Mga Salita tungkol sa Matuwid na Disposisyon ng Diyos
26. Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga damdamin ng Diyos: ano ang Kanyang kinamumuhian, ano ang Kanyang kinasusuklaman, ano ang Kanyang iniibig, sino ang Kanyang tinutulutan, kanino Siya mahabagin, at anong uri ng tao ang nakatatanggap ng habag na iyon. Ito ay isang mahalagang punto na dapat malaman. Dagdag pa rito, dapat na malaman ng tao na gaano man mapagmahal ang Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal na mayroon Siya para sa mga tao, hindi tinutulutan ng Diyos ang sinuman na saktan ang Kanyang katayuan at kalagayan, ni hindi Niya tinutulutan ang sinuman na saktan ang Kanyang dignidad. Kahit mahal ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at Kanyang pagpapaubaya, ngunit hindi Siya kailanman nagsulsol sa kanila; Taglay Niya ang Kanyang mga prinsipyo at Kanyang mga hangganan. Gaano man kalawak ang naramdaman mong pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, hindi mo dapat kailanman tratuhin ang Diyos sa paraan ng pagtrato mo sa isa pang tao. Bagamat totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na malapit sa Kanya, kung tinitingnan ng isang tao ang Diyos bilang isa pang tao, na parang Siya ay isa lamang katauhan sa paglikha, gaya ng isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at pababayaan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at hindi Niya tinutulutan ang sinuman na nagtatrato sa Kanya nang basta-basta lang sa isyung ito. Kaya ito ang palaging sinasabi ng disposisyon ng Diyos sa Kanyang Salita: Hindi alintana gaano man karami ang mga daan na iyong nilakbay, gaano man karami ang gawain na iyong ginawa o gaano man karami ang iyong tiniis, sa sandaling magkasala ka sa disposisyon ng Diyos, gagantihan Niya ang bawat isa sa inyo batay sa inyong ginawa. Ibig sabihin nito ay itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang malapit sa Kanya, ngunit hindi dapat ituring ng mga tao ang Diyos bilang isang kaibigan o isang kaanak. Huwag ituring ang Diyos bilang iyong kaibigan. Gaano man karami ang pagmamahal na natanggap mo mula sa Kanya, gaano man karaming pagpapaubaya ang ibinigay Niya sa iyo, hindi mo dapat kailanman ituring ang Diyos bilang isang kaibigan lamang. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
27. Ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala ang Kanyang bukod-tanging diwa; ang poot ng Diyos ang Kanyang bukod-tanging disposisyon; ang kamahalan ng Diyos ang Kanyang bukod-tanging diwa. Ang prinsipyo sa likod ng galit ng Diyos ay naglalarawan sa pagkakakilanlan at katayuan na Siya lamang ang nagtataglay. Hindi na kailangang banggitin ng sinuman na ito ay sagisag din ng diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang sariling likas na diwa. Hindi ito nagbabago kahit kailan sa pagdaan ng panahon, ni magbago man kapag nagbabago ang lokasyon. Ang Kanyang likas na disposisyon ay ang Kanyang tunay na diwa. Hindi alintana kung kanino man Niya iniuukol ang Kanyang ginagawa, hindi nagbabago ang Kanyang diwa, at maging ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag ginalit ng isang tao ang Diyos, yaong Kanyang ipinadadala ay ang Kanyang likas na disposisyon; sa pagkakataong ito, ang prinsipyo sa likod ng Kanyang galit ay hindi nagbabago, ni maging ang Kanyang natatanging pagkakakilanlan at katayuan. Hindi Siya nagagalit dahil may nagbago sa Kanyang diwa o dahil ang Kanyang disposisyon ay nagbunga ng iba’t ibang mga elemento, kundi dahil ang pagsalungat ng tao sa Kanya ay nakakasala sa Kanyang disposisyon. Ang lantarang pagpapagalit ng tao sa Diyos ay isang matinding hamon sa sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa pananaw ng Diyos, kapag hinahamon Siya ng tao, kinakalaban Siya ng tao at sinusubok ang Kanyang galit. Kapag sinasalungat ng tao ang Diyos, kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kapag patuloy na sinusubok ng tao ang galit ng Diyos–na kung kailan din nagiging laganap ang kasalanan–ang poot ng Diyos ay natural na mabubunyag at makikita mismo. Samakatuwid, ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang poot ay sumisimbulo na lahat ng puwersa ng kasamaan ay titigil sa pag-iral; sumisimbulo ito na ang lahat ng puwersang salungat ay wawasakin. Ito ang pagiging natatangi ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ito ang pagiging natatangi ng poot ng Diyos. Kapag hinamon ang dignidad at kabanalan ng Diyos, kapag ang makatarungang mga puwersa ay hinadlangan at hindi nakita ng tao ang mga ito, ipadadala ng Diyos ang Kanyang poot. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng puwersang iyon sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtalo sa Kanya ay masasama, tiwali at hindi makatarungan; nagmula at kabilang ang mga ito kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, nasa liwanag at walang-bahid na banal, lahat ng bagay na masama, tiwali at kabilang kay Satanas ay maglalaho sa pagpapakawala ng poot ng Diyos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
