Bakit Mabilis na Sumusulong ang Kidlat ng Silanganan nang may Di-mapigilang Pag-unlad?

Mahigit nang 20 taong ginagawa ni Cristo ng mga huling araw ang Kanyang gawain sa mainland China, gawaing lubusang nagpayanig sa iba’t ibang sekta ng relihiyon. Ang pinaka-nakapagtatakang tanong para sa komunidad ng mga relihiyon sa panahong ito ay: Karamihan sa mga pastor at elder sa komunidad ng mga relihiyon ay nagawa na ang lahat para hatulan at atakihin ang Kidlat ng Silanganan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng pagkakalat ng tsismis at paninira sa Kidlat ng Silanganan. Bukod diyan, kinandaduhan pa nila ang kanilang mga iglesia at nakipagkutsaba pa sa pamahalaang CCP na arestuhin at usigin ang mga Kristiyano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero habang napapailalim sa nagngangalit na pagtuligsa, pagkalaban, at pag-uusig ng pamahalaang CCP at ng mundo ng mga relihiyoso na gumaganap bilang dalawang bisig ng mga puwersa ni Satanas, bakit parami nang parami ang mga nananalig mula sa iba’t ibang denominasyon at sekta na tumatanggap at sumusunod sa Makapangyarihang Diyos? Bakit handang sumunod ang mga may mabuting pagkatao at dating may taos na pananalig sa Panginoon sa Makapangyarihang Diyos hanggang wakas? Bakit nila patuloy na ginagawa ito sa kabila ng pagtitiis ng walang-katapusang pagtuligsa, paninira, pamimilit, at pang-uusig ng pamahalaang CCP at ng mundo ng mga relihiyoso? Ikinukulong sila ng CCP subalit hindi sila lumilingon. Paano mabilis na sumusulong ang Kidlat ng Silanganan, na hindi matalo at hindi mapigil ng mga puwersa ni Satanas, para mamukadkad na may bagong pag-unlad at paglago araw-araw? Paano ito lumaganap nang napakalayo at napakalawak sa bawat sulok ng China para tanggapin at sundan ng milyun-milyon? Bakit lumaganap din ito sa buong mundo sa maraming iba’t ibang bansa at rehiyon?

Sa katunayan, nakaligtaan ng mga relihiyosong tao na pamilyar sa Biblia ang isang napakahalagang katotohanan, na: Anumang nagmumula sa Diyos ay lalago at anumang nagmumula sa tao ay tiyak na mabubulok. Pag-isipan ito sandali: Kung ang Kidlat ng Silanganan ay hindi ang pagpapakita at gawain ng kaisa-isang totoong Diyos, magagawa ba nitong pasukin ang moog ng paghadlang, pagkalaban, at pang-uusig na iniharang ng mundo ng mga relihiyoso at ng ateistang pamahalaang CCP at lumaganap nang napakabilis? Kung hindi sa paggabay ng gawain ng Banal na Espiritu, magkakaroon ba ito ng awtoridad at kapangyarihang padaluyin ang lahat ng bansa sa bundok na ito at pag-isahin ang lahat ng denominasyon? Kung ang Kidlat ng Silanganan ay hindi ang pagpapakita at gawain ng Diyos, naihatid kaya nito ang katotohanang nagtutulot sa mga tao na maunawaan ang Diyos? Naituro kaya nito ang daan tungo sa kaligtasan? Nagawa kaya nitong hatulan at lupigin ang mga tunay na nananalig ng iba’t ibang relihiyon, ang mabubuting tupang iyon at mga tupang namumuno, para magpasakop at sumunod nang may matatag na mga puso? Ang mga tao sa iba’t ibang sekta ng relihiyon ay walang paraan para asahan na ang Makapangyarihang Diyos na tiyak nila sa kanilang sarili at matapang nilang tinutuligsa, kinakalaban, at inuusig sa katunayan ay ang pagbalik ng Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, na sabik at matiyaga nilang hinintay.

