Ang Aral ng Pagsunod

Yang Mingzhen, Canada

Ako si Yang Mingzhen, at pitong taon ko na ngayong sinusunod ang Makapangyarihang Diyos. Nitong nakaraang ilang taon, anumang tungkulin ang naiplano ng iglesia na gampanan ko o anumang mga hirap o problema ang aking nararanasan sa pagganap ko sa tungkulin, kahit kailangan kong magdusa, o anuman ang maging kapalit, nakaya kong makipagtulungan nang masigla nang walang anumang negatibong pananaw o pag-urong. Akala ko dahil nagawa kong lahat iyon, nagbago na ang disposisyon ko sa buhay at may kaunting praktikal na pagsunod ako sa Diyos. Ngunit alam ng Diyos ang aking pagkukulang at ang kailangan ko upang lumago sa buhay, kaya maingat Siyang nagplano ng mga tunay na sitwasyon upang aking maranasan. Sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos ko nakita nang malinaw ang tunay kong katayugan.

Noong Marso 2016, tumakas ako papunta sa ibang bansa upang maiwasan ang pag-aresto at pag-uusig ng pamahalaang CCP at malayang makapanalig at makasamba sa Diyos. Pagdating ko, nanatili akong kasama ng ilang nakababatang kababaihan. Araw-araw ang paglabas ng kababaihang ito upang magbahagi ng ebanghelyo, at diligan at suportahan ang mga bagong miyembro. Pag-uwi nila sa gabi, masaya silang nagbabahaginan ng kanilang mga karanasan at natutuhan sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Dahil dito, talagang hinangaan ko sila. Naisip ko: kung magiging kagaya nila ako, kung magagawa ko rin sana ang gawain ng pagdidilig at pagsuporta sa aming mga kapatid, napakaganda niyon! Isang araw, dumating si Sister Zhang upang talakayin sa amin ang gawain ng Iglesia. Tinanong niya ako: “Handa ka bang tumulong na suportahan ang ating mga bagong kapatid?” Masaya akong sumagot ng oo, at naisip ko: Kapag nalaman ng mga kamag-anak at kaibigan ko, at ng mga kapatid na nakakakilala sa akin na kaya kong gawin ang ganitong uri ng tungkulin sa ibang bansa, tiyak na hahangaan at titingalain nila ako. Lubhang kahanga-hanga iyon! Sa sumunod na mga araw, masigasig kong inumpisahan ang aking tungkulin ng pagdidilig sa mga bagong miyembro.


————————————————————

Ang panalangin ay isang proseso upang makipag-usap sa Diyos at ang pagdarasal sa Diyos ay dapat na maging bahagi ng buhay Kristiyano. Matapos malaman ang kahalagahan ng panalangin, alam mo ba kung paano magsanay?

————————————————————

Nang mapuno ng pag-asam ang puso ko, lumapit sa akin ang lider ng iglesia at nagtanong kung maaari akong maging punong-abala. Hindi agad napanatag ang puso ko: “Akala ko plano ng iglesia na diligan at suportahan ko ang mga bagong kapatid, bakit ngayon plano ninyong gawin akong punong-abala? Hindi kaya mga kaldero at kawali lang ang makakasama ko sa buong maghapon? Hindi lamang ito mabigat na gawain, kundi insulto rin ito! Noong nasa mundo pa ako isa akong negosyante, at nagpatakbo ako ng isang pabrika. Sabi ng lahat ng kaibigan at kamag-anak ko talagang matapang ako. Sa bahay, lagi akong umuupa ng tagalaba, tagaluto, at tagalinis. Ngunit ngayon, parang ako ang nagluluto para sa inyo. Ayaw kong gampanan ang ganitong klaseng tungkulin!” Naisip ko ang lahat ng ito, ngunit para hindi ako mapahiya, hindi ako direktang tumanggi. Gumawa ako ng isang matalinong dahilan, at sinabi ko na kadarating ko lamang sa bansang ito, at hindi ako pamilyar sa aking paligid, at hindi ako marunong magsalita ng wika nila. Ni hindi ko alam kung paano bumili ng mga gulay, kaya hindi ko magagampanan nang maayos ang tungkulin bilang isang punong-abala. Sabi ni Sister Zhang, huwag daw akong mag-alala, dahil tutulungan ako ng lahat kung kailanganin ko iyon. Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi na ako posibleng makapagdahilan pa, ngunit sa puso ko, ayaw na ayaw kong gawin iyon. Kung pumayag ako, malamang hindi na ako magkaroon ng isa pang pagkakataong gampanan ang tungkulin ng pagdidilig, at hindi kaya mawalan na ng saysay ang lahat ng pag-asam ko? Ngunit kung hindi naman ako pumayag, hindi kaya sabihin ng kapatid na ito na matigas ang ulo ko dahil namimili ako ng tungkulin? Pagkatapos iyong pag-isipan, pinilit ko ang sarili kong tanggapin ang tungkuling iyon.