28. Ang paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod ng Sodoma ang pinakamabilis Niyang paraan upang lubos na lipulin ang isang sangkatauhan o isang bagay. Ang pagsunog sa mga mamamayan ng Sodoma ay nagwasak ng higit pa sa kanilang mga pisikal na katawan; winasak nito ang kabuuan ng kanilang mga espiritu, kanilang mga kaluluwa at kanilang mga katawan, tinitiyak na ang mga tao sa loob ng lungsod na ito ay hindi na iiral sa kapwa mundong materyal at mundong hindi nakikita ng tao. Ito ay isang paraan kung saan ibinubunyag ng Diyos at ipinadarama ang Kanyang poot. Ang paraan ng pahayag at pagpapadamang ito ay isang aspeto ng diwa ng poot ng Diyos, gayundin, ito ay likas na pahayag ng diwa ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Kapag ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot, humihinto Siyang ibunyag ang anumang kaawaan o kagandahang loob, ni hindi na Niya ipinakikita pa ang Kanyang pagpapaubaya o pagtitiyaga; walang tao, bagay o dahilan na makahihimok sa Kanya upang patuloy na maging matiyaga, na muling ibigay ang Kanyang awa, at minsan pang ipagkaloob ang Kanyang pagpaparaya. Sa lugar ng mga bagay na ito, walang isa mang sandaling pag-aalinlangan, ipadadala ng Diyos ang Kanyang poot at kamahalan, gagawin kung ano ang Kanyang ninanasa, at isasagawa Niya ang mga bagay na ito sa isang mabilis at malinis na paraan ayon sa Kanyang sariling mga hangarin. Ito ang paraan kung saan ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot at kamahalan, na hindi dapat magkasala ang tao, at ito ay isa ring pagpapahayag ng isang aspeto ng Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag nasaksihan ng mga tao na nagpapakita ng pag-aalala at pagmamahal ang Diyos sa tao, hindi nila maramdaman ang Kanyang poot, makita ang Kanyang kamahalan o madama ang hindi Niya pagpapaubaya sa pagkakasala. Ang mga bagay na ito ang laging nagbubunsod sa mga tao na maniwala na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay tanging pagkaawa, pagpapaubaya at pagmamahal lamang. Gayunman, kapag nakita ng isang tao na winasak ng Diyos ang isang lungsod o kinamuhian ang sangkatauhan, ang Kanyang poot sa pagwasak sa tao at ang Kanyang kamahalan ang nagbibigay-daan sa mga tao na masilayan ang kabilang panig ng matuwid Niyang disposisyon. Ito ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala. Ang disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti ang pagkakasala ay lumalampas sa imahinasyon ng anumang nilikhang nilalang, at sa gitna ng mga di-nilikhang nilalang, walang may kakayahang pakialaman ito o antigin ito; at higit sa lahat, hindi ito kayang gayahin o tularan. Sa gayon, ang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos ang siyang dapat pinakamabuting kilalanin ng sangkatauhan. Tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng disposisyon, at tanging Diyos Mismo ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng disposisyon. Ang Diyos ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng matuwid na disposisyon dahil nasusuklam Siya sa kasamaan, kadiliman, pagka-mapanghimagsil at sa mga masamang gawa ni Satanas–pagtitiwali at paglamon sa sangkatauhan–sapagkat kinasusuklaman Niya ang lahat ng gawa ng kasalanan sa paglaban sa Kanya at dahil sa Kanyang banal at walang-dungis na diwa. Ito ang dahilan kaya hindi Niya hahayaan ang sinumang nilikha o di-nilikhang nilalang na hayagang salungatin o labanan Siya. Kahit ang isang indibidwal na pinagpakitaan Niyang minsan ng awa o pinili ay kailangan lamang pukawin ang Kanyang disposisyon at labagin ang Kanyang prinsipyo ng katiyagaan at pagpaparaya, at pakakawalan Niya at ibubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon na wala kahit katiting mang awa o pag-aalinlangan–isang disposisyon na hindi kinukunsinti ang pagkakasala.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
29. Bagaman ang pagbuhos ng poot ng Diyos ay isang aspeto ng pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon, ang galit ng Diyos ay siguradong walang kinikilingan kung sino ang layon nito o hindi ito walang prinsipyo. Sa kabaligtaran, hindi naman kahit kailan madaling magalit ang Diyos, ni padalus-dalos na ibinubunyag ang Kanyang poot at Kanyang kamahalan. Dagdag pa rito, ang poot ng Diyos ay lubhang kontrolado at sukat; hindi ito maikukumpara kahit kailan sa kung paanong ang tao ay magsisiklab sa isang matinding poot o magbubulalas ng kanyang galit. Maraming pag-uusap sa pagitan ng tao at ng Diyos ang nakatala sa Biblia. Ang mga sinasabi ng ilan sa mga inidibiduwal na ito ay mabababaw, walang alam, at parang bata, ngunit hindi sila pinabagsak ng Diyos, ni hinatulan man. Isang halimbawa, sa panahon ng pagsubok kay Job, paano pinakitunguhan ng Diyos na si Jehova ang tatlong kaibigan ni Job at ang iba pa pagkatapos Niyang marinig ang mga salitang kanilang sinabi kay Job? Hinatulan ba sila ng Diyos? Nagsiklab ba Siya sa matinding pagkagalit sa kanila? Wala Siyang ginawang ganoon! Sa halip sinabi Niyang makiusap si Job sa kanila, na ipanalangin sila; sa kabilang banda, hindi matinding dinamdam ng Diyos ang kanilang mga pagkakamali. Ang mga pangyayaring ito ay kumakatawan lahat sa pangunahing saloobin kung paanong pinakikitunguhan ng Diyos ang tiwali, mangmang na sangkatauhan. Samakatuwid, ang pagpapakawala ng poot ng Diyos ay hindi isang pagpapahayag o paglalabas ng Kanyang nararamdaman. Ang poot ng Diyos ay hindi isang ganap na pagsabog ng galit gaya nang pagkaunawa ng tao rito. Hindi pinakakawalan ng Diyos ang Kanyang poot dahil sa hindi Niya kayang kontrolin ang Kanyang sariling damdamin o dahil ang Kanyang galit ay nakaabot na sa punto ng pagkulo at dapat nang ilabas. Sa kabaligtaran, ang Kanyang poot ay pagpapakita ng Kanyang matuwid na disposisyon at isang tunay na pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon; ito ay isang sumasagisag na pahayag ng Kanyang banal na diwa. Ang Diyos ay poot, hindi kinukunsinti ang pagkakasala– hindi nito sinasabi na ang galit ng Diyos ay hindi kumikilala sa gitna ng mga dahilan o