Mga Salita tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon at Pagpeperpekto ng Diyos

221. Ano ba ang tinutukoy na pagbabago sa disposisyon? Nangyayari ito kapag ang isang mangingibig ng katotohanan, habang dinaranas ang gawa ng Diyos, ay tumatanggap ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos at sumasailalim sa lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino. Ang gayong tao ay nililinis mula sa mala-satanas na mga lason sa loob at lubusang nakakawala sa kanyang tiwaling disposisyon, kaya nasusunod niya ang mga salita ng Diyos at ang lahat ng Kanyang mga plano at pagsasaayos, upang hindi na kailanman muling maghimagsik laban sa Kanya o labanan Siya. Ito ay isang pagbabago sa disposisyon. … Ang isang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagka’t iniibig niya at matatanggap ang katotohanan, sa wakas ay nakakarating sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin na lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nakikilala ang kabalintunaan at pagiging-mapanlinlang ng tao. Nakikilala niya ang kasalatan at pagiging kahabag-habag ng tao, at nauunawaan sa wakas ang kalikasan at diwa ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, matatanggihan niya at matatalikuran ang kanyang sarili nang lubos, nakakapamuhay ayon sa salita ng Diyos, at naisasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Ito ay isa na nakakakilala sa Diyos; ito ay isa na nabago na ang disposisyon.

—mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

222. Ang pagbabago sa disposisyon higit sa lahat ay tumutukoy sa isang pagbabago sa likas na pagkatao ng mga tao. Ang mga bagay tungkol sa kalikasan ng isang tao ay hindi makikita mula sa panlabas na mga paggawi; ang mga ito ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng kanilang pag-iral. Na ibig sabihin ay, tuwirang may kinalaman ang mga ito sa mga pananaw ng isang tao sa buhay at sa kanilang mga pinahahalagahan, sa mga bagay na nasa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, at kanilang diwa. Ang isa na hindi kayang tumanggap ng katotohanan ay hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga aspetong ito. Kapag naranasan lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos, nakapasok nang lubusan sa katotohanan, binago ang kanilang mga pinahahalagahan at kanilang mga pananaw tungkol sa pag-iral at buhay, iniayon ang kanilang mga pananaw sa pananaw ng Diyos, at nakayang lubos na magpasakop at italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos saka masasabi na ang kanilang mga disposisyon ay nagbago.

—mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

223. Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaalaman ng kanyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang tiwaling disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot na ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi nauunawaan ang katotohanan. Kaya, ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao ay dapat magsimula sa kanyang pag-iisip, pang-unawa at katinuan na siyang makapagpapabago sa kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan.

—mula sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

224. Sa paniniwala sa Diyos, kung hahangarin ng tao ang pagbabago sa kanyang sariling disposisyon, kung gayon hindi niya dapat kalasin ang sarili niya mula sa totoong buhay. Sa totoong buhay, dapat mong makilala ang sarili mo, pabayaan ang sarili mo, isagawa ang katotohanan, gayundin naman ay matutuhan ang mga prinsipyo, sentido kumon at mga patakaran ng pag-uugali sa sarili sa lahat ng bagay bago mo magagawang matamo ang unti-unting pagbabago. Kung magtutuon ka lamang ng pansin sa kaalaman sa mga teorya at mabubuhay lamang sa gitna ng mga relihiyosong seremonya nang hindi pinag-aaralang mabuti ang realidad, nang hindi pumapasok sa totoong buhay, kung gayon hindi ka kailanman makapapasok sa realidad, hindi mo kailanman makikilala ang iyong sarili, ang katotohanan, o ang Diyos, at palagi kang magiging bulag at mangmang. … Dapat mong isagawa ang iyong pagpasok sa totoong buhay, kilalanin ang iyong sariling mga kakulangan, pagkamasuwayin at kamangmangan, at kilalanin ang iyong abnormal na pagkatao at mga kahinaan. Sa gayong paraan, ang lahat ng iyong kaalaman ay isasama sa iyong totoong sitwasyon at mga kahirapan. Ang uri lamang ng kaalamang ito ang totoo at maaari kang tulutan na tunay na maunawaan ang iyong sariling kalagayan at matamo ang iyong pagbabago sa disposisyon.

