Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat

Tagalog praise and worship Songs | Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat

I

Ang Diyos ay nagbibigay ng

mga pangangailangan ng lahat ng tao,

sa bawat lugar, sa lahat ng oras.

Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,

kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.

At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,

pinasisigla at ginagabayan sila.

Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,

para sa isang sumusunod,

walang ipagkakait ang Diyos,

lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.

Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,

at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.

Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,

nagbibigay Siya nang walang pasubali.

II

Bagaman binabalewala ng tao ang Kanyang iniisip,

pinapatnubayan pa rin sila ng Diyos sa liwanag,

nagtutustos at tumutulong sa kanila,

at hinihiling na sundin ang Kanyang landas,

upang maaaring matanggap nila mula sa Kanyang kamay

ang pinakamagandang kapalaran na binalak.

Para sa isang nagmamahal sa Kanya,

para sa isang sumusunod,

walang ipagkakait ang Diyos,

lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.

Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,

at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.

Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,

nagbibigay Siya nang walang pasubali.

III

Hindi kailanman naibunyag ng Diyos

ang lahat ng sakit na tinitiis Niya,

o ang kalagayan ng Kanyang sariling pag-iisip.

Walang naririnig na reklamo,

kapag walang nagmamalasakit o umiintindi.

Naghihintay lamang ang Diyos

hanggang isang araw sila ay magising.

Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,

para sa isang sumusunod,

walang ipagkakait ang Diyos,

lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.

Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,

at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.

Anong nasa Kaniya at kung ano Siya, nagbibigay Siya nang

at kung ano Siya, nagbibigay Siya nang

at kung ano Siya, nagbibigay Siya nang walang pasubali.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/videos/God-provides-for-everyone-hymn.html


——————————————————


Malaman ang higit pa: Tagalog Christian Music