walang prinsipyo; ang tiwaling sangkatauhan ang tanging nag-aangkin sa walang prinsipyo, walang-katiyakang pagbulalas ng matinding galit na hindi kumikilala sa gitna ng mga dahilan. Sa sandaling magkaroon na ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang ibunyag lamang ang kanyang kakayahan at malaman ng ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas na ilalabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga damdamin at ibubunyag ang kanilang mayabang na kalikasan. Ang tao ay sisiklab sa galit at ilalabas ang kanyang mga damdamin upang maipagtanggol ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan ng tao upang maipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan. Ang mga aksyong ito ay puno ng karumihan; puno ang mga ito ng mga balak at mga intriga; puno ang mga ito ng katiwalian at kasamaan ng tao; higit pa rito, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao. Kapag nilabanan ng katarungan ang kasamaan, hindi sisiklab sa galit ang tao upang ipagtanggol ang pag-iral ng katarungan; kasalungat nito, kapag ang mga puwersa ng katarungan ay nanganib, inusig at nilusob, ang gawi ng tao ay isa ng di-pagpansin, pag-iwas o pag-urong. Subali’t, kapag nakaharap naman sa mga puwersa ng kasamaan, ang gawi ng tao ay isa ng pagtustos, at pagyuko at pagkudkod. Samakatuwid, ang paglalabas ng tao ay isang pagtakas para sa mga puwersa ng kasamaan, isang pagpapahayag ng talamak at hindi-mapigil na masamang ugali ng taong makalaman. Kapag ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot, gayon pa man, lahat ng puwersa ng kasamaan ay mapahihinto; lahat ng kasalanang nakapipinsala sa tao ay mapatitigil; lahat ng puwersa ng kalaban na humahadlang sa gawain ng Diyos ay ipakikita, ihihiwalay at susumpain; lahat ng kasabwat ni Satanas na sumasalungat sa Diyos ay parurusahan, bubunutin. Sa kanilang kinalalagyan, ang gawain ng Diyos ay magpapatuloy nang malaya sa anumang mga hadlang; ang plano ng pamamahala ng Diyos ay magpapatuloy sa pag-unlad nang unti-unti ayon sa nakatakda; magiging malaya sa panggugulo at pandaraya ni Satanas ang hinirang na bayan ng Diyos; masisiyahan sa pangunguna at pagtutustos ng Diyos sa gitna ng tahimik at mapayapang kapaligiran yaong mga sumusunod sa Diyos. Ang poot ng Diyos ay isang sanggalang na pumipigil sa lahat ng puwersa ng kasamaan mula sa pagdami at paglaganap, at isa rin itong sanggalang na nag-iingat sa pag-iral at paglaganap ng lahat ng matuwid at positibong mga bagay at walang-hanggang babantayan sila mula sa pagkasupil at pagkawasak.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
30. Hindi alintana kung magalit man ang isang tao sa harapan ng iba o sa kanilang likuran, ang bawat isa ay may iba’t ibang hangarin at layunin. Marahil ay itinatayo nila ang kanilang karangalan, o maaaring ipinagtatanggol nila ang kanilang pansariling mga kagustuhan, pinapanatili ang kanilang imahe o iniingatan ang kanilang mukha. May ilang nagsasanay ng pagpigil sa kanilang galit, samantalang ang iba ay mas mapusok at sumisiklab sa labis na galit sa tuwing nais nila nang walang kahit katiting na pagpipigil. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ano man ang layunin nito, mula ito sa laman at sa kalikasan; wala itong kinalaman sa katarungan o kawalang-katarungan sapagkat walang anuman sa kalikasan at diwa ng tao ang umaayon sa katotohanan. Samakatuwid, ang galit ng tiwaling sangkatauhan at ang poot ng Diyos ay hindi dapat banggitin sa parehong sukatan. Walang pagtatangi, ang gawi ng isang tao na ginawang tiwali ni Satanas ay nagsisimula sa pagnanais na pangalagaan ang katiwalian, at ito ay batay sa katiwalian; sa gayon ang galit ng tao ay hindi maaaring banggitin gaya ng pagbanggit sa poot ng Diyos, kahit gaano man kawasto ito kung tingnan sa teorya. Kapag ipinadadala ng Diyos ang Kanyang matinding pagkapoot, nahihinto ang mga puwersa ng kasamaan, nawawasak ang masasamang bagay, samantalang tinatamasa ng matutuwid at positibong mga bagay ang pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at sila ay pinahihintulutang magpatuloy. Ipinadadala ng Diyos ang Kanyang poot dahil ang hindi-makatarungan, negatibo at masasamang bagay ay humahadlang, nanggugulo o sumisira sa normal na gawain at pagsulong ng makatarungan at positibong mga bagay. Ang layunin ng galit ng Diyos ay hindi para protektahan ang Kanyang sariling katayuan at pagkakakilanlan, kundi para ingatan ang pag-iral ng makatarungan, positibo, maganda at mabuting mga bagay, upang pangalagaan ang mga batas at kaayusan ng normal na pananatiling buhay ng sangkatauhan. Ito ang ugat na dahilan ng poot ng Diyos. Ang labis na pagkagalit ng Diyos ay napakawasto, likas at tunay na pahayag ng Kanyang disposisyon. Walang mga hangarin sa likod ng Kanyang labis na pagkapoot, ni pandaraya man o pagbabalak; o higit sa lahat, ang Kanyang pagkapoot ay walang taglay na pagnanasa, panlilinlang, malisya, karahasan, kasamaan o anumang bagay na ibinabahagi lahat ng tiwaling sangkatauhan. Bago ipinadadala ng Diyos ang Kanyang labis na pagkapoot, napansin na Niya ang diwa ng bawat bagay nang lubhang malinaw at ganap, at nakapagbuo na Siya ng tumpak, malinaw na mga pakahulugan at mga konklusyon. Sa gayon, ang layunin ng Diyos sa bawat bagay na Kanyang ginagawa ay sinlinaw ng kristal, tulad ng Kanyang saloobin. Hindi natataranta ang Kanyang pag-iisip; hindi Siya bulag; hindi Siya mapusok; hindi Siya padalus-dalos; higit pa, may prinsipyo Siya. Ito ang praktikal na aspeto ng poot ng Diyos, at dahil sa praktikal na aspetong ito