Ano ang Kahulugan ng “Pagdala Bago Ang Mga Kalamidad”? Ano ang Kahulugan ng “Mga Nagawang Mananagump

Kamusta mga kapatid sa Espirituwal Q&A,

Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw, nakita ko sa balita na ang lahat ng mga uri ng kalamidad ay palawak ng palawak ang nasasakop, at kung madadala o hindi ako bago ang mga sakuna at magawang isa sa mga mananagumpay bago ang mga sakuna ay pangunahing isyu para sa akin. Ang aking opinyon tungkol sa dalawang isyu na ito ay, hangga’t nananatili tayo sa pangalan ng Panginoon kahit na anong mangyari, nagsisikap tayo para sa Panginoon at hindi tumatalikod habang pinagdadaanan natin ang lahat ng uri ng mga paghihirap, kung gayon maaari tayong maging mananagumpay. At kapag dumating ang mga sakuna, maaari tayong madala sa kalangitan upang makipagkita sa Panginoon at tamasahin ang Kanyang pangako. Ngunit ang ilan ay kinuwestyon ang aking opinyon, na sinasabi na may ilang nakamit na ang mga ito iyan, bukod dito, ang mga kalamidad ay lumalaki sa talaan at maraming uri ng mga sakuna ang dumadating sa atin, at gayon pa man ay wala pa ring nakakikita na nakataas sa kalangitan. Ang pagdala ba ay nangangahulugang itataas sa langit? At napakadali bang maging isang mananagumpay, na ang isang tao ay nagiging isang mananagumpay sa pamamagitan lamang ng pagkamit ng mga bagay na ito? Hindi ko lubos na naiintindihan ang lahat, kaya gusto kong tanungin ang inyong opinyon. Umaasa sa inyong tugon!

Taos-puso na gumagalang,

Xiao Xiao

Kamusta Kapatid Xiao Xiao:

Na maaari nating hanapin at pagbahagian ang tungkol sa mga isyu na hindi natin lubos na naiintindihan ayon sa kalooban ng Diyos. Salamat sa Panginoon!

Kung madadala o hindi tayo bago ang mga sakuna at maaring maging mananagumpay bago ang mga sakuna ay direktang nauugnay kung makapapasok tayo sa makalangit na kaharian. Ngunit kung nais nating lubusang maging isang mananagumpay at madala sa langit, kailangan muna nating maunawaan kung ano ang eksaktong ibig sabihin ng madala, at ano ang ibig sabihin nang nagawang mananagumpay. Ang dalawang isyu na ito ay pinaghiwalay sa ibaba para sa talakayan. Nawa’y gabayan tayo ng Diyos!

1. Ano ang Kahulugan ng “Madala Bago ang mga Kalamidad”?

Kung nais nating maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng madala bago ang mga sakuna, dapat natin munang malaman kung ano ang ibig sabihin ng madala. Naniniwala ang ilang mga tao na ang pagdadala ay nangangahulugang, kapag bumalik ang Panginoon, iaangat niya tayo sa kalangitan upang salubungin Siya, at ito ay dahil sinabi ni Pablo sa 1 Tesalonica 4:17: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” Ngunit ito ba ang nilalayon ng Panginoon? Ito lang ang sinabi mismo ni Pablo; hindi ito sinabi ng Panginoong Jesus, ang Banal na Espiritu ay hindi kailanman nagbigay ng gayong patotoo, at samakatuwid ang mga salitang ito ay hindi maaaring kumatawan sa hangarin ng Panginoon. Tulad ng alam nating lahat, sa pasimula na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan sa lupa gamit ang luwad, inilagay Niya sila upang bantayan ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos sa mundo at inutusan Niya sila na sambahin Siya at luwalhatiin Siya. Bukod dito, malinaw na sinabi ng Diyos sa atin na itatatag ng Diyos ang Kanyang kaharian sa lupa, na mananatili Siyang kasama ng tao sa lupa, at ang mga kaharian sa mundo ay magiging lahat mga kaharian na pinamamahalaan ni Kristo. Katulad ito ng sinasabi ng mga hula sa Apocalipsis, “Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila” (Pahayag 21:3). “Ang Kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 11:15) Samakatuwid, kapag bumalik ang Panginoon, hindi Niya itataas ang mga tao sa kalangitan upang makipag-tagpo sa Kanya, ngunit itatatag niya ang Kanyang kaharian sa lupa, sapagkat ang destinasyon na inihanda ng Diyos para sa atin ay matatagpuan sa lupa. Bukod dito, kung nadala tayo sa kalangitan, hindi tayo makakaligtas doon. Kaya ang paniniwala na ang madala ay nangangahulugan na itataas sa langit ay hindi umaayon sa katotohanan at hindi umaayon sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos; ito ay produkto lamang ng ating mga konsepto at haka-haka, at ito ay isang lumalabis na mithiin.