Nang sumunod na ilang araw, bagama’t ginampanan ko ang tungkulin kong maging punong-abala, patuloy na hindi mapanatag ang puso ko, at nagsimula akong maghinala. Naisip ko: Tingin kaya ng kapatid na ito, hindi ko kayang gampanan ang tungkulin ng pagdidilig? Kung hindi naman, bakit niya ako gagawing isang punong-abala? Kung malaman ng mga kapatid na nakakakilala sa akin ang tungkol dito, hindi kaya nila iisipin na nakaplano akong gampanan ang tungkulin ng isang punong-abala dahil wala akong realidad ng katotohanan? Hindi kaya nila ako hahamakin? Lumala ang pakiramdam ko sa ideyang iyon. Pagkatapos noon, naalala ko ang isang pasiyang nagawa ko sa harap ng Diyos: Anuman ang nararanasan ko, hangga’t nakakatulong ito sa gawain ng iglesia, gagawin ko ang aking makakaya upang makipagtulungan. Gaano man kalayo ito sa sarili kong mga pagkaintindi, kailangan kong sumunod at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ngunit nang hilingan akong maging isang punong-abala, bakit ayaw kong sumunod? Tahimik akong nanalangin sa Diyos: “Diyos ko! Alam ko na Ikaw ang namamahala sa lahat ng nangyayari at ayon sa Iyong mga plano ang pagganap ko sa tungkuling ito, ngunit laging may paghihimagsik sa puso ko, at hindi ko kayang tapat na sumunod sa Iyo, Alam ko na hindi tama ang aking kalagayan. Hinihiling ko na bigyan Mo ako ng kaliwanagan at gabayan Mo ako upang maunawaan ko ang Iyong kalooban at makaya kong sundin ang naitakda at naiplano Mo para sa akin.” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Silang lahat na hindi hinahanap ang pagsunod sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang maaaring makamit nila ang pagsunod sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makakapagbago nito. Kung ang iyong mga motibo ay hindi para tumalima sa Diyos, at may iba ka pang mga layon, lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga panalangin sa harap ng Diyos, at pati na ang bawat kilos mo—ay magiging kontra sa Diyos. Maaaring banayad kang magsalita at mahinahon ang pag-uugali mo, maaaring mukhang tama ang bawat kilos at pananalita mo, maaaring mukha kang masunurin, ngunit pagdating sa iyong mga motibo at pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng ginagawa mo ay kontra sa Diyos, at masama” (“Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagdating sa bahay, nabasa ko sa isang fellowship: “Sa pagganap sa kanilang tungkulin, nakatuon lamang ang ilang tao sa kahambugan, sa sarili nilang dangal. ‘Gagampanan ko ang anumang tungkulin na magpapasikat sa akin. Kung kailangan sa isang tungkulin na isubsob ko ang ulo ko sa pagtatrabaho, kung walang makakakita roon at hindi ako makakapagpasikat, kung iyon ay tago at hindi ako kikilalaning bida, hindi ko gagawin iyon. Gagawin ko lang kung ano ang magpapaganda sa imahe ko, kung ano ang magpapapuri sa akin.’ Gusto lamang nila na magmukhang kapuri-puri sa harap ng iba, at kapag nangyari iyon, tuwang-tuwa sila. Magbibigay sila kahit magkano, magsusumikap sila. Lagi nilang hinahangad ang kanilang pansariling kasiyahan. Hindi mahal ng ganitong klaseng tao ang katotohanan. Kailangan mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at sundin ang Kanyang mga plano. Ang mga plano sa tahanan ng Diyos ay pinahintulutan ng Diyos, kaya kailangan mong magkusang sumunod. Kung kaya mong sumunod sa mga plano ng tahanan ng Diyos, nangangahulugan iyan na kaya mong sundin ang Diyos. Kung hindi mo kaya, ang iyong pagsunod sa Diyos ay walang kabuluhan kundi hungkag na mga salita. dahil hindi ka uutusan ng Diyos na gumawa ng isang bagay, nang harapan. Sa araw na ito, naiplano ng tahanan ng Diyos na gampanan mo ang tungkuling ito, na gampanan mo ang tungkuling iyon ayon sa kasalukuyan nating mga pangangailangan para sa gawain. Sabi mo: ‘Mayroon akong pagpipilian. Gagampanan ko ang anumang nais kong gampanan. Kung ayaw ko iyon, hindi ko iyon gagawin.’ Ang ganyan bang pagganap sa tungkulin mo ay pagiging masunurin sa Diyos? Ang ganyan bang klaseng tao ay isang taong nagmamahal sa katotohanan? Magkakaroon ba sila ng pag-unawa sa Diyos? Hindi nila iginagalang ang Diyos. Ang pagpili ng iyong tungkulin, pagiging negatibo at katamaran—wala kahit kaunting realidad ng katotohanan ang ganyang klaseng tao. Wala silang tunay na pagsunod, kundi lubos lang silang umaasa sa sarili nilang kagustuhan sa kanilang tungkulin. Ayaw ng Diyos ang ganitong klaseng tao” (“Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Salita ng Diyos na ‘Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan’ (I)” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay XI).

Ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ay tumagos sa puso ko, at napahiya ako. Bukod pa rito napagtanto ko rin ang kung bakit ayaw kong gawin ang tungkuling maging punong-abala. Noong araw na naging responsable ako para sa isang maliit na grupo sa iglesia, lagi munang tinatalakay sa akin ng lider ang gawain ng iglesia, at saka ko naman iyon tatalakayin sa mga kapatid at ipapatupad ito. Sa panahong iyon nadama ko na mataas ang tingin sa akin ng lider ng iglesia, tiningala rin ako ng aking mga kapatid. Nag-umapaw ang sigla ko sa aking tungkulin, at masaya akong gawin iyon gaano man iyon kahirap o nakakapagod. Ngunit ngayon na ako dapat ang maging punong-abala, negatibo ako at wala akong sigla, at iniisip ko na napakaabang gawain ang paghahanda ng pagkain, at nakikipag-usap lamang ako sa mga kaldero at kawali buong maghapon at walang makakaalam kung gaano ako kasipag. Nakakabagot ang gayong klaseng tungkulin, kaya tinututulan ko iyon, at ayaw kong tanggapin. Wala akong anumang praktikal na pagsunod sa Diyos. Noon ko lamang nalaman na noong araw, ang walang-kapaguran kong paggawa sa aking tungkulin ay hindi ginawa dahil sa tunay na pagsunod, kundi para lamang magpasikat at matamo ang paghanga at mataas na pagtingin ng iba, at na hindi ko ginagampanan ang aking tungkulin bilang nilikha ng Diyos. Sa sandaling hindi mabigyang-kasiyahan ng aking tungkulin ang aking sariling ambisyon at hangaring tumanyag at magkaroon ng katayuan sa lipunan, nag-isip ako ng lahat ng posibleng paraan upang makapagdahilan, at hindi ako handang tumanggap ng gawain at maging masunurin. Sa madaling salita, ipinapakita ko lang na ginagampanan ko ang aking tungkulin habang sinisikap kong magkaroon ng katanyagan at katayuan sa lipunan upang bigyang-kasiyahan ang sarili kong kahambugan. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos, o inalagaan ang gawain ng iglesia. Talagang napakasakim ko at nakakasuklam ako! Lagi kong nagampanan ang aking tungkulin ayon sa aking mga personal na kagustuhan at pagpili, laging nagbabalak na makinabang. Paano ako posibleng maging isang tao na nagsisikap na matamo ang katotohanan at masunurin sa Diyos? Pagkatapos, binasa ko ang iba pang mga salita ng Diyos: “Ang mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakatanggap ng pagsisiyasat ng Diyos sa kanilang mga pagkilos. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitatama ang puso mo. Kung ang iyong ginagawa ay para makita lamang ng iba at hindi tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, nasa puso mo ba ang Diyos? Ang mga taong tulad nito ay walang pusong may takot sa Diyos. Huwag laging gumagawa ng mga bagay-bagay para sa iyong sariling kapakanan, huwag laging nagsasaalang-alang ng iyong sariling mga interes, at huwag nagsasaalang-alang ng iyong sariling katayuan, kahihiyan o reputasyon. Dapat mo munang isaalang-alang ang interes ng tahanan ng Diyos at unahin iyan; dapat maging mapagsaalang-alang ka sa kalooban ng Diyos, magbulay-bulay kung iniisip mo man ang gawain ng tahanan ng Diyos o hindi at kung iyong nagagampanan man nang mainam ang tungkulin mo o hindi. Kapag lagi mong isinasaalang-alang ang gawain ng tahanan ng Diyos sa puso mo at iniisip ang pagpasok sa buhay ng iyong mga kapatiran, kung gayon makakaya mong gampanan nang mainam ang iyong tungkulin” (“Makakamtan Mo ang Katotohanan Matapos Ipagkaloob sa Diyos ang Iyong Tunay na Puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang Kanyang kalooban, at nalaman ko kung ano ang aking dapat gawin upang bigyan Siya ng kasiyahan. Nanalangin ako sa Diyos at nagpasiya: “Diyos ko! Handa akong tanggapin ang Iyong pagsisiyasat, isantabi ang aking sariling kahambugan at dangal, at huwag nang maghangad ng katanyagan at katayuan sa lipunan. Handa akong sumunod sa Iyong mga plano at tapat na gampanan ang aking tungkulin upang bigyan Ka ng kasiyahan!” Pagkatapos manalangin, mas napayapa ang puso ko, at taos-puso kong tinanggap ang tungkulin.