ng poot ng Diyos kaya naabot ng sangkatauhan ang karaniwang pag-iral nito. Kung wala ang poot ng Diyos, bababa ang sangkatauhan sa mga kalagayan ng pamumuhay na hindi karaniwan; ang lahat ng bagay na matuwid, maganda at mabuti ay mawawasak at hihinto sa pag-iral. Kung wala ang poot ng Diyos, ang mga batas at mga alituntunin ng pag-iral para sa mga nilikhang nilalang ay masisira o maaaring tuluyang bumagsak. Simula sa paglikha sa tao, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon upang pangalagaan at panatilihin ang normal na pag-iral ng sangkatauhan. Sapagkat ang Kanyang matuwid na disposisyon ay naglalaman ng poot at kamahalan, ang lahat ng masasamang tao, mga bagay, kaganapan at lahat ng bagay na gumagambala at sumisira sa karaniwang pag-iral ng sangkatauhan ay naparurusahan, nakokontrol at nawawasak dahil sa Kanyang poot. Sa mga nakalipas na libu-libong taon, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon upang pabagsakin at wasakin ang lahat ng uri ng marumi at masamang mga espiritu na kumakalaban sa Diyos at kumikilos bilang mga kasabwat at tagapagpatupad ni Satanas sa Kanyang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan. Sa gayon, ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao ay laging nauuna ayon sa Kanyang plano. Masasabi natin na dahil sa pag-iral ng poot ng Diyos, ang pinakamatuwid na gawain sa kalagitnaan ng mga tao ay hindi kailanman nawasak.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
31. Kahit gaano man ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng sako at naupo sa abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang baguhin ang Kanyang puso. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod—ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan— galit pa rin sa kanila ang Diyos. Nang dumaan sila sa serye ng mga pagsisisi, unti-unting humupa ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive at napalitan ng awa at pagpaparaya sa kanila. Walang anumang salungatan tungkol sa magkaparehong pahayag ng dalawang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan? Magkasunod na ipinahayag ng Diyos ang dalawang magkatapat na bahaging ito ng mga diwa nang magsisi ang mga taga-Ninive, upang makita ng mga tao ang pagiging totoo at pagka-di-napupuno ng diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Ito ay hindi dahil kinukunsinti ng Diyos ang mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; ito ay dahil sa bihira silang magsisi nang tapat sa Diyos, at bihirang tunay na talikdan ng mga tao ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, na dahil dito, buong laya Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, at kung saan ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan ng kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay malinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit; hinihingi Niya sa isa ang tunay na pagsisisi. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin sa kanila.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
32. Kahit na ang lungsod ng Ninive ay puno ng mga taong tiwali, masama at marahas katulad niyaong sa Sodoma, ang kanilang pagsisisi ang nagsanhi sa Diyos para baguhin ang Kanyang puso at magpasya na hindi na sila wasakin. Dahil ang kanilang pagtugon sa mga salita at tagubilin ng Diyos ay nagpakita ng saloobing ganap na kabaliktaran niyaong sa mga mamamayan ng Sodoma, at dahil sa kanilang tapat na pagpapasakop sa Diyos at tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, gayon din sa kanilang tunay at matapat na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon, minsan pa ay ipinakita ng Diyos ang Kanyang taos-pusong awa at ipinagkaloob ito sa kanila. Ang gantimpala ng Diyos at ang Kanyang pagkahabag sa sangkatauhan ay imposibleng gayahin ng sinuman; walang tao ang makakapagtaglay ng awa o pagpaparaya ng Diyos, maging ng Kanyang tapat na damdamin tungo sa sangkatauhan. Mayroon bang sinuman na ipinapalagay mong dakilang lalaki o babae, o maging isang makapangyarihang tao, na, mula sa isang mataas na kalagayan, na nagsasalita bilang isang dakilang lalaki o babae o sa isang pinakamataas na kalagayan, na makakapangusap ng ganitong uri sa sangkatauhan o sa sangnilikha? Sino sa kalagitnaan ng sangkatauhan ang makaaalam ng mga kundisyon ng pamumuhay ng sangkatauhan na tulad ng palad ng kanilang mga kamay? Sino ang makakapagdala ng pasanin at pananagutan para sa pag-iral ng sangkatauhan? Sino ang may kakayahang iproklama ang pagwasak ng isang lungsod? At sino ang may kakayahang patawarin ang isang lungsod? Sino ang makakapagsabi na minamahal nila ang kanilang sariling nilikha? Tanging ang Lumikha! Tanging ang Lumikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Lumikha ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayundin, tanging ang Lumikha ang makakapagkaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa Kanyang buong sangnilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat kilos ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat isa sa Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano at kung anong mayroon Siya ay lubos na ipinahahayag para sa kapakanan ng sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng sangkatauhan, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat himaymay ng Kanyang buhay; iniaalay Niya ang bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay…. Hindi Niya kailanman nalaman kung paano kaawaan ang Kanyang sariling buhay, ngunit lagi Niyang kinakaawaan at minamahal ang sangkatauhan na Kanya Mismong nilikha…. Ibinibigay Niya ang lahat ng kung anong mayroon Siya para sa sangkatauhang ito…. Iginagawad Niya ang Kanyang awa at pagpaparaya nang walang kundisyon at walang inaasahang kagantihan. Ginagawa lamang Niya ito upang patuloy na mananatili ang sangkatauhan sa Kanyang harapan, na tinatanggap ang Kanyang tustos ng buhay; ginagawa lamang Niya ito upang maaaring isang araw ay magpasakop sa Kanya ang sangkatauhan at kilalanin na Siya ang Isa na nag-aalaga sa pag-iral ng tao at nagtutustos ng buhay ng buong sangnilikha.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
