hanggang sa pinakamalaking limitasyon ng laman, iyan ay, ang pangwakas na sandali kung kailan nililisan ng kaluluwa ang balat nito. Ang prosesong ito ay muli’t muling nauulit sa kaluluwa ng isang tao na dumarating at umaalis, at dumarating at umaalis, sa gayon ay napapanatili ang pag-iral ng buong sangkatauhan. Ang buhay ng laman ay ang buhay din ng kaluluwa ng tao, ang kaluluwa ng tao ay sumusuporta sa pag-iral ng laman ng tao. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng bawat tao ay nagmumula sa kanilang kaluluwa; hindi ang kanilang laman ang orihinal na may buhay. Sakamatuwid, ang kalikasan ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa, hindi mula sa kanilang laman. Tanging ang kaluluwa ng bawat tao ang nakakaalam kung paano sila napasailalim na sa mga tukso, mga paghihirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi ito malalaman ng laman ng tao. Kaya, ang sangkatauhan ay hindi-sinasadyang nagiging parumi nang parumi, pasámâ nang pasámâ at padilim nang padilim, habang ang distansiya sa pagitan Ko at ng tao ay palákí nang palákí, at ang mga araw ng sangkatauhan ay nagiging padilim nang padilim. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay lahat nasa abot-kamay ni Satanas. Sa gayon, hindi na kailangang sabihin pa na ang laman ng tao ay nasakop na rin ni Satanas. Paano maaaring ang laman na tulad nito at mga taong tulad nito ay hindi lumaban sa Diyos at maging likas na kaayon sa Kanya? Ang dahilan kung bakit si Satanas ay inihulog Ko sa hangin ay sapagka’t ipinagkanulo nito Ako, kung kaya paano mapapalaya ng mga tao ang kanilang mga sarili mula sa mga bunga nito? Ito ang dahilan kaya ang kalikasan ng tao ay pagkakanulo.

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ang pag-uugali na hindi maaaring lubusang sumunod sa Akin ay pagkakanulo. Ang pag-uugali na hindi maaaring maging tapat sa Akin ay pagkakanulo. Ang pandaraya sa Akin at paggamit ng mga kasinungalingan upang linlangin Ako ay pagkakanulo. Ang pagiging puno ng mga pagkaunawa at pagpapakalat sa kanila sa lahat ng dako ay pagkakanulo. Ang hindi pagpoprotekta sa Aking mga patotoo at mga interes ay pagkakanulo. Ang pagpeke ng isang ngiti kapag ang isa ay iniwan Ako sa kanilang puso ay pagkakanulo. Ang mga pag-uugaling ito ay lahat mga bagay na palaging may kakayahan kayo, at ang mga ito ay karaniwan din sa gitna ninyo. Wala ni isa sa inyo ang maaaring mag-isip na iyon ay isang problema, ngunit hindi iyon ang iniisip Ko. Hindi Ko maaaring tratuhin ang pagkakanulo sa Akin bilang isang bagay na walang kabuluhan, at saka hindi Ko maaaring di-pansinin ito. Ako ay gumagawa sa gitna ninyo ngayon ngunit kayo ay ganito pa rin. Kung isang araw ay walang sinuman ang naroon na mangangalaga at magbabantay sa inyo, hindi ba kayong lahat ay magiging mga hari ng burol?[b] Sa oras na iyon, sino ang mag-aayos ng gusot pagkatapos kapag nakagawa kayo ng isang malaking sakuna?