Sa sumunod na mga araw, dahil alam ng kababaihan na kadarating ko lang dito at hindi ako pamilyar sa aking paligid, kaya mahihirapan akong mamili sa groserya, nag-ukol sila ng panahon upang samahan akong bumili ng pagkain at mga pang-araw-araw na pangangailangan. Mas matanda ako sa kanila, at hindi ako gaanong magaling sa mga computer, kaya buong kabaitan at tiyaga nila akong tinuruan. Paminsan-minsan, kapag nahirapan ako, negatibo ako at nanghihina, at may natagpuan silang nauugnay na mga talata sa mga salita ng Diyos na ibabahagi sa akin sa fellowship. Tinulungan nila ako nang may pagmamahal, at nilutas ang aking praktikal na mga paghihirap. Bagama’t abalang-abala ang aking mga kapatid sa kanilang tungkulin, tuwing may panahon sila tinutulungan nila ako sa paggawa ng mga gawaing-bahay, paglilinis, at iba pa. Wala ni isa sa kanila ang humamak sa akin o nagkibit-balikat dahil isa akong punong-abala. Ginawa ng lahat ang magagawa nila sa kanilang tungkulin. Nadama ko na sa mga kapatid na lalaki at babae, walang pagkakaiba sa kanila ang aba at matayog. Lalo pa kaming nagkalapit, lalong naging matalik kaysa sa isang pamilya. Puno ng kasiyahan ang bawat araw, at nakadama ako ng ginhawa at kapayapaan. Pinasasalamatan ko talaga ang Diyos! Matapos sumailalim sa paghatol at pagkastigong iyon ng mga salita ng Diyos, nadama ko na medyo nakapasok na ako sa katotohanan ng pagsunod sa Diyos, at naging mas masunurin ako sa aking tungkulin. Ngunit alam na alam ng Diyos na malalim na nakabaon ang likas kong kasamaan sa pagsisikap na tumanyag at magkaroon ng katayuan sa lipunan, kaya gumawa siya ng isa pang sitwasyon upang dalisayin at iligtas ako.

Isang araw, ipinatawag ako ng lider ng iglesia at sinabi na naging abalang-abala ang isa sa kababaihan sa kanyang tungkulin at walang magbabantay sa kanyang anak tuwing Sabado ng hapon, tinanong niya ako kung makakapag-ukol ako ng kalahating araw sa isang linggo para tulungan siya. Nang marinig ko na mag-aalaga ako ng bata, medyo sumama ang loob ko. Kasama ba ang pag-aalaga ng bata sa tungkulin ko? Bukod pa riyan, maraming taon akong naging abala sa negosyo, at hindi ko kinailangang bantayan ang sarili kong mga apo. Lahat ng trabahong ginagawa ko ay pinaganda ang pagtingin sa akin ng iba, at sa paningin ng aking mga kamag-anak at kaibigan isa akong matapang na babae. Ang pagganap lang sa aking tungkulin bilang isang punong-abala ay nakakaaba nang masyado para sa akin, kaya kung babantayan ko pa ang anak ng sinuman bukod diyan, hindi ba yaya na ang labas ko niyan? Hindi ako kikilalanin o magkakaroon ng katayuan sa lipunan sa pagbabantay ng bata, kaya ayaw kong gawin iyon. Kaya, nagdahilan ako: Naghahanda ako ng pagkain ngayon para sa kababaihan, at babantayan ko pa ang bahay. Madalas magpunta ang mga kapatid, kaya hindi talaga ako makakaalis. Dahil nagdadahilan at umiiwas lang ako, sinabihan ako ng lider na manalangin muna sa Diyos, magtanong, pagkatapos ay magdesisyon. Pagkababa ko ng telepono, hindi mapanatag ang puso ko, at habang pinag-iisipan ko ito mas sumama ang pakiramdam ko. Naisip ko: Bakit hindi humanap ng iba ang lider? Bakit ako pa? Hindi ako kikilalanin o magkakaroon ng katayuan sa lipunan sa pagbabantay ng bata. Ano ang magiging tingin sa akin ng mga kapatid kapag nalaman nila ito? Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila? Ngunit kung hindi ko ito gagawin, hindi ba sasabihin ng aking mga kapatid na wala akong pagmamahal sa puso ko? Nag-isip ako nang nag-isip, at sa huli ay nagdesisyon akong subukan iyon.