Nakatala sa Aklat ng Pahayag na tanging ang Kordero ang may kakayahang magbukas ng iskrol at magtanggal ng pitong tatak. Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpahayag ng milyun-milyong salita na hindi lamang ibinubunyag ang lahat ng hiwaga ng 6,000-taon ng plano sa pamamahala ng Diyos, inihahayag ang layunin ng Diyos sa tatlong yugto ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan, at inilalaan ang pinagmulan, impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa likod nito, at diwa sa likod ng bawat isa sa mga yugto ng Kanyang gawain, kundi higit pa rito ang Kanyang mga salita ay inilalahad din ang gawain ng paghatol at paglilinis na nakadirekta sa likas na kademonyohan ng sangkatauhan at sa katotohanan ng kanilang katiwalian. Gayon din, ang napakarami Niyang salita ay sumasaklaw sa napakaraming paksang nauukol sa kuwentong nakapaloob sa Biblia, sa hiwaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, sa malilinaw na intensyon at partikular na mga hinihiling ng Diyos para sa sangkatauhan, sa proseso ng pag-unlad ng sangkatauhan at hantungan ng sangkatauhan sa hinaharap, atbp. Hindi lamang nito binubusog ang mga mata ng sangkatauhan para mapalawak nila ang kanilang tanaw, kundi tinutulutan din nito ang mga tao na maunawaan ang gawain ng Diyos, disposisyon at diwa ng Diyos. Bukod dito, ang Kanyang mga salita ay tinutulutan tayong mga tiwaling tao na magkaroon ng pagbabago sa disposisyon at mapadalisay. Ang Kanyang mga salita ay naglalaman ng lahat ng katotohanan na kailangan nating mga tiwaling tao para maligtas at maging perpekto. Ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa Kanyang tinig at ang mga nananalig na mapagkumbabang sumusunod ay lubos na nalupig ng mga salita ng Diyos habang hinahanap at pinag-aaralan nila ang tunay na daan; talagang malinaw nilang nakita na ang tunay na gawain at mga salita ng Diyos ay walang kapantay at hindi mapapalitan ng anumang teorya o kaalamang gawa ng sangkatauhan. Pinatutunayan ng Kanyang mga salita at gawain ang mga taong mapagkumbabang sumasang-ayon na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang mismong ang Anak ng tao na nagbabalik sa mga huling araw at ang pagpapakita ng nag-iisang tunay na Diyos. Nakikita nila na bumaba na ang kaharian sa lupain ng tao at malinaw din nilang napapansin na ang tatlong yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian ay ang gawain ng nag-iisang Diyos at na ang mga ito ay gawain ng Diyos Mismo, wala talagang kaduda-duda ito. Makikilala lamang nila ang Diyos at makakapasok sila sa tamang landas ng pagsampalataya sa Kanya para makamit nila ang kaligtasan kung taglay nila ang mga katotohanang inihayag ng Makapangyarihang Diyos at nararanasan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kung gayon, nagpapatirapa sila sa harap ng Diyos at kinikilala nila na Siya ang kanilang Diyos at nagbabalik sila sa Kanya at ibinibigay ang kanilang buhay sa Kanya. Kaya nga parami nang parami ang tunay na matatapat na tao na hindi na natatakot sa hindi nila kilala at sumusunod sa Kidlat ng Silanganan nang may matatag na determinasyon.

Sa katunayan, walang “tama” o “mali” sa gawain ng Diyos, mayroon lamang “bago” at “luma” o “una” at “huli” dahil ang likas na prinsipyo sa likod ng gawain ng Diyos ay na palagi itong bago at hindi naluluma kailanman at hindi Siya sumusunod sa anumang regulasyon at walang mga kontradiksyon sa pagitan ng Kanyang bago at lumang gawain. Sa halip, umaakma sila sa isa’t isa na bawat yugto ay bumubuo sa isa pa; gaya ng mga kawing sa isang kadena na magkakadikit. Kung naghahanap at nag-aaral tayo nang taos-puso, kung nauunawaan natin ang tatlong yugto ng gawain sa buong 6,000-taon na plano sa pamamahala ng Diyos, madaling makita na ang gawain ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—ay nabuo sa pundasyon ng gawain ng Diyos na ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at nakikiisa sa gawain ng Panginoong Jesus; hindi ito nagsasarili at hindi hiwalay sa anumang paraan. Bukod dito, mauunawaan natin kung bakit tanging ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang maaaring maglinis at magpabago sa sangkatauhan, at lubos ding nagtutulot sa sangkatauhan na kalagin ang mga kadena ng maitim na impluwensya ni Satanas para makamit ang pagliligtas ng Diyos.