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Huwag magtiwala sa swerte na kayo ay walang kalikasan ng pagkakanulo dahil lamang sa hindi kayo nagkasala sa sinuman. Kung ganoon ang iyong iniisip sa gayon ikaw ay masyadong kasuklam-suklam. Ang mga salita na nabigkas Ko sa bawat oras ay nakatudla sa lahat ng tao, hindi lamang sa isang tao o isang uri ng tao. Dahil lamang sa hindi mo Ako ipinagkanulo sa isang bagay ay hindi nagpapatunay na hindi mo maaaring ipagkanulo Ako sa kahit ano pa man. Ang ilang tao ay nawawala ang kanilang tiwala sa paghahanap ng katotohanan sa panahon ng mga kabiguan sa kanilang pagsasamang mag-asawa. Ang ilang tao ay tinatalikdan ang kanilang obligasyon na maging tapat sa Akin sa panahon ng pagkasira ng isang pamilya. Ang ilang tao ay iniiwan Ako alang-alang sa paghahanap sa isang sandali ng kagalakan at katuwaan. Ang ilang tao ay mas gugustuhin na mahulog sa isang madilim na bangin kaysa mabuhay sa liwanag at matamo ang kaluguran ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang ilang tao ay di-pinapansin ang payo ng mga kaibigan alang-alang sa pagbibigay-kasiyahan sa kanilang pagnanasa sa kayamanan, at kahit na ngayon ay hindi maaaring kilalanin ang kanilang mga pagkakamali at manumbalik. Ang ilang tao ay pansamantalang naninirahan lamang sa ilalim ng Aking pangalan upang matanggap ang Aking proteksiyon, habang ang iba ay naglalaan lamang ng kaunti sapagkat sila ay kumakapit sa buhay at takot sa kamatayan. Hindi ba ang mga ito at iba pang mga imoral at higit pa na di-kagalang-galang na mga kilos ay mga pag-uugali lamang na kung saan ang mga tao ay matagal nang ipinagkanulo Ako sa kailaliman ng kanilang mga puso? Siyempre, alam Ko na ang pagkakanulo ng mga tao ay hindi paunang binalak, ngunit ito ay isang natural na pahayag ng kanilang kalikasan. Walang sinuman ang nagnanais na ipagkanulo Ako, at bukod dito, walang sinuman ang masaya sapagkat gumawa sila ng isang bagay upang ipagkanulo Ako. Sa kabaligtaran, sila ay nanginginig na may takot, tama ba? Kaya nga kayo ba ay nag-iisip kung paano ninyo matutubos ang mga pagkakanulong ito, at kung paano ninyo maaaring baguhin ang kasalukuyang kalagayan?

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Lahat ng kaluluwa na ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng sakop ni Satanas. Tanging yaong mga naniniwala kay Cristo ang naihiwalay na, nailigtas mula sa kampo ni Satanas, at nadala sa kaharian ng ngayon. Ang mga taong ito ay hindi na namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Kahit ganoon, ang kalikasan ng tao ay nakaugat pa rin sa laman ng tao. Na ang ibig sabihin bagama’t ang inyong mga kaluluwa ay nailigtas na, ang inyong kalikasan ay nasa lumang anyo pa rin at ang pagkakataon na inyong ipagkakanulo Ako ay nananatili sa isandaang porsiyento. Kaya nga ang Aking gawain ay sadyang pangmatagalan, sapagka’t ang inyong kalikasan ay masyadong di-natitinag. Ngayon lahat kayo ay nagdurusa hanggang sa makakaya ninyo sa pagtupad ng inyong mga tungkulin, subali’t ang di-maikakailang katunayan ay ito: Bawat isa sa inyo ay may kakayahang ipagkanulo Ako at bumalik sa sakop ni Satanas, sa kampo nito, at bumalik sa inyong lumang mga pamumuhay. Sa panahong iyon, hindi magiging posible para sa inyo na magkaroon ng isang pilas ng pagkatao o anyo ng isang tao gaya ninyo ngayon. Sa seryosong mga kaso, kayo ay mawawasak at saka mapapahamak nang walang-hanggan, kailanman ay hindi na magkakatawang-tao muli kundi matinding mapaparusahan. Ito ang problemang nakalatag sa harapan ninyo.