Pumunta ako sa bahay ni Sister Zhou noong Sabado ng hapon at nakita ko na inosente at kaibig-ibig ang masiglang bata, ngunit hindi talaga ako masaya. Naguluhan ang puso ko. Nagpunyagi akong makaabot hanggang alas-5 ng hapon nang mag-umpisang umiyak ang bata at hinanap ang kanyang ina, at hindi ko siya mapatahan anuman ang gawin ko. Parating na si Sister Zhou, ngunit hindi pa rin tumitigil ang bata sa pag-iyak. Nainis ako. Naisip ko: Kung dumating siya at maabutang umiiyak ang kanyang anak, ano ang iisipin niya sa akin? Iisipin kaya niya na sa edad kong ito, ni hindi ko kayang mag-alaga ng isang maliit na bata? Sa pagkataranta, ang tanging nagawa ko ay suyuin siya ng masasarap na meryenda, kuwentuhan at papanoorin ng cartoons. Unti-unti siyang tumahan, at pagkatapos ay bumalik na si Sister Zhou mula sa pagganap niya sa kanyang tungkulin. Napalipas ko ang isang buong hapon sa gayong paraan. Habang pauwi, naglakad-lakad ako at nag-isip: Hindi simpleng gawain ang magbantay ng bata. Bukod sa nakakapagod, napakaraming dapat alalahanin. Kung may mangyari, hindi ko iyon kakayaning harapin. At napakaraming tao sa iglesia, kaya bakit ako ang kailangan nilang magbantay sa bata? Nang lalo ko itong isipin, lalo akong nainis. Nang gabing iyon, pabali-balikwas ako sa higaan, at hindi ako makatulog. Kinailangan kong lumapit sa Diyos at manalangin: “Diyos ko! Ang pangit ng pakiramdam ko ngayon. Alam kong ang pagtulong sa kapatid na ito na alagaan ang anak niya ay upang hindi makasagabal sa kanyang tungkulin ang mga alalahanin niya sa pamilya, at dapat kong tanggapin na tungkulin ko iyon. Ngunit lagi akong nasasaktan at sinisikap kong sumunod. Diyos ko! Nagmamakaawa ako na liwanagan at gabayan Mo ako na maunawaan ang Iyong kalooban, at makalaya ako mula sa maling kalagayang ito.” Pagkatapos manalangin, gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. Binuklat ko ang aklat ng mga salita ng Diyos, at nabasa ko ito: “Ano ang tunay na pagsuko? Tuwing umaayon sa gusto mo ang mga bagay-bagay at tinutulutan kang mamukod-tangi, sumikat, at magkaroon ng kaunting karangalan, nadarama mo na kasiya-siya at angkop ang lahat. Nagpapasalamat ka sa Diyos at nakakaya mong sumuko sa Kanyang pagsasaayos at mga plano. Gayunman, tuwing nakakaligtaan ka, hindi ka namumukod-tangi, at palagi kang binabalewala ng iba, hindi ka na masaya. … Kadalasan ay madaling sumuko kapag umaayon sa iyo ang mga sitwasyon. Kung kaya mo ring sumuko sa mahihirap na sitwasyon—kapag hindi umaayon sa gusto mo ang mga bagay-bagay at nasasaktan ka, nanghihina, nahihirapan ang katawan mo at nasisira ang iyong reputasyon, hindi nabibigyang-kasiyahan ang iyong kahambugan at kayabangan, at nahihirapan kang mag-isip—nasa hustong gulang ka na nga. Hindi ba ito ang mithiing dapat mong pagsikapang matamo? Kung ganito ang resolusyon mo, ang mithiin mo, may pag-asa pa” (Pagbabahagi ng Diyos).

Ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakatago sa bawat kaisipan at ideya nila, sa loob ng mga motibo sa likod ng bawat kilos nila; nakatago ito sa loob ng bawat opinyon, pagkaunawa, pananaw at hangarin nila sa kanilang pag-unawa sa lahat ng ginagawa ng Diyos. At paano inuunawa ng Diyos ang mga bagay na ito ng tao? Nagpaplano Siya ng mga sitwasyon para ilantad ka. Hindi ka lamang Niya ilalantad, kundi hahatulan ka pa Niya. Kapag ipinakita mo ang iyong tiwaling disposisyon, kapag may mga kaisipan at ideya ka na salungat sa Diyos, kapag may mga kalagayan at pananaw ka na laban sa Diyos, kapag may mga kalagayan ka na mali ang pagkaunawa mo sa Diyos, o nilalabanan at kinokontra mo Siya, pagsasabihan ka ng Diyos, hahatulan at kakastiguhin ka, at kung minsa’y parurusahan at didisiplinahin ka pa. … Nais ng Diyos na aminin mo ang iyong mga tiwaling disposisyon at napakasamang diwa, para maging masunurin ka sa mga sitwasyong ipinaplano ng Diyos para sa iyo at, sa huli, para maisagawa mo ang hinihiling Niya sa iyo alinsunod sa Kanyang kalooban, at matupad mo ang Kanyang intensyon” (“Tanging ang Pagiging Totoong Masunurin ang Tunay na Paniniwala” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).