—mula sa “Pagtalakay sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

225. Sa paghahangad na baguhin ang iyong disposisyon, kailangan mong marating ang isang yugto sa pag-unawa mo sa iyong sarili para matuklasan mo ang napakasasamang lason na nasa iyong sariling likas na pagkatao. Kailangan mong malaman kung ano ang kahulugan ng suwayin ang Diyos, gayundin kung ano ang kahulugan ng maghimagsik laban sa Diyos, at kailangan mong matutuhan kung paano kumilos ayon sa katotohanan sa lahat ng bagay. Kailangan ka ring magtamo ng kaunting pag-unawa sa kalooban ng Diyos at sa mga hinihiling Niya sa sangkatauhan. Kailangan kang magkaroon ng konsiyensya at katwiran sa harap ng Diyos, kailangan ay huwag kang mayabang magsalita o huwag mong dayain ang Diyos, at hindi mo na kailangang gumawa ng anumang bagay para labanan ang Diyos. Kung magkagayon, mababago mo na ang iyong disposisyon. Yaong ang disposisyon ay nabago ay nakadarama ng pagpipitagan para sa Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso, at unti-unting nababawasan ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos. Bukod dito, sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, hindi na kailangang mag-alala ang iba sa kanila, ni hindi na kailangan palagi ng Banal na Espiritu na disiplinahin sila. Talagang kaya nilang magpasakop sa Diyos, at ang katotohanan ay nasa pananaw nila sa mga bagay-bagay. Ibig sabihin, naging kasundo na sila ng Diyos.

—mula sa “Mababago Mo Lamang ang Iyong Disposisyon sa Pamamagitan ng Pagsisikap na Matamo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

226. Yaong mga nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naunawaan na ang katotohanan, nauunawaan nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan, kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ibinubunyag. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga pagkaintindi ay naibubunyag, nagagawa nilang makakilala at tinatalikuran ang laman. Ganito ipinahahayag ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing bagay tungkol sa isang pagbabago sa disposisyon ay na malinaw na nilang naunawaan ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may kaugnay na kawastuan at ang kanilang katiwalian ay hindi ibinubunyag nang madalas. Karaniwan, ang mga tao na nagbago na ang disposisyon ay mukhang partikular na makatwiran at nakakaunawa, at dahil sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, hindi sila gaanong nagpapakita ng pagmamataas at kayabangan. Nauunawaan at nahihiwatigan nila ang marami sa katiwaliang ibinunyag, kaya huwag kang magyabang. Nagagawa nilang magkaroon ng isang nasusukat na pagkaunawa sa kung ano ang kalagayan ng tao, kung paano gumawi nang may katwiran, kung paano maging masunurin, kung ano ang sasabihin at kung ano ang hindi sasabihin, at kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa aling mga tao. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi na ang mga uri ng mga taong ito ay medyo makatwiran. Tunay na isinasabuhay niyaong may pagbabago sa disposisyon ang kawangis ng isang tao, at taglay nila ang katotohanan. Lagi silang nasasabi at nakikita ang mga bagay alinsunod sa katotohanan, at may prinsipyo sila sa lahat ng ginagawa nila; hindi sila sumasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao o bagay, at lahat sila ay may sariling pananaw at maaari nilang panatilihin ang mga prinsipyo ng katotohanan. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, nauunawaan nila kung paano isagawa nang wasto ang kanilang tungkulin at kung paano gawin ang mga bagay upang mapalugod ang Diyos. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin upang mapaganda ang kanilang mga sarili sa isang mababaw na antas—mayroon silang panloob na kaliwanagan sa kung ano ang gagawin upang mapalugod ang Diyos. Kung gayon, mula sa labas maaaring tila hindi sila ganoon kasigasig o parang hindi sila nakagawa ng anumang totoong dakila nguni’t ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at mayroong praktikal na mga resulta.

—mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposiyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

227. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay nakatitiyak na magtataglay ng napakaraming katotohanan—ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga pamantayan sa kanilang mga pagkilos. Yaong mga hindi nagtataglay ng katotohanan ay tiyak na hindi pa nagkaroon ng pagbabago sa disposisyon. Hindi niyon ibig sabihin na ang isang taong nasa hustong gulang na ang pagkatao ay nagkaroon na ng pagbabago sa disposisyon; tumutukoy ito una sa lahat sa panahon na ang ilan sa napakasasamang lason sa likas na pagkatao ng isang tao ay nagbabago dahil sa kanilang kaalaman tungkol sa Diyos at sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan. Ibig sabihin, ang napakasasamang lason na iyon ay nalinis at ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay nag-uugat sa kalooban ng tao, nagiging buhay nila, at nagiging pundasyon ng kanilang pag-iral. Noon lamang sila nagiging bagong tao, at ang kanilang disposisyon kung gayon ay nagbabago. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangangahulugan na ang panlabas na disposisyon ng mga tao ay mas mapagkumbaba kaysa rati, na dati silang mapagmataas ngunit ngayo’y makatwiran na ang kanilang mga salita, na dati ay wala silang pinakikinggan ngunit ngayo’y kaya na nilang makinig sa iba—hindi masasabi na ang panlabas na mga pagbabagong ito ay mga pagbabago sa disposisyon. Mangyari pa kabilang nga ang mga kalagayang ito sa mga pagbabago sa disposisyon, ngunit ang pinakamahalagang bagay ay na nagbago ang kanilang puso’t isipan. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang kanilang nagiging pinakabuhay, ang napakasasamang lason sa kalooban ay naalis na, ang kanilang pananaw ay ganap nang nagbago, at hindi nakaayon ang anuman doon sa mundo. Nakikita nila nang malinaw ang mga pakana at lason ng malaking pulang dragon; naunawaan na nila ang tunay na diwa ng buhay. Kaya nagbago na ang kanilang mga pagpapahalaga sa buhay—ito ang pinaka-pangunahing pagbabago at ang diwa ng isang pagbabago sa disposisyon.

—mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposiyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

228. Upang hanapin ang pagpeperpekto ng Diyos, ang isa ay kailangan munang maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng maperpekto ng Diyos, anong mga kundisyon ang kailangang taglayin upang maperpekto ng Diyos, pagkatapos ay hanapin ang mga landas ng pagsasagawa sa sandaling magkaroon na siya ng pagkaunawa sa mga ganitong bagay. Ang isa ay kailangang magtaglay ng tiyak na kakayahan upang maperpekto ng Diyos. Maraming hindi nagtataglay ng mga kinakailangang kakayahan, na nangangailangan na magbayad ka ng tiyak na halaga at ng iyong sariling pagsisikap. Mas kaunti ang iyong kakayahan, mas higit ang sariling pagsisikap na dapat mong gawin. Mas malaki ang iyong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos at mas isinasagawa mo ang mga iyon, mas mabilis kang makapapasok tungo sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, ikaw ay mapeperpekto sa gitna ng mga panalangin; sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pag-unawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, at pagsasabuhay ng realidad ng mga salita ng Diyos, ikaw ay mapeperpekto. Sa pamamagitan ng pagdaranas ng mga salita ng Diyos araw-araw, dumarating ka sa pagkaalam ng kung ano ang kulang sa iyo, at higit pa rito, dumarating ka sa pagkaalam sa iyong karupukan at sa iyong mga kahinaan, at nag-aalay ka ng panalangin sa Diyos, sa pamamagitan nito ikaw ay unti-unting napeperpekto. Ang mga landas sa pagpeperpekto: pananalangin, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagkaunawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, pagpasok tungo sa pagdaranas ng mga salita ng Diyos, pagdating sa pagkakaalam ng kung ano ang kulang sa iyo, pagsunod sa gawain ng Diyos, pagsasaisip sa pasanin ng Diyos at pagdaig sa laman sa pamamagitan ng iyong pagmamahal sa Diyos, at malimit na pagbabahagi sa mga kapatid na lalaki at babae, na nagpapayaman sa iyong mga karanasan. Kung ito man ay buhay-komunidad o iyong pansariling buhay, at kung ito man ay mga malalaking pagtitipon o maliliit, ang lahat ay makapagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng mga karanasan at makatanggap ng pagsasanay upang ang iyong puso ay mapapayapa sa harap ng Diyos at makababalik sa Diyos. Lahat ng ito ay ang proseso ng pagiging pineperpekto. Ang pagdaranas sa mga salita ng Diyos na aking sinalita ay nangangahulugan ng tunay na pagtikim sa mga salita ng Diyos at pagpapaubaya na ang mga salita ng Diyos ay maisabuhay sa iyo upang ikaw ay magkaroon ng mas malaking pananampalataya at pag-ibig tungo sa Diyos. Sa pamamagitan ng paraang ito, unti-unti mong maiwawaksi ang tiwaling maka-Satanas na disposisyon, unti-unti mong maaalis sa iyong sarili ang di-wastong mga motibo, at isasabuhay ang wangis ng isang normal na tao. Mas malaki ang pag-ibig sa Diyos sa loob mo—na ibig sabihin, mas malaking bahagi sa iyo ang naperpekto na ng Diyos—mas kaunti na ang ginawang pagtiwali sa iyo ni Satanas. Salamat sa tunay na mga karanasan, ikaw ay unti-unting makapapasok tungo sa landas ng pagpeperpekto. Samakatuwid, kung nais mong maperpekto, ang pagsasaisip sa kalooban ng Diyos at pagdaranas ng mga salita ng Diyos ay lalong mahalaga.