33. Bagaman pinagkatiwalaan si Jonas upang ipahayag ang salita ng Diyos na si Jehova sa mga taga-Ninive, hindi niya naunawaan ang intensyon ng Diyos na si Jehova, ni naunawaan ang Kanyang mga pag-aalala at mga inaasahan para sa mga mamamayan ng lungsod. Sa pamamagitan ng mahigpit na pangangaral na ito, nais ng Diyos na sabihin sa kanya na ang sangkatauhan ay produkto ng Kanyang sariling mga kamay, at ang Diyos ay naglaan ng maingat na paggawa para sa bawat tao; dala-dala ng bawat tao ang mga pag-asa ng Diyos; tinatamasa ng bawat tao ang tustos na buhay ng Diyos; para sa bawat tao, nagbayad ang Diyos ng isang malaking halaga. Ang mahigpit na pangangaral na ito ay nagpaalala rin kay Jonas na pinapahalagahan ng Diyos ang sangkatauhan, ang gawa ng Kanyang sariling mga kamay, tulad ng pagpapahalaga ni Jonas sa halaman. Hindi sila basta iiwanan ng Diyos sa anumang paraan hanggang sa huling sandali; lalo na, napakaraming bata at mga inosenteng hayop sa loob ng lungsod. Kapag nakikitungo sa mga batang ito at sa mga inosenteng nilalang ng Diyos, na hindi man lamang alam ang kaibahan ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, lalong hindi kayang tapusin ng Diyos ang kanilang buhay at alamin ang kanilang kalalabasan sa gayong madaliang paraan. Umasa ang Diyos na makita silang lumaki; umasa Siya na hindi sila lalakad sa landas na parehong nilakaran ng kanilang mga matatanda, na hindi na nila kailangang muling marinig ang babala ng Diyos na si Jehova, at sasaksi sila sa nakaraan ng Ninive. Lalong higit pa rito, umasa ang Diyos na makita ang mga taga-Ninive pagkatapos nilang magsisi, na makita ang hinaharap ng Ninive matapos ang kanilang pagsisisi, at higit na mahalaga, na makita ang Ninive na muling namumuhay sa ilalim ng awa ng Diyos. Kaya, sa mata ng Diyos, ang mga nilikhang ito na hindi alam ang kaibahan ng kanilang kanan sa kaliwang kamay ay ang kinabukasan ng Ninive. Sila ang papasan sa kasuklam-suklam na nakaraan ng Ninive, tulad ng kanilang pagpasan sa mahalagang tungkulin ng pagiging saksi sa nakaraan at hinaharap ng Ninive sa ilalim ng paggabay ng Diyos na si Jehova. Sa pahayag na ito ng Kanyang tunay na nararamdaman, iniharap ng Diyos na si Jehova ang awa ng Lumikha para sa sangkatauhan sa kanyang kabuuan. Ipinakita nito sa sangkatauhan na ang “awa ng Lumikha” ay hindi isang walang-laman na parirala, ni isang hungkag na pangako; mayroon itong matibay na mga prinsipyo, mga pamamaraan at layunin. Siya ay tunay at totoo, at hindi gumagamit ng mga kasinungalingan o pagpapanggap, at sa parehong paraang ito, ang Kanyang awa ay walang hanggang ipinagkakaloob sa buong sangkatauhan sa bawat panahon at kapanahunan. Gayunpaman, hanggang sa mismong araw na ito, ang pakikipag-usap ng Lumikha kay Jonas ay ang nag-iisa at natatanging pahayag ng Diyos kung bakit nagpapakita Siya ng awa sa sangkatauhan, kung paano Siya nagpapakita ng awa sa sangkatauhan, gaano Siya nagpaparaya sa sangkatauhan at ang Kanyang tunay na nararamdaman para sa sangkatauhan. Ang maikli ngunit malinaw na pakikipag-usap ng Diyos na si Jehova ay nagpapahayag ng Kanyang kumpletong mga kaisipan para sa sangkatauhan; ito ay isang tunay na pagpapahayag ng saloobin ng Kanyang puso tungo sa sangkatauhan; at isa rin itong matibay na patunay ng Kanyang pagkakaloob ng masaganang awa sa sangkatauhan. Ang Kanyang awa ay hindi lamang ipinagkakaloob sa nakatatandang mga henerasyon ng sangkatauhan; ito ay ipinagkakaloob din sa mga nakababatang miyembro ng sangkatauhan, kagaya lamang ng dati, mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Bagaman ang poot ng Diyos ay madalas dumarating sa ilang lugar at ilang panahon ng sangkatauhan, ang awa ng Diyos ay hindi kailanman huminto. Sa Kanyang awa, ginagabayan at pinangungunahan Niya ang isang henerasyon ng Kanyang nilikha pagkatapos ng sumunod, tinutustusan at pinagpapala ang isang henerasyon ng nilikha pagkatapos ng sumunod, sapagkat ang Kanyang tunay na nararamdaman tungo sa sangkatauhan ay hindi kailanman magbabago. Tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At hindi baga Ako manghihinayang sa Ninive…?” Lagi Niyang pinapahalagahan ang Kanyang sariling sangnilikha. Ito ang awa ng matuwid na disposisyon ng Lumikha, at ito rin ang dalisay na pagiging natatangi ng Lumikha!
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