Sa pagharap sa naghahayag na mga salita ng paghatol, nadama ko na wala akong mapagtataguan. Nang makita ko ang mga salitang ito ng Diyos na “Ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakatago sa bawat kaisipan at ideya nila, sa loob ng mga motibo sa likod ng bawat kilos nila; nakatago ito sa loob ng bawat opinyon, pagkaunawa, pananaw at hangarin nila sa kanilang pag-unawa sa lahat ng ginagawa ng Diyos,” hindi ko napigilang suriin ang aking sarili: Bakit hindi ko nagawang sundin ang sitwasyong ipinlano ng Diyos para sa akin? Bakit ayaw kong tulungan ang kapatid na iyon sa pag-aalaga sa kanyang anak? Naniwala ako na ang pag-aalaga ng mga bata ay gawain lamang ng mga taong mahihirap, at na kawalan iyon ng katayuan sa lipunan, na hahamakin iyon ng iba. Akala ko pagganap lamang ng isang tungkulin kung saan maipapakita ko ang aking sarili at maisasagawa ang isang dakilang bagay, na hahangaan at titingalain ako ng iba ang mahalaga, at papupurihan ng Diyos. Kung aba ang aking tungkulin at hindi nakikita ng iba, walang kabuluhan iyon. Pinagbulay-bulayan ko ang mga kaisipan at ideyang ito sa aking kalooban at saka ko lamang natanto na kontrolado pa rin ako ng hangaring tumanyag at magkaroon ng katayuan sa lipunan. Ang mga mithiin, pananaw sa buhay, at pagpapahalaga na aking pinagsikapang matamo sa aking pananalig sa Diyos ay kapareho ng mga tao ng sanlibutan, gaya ng “Tulad ng isang puno na nabubuhay para sa kanyang balat, ang tao ay nabubuhay para sa kanyang dangal,” “Dapat magsumikap palagi ang mga tao na maging mas magaling kaysa sa kanilang mga kaedaran,” “Iniiwan ng isang tao ang kanyang pangalan saanman Siya namamalagi, tulad ng isang gansa na kumakakak saanman ito lumilipad,” “Dumadaloy ang tubig pababa, umaakyat ang tao pataas,” atbp. Malalim na nakaugat ang napakasasamang lason at batas ng lohikang ito sa puso ko at naging bahagi na ng buhay ko, kaya ako masyadong mayabang, at umiibig sa katanyagan at katayuan sa lipunan. Ito ang nag-akay sa akin na laging kalkulahin ang mga madaragdag at mawawalang katanyagan at katayuan sa lipunan sa aking tungkulin, at na hindi tunay na masunod ang Diyos.

Sa gayon ay pinagnilayan kong muli ang mga salita ng Diyos at naunawaan ko na bagama’t salungat sa aking mga pagkaintindi ang sitwasyong ipinlano ng Diyos para sa akin, naroon ang mabubuting layon ng Diyos. Nais Niyang ilantad ako sa sitwasyong iyon upang magkaroon ako ng mas malalim na pag-unawa sa sarili kong tiwaling disposisyon at malinaw na makita na tumatahak ako sa maling landas, upang agad akong makapagsisi at makabalik, at makatahak sa tamang landas ng pagsisikap na matamo ang katotohanan. Ngayon, dakila man o hamak ang tingin ng iba sa tungkuling ginagampanan ko, lahat ng ito ay patakaran at plano ng Diyos at ito ang responsibilidad at tungkuling kailangan kong gampanan. Kailangan ko lamang tanggapin at sundin ito nang hindi nag-aalala o nagdadalawang-isip; hindi ako maaaring magdahilan o tumutol dito. Hindi ako ang nagpapasiya rito—ito lamang ang tunay na pagsunod.