—mula sa “Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagkaperpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

229. Talaga bang handa kang magawang perpekto? Kung talagang handa kang magawang perpekto ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng lakas-ng-loob na isantabi ang iyong laman, at makakayang isakatuparan ang mga salita ng Diyos at hindi magsasawalang-kibo o mahina. Makakaya mong sundin ang lahat ng nagmumula sa Diyos, at lahat ng iyong mga pagkilos, maging lantaran mang ginagawa o sa pribado, ay magiging karapat-dapat iharap sa Diyos. Kung ikaw ay isang tapat na tao, at nagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay, kung gayon ikaw ay gagawing perpekto. Yaong mga mapanlinlang na mga tao na kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at sa ibang paraan sa likuran nila ay hindi handang magawang perpekto. Silang lahat ay mga anak ng kapahamakan at pagkawasak; hindi sila kabilang sa Diyos kundi kay Satanas. Hindi sila ang uri ng tao na pinili ng Diyos! Kung ang iyong mga pagkilos at pag-uugali ay hindi maihaharap sa Diyos o matitingnan ng Espiritu ng Diyos, ito ay patunay na mayroong mali sa iyo. Tanging kapag tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at nagpapahalaga sa pagbabago ng iyong disposisyon, na makakaya mong mapunta sa landas ng pagkaperpekto. Kung talagang handa kang magawang perpekto ng Diyos at gawin ang kalooban ng Diyos, kung gayon dapat mong sundin ang lahat ng gawain ng Diyos, nang hindi nagbibitaw ng kahit isang salita ng pagdaing, nang hindi nangangahas na timbangin o hatulan ang gawain ng Diyos. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan para magawang perpekto ng Diyos. Ang mahalagang kinakailangan para sa mga yaon na naghahangad na magawang perpekto ng Diyos ay ito: gawin ang lahat ng bagay nang may pusong nagmamahal sa Diyos. Ano ang kahulugan ng “gawin ang mga bagay-bagay nang may pusong nagmamahal sa Diyos”? Ibig sabihin nito na lahat ng iyong mga pagkilos at pag-uugali ay maihaharap sa Diyos. Dahil mayroon kang tamang mga hangarin, ang iyong mga pagkilos man ay tama o mali, hindi ka natatakot na ipakita ang mga iyon sa Diyos o sa iyong mga kapatid, at nangangahas kang sumumpa sa harap ng Diyos. Kailangan mong ilahad ang iyong bawat layon, iniisip, at ideya sa harap ng Diyos para sa Kanyang pagsisiyasat; kung ikaw ay nagsasagawa at pumapasok sa ganitong paraan, magiging mabilis ang pag-unlad sa iyong buhay.

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

230. Sa kasalukuyan, kung saan ang dapat ninyong pangunahing hanapin ay ang gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, at gawin kayong perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng tao, usapin, at mga bagay na inyong hinaharap, upang magiging bahagi ninyo ang higit pa sa kung ano ang Diyos. Kailangan ninyo munang tanggapin ang pamana ng Diyos sa lupa bago kayo maging nararapat na magmana ng higit pa at mas malalaking pagpapala mula sa Diyos. Ang lahat ng naturang bagay ang dapat ninyong hanapin at unawain muna. Mas hinahanap mo na gawin kang perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, mas makikita mo ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay, samakatuwid, aktibong hinahanap na pumasok sa kabuuan ng salita ng Diyos at ang realidad ng Kanyang salita sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw at iba’t ibang bagay. Hindi ka maaaring maging kuntento sa mga naturang negatibong kalagayan tulad ng basta hindi nagkakasala, o walang mga pagkaintindi, walang pilosopiya sa buhay, at walang pantaong kalooban. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa iba’t ibang paraan, at bilang resulta, posibleng magawa kang perpekto sa lahat ng usapin. Hindi ka lamang magiging perpekto pagdating sa positibo, kundi pati sa negatibo, samakatuwid pinagyayaman kung ano ang nakakamit mo. Araw-araw ay may mga pagkakataon na magawang perpekto at oras na makamtan ng Diyos. Matapos ang panahon ng naturang karanasan, lubos kang magbabago. Natural na ngayon sa iyo ang magkaroon ng kaalaman sa maraming bagay na dati mong hindi naunawaan; na di-kailangan ang iba upang turuan ka, na hindi namamalayan, liliwanagan ka ng Diyos, upang magkaroon ka ng kaliwanagan sa lahat ng bagay at ang lahat ng iyong karanasan ay madedetalye. Gagabayan ka ng Diyos nang hindi ka mapaling sa magkabilang panig. Ilalagay ka Niya pagkatapos sa landas ng pagkaperpekto.

