Malapit na ang Araw ng Kaparusahan ng Diyos sa Tao

Malapit na ang Araw ng Kaparusahan ng Diyos sa Tao

Maraming tao ang hindi mapalagay at naiilang

dahil nakagawa sila ng mga nakakapangilabot na kamalian,

at marami ang nahihiya sa kanilang sarili

dahil hindi sila kailanman nakaganap na ng isang mabuting gawa.

Nguni’t marami rin ang hindi man lamang

nahihiya sa kanilang mga kasalanan, palala nang palala,

at ganap nang nagtatanggal ng maskarang nagtatakip

sa kanilang napakapangit na mga katangian—

na hindi pa lubusang nalalantad—

para subukin ang disposisyon ng Diyos.

Hindi Niya pinapansin, o binubusisi, ang mga kilos ng sinumang tao.

Sa halip, ginagawa ng Diyos ang gawaing dapat Niyang gawin,

iyon man ay pag-iipon ng impormasyon,

o paglilibot sa lupain, o paggawa ng isang bagay na gusto Niya.

Sa mahahalagang pagkakataon, ipagpapatuloy ng Diyos ang gawain Niya

sa gitna ng mga tao tulad ng orihinal na nakaplano,

hindi nahuhuli o napapaaga ng isa mang segundo,

at nang kapwa madali at mabilis.

Gayunman, sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos

may ilang taong naiwawaksi,

dahil kinamumuhian Niya ang kanilang mga pambobola

at pakunwaring pagsunod.

Tiyak na iiwanan ang mga kasuklam-suklam sa Diyos,

sinasadya man o hindi.

Sa madaling salita, gusto Niyang malayo sa Kanya

ang lahat ng kinasusuklaman Niya.

Sabihin pa, hindi Niya palalampasin

ang masasamang natitira sa tahanan Niya.

Dahil nalalapit na ang araw ng kaparusahan ng tao,

hindi nagmamadali ang Diyos na itapon ang lahat ng kasuklam-suklam na kaluluwa,

sapagka’t may sarili Siyang plano.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


——————————————————


Ang panalangin ay isang proseso upang makipag-usap sa Diyos at ang pagdarasal sa Diyos ay dapat na maging bahagi ng buhay Kristiyano. Matapos malaman ang kahalagahan ng panalangin, alam mo ba kung paano magsanay?