Kaya ano ang ibig sabihin na nadala? Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at pagkatapos ay maunawaan natin. Ang talatang ito ay nagsasaad: “Ang ‘madagit paitaas’ ay hindi ang madala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Malaking pagkakamali iyan. Ang madagit paitaas ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagpili noon pa man. Nakatutok ito sa lahat ng Aking naitalaga at napili noon pa man. Yaong mga nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, ang katayuan ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng tao na nadagit. Lubha itong hindi tugma sa mga paniwala ng mga tao. Yaong mga may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay pawang mga tao na nadala sa Aking harapan. Totoo talaga ito, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga noon pa man ay madadagit sa harap Ko.”

Mula sa talatang ito, nalalaman nating malinaw na ang pagdala ay hindi nangangahulugan na tayo ay itinaas mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar, ngunit sa halip ay tumutukoy ito sa mga nauna nang itinalaga at pinili ng Diyos. Ang pagiging itinalaga ay tumutukoy sa mga paunang itinakda ng Diyos upang makamit ang kaligtasan noon pang mga panahon, at ang napili ay tumutukoy sa mga itinalaga nang maaaring sumunod sa mga yapak ng Diyos, lumapit sa harapan ng Diyos at tumatanggap ng Kanyang bagong gawain—ito ang ibig sabihin ng nadala. Tulad ng nalalaman natin, sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, dumating ang Panginoong Jesus upang magsagawa ng isang bagong yugto ng gawain. Sa mgaoras na iyon, sina Pedro, Juan, Mateo, Santiago at iba pa, ay lahat nakarinig ng mga sermon na ipinangaral ni Jesus, kaya iniwan nila ang Kautusan at sumunod sa Panginoon, at sa gayon ay nadala sila sa harapan ng Diyos. Katulad nito, sinabi ng Panginoong Jesus na babalik Siya sa mga huling araw at paparito Siya sa gitna ng tao upang magbigkas ng Kanyang mga salita at isasagawa ang Kanyang gawain upang mailigtas ang tao. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa” (Pahayag 20:12). Mula rito, malinaw nating nakita na kapag ang Panginoong Jesus ay bumalik sa mga huling araw, marami pa siyang bagay na sasabihin sa atin at ipapahayag Niya ang Kanyang mga salita at isasagawa ang gawain ng paghatol. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw maaari tayong tunay na madala sa harapan ng Diyos.

Samakatuwid, tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang madala bago ang mga sakuna ay nangangahulugang ang Diyos ay muling darating ng personal sa lupa bago dumating ang mga malaking sakuna upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon sa oras na ito pwede tayong madala bago ang mga sakuna.

Pinagbahagian namin ngayon ang tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng nadala bago ang mga kalamidad, kaya’t ngayon ay pagbahagian natin kung ano ang ibig sabihin na maging mananagumpay bago ang mga sakuna.