Sa aking mga espirituwal na debosyonal kinabukasan, binasa ko ang iba pang mga salita ng Diyos: “Kung hindi mo ginagampanang mabuti ang tungkulin mo, nguni’t palaging naghahangad ng karangalan at nakikipagpaligsahan para sa katungkulan, pangalan, karangalan, at iyong sariling mga pakinabang, sa gayon habang namumuhay sa ganoong kalagayan, gusto mo bang makagawa ng paglilingkod? Makapaglilingkod ka kung gusto mo, nguni’t posible na ikaw ay malantad bago matapos ang iyong paglilingkod. Ang paglalantad sa iyo ay nangyayari sa isang iglap. Sa sandaling ikaw ay nalalantad, ang tanong ay hindi na kung mapapabuti pa ang iyong kalagayan; sa halip, malamang na ang iyong kalalabasan ay naalaman na, at iyan ay magiging isang suliranin para sa iyo” (“Makakamtan Mo ang Katotohanan Matapos Ipagkaloob sa Diyos ang Iyong Tunay na Puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Yaong mga hindi naghahabol sa buhay ay hindi maaaring mapabago; yaong mga hindi nauuhaw para sa katotohanan ay hindi maaaring matamo ang katotohanan. Ikaw ay hindi tumutuon sa paghahabol sa pansariling pagpapabago at pagpasok; ikaw ay laging tumutuon sa maluluhong mga pagnanasang yaon, at mga bagay na sumisikil sa iyong pag-ibig para sa Diyos at pumipigil sa iyo mula sa pagiging malapit sa Kanya. Maaari ka bang mapabago ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon tungo sa kaharian?” (“Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tumagos sa puso ko ang bawat salita. Nakita ko na hindi palalampasin ng matuwid at banal na disposisyon ng Diyos ang mga kasalanan ng sangkatauhan, at hindi ko napigilang matakot sa landas na natahak ko. Napagtanto ko na nanalig na ako sa Diyos nang maraming taon ngunit hindi ko pa napagsikapang matamo ang katotohanan—hinangad ko na ang katanyagan at katayuan sa lipunan noon pa man. Nagtuon na ako sa mga bagay na magagawa ko sa harap ng iba upang tingalain nila ako at suportahan. Nakagapos at nakahadlang sa akin ang mararangyang hangaring ito, at hindi ko nagawang sundin ang mga plano ng Diyos. Partikular na hindi ko nagawang sundin o mahalin ang Diyos. Kung patuloy kong sinunod ang Diyos sa ganitong paraan hanggang sa huli, hindi magbabago ang disposisyon ko sa buhay kailanman. Patuloy akong magdurusa sa pagkontrol nitong likas na kasamaan, at maghihimagsik at lalaban sa Diyos. Kung gayo’y paano ako posibleng maililigtas ng Diyos? Bagama’t naglantad ako ng kaunting katiwalian sa pagbabagong ito sa aking mga tungkulin, naunawaan ko na sa aking pananalig sa Diyos, sa pamamagitan lamang ng pagsisikap na matamo ang katotohanan, at pagtanggap sa paghatol, pagkastigo, pagpupungos, at pagharap sa mga salita ng Diyos ko mauunawaan ang diwa ng aking sariling likas na kasamaan, at malinaw na makikita ang katotohanan ng katiwalian ng aking paghihimagsik at paglaban sa Diyos. Maaari akong akayin nitong kamuhian ang aking sarili, talikuran ang laman, at magkaroon ng pagbabago sa aking disposisyon sa buhay, sa gayo’y maging isang tao na tunay na masunurin sa Diyos at nagtatamo ng Kanyang papuri. Nang maunawaan ko ito, nadama ko na talagang kailangang matutong manampalataya sa Diyos. Noon mismo, nagpasiya ako: Anumang tungkulin ang ipinaplano ng iglesia para sa akin, handa akong ganap na sundin ang naiplano ng Diyos. Hindi ko susubukang isingit ang sarili kong pangangatwiran, at hindi ko isasaalang-alang ang aking sariling kapakinabangan o kawalan. Nais ko lamang matatag na gampanan ang aking tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos at bigyan Siya ng kasiyahan!

Sa sumunod na mga araw, tuwing abala ang aking mga kapatid sa kanilang tungkulin at kinailangan nila ang tulong ko sa pag-aalaga ng bata, tinanggap ko iyon nang buong puso at sinunod ang sitwasyong naitakda ng Diyos para sa akin. Masigasig kong ginampanan ang aking tungkulin, at nakadama ako ng ginhawa, at kapayapaan ng isipan. Nasaksihan ko rin ang malaking patnubay at mga pagpapala ng Diyos. Kung minsan kapag matigas ang ulo ng bata o nagmaktol siya, hindi ako makapagtimpi. Ngunit agad kong napapansin na muli akong nagpapakita ng katiwalian, kaya dali-dali akong bumabalik sa Diyos at nagbubulay sa aking sarili, at nakikita ko na sa harap ng Diyos, para lamang akong isang batang wala sa hustong isip na madalas maghimagsik at lumaban sa Diyos, at hindi ko gagawin ang Kanyang sinabi. Hindi ako gaanong nabagabag na gaya ng dati, at nagawa kong maging mas maunawain at mapagpatawad sa bata. Kung minsan may kaunti akong pagkakaiba ng opinyon sa kanila, kaya sinikap kong alisin sa isipan ko na ako ang matanda at nakikinig ako sa gusto nilang sabihin, at tinatanggap ko ang anuman sa kanilang mga tamang mungkahi. Natutunan ko rin kung paano kausapin nang masinsinan ang isang bata at tunay na maunawaan ang kanilang damdamin. Kapag may naisip sila, kinakausap nila ako tungkol doon, at wala nang anumang agwat sa pagitan namin. Madalas din kaming magbasa ng mga salita ng Diyos na magkasama at makinig sa mga himno. Ibinahagi ko sa kanila ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at kung paano manalangin sa Diyos at umasa sa Kanya nang makaranas kami ng mga hirap sa buhay. Tinuruan din nila ako ng Ingles—nagtulungan kami. Nang makita ko na naging mas lalong masunurin ang mga bata, at na natuto silang manalangin sa Diyos at umasa sa Kanya kapag nakaranas sila ng mga hirap, ang saya-saya ko. Hindi ko mapigilang magpasalamat at magpuri sa Diyos nang taos-puso! Sa pamamagitan ng aking karanasan sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, unti-unti kong binitawan ang aking pagnanasang magsikap para sa katanyagan at katayuan sa lipunan. Hindi ko na gustong gampanan ang isang tungkuling magbibigay sa akin ng kabantugan, at hindi ko na pinagtuunan ng pansin kung ano ang tingin sa akin ng iba. Sa halip, nagawa ko nang sundin ang mga plano ng Diyos at matatag na humarap sa Diyos at gampanan ang aking tungkulin. Nadarama ko na ang pamumuhay sa ganitong paraan ay nagdudulot ng kapahingahan, nagpapalaya, at nakakagaan sa kalooban. Malalim ko ring naranasan na sa tahanan ng Diyos, walang tungkuling malaki o maliit, at walang pagkakaiba ang mababa sa mataas. Anumang klaseng tungkulin ang aking ginagampanan, mayroong aral doon na kailangan kong matutunan at mga katotohanang kailangan kong isagawa at pasukan. Hangga’t isinasagawa ko ang mga salita ng Diyos at sinusunod ko Siya makakamtan ko ang gawain ng Banal na Espiritu at mauunawaan ang katotohanan, at matatanggap ang Kanyang mga pagpapala kapag ginagampanan ko ang aking tungkulin. Ipinapakita nito sa akin kung gaano Siya katuwid, at na hindi Niya pinapaboran ang sinuman.