Sa paggunita sa huling panahon ng Kapanahunan ng Kautusan, nalaman ng buong sangkatauhan kung ano ang kasalanan, pero sa kabila nito patuloy pa rin silang nagkasala, at wala silang kakayahang sumunod sa mga kautusan at batas. Nang dumami ang mga kasalanan ng sangkatauhan, nabawasan nang nabawasan ang kanilang mga sakripisyo at nahulog sila sa di-maiiwasang bitag ng kasalanan. Unti-unti, nawala ang paggalang ng sangkatauhan sa Diyos at nagsakripisyo pa sila ng bulag at pilay na mga hayop sa banal na altar ng Diyos na si Jehova. Sa ganitong paraan, naharap sila sa kamatayan ayon sa batas at sumpa ng Diyos. Laban ito sa senaryo na para iligtas ng Diyos ang tao, kinailangan ang isang bagong yugto ng gawain. Ito ay dahil sa tanging ang Diyos Mismo—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa tiwali at napakasamang sangkatauhan. Dahil dito, nagkatawang-tao ang Diyos at nagpakita sa anyo ng Panginoong Jesus para simulan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Inako Niya ang mga kasalanan ng sangkatauhan at ipinako Siya sa krus para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos. Itinuro ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad na dapat nilang patawarin at pagpasensyahan, mahalin ang kanilang kapwa tulad sa kanilang sarili, at pasanin ang krus para sundan Siya. Itinuro din Niya sa mga tao na magputul-putol ng tinapay, uminom ng alak, maghugas ng mga paa ng iba at magsuklob ng kanilang ulo. Hiniling Niya sa mga tao na higit na mamuhay sa katotohanan at tinaasan Niya ang mga kailangang gawin ng sangkatauhan nang higit pa kaysa noong Kapanahunan ng Kautusan. Dinala ng Panginoong Jesus ang tao sa isang bagong kapanahunan at bagong direksyon na lalakbayin at binigyan Niya ang mga tao ng isang landas na lalakbayin para magtamasa sila ng sapat na biyaya ng Diyos at matamo ang Kanyang pagtubos. Tinapos ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang Kapanahunan ng Kautusan na umabot nang mahigit 2,000 taon sa isang paraan na nagsakatuparan sa kautusan. Ito ay isang bago at mas mataas na gawaing isinagawa sa pundasyon ng gawain ng Diyos na si Jehova.