34. Ang awa at pagpapaubaya ng Diyos ay talagang umiiral, ngunit ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos kapag pinakakawalan Niya ang Kanyang poot ay nagpapakita rin sa tao ng panig ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng pagkakasala. Kapag ganap na kayang sundin ng tao ang mga utos ng Diyos at kumikilos alinsunod sa mga kailangan ng Diyos, masagana ang awa ng Diyos sa tao; napakatindi ng galit ng Diyos kapag ang tao ay napuno ng katiwalian, pagkamuhi at pagkapoot para sa Kanya. At hanggang saan ang tindi ng Kanyang galit? Mananatili ang Kanyang poot hanggang hindi na nakikita ng Diyos ang pagsuway at masasamang gawa ng tao, hanggang wala na sila sa harapan ng Kanyang mga mata. Saka lamang mawawala ang galit ng Diyos. Sa ibang salita, hindi mahalaga kung sinuman ang tao, kung ang kanilang puso ay naging malayo mula sa Diyos, at tumalikod sa Diyos, hindi kailanman bumalik, kung gayon hindi alintana kung paano, anumang anyo o patungkol sa kanilang pansariling pagnanasa, nais nilang sumamba at sumunod at tumalima sa Diyos sa kanilang katawan o sa kanilang pag-iisip, sa oras na tumalikod ang kanilang puso sa Diyos, ang poot ng Diyos ay pakakawalan nang walang tigil. Ito ay magiging tulad ng kapag lubos na pinapakawalan ng Diyos ang Kanyang galit, dahil nabigyan ng sapat na mga pagkakataon ang tao, sa oras na pakawalan ito wala nang paraan upang bawiin ito, at hindi na Siya kailanman pa maaawa at magpapaubaya sa naturang tao. Ito ay isang panig ng disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang kasalanan. … Siya ay mapagparaya at maawain sa mga bagay na mabait, at maganda, at mabuti; sa mga bagay na masama, at makasalanan, at nakakasuklam, malalim ang Kanyang poot, sa paraang hindi tumitigil ang Kanyang poot. Ito ang dalawang pangunahin at pinakakilalang aspeto sa disposisyon ng Diyos, at, higit pa rito, nabunyag ang mga ito ng Diyos mula simula hanggang katapusan: malaking awa at malalim na poot.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
35. Ang pagbabago ng Diyos ng Kanyang mga intensyon sa mga mamamayan ng Ninive ay walang kasamang pag-aalinlangan o kalabuan. Sa halip, pag-iba ito ng anyo mula sa ganap na pagkagalit tungo sa ganap na pagpaparaya. Ito ay isang tunay na pahayag ng diwa ng Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nag-aalangan o nag-aatubili sa Kanyang mga kilos; ang mga prinsipyo at mga layunin sa likod ng Kanyang mga kilos ay malinaw at tumatagos sa lahat, dalisay at walang kapintasan, tiyak na walang mga daya o mga balakin na nakahalo sa loob. Sa madaling salita, walang nakahalong kadiliman o kasamaan sa diwa ng Diyos. Nagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive dahil ang kanilang masasamang gawa ay nakaabot na sa Kanyang paningin; sa panahong iyon, ang Kanyang galit ay nagmula sa Kanyang diwa. Ngunit, nang mawala na ang galit ng Diyos at minsan pa ay Kanyang ipinagkaloob ang pagpaparaya sa mga taga-Ninive, lahat ng Kanyang ipinahayag ay ang Kanya pa ring sariling diwa. Ang kabuuan ng pagbabagong ito ay dahil sa pagbabago sa pag-uugali ng tao para sa Diyos. Sa loob ng buong panahong ito, ang hindi maaaring saktan na disposisyon ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagparayang diwa ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagmahal at maawaing diwa ng Diyos ay hindi nagbago. Kapag nakagawa ng masasamang gawa ang mga tao at magkasala sa Diyos, ipadadala Niya ang Kanyang galit sa kanila. Kapag tunay na nagsisi ang mga tao, magbabago ang puso ng Diyos, at huhupa ang Kanyang galit. Kapag nagpatuloy ang mga tao sa pagmamatigas na paglaban sa Diyos, ang Kanyang matinding galit ay hindi mapipigil; ang Kanyang poot ay unti-unting ididiin hanggang sa sila ay mawasak. Ito ang diwa ng disposisyon ng Diyos. Magpapahayag man ang Diyos ng poot o awa at kagandahang-loob, ang asal, pag-uugali at saloobin ng tao para sa Diyos na nagmumula sa kalaliman ng kanyang puso ang magdidikta ng kung ano ang ipapahayag sa pamamagitan ng pahayag ng disposisyon ng Diyos. Kung patuloy na isasailalim ng Diyos ang isang tao sa Kanyang poot, malamang na ang puso ng taong ito ay lumalaban sa Diyos. Dahil hindi siya kailanman nagsisi nang lubusan, hindi nagpakumbaba sa harap ng Diyos o nagtaglay ng tunay na paniniwala sa Diyos, hindi niya kailanman nakamit ang awa at pagpaparaya ng Diyos. Kapag ang isang tao ay madalas makatanggap ng pag-iingat ng Diyos at madalas makamit ang Kanyang awa at pagpaparaya, ibig sabihin ang taong ito sa kanyang puso ay walang alinlangan na may tunay na paniniwala sa Diyos, at ang kanyang puso ay hindi lumalaban sa Diyos. Madalas siyang nagsisisi sa harap ng Diyos; kaya, kahit madalas dumating sa kanya ang disiplina ng Diyos, hindi ang Kanyang poot.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
36. Ang Matuwid na Disposisyon ng Lumikha ay Tunay at Malinaw
Nang binago ng Diyos ang Kanyang puso para sa mga taga-Ninive, isang pagkukunwari lamang ba ang Kanyang awa at pagpaparaya? Siyempre hindi! Kung gayon, ano ang hinahayaan ng pagbabago sa pagitan ng dalawang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos sa panahon ng magkaparehong pangyayari na makita mo? Ang disposisyon ng Diyos ay ganap na buo; hindi ito kahit kailan nahahati. Naghahayag man Siya ng galit o awa at pagpaparaya tungo sa mga tao, ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay tunay at malinaw. Binabago Niya ang Kanyang isip at saloobin batay sa pag-unlad ng mga bagay-bagay. Ang pagbabago ng Kanyang saloobin tungo sa mga taga-Ninive ay nagsasabi sa sangkatauhan na mayroon Siyang sariling mga kaisipan at ideya; hindi Siya isang robot o luwad na rebulto, kundi ang buhay na Diyos Mismo. Maaari Siyang magalit sa mga mamamayan ng Ninive, kagaya ng maaari Niyang patawarin ang kanilang mga nakaraan batay sa kanilang mga pag-uugali; maaari Siyang magpasya na magpadala ng kasawian sa mga taga-Ninive, at maaari Niyang baguhin ang Kanyang pagpapasya dahil sa kanilang pagsisisi. Mas gusto ng mga tao na ilapat ang mga alituntunin nang wala-sa-loob, at mas gusto nilang gamitin ang mga alituntunin upang itatag at bigyang-kahulugan