Sabi ng Diyos: “Masakit ang ginagawang sakripisyo ng Diyos alang-alang sa bawat indibiduwal. Itinutuon Niya ang Kanyang kalooban sa bawat isang tao, na may mga inaasahan at inaasam para sa lahat. Malaya Siyang gumagawa ng masakit na sakripisyo para sa mga tao ayon sa Kanyang sariling kalooban, at kusa Niyang ibinibigay ang Kanyang buhay at katotohanan sa bawat indibiduwal. Kaya nasisiyahan ang Diyos kung nauunawaan ng isang tao ang layon Niyang ito. Kung natatanggap at nasusunod mo ang mga bagay na ginagawa Niya, at kung natatanggap mo ang lahat mula sa Diyos, nadarama Niya na ang masakit na sakripisyong iyon ay hindi nawalan nang kabuluhan. Ang ibig sabihin niyan, kung namuhay ka nang marapat sa pangangalaga at pag-iisip na naipuhunan sa iyo ng Diyos, natamo mo na ang mga gantimpala sa bawat sitwasyon, at hindi mo Siya nabigo sa mga inaasam Niya sa iyo, at kung ang ginagawa sa iyo ng Diyos ay nagkaroon na ng inaasahang epekto at umabot na sa inaasahang layunin, nasisiyahan ang puso ng Diyos” (“Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na lahat ng tao, pangyayari, bagay, at sitwasyon na aking nakakaharap araw-araw ay nagtataglay ng kalooban ng Diyos at ng Kanyang mga pagsisikap. May ipinapagawa sa akin ang Diyos at sa akin Siya lalong umaasa. Naisalba Niya ako mula sa malaking mundo. Kalooban ng Diyos na gampanan ko ang sarili kong papel sa Kanyang plano ng pamamahala. Bilang isa sa mga nilikha ng Diyos, tungkulin kong dinggin ang Kanyang sinasabi, sundin ang Kanyang mga plano, gawin ang naipagkatiwala Niya sa akin sa maayos na paraan, at isagawa ang aking mga responsibilidad. Ito ang aking tungkulin at ang aking misyon na hindi ko maaaring tanggihan. Sa gayo’y nagpapasiya akong tanggapin at sundin ang lahat ng bagay na nagmumula sa Diyos, at sa lahat ng tao, pangyayari, at bagay na itinakda ng Diyos, hahanapin ko ang katotohanan, susubukan kong unawain ang kalooban ng Diyos, at magsasagawa ako ayon sa mga hinihiling ng Diyos. Sa hinaharap, anumang klaseng sitwasyon o mga tungkulin ang dumating sa akin, gaano man iyon kalayo sa aking sariling mga pagkaintindi, magiging handa akong tanggapin at sundin iyon. Ibibigay ko ang aking puso, kaluluwa, at isipan sa pagtupad sa aking tungkulin. Sisikapin kong maging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos at nagtatamo ng Kanyang papuri!


——————————————————————

Bakit mahalaga ang panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos at sumunod sa Diyos hanggang sa huli.