Ang Tunay na Pagsisisi Lamang ang Magpapahintulot Sa Atin na Makamit ang Pagliligtas ng Diyos
Paano natin makakamit ang awa at pangangalaga ng Diyos? Magbalik-tanaw noong panahon na kung saan ang mga masasamang gawi ng mga taga-Ninive ay nakarating sa Diyos: Nagpasya ang Diyos na wasakin ang lungsod, ngunit bago ang pagwasak, inutusan ng Diyos ang propetang si Jonas na pumunta sa Nineve upang ihatid ang Kanyang salita, "Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak" (Jonas 3:4). Kasunod nito, ang lahat mula sa hari hanggang sa mga karaniwang tao, matapos na marinig ang salita ng Diyos, lahat ay nagsisi sa Diyos sa sako at abo, iniwan ang kanilang masasamang gawi at isinuko ang kanilang marahas na pag-uugali. Nang makita ng Diyos ang totoong pagsisisi ng mga taga-Nineve, ipinagkaloob Niya ang Kanyang awa, pinigilan ang Kanyang galit, at iniurong ang sakuna na mangyayari dapat sa kanila.
Ngayon, ang mga tao sa mga huling araw ay sukdulan na rin ang pagiging tiwali, at kahit na ang mga naniniwala sa Panginoon ay madalas na hindi maisakatuparan ang mga salita ng Panginoon at sila ay nabubuhay sa paulit-ulit na pagkakasala at pagkukumpisal, hindi maialis ang kanilang sarili mula dito. Kaya, ang madalas na mga sakuna ay mga babala ng Diyos sa atin, at sa pamamagitan ng mga sakuna ay binibigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon na magsisi. Kung gayon paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi at matamo ang kaligtasan ng Diyos? Basahin ang artikulong ito at malalaman mo kung paano tunay na magsisi at makamit ang pagliligtas ng Diyos.
Ano ang pagsisisi? Pananalangin at pagkukumpisal? Ang mabuting pag-uugali ba ay kumakatawan sa totoong pagsisisi? Basahin ang artikulong ito at malalaman mo kung ano ang tunay na pagsisisi at kung paano tayo tunay na magsisi upang makapasok sa kaharian ng Diyos!
I-click upang mabasa: Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?
0コメント