ang Diyos, tulad ng kanilang pagnanais na gumamit ng mga pormula upang alamin ang disposisyon ng Diyos. Kaya, batay sa kinasasaklawan ng kaisipan ng tao, ang Diyos ay hindi nag-iisip, ni wala Siyang anumang makabuluhang mga ideya. Sa realidad, ang mga kaisipan ng Diyos ay patuloy na nagbabago ayon sa mga pagbabago sa mga bagay-bagay at sa mga kapaligiran; habang ang mga kaisipang ito ay nagbabago, mabubunyag ang iba’t ibang aspeto ng diwa ng Diyos. Sa panahong ito ng proseso ng pagbabago, sa sandaling binabago ng Diyos ang Kanyang puso, ibinubunyag Niya sa sangkatauhan ang katotohanan ng pag-iral ng Kanyang buhay, at ibinubunyag Niya na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay tunay at malinaw. Bukod pa rito, ginagamit ng Diyos ang Kanyang sariling tunay na mga pahayag upang patunayan sa sangkatauhan ang katotohanan ng pag-iral ng Kanyang poot, Kanyang awa, Kanyang mapagmahal-na-kabaitan at Kanyang pagpaparaya. Ang Kanyang diwa ay mabubunyag sa anumang sandali at saan mang lugar alinsunod sa mga pag-unlad ng mga bagay-bagay. May angkin Siyang poot ng isang leon at kahabagan at pagpaparaya ng isang ina. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi hinahayaang mapagdudahan, malabag, mabago o mabaluktot ng sinumang tao. Sa lahat ng pangyayari at mga bagay-bagay, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, iyon ay, ang poot ng Diyos at awa ng Diyos, ay mabubunyag anumang sandali at saan mang lugar. Malinaw Niyang ipinahahayag ang mga aspetong ito sa bawat sulok at bitak ng kalikasan at maliwanag na isinasakatuparan ang mga iyon sa bawat sandali. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi limitado ng panahon o lugar, o sa madaling salita, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi ipinapahayag na parang makina o ibinubunyag ayon sa idinidikta ng mga hangganan ng panahon o lugar. Sa halip, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malayang naihahayag at nabubunyag sa anumang panahon o saan mang lugar. Nang nakita mong binago ng Diyos ang Kanyang puso at huminto sa paghahayag ng Kanyang poot at tumigil sa pagwasak sa lungsod ng Ninive, masasabi mo ba na mahabagin at mapagmahal lamang ang Diyos? Masasabi mo ba na ang poot ng Diyos ay naglalaman ng walang-saysay na mga salita? Kapag ipinadarama ng Diyos ang matinding poot at iniuurong ang Kanyang awa, masasabi mo ba na hindi Siya nakakaramdam ng tunay na pagmamahal sa sangkatauhan? Naghahayag ng matinding poot ang Diyos bilang tugon sa masasamang gawa ng mga tao; ang Kanyang poot ay walang kapintasan. Ang puso ng Diyos ay naaantig ng pagsisisi ng mga tao, at ang pagsisising ito ang siyang bumabago sa Kanyang puso. Ang pagiging naantig Niya, ang pagbabago ng Kanyang puso gayundin ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao ay lubos na walang kapintasan; ang mga iyon ay malinis, dalisay, walang-dungis at walang-halo. Ang pagpaparaya ng Diyos ay dalisay na pagpaparaya; ang Kanyang awa ay dalisay na awa. Ibubunyag ng Kanyang disposisyon ang poot, gayon din ang awa at pagpaparaya, batay sa pagsisisi ng tao at sa kanyang naiibang asal. Kahit ano man ang Kanyang ibinubunyag at ipinahahayag, lahat ng ito ay dalisay; lahat ng ito ay direkta; ang diwa nito ay iba mula roon sa anumang nilikha. Ang mga prinsipyo ng mga pagkilos na ipinapahayag ng Diyos, ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya o anumang partikular na pagpapasya, gayundin ang anumang nag-iisang pagkilos, ay walang-bahid ng anumang mga kapintasan o dungis. Ayon sa naipapasya ng Diyos at ayon sa kilos Niya, kaya tinatapos Niya ang Kanyang mga pagbalikat. Ang ganitong mga uri ng mga resulta ay tiyak at walang-kapintasan sapagkat ang pinagmulan ng mga iyon ay walang-kapintasan at walang-dungis. Ang poot ng Diyos ay walang-kapintasan. Gayundin, ang awa at pagpaparaya ng Diyos, na hindi taglay ng anumang nilalang, ay banal at walang-kapintasan, at makakatayo ang mga iyon sa pagtatalo at karanasan.
Matapos maunawaan ang kasaysayan ng Ninive, nakikita ba ninyo ang kabilang panig ng diwa ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Nakikita ba ninyo ang kabilang panig ng natatanging matuwid na disposisyon ng Diyos? Mayroon bang sinuman sa sangkatauhan na nagtataglay ng ganitong uri ng disposisyon? Mayroon bang sinuman na nagtataglay nitong uri ng poot na tulad ng sa Diyos? Mayroon bang sinuman na nagtataglay ng awa at pagpaparaya na tulad ng sa Diyos? Sino sa gitna ng sangnilikha ang makakatawag ng gayon katinding poot at nagpapasya na wasakin o magdala ng kalamidad sa sangkatauhan? At sino ang karapat-dapat na magkaloob ng awa, na magparaya at patawarin ang tao, at sa gayon ay binabago ang pasya ng isa na wasakin ang tao? Ipinahahayag ng Lumikha ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng Kanyang sariling natatanging mga pamamaraan at prinsipyo; wala Siya sa ilalim ng pagpigil o mga pagbabawal ng sinumang mga tao, alinmang mga pangyayari o bagay-bagay. Dahil sa Kanyang natatanging disposisyon, walang sinuman ang nakakapagbago sa Kanyang mga kaisipan at mga ideya, ni walang sinuman ang nakakahimok sa Kanya at baguhin ang alinman sa Kanyang mga pagpapasya. Ang kabuuan ng asal at mga kaisipan ng sangnilikha ay umiiral sa ilalim ng paghatol ng Kanyang matuwid na disposisyon. Walang sinumang makakapigil sa Kanyang pagkapoot o pagkaawa; tanging ang diwa lamang ng Lumikha—o sa madaling salita, ang matuwid na disposisyon ng Lumikha—ang nakapagpapasya rito. Ito ang natatanging kalikasan ng matuwid na disposisyon ng Lumikha!