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo ay pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[c] at minsan ay niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas. Ito ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa inyo. Dapat ninyong matanto na kayo ay mga karumihan na matatagpuan sa di-umaagos na tubig at putik, bilang kabaligtaran sa kanais-nais na mga huli kagaya ng isda at hipon, sapagkat walang kagalakan ang maaaring tamasahin mula sa inyo. Sa tahasang pananalita, kayo ay mga miyembro ng pinakamababang katayuan sa lipunan, mga hayop na mas malala pa kaysa mga baboy at mga aso. Sa tapat na pananalita, ang patungkulan kayo sa gayong mga salita ay hindi labis na pagpapahayag o kalabisan, ngunit ito ay isang paraan upang pagaanin ang usapin. Ang patungkulan kayo sa gayong mga salita sa totoo lang ay isang paraan upang kayo ay bigyang galang. Ang inyong kabatiran, pananalita, pag-uugali bilang mga tao, at ang lahat ng bagay sa inyong buhay—kabilang ang inyong katayuan sa putik—ay sapat upang patunayan na ang inyong pagkakakilanlan ay “higit sa karaniwan.”

—mula sa “Ang Likas na Pagkakakilanlan ng Tao at ang Kanyang Halaga: Ano ang mga Ito?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ayaw ng tao na matamo ang Diyos, ayaw niyang gugulin ang kanyang mga ari-arian para sa Diyos, at ayaw niyang maglaan ng magpakailanmang pagsisikap sa Diyos, at sa halip sinasabi na ang Diyos ay lumabis na, na maraming tungkol sa Diyos ang magkasalungat sa pagkaintindi ng tao. Sa ganitong uri ng pagkatao, kahit walang humpay ang inyong mga pagsisikap hindi pa rin ninyo matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, huwag nang sabihin ang katotohanan na hindi ninyo hinahangad ang Diyos. Hindi ba ninyo alam na kayo ang depektibong produkto ng sangkatauhan? Hindi ba ninyo alam na walang katauhan ang higit na mas mababa kaysa sa inyo? Hindi ba ninyo alam kung ano ang “pamitagan na titulo” ninyo? Yaong mga tunay na umiibig sa Diyos ay tinatawag kayong mga ama ng lobo, mga ina ng lobo, mga anak ng lobo, mga apo ng lobo, kayo ang lahi ng mga lobo, ang mga tao ng lobo, at kailangan ninyong malaman ang inyong sariling pagkakakilanlan at kailanman ay huwag limutin ito. Huwag isipin na kayo ay sinumang nakatataas na tao: Kayo ang pinaka-kasuklam-suklam na grupo ng mga hindi-tao sa gitna ng sangkatauhan. Hindi ba ninyo alam ang alinman dito? Hindi ba ninyo alam kung gaanong panganib ang sinuong Ko upang gumawa sa gitna ninyo? Kung ang inyong katinuan ay hindi maibabalik sa normal, at ang inyong konsensya ay hindi gagana nang normal, kung gayon ay hindi kayo kailanman makalalaya sa bansag na “lobo”, hindi ninyo kailanman matatakasan ang araw ng sumpa, kailanman ay ’di matatakasan ang araw ng inyong kaparusahan. Kayo ay isinilang na mababa, isang bagay na walang kabuluhan. Kayo sa inyong kalikasan ay pangkat ng mga gutom na lobo, isang tumpok ng latak at basura, at, hindi kagaya ninyo, hindi Ako gumagawa sa gitna ninyo upang makakuha ng mga pabor, ngunit dahil sa pangangailangan sa gawain. Kung kayo ay magpapatuloy sa pagiging mapaghimagsik sa ganitong paraan, kung gayon ay ititigil Ko ang Aking gawain, at hindi na kailanman gagawa ulit sa gitna ninyo, bagkus, ililipat Ko ang aking gawain sa isa pang grupo na napalulugod Ako, at sa ganitong paraan ay iiwan kayo magpakailanman, sapagkat hindi Ko gustong tingnan ang mga nakikipag-alitan sa Akin. Kaya kung ganoon, nais ba ninyong maging kaayon sa Akin, o makipag-alitan sa Akin?

—mula sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makikita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, ang gayong “makalupang paraiso,” saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paano maaaring ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng tiwaling pamilyang ito ng tao ay sumaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan maaaring mag-umpisa ang isa na magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang tiwali ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging nilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama.

—mula sa “Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao



Buong Teksto:https://tl.kingdomsalvation.org/satanic-disposition-of-corrupt-mankind.html