Ang paggawang perpekto ng Diyos ay hindi malilimitahan sa pagkaperpekto sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Ang paraan ng karanasang ito ay masyadong naka-isang-panig at hindi sumasaklaw nang sapat; nililimitahan lamang nito ang tao sa isang napakaliit na saklaw. Sa kalagayang ito, nagkukulang ang tao sa higit na kailangang espirituwal na pagkain. Kung nais ninyong gawin kayong perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutuhan na danasin ang lahat ng bagay at maliwanagan sa lahat ng inyong hinaharap. Sa tuwing ikaw ay nahaharap sa isang bagay, maging ito ay mabuti o masama, dapat kang makinabang mula sa mga ito at hindi ito dapat maging dahilan ng iyong pagsasawalang-kibo. Kahit anupaman, dapat magawa mong isaalang-alang ito sa pamamagitan ng paninindigan sa Diyos, at hindi suriin o aralin ito mula sa pananaw ng tao (isang paglihis ito sa iyong karanasan). Kung ito ang usapin ng iyong karanasan, pangingibabawan kung gayon ang iyong puso ng kabigatan ng buhay; palagi kang maninirahan sa liwanag ng anyo ng Diyos at hindi madaling malilihis ng landas sa iyong pagsasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay may malalaking hinaharap.

—mula sa “Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

231. Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ngayon-sila yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, na naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, at magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto. Yaong mga walang isang malinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos, yaong mga hindi umiinom at kumakain ng mga salita ng Diyos, yaong mga hindi pumapansin sa mga salita ng Diyos, at yaong mga walang anumang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso—ang mga taong kagaya nito ay hindi maaaring gawing perpekto. Yaong mga nag-aalinlangan sa Diyos sa katawang-tao, yaong mga nananatiling hindi nakatitiyak tungkol sa Kanya, yaong mga hindi kailanman naging seryoso tungkol sa mga salita ng Diyos, at yaong mga palaging nililinlang ang Diyos, ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at panig kay Satanas—walang paraan upang gawing perpekto ang gayong mga tao.

—mula sa “Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

232. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang mga tao na ginagamit ng Diyos, kundi lalong higit pa sa iglesia. Maaari Siyang gumawa sa kahit kanino. Maaari Siyang gumawa sa iyo para sa kasalukuyan, at kapag naranasan mo na ito, maaari Siyang susunod na gumawa sa iba pa. Magmadali ka na sumunod; habang sinusundan mo nang mas maigi ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Anumang uri siya ng tao, hangga’t ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanya, tiyakin sumunod. Kunin mo ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at tatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa ng ganoon ay uunlad ka nang mas mabilis. Ito ang landas ng pagperpekto para sa tao at isang paraan kung saan ang buhay ay lumalago. Ang landas patungo sa pagkaperpekto ay naaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung sa pamamagitan ng anong uri ng tao gagawa ang Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng anong tao, pangyayari, o bagay na bibigyan ka Niya ng kakayahan na pumasok tungo sa pag-aangkin at pagtatamo ng kaunting kabatiran. Kung nakakaya mong lumakad tungo sa tamang landas na ito, nagpapakita ito na mayroong malaking pag-asa na ikaw ay magawang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo kaya, nagpapakita ito na ang iyong kinabukasan ay malungkot at walang liwanag. Sa sandaling mapunta ka sa tamang landas, makakatamo ka ng pahayag sa lahat ng bagay. Anuman ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung ikaw ay sumusulong batay sa kanilang kaalaman para danasin ang mga bagay-bagay sa iyong sarili, kung gayon ang karanasang ito ay magiging bahagi ng iyong buhay, at makakaya mong tustusan ang iba mula sa karanasang ito. Yaong mga nagtutustos sa iba sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga salita ay mga taong hindi nagkaroon ng anumang mga karanasan; dapat kang matutong humanap, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng iba, ng daan ng pagsasagawa bago ka makakapagsimulang magsalita tungkol sa iyong sariling tunay na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging mas malaking pakinabang para sa iyong sariling buhay. Dapat kang dumanas sa ganitong paraan, sumusunod sa lahat ng nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay at pag-aralan ang mga aralin sa lahat ng bagay, nang ang iyong buhay ay lumago. Ang ganitong pagsasagawa ay nagdudulot ng pinakamabilis na pag-unlad.

