"Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"

Ang Salita sa Diyos | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap."


Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/videos/behold-God-in-judgment-chastisement-word.html



Sa mga huling araw, paano eksaktong isinasagawa ang paghuhukom ng Diyos? Gusto mo bang malaman? Napakahalaga para sa atin na malaman ang aspetong ito ng katotohanan, sapagkat ito ay nauugnay sa kung ang bawat isa sa atin ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit.