Ang Pagbabalik ba ng Panginoon ay ang Espiritwal na Katawan ng Nabuhay na Mag-uling si Jesus na Nagp
Mga Bersikulo sa Biblia para Sanggunian:
“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
“‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.’ … Napakaraming taong kakatwa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na binanggit ng Banal na Espiritu ay ang mga binigkas ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi maaaring direktang magsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ito sa kapanahunan ngayon? Para ang Diyos ay magwika ng mga pagbigkas upang ipatupad ang gawain, Siya ay dapat magkatawang-tao, kung hindi ang Kanyang gawain ay hindi makapagkakamit ng Kanyang hangarin. Yaong mga nagkakaila na ang Diyos ay nagkatawang-tao ay ang mga hindi kilala ang Espiritu o ang mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos.” mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?”
“Ang pagpapakita ng Diyos ay naganap na sa lahat ng mga iglesia. Ang Espiritu ang nangungusap, Siya ay isang nag-aalab na apoy, dinadala Niya ang kamahalan at Siya ay humahatol; Siya ang Anak ng tao, nakadamit ng kasuutan hanggang sa paa, at nakabigkis sa bandang dibdib ng ginintuang bigkis. Ang Kanyang ulo at ang Kanyang mga buhok ay maputi katulad ng lana, at ang Kanyang mga mata ay gaya ng alab ng apoy; at ang Kanyang mga paa ay tulad sa pinong tanso, na tila nasusunog sa isang hurno; at ang Kanyang tinig ay gaya ng tunog ng maraming tubig. Mayroong pitong bituin sa Kanyang kanang kamay, ang espada na may dalawang talim ay nasa loob ng Kanyang bibig at ang Kanyang mukha ay gaya ng araw na nagniningning sa lakas nito!”
Rekomendasyon: Ang muling pagbabalik ng Panginoon
0コメント