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

233. Kung gusto mong magamit at magawang perpekto ng Diyos, dapat maangkin mo ang lahat: kaloobang magdusa, pananampalataya, pagbabata, pagsunod, maging ang kakayanang maranasan ang gawain ng Diyos, makamtan ang isang pagtarok sa kalooban Niya, maging mapagsaalang-alang sa Kanyang pighati, at iba pa. Hindi madaling gawing perpekto ang isang tao, at ang bawa’t isang pagpipino na nararanasan mo ay kinakailangan ang iyong pananampalataya at pag-ibig. Kung gusto mong magawang perpekto ng Diyos, hindi sapat ang magpalaganap lamang, at hindi rin sapat ang paggugol lamang sa iyong sarili para sa Diyos. Kailangang angkin mo ang maraming mga bagay upang maging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag hinaharap mo ang mga pagdurusa, dapat mong makaya na hindi isaalang-alang ang laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Sarili Niya mula sa iyo, dapat magkaroon ng pananampalataya na sumunod sa Kanya, mapanatili ang iyong dating pag-ibig nang hindi hinahayaang maging marupok o maglaho ito. Maging anuman ang ginagawa ng Diyos, dapat magpasakop ka sa Kanyang plano, at higit na nakahandang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag ikaw ay nakaharap sa mga pagsubok dapat mong mapalugod ang Diyos sa kabila ng anumang pagbabantulot na mawalay sa isang bagay na iyong iniibig, o mapait na pagtangis. Ito lamang ang matatawag na tunay na pag-ibig at pananampalataya. Maging anuman ang iyong aktuwal na tayog, dapat angkin mo muna ang kaloobang magdusa ng kahirapan gayundin ang totoong pananampalataya, at dapat mayroon kang kaloobang talikdan ang laman. Kailangang nakahanda kang personal na tiisin ang mga paghihirap at magdusa ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang mapalugod ang kalooban ng Diyos. Dapat ka ring magkaroon ng isang pusong nanghihinayang sa iyong sarili, na hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos noong nakalipas, at magawang magsisi ngayon sa iyong sarili. Walang isa man sa mga ito ang maaaring magkulang at gagawin kang perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito. Kung kulang ka ng mga kalagayang ito, hindi ka magagawang perpekto.

—mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

234. Sa buong panahon ng kanyang buhay, si Pedro ay dumanas ng pagpipino nang daan-daang beses at sumailalim sa masasakit na pagsubok. Ang pagpipinong ito ay naging saligan ng kanyang kataas-taasang pag-ibig sa Diyos, at ang naging pinakamakabuluhang karanasan ng kanyang buong buhay. Na nagawa niyang taglayin ang isang kataas-taasang pag-ibig sa Diyos ay, sa isang paraan, dahil sa kanyang paninindigan na ibigin ang Diyos; higit na mas mahalaga, gayunpaman, ito ay dahil sa pagpipino at pagdurusa na kanyang pinagdaanan. Ang pagdurusang ito ay ang kanyang naging gabay sa landas ng pag-ibig sa Diyos, at naging bagay na pinaka-di-malilimutan sa kanya. Kung hindi pagdadaanan ng tao ang hapdi ng pagpipino sa pag-ibig sa Diyos, kung gayon ang kanilang pag-ibig ay puno ng pagiging likas at kanilang mga kagustuhan; ang pag-ibig na kagaya nito ay puno ng mga ideya ni Satanas, at talagang walang kakayahan sa pagpapalugod sa kalooban ng Diyos. Ang pagkakaroon ng paninindigan upang ibigin ang Diyos ay hindi kagaya ng tunay na pag-ibig sa Diyos. Bagama’t lahat ng kanilang iniisip sa kanilang mga puso ay para sa kapakanan ng pagmamahal sa Diyos, at pagpapalugod sa Diyos, na para bang ang kanilang mga saloobin ay walang anumang mga ideya ng tao, na para bang ang lahat ay para sa kapakanan ng Diyos, kapag ang kanilang mga saloobin ay dinala sa harap ng Diyos, ang gayong mga saloobin ay hindi pinupuri o binabasbasan ng Diyos. Maging kapag ganap na naunawaan ng mga tao ang lahat ng mga katotohanan—kapag nakarating sila sa pagkakilala sa lahat ng mga ito—hindi maaaring sabihin na ito ay isang tanda ng pag-ibig sa Diyos, hindi maaaring sabihin na tunay na iniibig ng mga taong ito ang Diyos. Sa kabila ng pagkaunawa sa maraming katotohanan nang hindi sumasailalim sa pagpipino, walang kakayahan ang mga tao na isagawa ang mga katotohanang ito; tanging sa panahon ng pagpipino mauunawaan ng mga tao ang totoong kahulugan ng mga katotohanang ito, at sa gayon lamang tunay na pahahalagahan ang kanilang panloob na kahulugan. Sa panahong iyon, kapag muli nilang susubukan, magagawa nilang maayos na isagawa ang mga katotohanan, at alinsunod sa kalooban ng Diyos; sa panahong iyon, ang kanilang mga ideya bilang tao ay nababawasan, ang kanilang kalikasan bilang tao ay nababawasan, at ang kanilang mga damdamin bilang tao ay bumababa; sa panahon lamang na iyon magiging isang tunay na pagpapahayag ng pag-ibig ukol sa Diyos ang kanilang pagsasagawa. Ang epekto ng katotohanan ng pag-ibig sa Diyos ay hindi natatamo sa pamamagitan ng binigkas na kaalaman o kaisipang nagkukusa, ni ito ay maaaring matamo sa pamamagitan lamang ng pagiging naunawaan. Kinakailangan nito na pagbayaran ng mga tao, at na sila ay sumailalim sa maraming kapaitan sa panahon ng pagpipino, at sa gayon lamang magiging dalisay ang kanilang pag-ibig, at hinahangad ang sariling puso ng Diyos.