Tinutubos ng Panginoong Jesucristo na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan. Kung nananalig tayo sa Panginoon at napatawad ang ating mga kasalanan, mapapawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at maliligtas. Kahit napatawad na ang ating mga kasalanan, ang dahilan ng mga kasalanang ito, ang likas na kademonyohan natin na kumakalaban at nagtataksil sa Diyos, ay hindi pa lubos na nalulutas. Sa ganitong paraan, kahit na kinalilimutan ng Diyos ang ating mga kasalanan at hindi tayo tinatrato ayon sa ating mga kasalanan, magkagayunma’y nabubuhay tayo sa laman at walang paraan para makalag ang mga tali at kontrol ng kasalanan. Nalubog lang tayo sa paulit-ulit na pagkakasala at pagkukumpisal at pagsisisi at hindi pa tayo nakakalaya sa kasalanan para maging mga banal na tao. Sa mga tamang sitwasyon, malalantad ang ating tiwali at makademonyong disposisyon sa kabila nito; na kinabibilangan ng kayabangan, kasakiman, pandaraya, panlilinlang, at ng ating mga kasalanan at pagsuway sa Diyos na hindi natin makontrol, na tulad lamang ng sinasabi ni Pablo rito: “sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala” (Roma 7:18). Malinaw na ang “maligtas” ay hindi nangangahulugan na lubos na tayong nakamit ng Diyos. Sa madaling salita, sa pagtubos lamang na natanggap natin sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi pa rin tayo maaaring magtagumpay laban sa impluwensya ni Satanas para makamit ng Diyos dahil hindi naging abala ang Diyos sa pagwawaksi sa tiwali at makademonyong disposisyong nananahan sa tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung mananatili lang tayo sa yugto ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at nananahan sa kaunting simple at luma nang mga pamamaraan at gawi, kahit ang paglipas ng 1,000 taon ay walang ibubungang mga pagbabago sa atin; hindi tayo magkakamit ng kabanalan, at hindi rin tayo magtatamo ng higit na pag-unawa sa Diyos. Masasadlak lang tayo sa kawalang-pag-asa na magiging ganap sa ating mga buhay. Unti-unti tayong mapapalayo sa Diyos at sa huli ay mapapasakamay tayo ni Satanas. Kaya para lubos na maligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa impluwensya ni Satanas, kailangang isagawa mismo ng Diyos ang isa pang yugto ng gawain, na mas malalim at masinsinan, para mailigtas ang sangkatauhan. Ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan ang mga salitang kailangan nito sa buhay para ang sangkatauhan ay: maunawaan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang pamamahala; malaman ang pagiging makapangyarihan, karunungan, diwa, disposisyon ng Diyos, at lahat ng mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos; malaman ang lahat ng katotohanan; at magabayan sa tamang landas ng buhay. Sa gayo’y magbabago ang mga lumang paniwala at disposisyon ng sangkatauhan, at ang likas na pagkamakasalanan ng sangkatauhan ay lubos na maaalis, na ibig sabihi’y, makakalaya ang sangkatauhan mula sa makademonyong mga pilosopiya at patakaran gayundin sa makademonyong mga lason na likas na nasa kalooban nito. Sa gayon ay magiging makatao ang sangkatauhan at magtataglay ng katotohanan at dahil doon ay magiging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos. Sa kasalukuyan, lahat ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang mismong yugtong ito ng gawain kung saan nangyayari ang lubos na paglilinis at pagliligtas sa tao. Hindi lamang nagbibigay ang Makapangyarihang Diyos ng mas marami pang katotohanan sa sangkatauhan batay sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, kundi ipinapahayag din Niya ang mga kautusan at batas sa pamamahala para sa Kapanahunan ng Kaharian. Itinaas na Niya ang mga kailangang gawin ng sangkatauhan para: Ang sangkatauhan ay kailangang hanapin at unawain ang katotohanan sa salita ng Diyos; malaman ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya; at malaman ang sariling likas na kademonyohan ng sangkatauhan na sumusuway at kumakalaban sa Diyos. Dapat ipamuhay ng sangkatauhan ang katotohanan at mamuhay ayon sa salita ng Diyos sa ilalim ng kundisyon noon pa man na unawain ang katotohanan para matamo ng sangkatauhan ang pagbabago ng disposisyon nito, muling magkaroon ng normal na buhay kung saan sinasamba nito ang Diyos, nagiging banal, at pumapasok sa napakagandang hantungang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan.