2. Ano ang Kahulugan ng “Nagawang Maging Mananagumpay Bago Ang mga Kalamidad”?

Bago natin maunawaan kung ano ang ibig sabihin na magawang isang mananagumpay bago ang mga sakuna, kailangan muna nating maunawaan kung ano ang mga mananagumpay. Sa madaling salita, nangangahulugan ito ng isang pangkat ng mga tao na nagtagumpay. Tulad ng alam ng lahat na naniniwala sa Diyos, si Satanas ang kaaway ng Diyos, at sa gayon dapat nating mapagtagumpayan, na tiyak na nangangahulugang dapat nating mapagtagumpayan si Satanas. Samakatuwid, ang mananagumpay ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao na nagtagumpay kay Satanas. Ngunit ano ang ibig sabihin ng mapagtagumpayan si Satanas? Mula pa nang ang ating mga ninuno na sina Adan at Eba ay naakit ni Satanas, ang sangkatauhan ay naninirahan sa kasalanan at napuno ng lahat ng uri ng mga tiwaling disposisyon, tulad ng pagiging mapagmataas at nagmamalaki, makasarili at mapang-api, baluktot at madaya, at iba pa. Masasabi na ang bawat isa sa atin ay natanikala ng mga bagay na ito at nabubuhay tayo na umaasa sa mga lason na ito. Samakatuwid, ang pagtalo kay Satanas ay nangangahulugan na maitapon ang mga gapos at mga kadena ni Satanas, upang lubos na makawala ang ating mga sarili sa lahat ng mga lason ni satanas na nagpapahamak sa atin at hindi na mamumuhay sa mga ito, ngunit sa halip ay marinig ang mga salita ng Diyos at mamuhay sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, matatawag tayong mananagumpay at tunay na nalinis ang ating mga kasalanan, at mamumuhay tayo sa liwanag at maging karapat-dapat sa mga ipagkakaloob ng Diyos. Tulad ng naitala sa Pahayag, “Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14). “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14). “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon” (Pahayag 3:12). “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko” (Pahayag 21:7). “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:4-5). At sinabi ng mga salita ng Diyos, “Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay masunurin sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Cristo, at dinadakila Siya. Sila ang matagumpay na mga batang lalaki at mabubuting mga kawal ni Cristo.”

Mula sa mga salitang ito, makikita natin na ang mga mananagumpay ay ang mga nagtagumpay sa pamamagitan ng matinding mga kapighatian. Nararanasan nila ang paghatol ng mga salita ng Diyos, ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay nalinis, natatamo nila ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos, pinapasok nila ang kaharian ng Diyos at tinatamasa nila ang Kanyang pangako. Sa ibang salita, ang pagiging mananagumpay ay hindi nangangahulugang maghirap, magbayad ng isang presyo at panatilihin ang pangalan ng Panginoon sa pananalig ng isang tao sa Panginoon, at hindi ito nangangahulugang hindi tumatalikod kapag dumating ang mga kapighatian; sa halip, nangangahulugan ito na tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at linisin ang mga kasalanan ng isang tao. Ngunit gaano karami sa ating kasalukuyang karumihan at katiwalian ang nalinis? Hindi pa natin natatanggal ang ating sarili sa alinman sa ating mga tiwaling disposisyon, tulad ng pagiging mapagmataas at nagmamalaki, makasarili at mapang-api, baluktot at mapanlinlang, kasamaan at kasakiman, at iba pa. Kapag pinagpapala tayo ng Diyos, maaari nating sundin Siya, ngunit kapag nangyari ang mga bagay na hindi ayon sa gusto natin, sinisisi natin ang Diyos. Kapag nakikita natin ang iba na mas mahusay na magbigay ng mga sermon kaysa sa atin, ang paninibugho at poot sa kanila ay maaaring lumitaw sa loob natin. Kung ang mga bagay ay nakaka-apekto sa ating sariling interes, maaari tayong makagawa ng panlilinlang at pagiging hindi matapat—ito ay ilan lamang sa mga halimbawa. Samakatuwid, kung nais nating madala bago ang mga sakuna at maging ganap na mananagumpay bago ang mga sakuna, dapat nating tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw bago dumating ang mga sakuna, maranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, itapon ang lahat ng mga tiwaling mga disposisyon ni Satanas, mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, dakilain si Kristo at tumayong patotoo kay Kristo sa lahat ng mga bagay, at sumunod at sumamba sa Diyos. Saka pa lamang ay maaaring matatawag na nagawa ng isang mananagumpay ng Diyos at maging karapat-dapat na magmana ng pangako ng Diyos at makapasok sa Kanyang kaharian.

Kapatid Xiao Xiao, ang aming pag-unawa at kaalaman tungkol sa kung ano ang “nadala bago ang mga sakuna” at “ginawang mananagumpay bago ang mga sakuna” ay limitado rin at maaari lamang tayong magbigay ng isang pagbabahagian tulad nito, ngunit inaasahan namin na ito ay ilang tulong sa iyo. Kung may iba pang hindi mo maintindihan o kung mayroon kang iba pang mga problema, mangyaring sumulat sa amin at sasaliksikin natin at pagbabahagian ng sama-sama muli.


————————————————


Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?