—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

235. Ang hinangad ni Pedro ay makilala ang kanyang sarili at malaman kung ano ang inihayag sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadalisay ng mga salita ng Diyos at sa iba’t ibang mga pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos. Sa huli, nang makilala na niya ang kanyang sarili, natanto ni Pedro kung gaano siya katiwali bilang tao, at kung gaano maituturing na walang katuturan at hindi karapat-dapat ang paglilingkod niya sa Diyos, at na ang taong iyan ay hindi nararapat sa harapan ng Diyos. Nang magkagayon ay nagpatirapa si Pedro sa harapan ng Diyos. Sa huli, nadama ni Pedro na, “Ang pinakamahalagang bagay ay makilala ang Diyos! Kung hindi ko makikilala ang Diyos, magiging kalunos-lunos ang kamatayan ko; Naniniwala ako na ang makilala ang Diyos ang pinakamahalagang bagay, pinakamakabuluhang bagay. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos, wala siyang karapatang mabuhay at walang kahulugan ang kanyang buhay.” Nang umabot sa ganitong punto ang karanasan ni Pedro, naging sapat ang kanyang kaalaman sa likas niyang katangian at naunawaan niya ito nang mabuti. Bagama’t hindi niya marahil maipaliwanag ito nang lubusan tulad nang maaaring inasahan ng mga tao, naabot na niya ang kalagayang ito. Samakatwid, ang landas ng paghahanap ng layunin sa buhay at pagtatamo ng kasakdalan sa Diyos ay kinapapalooban ng pagtatamo ng mas malalim na pagkaunawa sa likas na katangian ng isang tao batay sa mga salita ng Diyos, gayundin ng pag-unawa sa mga aspeto ng likas na katangian ng isang tao at mailarawan ito nang wasto sa mga salita. Para maunawaan nang lubos ang dating buhay ng isang tao—ang buhay na dating may likas na kasamaan—ay nangangahulugan na nakamit na ang mga resultang hinihingi ng Diyos. Kung ang iyong kaalaman ay hindi pa umabot sa puntong ito, subalit sinasabi mo na naunawaan mo na ang sarili mo, at nagtamo ka na sa buhay, hindi ka ba nagyayabang lamang? Hindi mo kilala ang iyong sarili, ni hindi mo alam kung ano ka sa harapan ng Diyos, totoo mang naabot mo ang pamantayang kailangan sa isang tao, o gaano pa man karami ang likas na kasamaang taglay mo pa rin. Hindi pa rin malinaw sa iyo kung sino ka, at ni wala kang alam sa sarili mo, kaya paano ka makakapangatwiran sa harapan ng Diyos? Nang si Pedro ay naghahanap ng layunin sa buhay, pinagtuunan niya ang pag-unawa sa kanyang sarili at pagbabago ng kanyang disposisyon habang dumaranas ng mga pagsubok sa buhay. Nagsikap siyang makilala ang Diyos, at sa huli, nadama niya na, “Dapat hangarin ng mga tao na maunawaan ng Diyos sa kanilang buhay; ang makilala Siya ang pinakamahalagang bagay. Kung hindi ko kilala ang Diyos, kung gayon hindi ako mapapayapa kapag namatay ako. Sa sandaling makilala ko Siya, at nilayon ng Diyos na mamatay na ako, makadarama pa rin ako ng labis na pasasalamat na magawa iyon, Hindi ako magrereklamo kahit bahagya man, at magiging ganap na matagumpay ang buong buhay ko.” Noong magsimula si Pedro na maniwala sa Diyos, hindi niya naabot ang antas na ito nang agad-agad; kinailangan muna niyang makaranas ng maraming pagsubok. Kinailangan munang umabot ang kanyang karanasan sa isang partikular na antas, at kinailangan niyang ganap na maunawaan ang kanyang sarili bago niya madama na mahalagang makilala niya ang Diyos. Dahil dito, tinahak ni Pedro ang landas kung saan matatamo niya ang makabuluhang buhay at magiging sakdal; ang pamumuhay niya ay pangunahing nakatuon sa aspetong ito.

—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

236. Kapag umapak ang mga tao sa daan ng pagka-perpekto, ang kanilang lumang disposisyon ay maaaring mabago. Bukod dito, ang kanilang mga buhay ay magpapatuloy sa paglago at unti-unti silang pumapasok nang mas malalim sa katotohanan. Kakayanin nilang kamuhian ang mundo at kamuhian ang lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan. Lalo nilang kinamumuhian ang kanilang mga sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw na kilala nila ang kanilang mga sarili. Pumapayag silang mabuhay sa katotohanan at ginagawa nila itong kanilang layunin na hangarin ang katotohanan. Hindi sila pumapayag na mamuhay sa loob ng mga isipan na nabuo ng kanilang mga utak, at nararamdam nila ang pagkamuhi sa pagkamatuwid-sa-sarili, kahambugan, at kapalaluan-sa-sarili ng tao. Sila ay nagsasalita nang may matinding pagpapahalaga sa kagandahang-asal, pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may pagkawari at karunungan, at matapat na masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, hindi lamang sila nagiging walang kibo o mahina, kundi sila pa ay nagpapasalamat para sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Naniniwala sila na hindi maaaring wala silang pagkastigo at paghatol ng Diyos; sila ay makatatanggap ng Kanyang proteksiyon sa pamamagitan nito. Hindi nila itinataguyod ang pananampalatayang may kapayapaan at kaligayahan at ang paghanap ng tinapay upang mapawi ang gutom. Ni hindi rin nila sinusundan ang panandaliang kaaliwan ng laman. Ito ang mayroon ang mga naging perpekto.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

237. Kung kaya ng isa na bigyang-kasiyahan ang Diyos kapag ginagampanan ang kanyang tungkulin, may panuntunan sa kanyang mga salita at mga kilos, at tunay na makapapasok tungo sa realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, kung gayon siya ay magiging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na mabisa para sa taong ito, na ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay, nakukuha niya ang katotohanan, at makakaya niyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito ang kalikasan ng kanyang laman, iyon ay, ang saligan ng kanyang katutubong pag-iral ay mauuga at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng isa ang mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay siya ay nagiging isang bagong tao. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging kanyang buhay; ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa tao, ang Kanyang pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na kinakailangan ng Diyos na matamo ng tao ay nagiging kanyang buhay—siya ay nabubuhay alinsunod sa mga salitang ito at sa mga katotohanang ito, at ang taong ito ay nagiging perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nakakaranas siya ng muling-pagsilang at nagiging isang bagong tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita.

—mula sa “Paano Tahakin ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

238. Kung may tunay na pagkaunawa ang mga tao sa disposisyon ng Diyos, at makapagbibigay ng taos-pusong papuri sa Kanyang kabanalan at katuwiran, tunay nga nilang nakikilala ang Diyos at taglay ang katotohanan, at saka lamang sila mabubuhay sa liwanag. Kapag nagbago na ang pananaw ng mga tao sa mundo at sa buhay, saka lamang sila talagang magbabago. Kapag ang isang tao ay may layunin sa buhay at umaayon sa katotohanan, kapag talagang nagpapasakop siya sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang salita, kapag panatag at masaya ang kalooban ng isang tao, kapag walang kadiliman sa kanyang puso, at kapag siya ay lubos na malaya at walang kumokontrol sa kanyang buhay sa presensya ng Diyos—saka lamang siya nabubuhay bilang isang tunay na tao at nagiging isang taong nagtataglay ng katotohanan. Bukod doon, lahat ng katotohanang taglay mo ay mula sa salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang Naghahari sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay—ang Kataas-taasang Diyos—ay sumasang-ayon sa iyo, bilang isang tunay na taong namumuhay ng tunay na buhay ng tao. May mas makabuluhan pa ba kaysa sa pagsang-ayon ng Diyos? Gayon ang taong nagtataglay ang katotohanan.

—mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo


——————————————————————


Karagdagang informasiyon: Daily devotion in tagalog