Ang Biblia ay naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw kung saan sinasabi sa Unang Sulat ni Pedro kapitulo 1 bersikulo 5 na, “Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.” Malinaw na ipinopropesiya sa talatang ito ng kasulatan na: Para sa atin na sumusunod sa Panginoong Jesus, inihanda na ng Diyos ang kaligtasan natin sa mga huling araw. Kaya, ano ba talaga ang mangyayari sa pagliligtas na ito sa mga huling araw? Sabi sa Biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). “At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:16). “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig” (Pahayag 14:6-7). Makikita natin mula sa mga banal na kasulatan na ang walang-hanggang ebanghelyo ay tumutukoy sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung saan gumagamit ang Diyos ng mga salitang kasingtalim ng mga tabak para hatulan at linisin ang tao. Ito mismo ang paghatol sa harap ng malaking puting luklukan na binanggit sa Aklat ng Pahayag, na siyang gawaing magpapasiya ng kahihinatnan ng sangkatauhan at ng kanilang hantungan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pagdating sa salitang ‘paghatol,’ maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mauunawaan natin mula sa mga salita ng Diyos na: Sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang katotohanan para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol para mas maunawaan ng sangkatauhan ang Kanyang kalooban, magkaroon sila ng tunay na kaalaman tungkol sa Kanya, at maunawaan nila ang pinagmumulan at diwa ng katiwalian ng tao dahil kay Satanas. Bukod dito, ang gawain ng paghatol ay tinutulutan din ang sangkatauhan na tunay na matamo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay na ipinagkaloob ng Cristo ng mga huling araw para lubos silang matamo ng Diyos at matamo nila ang Kanyang pagliligtas. Ito ang mas masinsinang pagliligtas na binubuo sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus at ito rin ang huling yugto ng gawain sa 6,000-taon ng plano sa pamamahala, na lupigin at gawing perpekto ang tao; ito ang pagliligtas na nakikita sa mga huling araw.

Mga kapatid, sa kabila ng kawalan ng pag-unawa ng sangkatauhan tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos, at sa kabila ng hindi pagkaunawa ng halos buong sangkatauhan sa lahat ng ginagawa ng Diyos at hindi pagkaalam sa Kanyang mga intensyon at pag-iwas at pag-aatubili sa bagong gawain ng Diyos, magkagayunman, ang mga tunay na alagad ng Diyos ay talagang may lugar para sa Kanya sa kanilang puso. Isinasantabi nila ang kanilang sariling mga paniwala at hinahanap at pinag-aaralan ang tunay na daan nang taos-puso at pinakikinggan ang tinig ng Diyos, sa gayo’y natatamo nila ang Kanyang pagliliwanag at tapat nilang kinikilala ang tinig ng Diyos. Ang mga tunay na alagad na ito ay pinapalitan ng aktuwal na kaalaman ang kanilang mga paniwala tungkol sa pangalawang Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga tunay na nananalig na ito ay pinapalitan ng pagsunod sa Diyos ang kanilang pagkalaban sa Kanya, pinapalitan nila ng pagtanggap sa Diyos ang kanilang pag-uusig sa Kanya, at pinapalitan nila ng pagmamahal sa Diyos ang kanilang pagtalikod sa Kanya. Ito ay katulad sa nakaraan kung saan kinilala ng mga disipulo at ilang karaniwang Judio na ang Panginoong Jesus ang Isa na nasa langit. Bagama’t naharap sila sa mabigat na pagbabawal, sagabal, pagkakulong, pang-aapi at pang-uusig ng komunidad ng mga relihiyon at makademonyong rehimen, nang malaman nila ang tunay na daan talagang nakumbinsi sila at hindi sila nagduda at sinunod nilang mabuti ang Diyos. Gayon ang nakakatakot na kapangyarihan ng gawain ng tunay na Diyos. Ngayon, lumalaganap na ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos nang napakabilis sa buong mainland China. Ngayo’y lumalaganap ito sa bawat bansa at lupain; ayaw mo ba talagang matamo ang buong katotohanan na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan at mamuhay sa liwanag? Hindi mo ba talaga naunawaan ang nilalaman at intensyon sa likod ng patuloy na mga paalala ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan sa mga huling araw na magbantay? Hindi ka ba nag-aalala na lumampas sa iyo ang pagkakataong ito na lubos na maligtas ng Diyos? Hindi ka ba nag-aalalang mabagabag ng iyong panghihinayang? Hindi kaya hindi mo pa rin nauunawaan ang dahilan sa likod ng walang-hanggan at di-mapigilang pagsulong ng Kidlat ng Silanganan? Kung nauunawaan mo nga, ano pa ang hinihintay mo?


Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/gospel/why-does-eastern-lightning-unstoppable-progress.html