Sa sandaling nasusuri at nauunawaan natin ang pagbabago ng saloobin ng Diyos sa mga taga-Ninive, nakakaya ba ninyong gamitin ang salitang “natatangi” upang ilarawan ang awa na taglay ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Sinabi na natin sa nakaraan na ang poot ng Diyos ay isang aspeto ng diwa ng Kanyang natatanging matuwid na disposisyon. Bibigyang-kahulugan Ko ngayon ang dalawang aspeto, ang poot ng Diyos at ang awa ng Diyos, bilang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay banal; ito ay di-naaagrabyado at napagdududahan; ito ay isang bagay na hindi taglay ng sinuman sa mga nilalang o hindi-nilalang na mga kabuuan. Ito ay parehong natatangi at para lamang sa Diyos. Sinasabi nito na ang poot ng Diyos ay banal at di-naaagrabyado; at gayundin naman, ang isa pang aspeto ng matuwid na disposisyon ng Diyos—ang awa ng Diyos—ay banal at hindi maaaring sumala. Walang sinuman sa mga nilikha o hindi-nilikhang kabuuan ang makakapalit o kayang kumatawan sa Diyos sa Kanyang mga pagkilos, ni walang makakapalit o kayang kumatawan sa Kanya sa pagwasak sa Sodoma o sa pagliligtas sa Ninive. Ito ang tunay na pagpapahayag ng natatanging matuwid na disposisyon ng Diyos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
37. Hindi Dapat Umasa ang Tao sa Karanasan at Imahinasyon upang Malaman ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos
Kapag nakita mo ang iyong sarili na nakaharap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, sasabihin mo kaya na may halo ang salita ng Diyos? Sasabihin mo kayang may kasinungalingan sa likod ng pagkapoot ng Diyos, at ang Kanyang pagkapoot ay may halo? Sisiraan mo ba ang Diyos, sasabihing ang Kanyang disposisyon ay hindi naman kailangang lubos na matuwid? Kapag nakikitungo sa bawat isang gawa ng Diyos, kailangang tiyakin mo muna na malaya ang matuwid na disposisyon ng Diyos mula sa anumang ibang mga elemento, na ito ay banal at walang kapintasan; kasama sa mga gawang ito ang pagpapabagsak, kaparusahan at pagwasak ng Diyos sa sangkatauhan. Walang pagtatangi, ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay nangyari sa mahigpit na pag-ayon sa Kanyang likas na disposisyon at Kanyang plano—hindi kasama dito ang kaalaman, tradisyon at pilosopiya ng sangkatauhan—at ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon at diwa, na walang kaugnayan sa anumang bagay na kabilang sa tiwaling sangkatauhan. Sa mga pagkaintindi ng tao, tanging ang pag-ibig ng Diyos, kaawaan at pagpapaubaya sa sangkatauhan ang walang-bahid, walang-halo at banal. Gayunman, walang nakaaalam na ang labis na galit ng Diyos at ang Kanyang poot ay wala ring halo; dagdag pa rito, walang nakapagmuni-muni ng mga tanong tulad ng bakit hindi kinukunsinti ng Diyos ang pagkakasala o bakit ang Kanyang labis na galit ay napakalaki. Sa kabaligtaran, napagkakamalan ng ilan ang poot ng Diyos na damdamin ng tiwaling sangkatauhan; ang pagkaunawa nila sa galit ng Diyos ay labis na pagkapoot ng tiwaling sangkatauhan; buong pagkakamali rin nilang ipinalalagay na ang labis na poot ng Diyos ay katulad lamang ng likas na pahayag ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan. Nagkamali sila sa paniniwala na ang pagpapadala ng poot ng Diyos ay katulad lamang ng galit ng tiwaling sangkatauhan, na nagmumula sa sama ng loob; naniniwala pa sila na ang pagpapalabas ng poot ng Diyos ay pagpapahayag ng Kanyang damdamin. Pagkatapos ng pagbabahaging ito, umaasa Ako na ang bawat isa sa inyo ay hindi na magkakaroon ng anumang mga maling pagkaintindi, mga guni-guni o mga pag-aakala tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at umaasa Ako na pagkatapos ninyong marinig ang Aking mga salita, magkakaroon na kayo sa inyong mga puso ng tunay na pagkakilala tungkol sa poot ng matuwid na disposisyon ng Diyos, na maisasantabi na ninyo ang anumang nakaraang maling pagkaunawa sa poot ng Diyos, na kaya na ninyong baguhin ang inyong mga maling paniniwala at mga pananaw tungkol sa diwa ng poot ng Diyos. Dagdag pa rito, umaasa Ako na magkakaroon na kayo ng tumpak na pakahulugan sa disposisyon ng Diyos sa inyong mga puso, na hindi na kayo magkakaroon pa ng anumang pag-aalinlangan tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, na hindi na ninyo ipagpupumilit ang anumang pantaong pagmamatuwid o imahinasyon tungo sa tunay na disposisyon ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ang Kanyang tunay na sariling diwa. Hindi ito isang bagay na hinubog o isinulat ng tao. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay ang Kanyang matuwid na disposisyon at wala itong mga relasyon o mga ugnayan sa alinman sa nilikha. Ang Diyos Mismo ay ang Diyos Mismo. Hindi Siya kailanman magiging bahagi ng nilikha, at kahit na maging kaanib Siya ng mga nilikhang nilalang, ang Kanyang likas na disposisyon at diwa ay hindi magbabago. Samakatuwid, ang pagkilala sa Diyos ay hindi pagkilala sa isang bagay; hindi ito pagsusuri sa isang bagay, ni pag-unawa sa isang tao. Kapag ginagamit mo ang iyong kaisipan o pamamaraan ng pagkilala sa isang bagay o pag-unawa sa isang tao upang makilala ang Diyos, kung gayon hindi mo kailanman makakayang maabot ang kaalaman ng Diyos. Ang pagkilala sa Diyos ay hindi nakasalalay sa karanasan o imahinasyon, at samakatuwid hindi mo dapat ipagpilitan kahit kailan ang iyong karanasan o imahinasyon sa Diyos. Gaano man marahil kayaman ang iyong karanasan at imahinasyon, may hangganan pa rin ang mga iyan; bukod dito, ang iyong imahinasyon ay hindi umaayon sa mga katunayan, at lalong hindi ito umaayon sa katotohanan, at ito ay hindi kaayon sa tunay na disposisyon at diwa ng Diyos. Hindi ka kailanman magtatagumpay kung aasa ka lamang sa iyong imahinasyon upang maunawaan ang diwa ng Diyos. Ang tanging paraan ay ganito: tanggapin lahat ang nagmumula sa Diyos, at pagkatapos, unti-unting danasin at unawain ito. Darating ang araw na liliwanagan ka ng Diyos upang Siya ay lubos mong maunawaan at makilala dahil sa iyong pakikipag-tulungan at dahil sa iyong pagkagutom at pagkauhaw para sa katotohanan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
0コメント