Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?
Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya ni kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at masidhi niyang ginagawa ito. Ang hinihiling Ko sa tao ay hindi lamang para tawagin niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao nang may ibang pagkaunawa dahil sa Aking gawain. Dati Akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Judio na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay pagka-dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawa, itinuring nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan Ako nang mabuti, kung saan napalibutan Ako ng libu-libo upang panoorin Akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas Ako ng maraming tanda at himala, ngunit itinuring lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit itinuring lamang nila Ako bilang isang nakahihigit na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos natunghayan na ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At natukoy na nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan na ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ngayon ang kanilang guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay itinuturing Ako nang napakababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gagamitin Ko lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingan lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at tiwasay sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang pagdurusa ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at tanggalin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, ngunit hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya, lumayo sa Akin ang tao at sa halip ay naghangad ng panggagaway at pangkukulam. Nang alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Judyo na kayang gumawa ng mga pinakadakilang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, nag-usap-usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing Ako si Elias, na Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan, at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking kabuuan o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin Ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Manunubos ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?
Ang tao ay may pananampalataya sa Akin ngunit hindi maaaring sumaksi para sa Akin, at bago Ko pa naipakilala ang Aking sarili, ang tao ay hindi maaaring magpatotoo para sa Akin. Nakikita lamang ng tao na nahihigitan Ko ang mga nilikha at lahat ng banal na tao, at nakikitang hindi kayang gawin ng tao ang gawaing ginagawa Ko. Samakatuwid, mula sa mga Judio hanggang sa mga tao ng kasalukuyang panahon, ang sinumang nakakita na ng Aking maluwalhating mga gawa ay napupuno lamang ng isang pagkamausisa tungo sa Akin, bagaman walang bibig ng nag-iisang nilikha ang maaaring sumaksi sa Akin. Tanging ang Aking Ama ang sumaksi sa Akin; gumawa Siya ng landas para sa Akin sa gitna ng lahat ng nilalang. Kung hindi, kahit na papaano Ako gumawa, hindi kailanman malalaman ng tao na Ako ang Panginoon ng sangnilikha, dahil alam lamang ng tao ang kumuha, at wala man lamang pananampalataya sa Akin dahil sa Aking gawain. Kilala lamang Ako ng tao dahil wala Akong kasalanan at walang iba pang bahagi ang makasalanan, dahil maipapaliwanag Ko ang napakaraming misteryo, dahil nakahihigit Ako sa karamihan, o dahil nakapakinabang nang malaki sa Akin ang tao. Ngunit kaunti ang mga naniniwalang Ako ang Panginoon ng sangnilikha. Kaya sinasabi Ko na hindi alam ng tao kung bakit siya may pananampalataya sa Akin; hindi niya alam ang layunin o kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Akin. Ang realidad ng tao ay kapos, kung saan siya ay talagang halos hindi karapat-dapat sumaksi sa Akin. Masyadong maliit ang tunay ninyong pananampalataya at masyadong maliit ang natamo, kaya masyadong maliit ang inyong patotoo. At gayundin, masyadong maliit ang inyong nauunawaan at masyadong malaki ang kakulangan, kung saan halos hindi kayo karapat-dapat sumaksi sa Aking mga gawa. Katanggap-tanggap naman talaga ang inyong pagpapasya, ngunit nakatitiyak ba kayo na magagawa ninyong sumaksi nang matagumpay sa diwa ng Diyos? Ang naranasan na at nakita na ninyo ay nalalampasan pa ang mga dating santo at propeta, ngunit kaya ba ninyong magbigay ng patotoo nang higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Kung saan ang ipinagkaloob Ko sa inyo ngayon ay nalalampasan si Moises at mas higit kay David, gayon din hinihiling Ko na ang inyong patotoo ay nalalampasan ang kay Moises at ang inyong mga salita ay mas higit pa kaysa kay David. Sandaang beses Ako kung magbigay sa inyo, kaya hinihiling Ko rin sa inyong ibalik sa Akin ang ganoon din. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ay ang inyong tungkulin, na Aking ipinapadala para sa inyo at kung saan nararapat ninyong gawin para sa Akin. Nagkaloob na Ako sa inyo ng lahat ng Aking kaluwalhatian, at ipinagkaloob sa inyo ang buhay ng hinirang na bayan, ang mga Israelita, na hindi kailanman tumanggap. Ayon sa karapatan, dapat na sumaksi kayo para sa Akin, at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pinagkakalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ang siyang magiging saksi sa Akin at ibibigay ang kanyang buhay para sa Akin. Matagal na itong naitalaga. Maganda ninyong kapalaran na ipinagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay ang magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung naniniwala kayo sa Akin upang makakuha lamang ng mabuting kapalaran, walang magiging gaanong kabuluhan ang Aking gawain kung gayon, at hindi ninyo maisasakatuparan ang inyong tungkulin. Nakita lamang ng mga Israelita ang Aking awa, pag-ibig, at kadakilaan, at nasaksihan lamang ng mga Judio ang Aking pagtitiyaga at pagtubos. Nakita lamang nila ang napakakaunting gawain ng Aking Espiritu; maaaring ang antas ng pagkaunawa nila ay pawang katiting nang narinig at nakita na ninyo. Nahigitan pa ng nakita na ninyo kahit ang mga pinunong saserdote sa gitna nila. Sa araw na ito, ang katotohanan na inyong naunawaan na ay nalalampasan ang sa kanila; kung ano ang nakita na ninyo sa araw na ito ay nalalampasan ang nakita sa Kapanahunan ng Kautusan, pati na rin ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung ano ang inyong naranasan na ay nalalampasan kahit na sina Moises at Elias. Ang naunawaan lamang ng mga Israelita ay ang batas ni Jehova at ang nakita nila ay ang likuran lamang ni Jehova; ang naunawaan lamang ng mga Judio ay ang pagtubos ni Jesus, ang tinanggap nila ay ang biyaya lamang na ipinagkaloob ni Jesus, at ang nakita nila ay ang larawan lamang ni Jesus sa loob ng tahanan ng mga Judio. Ang nakikita ninyo sa araw na ito ay ang kaluwalhatian ni Jehova, ang pagtubos ni Jesus at ang lahat ng Aking mga gawa sa araw na ito. Narinig na ninyo rin ang mga salita ng Aking Espiritu, pinahalagahan ang Aking karunungan, nasaksihan ang Aking himala, at natutuhan ang Aking disposisyon. Nasabi Ko na rin sa inyo ang lahat ng Aking plano sa pamamahala. Ang nasaksihan na ninyo ay hindi lamang isang mapagmahal at maawaing Diyos, ngunit Isa na puspos ng pagkamakatuwiran. Nakita na ninyo ang Aking nakamamanghang gawain at nalaman ninyong puno Ako nang masidhing galit at kamahalan. Higit pa rito, nabatid na ninyo na minsan Akong nagdala ng Aking nag-aalab na poot sa sambahayan ng Israel, at sa araw na ito, nakarating na ito sa inyo. Naunawaan na ninyo nang higit pa ang Aking mga misteryo sa langit kaysa kay Isaias pati na rin kay Juan; alam ninyo nang higit pa ang Aking pagiging kaibig-ibig at pagiging kagalang-galang kaysa sa lahat ng banal ng nakaraang mga henerasyon. Ang natanggap na ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, ang Aking buhay, ngunit pati ang pangitain at pahayag na mas higit pa kaysa kay Juan. Naunawaan na ninyo ang higit pang maraming misteryo at nasaksihan na rin ang Aking tunay na anyo; natanggap na ninyo nang higit pa ang Aking paghatol at nalaman nang higit pa ang Aking matuwid na disposisyon. Kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, ang inyong pag-unawa ay para sa nakaraan at nakalipas; naranasan na rin ninyo kung ano ang araw na ito, at gayon ang naisagawa ng Aking kamay. Makatuwiran ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat nabigay Ko na sa inyo ang higit na marami at higit ang nakita na ninyo mula sa Akin. Samakatuwid, hinihiling Ko sa inyong sumaksi para sa Akin sa mga banal mula sa lahat ng kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso.
