Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan

Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.

Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang mga salita lang ng Panginoong Jesus ang may awtoridad at katotohanan. Ang imahinasyon ng tao'y hindi katotohanan at hindi rin pamantayan para makapasok sa kaharian ng langit. Tungkol sa “kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya” na pinag-uusapan natin, ang “kaligtasang” ito ay ang mapatawad lang ang mga kasalanan ng tao, hindi ang mahatulan o maparusahan ng kamatayan ayon sa batas. Hindi nito ibig sabihin na ang taong “naligtas” ay makakatahak sa landas ng Diyos, napawalang-sala, at naging banal na. Hindi nito ibig sabihin na makakapasok siya sa kaharian ng langit. Kahit napatawad na ang ating kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, may kasalanan pa rin tayo. Puwede pa rin tayong magkasala nang madalas at kalabanin ang Diyos. Patuloy tayong nagkakasala sa buhay pagkatapos ay inaamin natin ito. Pa’no makakapasok ang gano’ng mga tao sa kaharian ng langit? Sabi sa Biblia, “At ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Kung sinasabi mo na makakapasok ang mga madalas magkasala sa kaharian ng langit, hindi ‘yan totoo. Sinasabi mo ba, ang marumi at tiwaling mga taong ‘yon na madalas magkasala, maninirahan sa kaharian ng langit? Nakakita ka na ba ng marumi at masamang tao sa kaharian ng langit? Ang Panginoon ay matuwid at banal. Papapasukin ba ng Panginoon ang mga madalas magkasala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “At tunay ko ngang sinasabi sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34-35). Kaya nga, nakikita natin na ang mga patuloy na nagkakasala at di nagiging banal ay di makakapasok sa kaharian ng langit. Kung totoo ang sinasabi mo, at makakapasok nga ang mga nagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaharian ng langit, bakit ito sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi lahat ng tumatawag ng Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap lang ng kalooban ng Ama Ko sa langit”? Ba’t Niya sinabi na ihihiwalay Niya ang mga kambing sa mga tupa at ang trigo sa mga panirang damo? Kung gayon, hindi totoo na “Yaong mga iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ay papapasukin sa kaharian ng langit”! Tuwirang kinontra ng mga salita ng Panginoong Jesus ang paniniwalang ‘yan!

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala



Tagalog Gospel Reflections section features a variety of topics such as how to welcome the Lord, how to be wise virgins, how to be raptured into the heavenly kingdom, and how to know Christ. Click to learn more.