Ang mga Propesiya sa Pagbabalik ng Diyos na Ipinagsawalang-bahala ng 90% ng Sangkatauhan

Mahal kong mga kapatid, maligayang pagdating! Bago magsimula para sa paksa ngayong linggo, tayo ay mag-usap tungkol sa isang isyu. Ang Panginoon ay nangako noong una sa atin, "Sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Ang Panginoong Hesus ay nagpropesiya sa huling araw na Siya ay babalik muli, kaya anong mga propesiya ang nilalaman ng Bibliya ukol sa Kanyang pagbabalik? Maraming kapatid ang naniniwala na ang Panginoon ay babalik mula sa ulap, subalit sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa Bibliya, madali nating makikita na mayroong dalawang mahahalagang parte ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Hesus: ang unang parte ay may kinalaman sa hayagang pagbaba muli ng Panginoon at ang ibang parte naman ay may kinalaman sa pagbaba Niya ng sekreto.

————————————————

Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

————————————————

Ang mga Propesiya na may Kaugnayan sa Hayagang Pagbaba ng Panginoon:

"Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa"(Pahayag 1:7).

"At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Lucas 21:27).

Ang mga Propesiya na may Kaugnayan sa Pagbaba ng Panginoon ng Sekreto

"Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40).

"Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25).

"Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. " (Mateo 25:6)

"Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko. " (Pahayag 3:3)

"Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo. " (Pahayag 3:3)

Sa mga bersikulong ito, makikita natin na kapag bumalik ang Panginoon, maliban sa Kanyang hayagang pagbaba mula sa ulap, Siya rin ay magaanyo bilang Anak ng Tao at bababa ng pasekreto. Bukas sa parehong oras ay magkakaroon tayo ng diskusyon tungkol sa pagdating ng Anak ng Tao.


——————————————————


PLumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?