Nangyaring ang Aking Ama ang nagpatotoo para sa Akin, ngunit hinahanap Kong tumanggap ng mas higit na kaluwalhatian at para sa mga salita ng patotoo na manggaling mula sa mga bibig ng sangnilikha. Kaya ibinibigay Ko ang lahat ng Akin para sa inyo sa layuning tuparin ninyo ang inyong tungkulin at tapusin ang Aking gawain sa gitna ng tao. Dapat ninyong maunawaan kung bakit kayo may pananampalataya sa Akin. Kung sumusunod lang kayo sa Akin upang maging isang taga-aral o Aking pasyente, o upang maging isa sa Aking mga banal sa langit, kung gayon ang inyong mga pagsisikap ay magiging balewala. Ang pagsunod sa Akin sa ganoong paraan ay pag-aaksaya lamang ng lakas; ang pagkakaroon ng naturang paraan ng pananampalataya sa Akin ay pag-aaksaya lamang ng inyong mga araw at pagsasayang ng inyong kabataan. At sa bandang huli, wala kayong matatanggap. Hindi ba ito isang paggawa ng walang kabuluhan? Matagal Ko nang nilisan ang mga Judio at hindi na isang manggagamot ng tao o ang gamot para sa tao. Hindi na Ako isang hayop na pang-trabaho para sa tao upang maghatid o basta na lang na katayin; sa halip Ako ay dumating sa mga tao upang hatulan at kastiguhin ang tao, at upang makilala Ako ng tao. Dapat mong malaman na minsan Kong ginawa ang gawain ng pagtubos; minsan Akong naging si Jesus, ngunit hindi Ako maaaring manatiling si Jesus habang panahon, minsan naging si Jehova ngunit sa paglaon ay naging si Jesus. Ako ang Diyos ng sangkatauhan, ang Panginoon ng sangnilikha, nguni’t hindi magpakailanman Ako maaaring manatiling si Jesus o magpakailanman manatili bilang Jehova. Ako ay ang naituring ng tao na naging manggagamot, ngunit hindi masasabi na ang Diyos ay basta na lang isang manggagamot para sa sangkatauhan. Kaya kung hawak mo ang lumang pananaw ng iyong pananampalataya sa Akin, wala kang makakamit kung ganon. Gaano mo man Ako purihin sa araw na ito: “Gaano mapagmahal ang Diyos sa tao; pinagagaling Niya ako at binibigyan ako ng mga biyaya, kapayapaan, at kagalakan. Gaano kabuti ang Diyos sa tao; kung tayo lang ay may pananampalataya sa Kanya, kung gayon ay hindi natin kailangang mag-alala sa pera at kayamanan…,” Hindi Ko pa rin magagambala ang Aking orihinal na gawain. Kung ikaw ay naniniwala sa Akin sa araw na ito, tatanggapin mo ang Aking luwalhati at magiging karapat-dapat na sumaksi sa Akin, at magiging pangalawahin ang lahat ng iba pa. Dapat mo itong malinaw na maunawaan.
Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo ba ang tunay na layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit hindi sa Aking kaluwalhatian o hindi makikita sa iyo ang Aking patotoo, matagal Ko nang itinakwil ka kung gayon. Para sa mga alam ang lahat ng ito, higit pa silang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga katitisuran lamang sila. Mga panirang damo sila na dapat ganap na tahipin palabas ng Aking gawain, nang walang bahagyang tungkulin at walang anumang timbang; matagal Ko na silang kinasuklaman. At para sa mga walang patotoo, walang katapusan ang Aking galit sa kanila, at hindi kailanman lumilihis ang Aking tungkod sa kanila. Matagal Ko na silang inihabilin sa mga kamay ng masama, at wala silang kahit anong pagpapala mula sa Akin. Sa araw na iyon, ang kanilang kaparusahan ay mas mahapdi pa kaysa sa mga hangal na babae. Ginagawa Ko na lang ngayon ang tungkulin na Aking dapat gampanan; itatali Ko ang lahat ng trigo sa bigkis, kasama ang mga panirang damo. Ito na ngayon ang Aking gawain. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka sisimulan Kong magtahip upang ibunyag Ko ang katapusan ng lahat ng tao. Kaya dapat mong malaman kung paano Ako dapat bigyang-kasiyahan ngayon at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang Aking hinihingi ngayon ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo alam sa panahong ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong dalhin sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman, na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay namamalagi sa loob ng katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang katibayan sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo para sa Akin, maging tapat sa Akin at wala nang iba, at maging masunurin hanggang sa katapusan. Bago Ko simulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain, paano ka sasaksi para sa Akin? Papaano ka magiging tapat at masunurin sa Akin? Itinatalaga mo ba ang lahat ng iyong katapatan sa iyong mga tungkulin o ikaw ba ay basta susuko na lang? Mas nais mo bang magpasakop sa bawat pagsasaayos Ko (maging ito man ay kamatayan o pagkawasak) o lumisan sa kalagitnaan upang maiwasan ang Aking pagkastigo? Kinakastigo kita upang ikaw ay sasaksi sa Akin, at maging tapat at masunurin sa Akin. Gayundin, ang pagkastigo sa kasalukuyan ay upang ilantad ang susunod na hakbang ng Aking gawain at upang pahintulutang sumulong nang walang hadlang ang gawain. Kaya itinatagubilin Ko sa iyo na maging matalino at huwag tratuhin ang iyong buhay o ang kahalagahan ng iyong pag-iral bilang walang kabuluhang buhangin. Malalaman mo ba kung ano eksakto ang darating na gawain Ko? Alam mo ba kung paano Ako gagawa sa mga darating na araw at kung paano malalantad ang Aking gawain? Dapat mong malaman ang kabuluhan ng iyong karanasan sa Aking gawain, at bukod pa rito, ang kabuluhan ng iyong pananampalataya sa Akin. Marami na Akong nagawa; paano Ako susuko sa kalagitnaan ayon sa iyong palagay? Gumawa na Ako ng gayong kalawak na gawain; paano Ko ito mawawasak? Sa katunayan, naparito na Ako upang dalhin ang kapanahunang ito sa pagwawakas. Ito ay totoo, ngunit higit pa rito, dapat mong malaman na sinisimulan Ko ang isang bagong kapanahunan, upang simulan ang bagong gawain, at, higit sa lahat, upang palaganapin ang ebanghelyo ng kaharian. Kaya dapat mong malaman na ang gawain ngayon ay upang simulan ang isang kapanahunan lamang, at upang ilatag ang pundasyon para sa pagpalaganap ng ebanghelyo at pagdadala sa kapanahunan sa pagwawakas sa hinaharap. Ang Aking gawain ay hindi pangkaraniwan tulad ng naiisip mo, ni hindi rin ito walang halaga o walang kahulugan na maaari mong paniwalaan. Samakatuwid, sinasabi Ko sa iyo tulad ng dati: Dapat mong ibigay ang iyong buhay sa Aking gawain, at bukod dito, dapat mong italaga ang iyong sarili sa Aking kaluwalhatian. Bilang karagdagan, ang iyong pagsaksi para sa Akin ay ang matagal Ko nang hinintay, at mas higit Kong hinangad para iyong palaganapin ang Aking ebanghelyo. Dapat mong maunawaan kung ano ang nasa Aking puso.
————————————————
Tagalog Daily Devotion APP provides Christians with abundant resources of devotions, helping Christians to get close to God and to establish a normal relationship with God!
0コメント