Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Mga Salita tungkol sa Pag-unawa sa Gawain ng Banal na Espi

45. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay maaaring mahati sa tatlong bahagi: Ang sariling gawain ng Diyos, ang gawain ng mga taong ginagamit, at ang gawain sa lahat ng nasa daloy ng Banal na Espiritu. Sa tatlong ito, ang sariling gawain ng Diyos ay upang pangunahan ang buong kapanahunan; ang gawain ng mga taong ginagamit ay upang pangunahan ang lahat ng tagasunod ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala o pagtanggap ng mga tagubilin pagkatapos ng sariling gawain ng Diyos, at ang mga taong ito ay ang mga nakikipagtutulungan sa gawain ng Diyos; ang gawaing ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga nasa daloy ay upang panatilihin ang lahat ng Kanyang sariling gawain, iyan ay, panatilihin ang buong pamamahala at upang panatilihin ang Kanyang patotoo, habang ginagawang perpekto yaong maaaring gawing perpekto. Ang tatlong bahaging ito ay ang buong gawain ng Banal na Espiritu, ngunit kung wala ang gawain ng Diyos Mismo, ang buong gawaing pamamahala ay hindi makakasulong.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

46. Ang gawaing nasa daloy ng Banal na Espiritu, kung ito man ay sariling gawain ng Diyos o ang gawain ng mga tao na ginagamit, ito ay gawain ng Banal na Espiritu. Ang sangkap ng Diyos Mismo ay ang Espiritu, na maaaring tawaging Banal na Espiritu o ang Espiritung pitong ulit na pinatindi. Sa kabuuan, Sila ay ang Espiritu ng Diyos. Kaya lamang ang Espiritu ng Diyos ay iba-iba ang tawag sa magkakaibang mga panahon. Ngunit ang Kanilang sangkap ay iisa pa rin. Samakatuwid, ang gawain ng Diyos Mismo ay ang gawain ng Banal na Espiritu; ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay walang iba kundi ang Banal na Espiritu na nasa paggawa. Ang gawain ng mga tao na ginagamit ay gawain din ng Banal na Espiritu. Kaya lamang ang gawain ng Diyos ay ang ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at wala iyong pagkakaiba, samantalang ang gawain ng mga tao na ginagamit ay may kahalong maraming bagay ng tao, at hindi ito ang tuwirang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, lalong hindi ang ganap na pagpapahayag.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

47. Kahit ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa maraming magkakaibang paraan at ayon sa maraming prinsipyo, paano man ito ginagawa o sa kung anumang uri ng mga tao, ang sangkap ay laging naiiba, at ang gawain na ginagawa Niya sa iba’t ibang tao ay lahat mayroong prinsipyo at maaaring kumatawan lahat sa sangkap ng layon ng gawain. Ito ay dahil sa ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang tiyak ang sakop at talagang sukat. Ang gawaing ginagawa sa nagkatawang-taong laman ay hindi katulad sa gawain na isinasagawa sa mga tao, at ang gawain ay nag-iiba rin batay sa iba’t ibang kakayahan ng mga tao. Ang gawaing ginagawa sa nagkatawang-taong laman ay hindi ginagawa sa mga tao, at sa nagkatawang-taong laman ay hindi Niya ginagawa ang katulad na gawain na ginagawa sa mga tao. Sa madaling salita, kahit paano Siya gumagawa, ang gawain sa iba’t ibang layon ay hindi kailanman magkatulad, at ang mga prinsipyo na batayan Niya sa paggawa ay naiiba ayon sa kalagayan at kalikasan ng iba’t ibang mga tao. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iba’t ibang tao batay sa kanilang likas na sangkap at hindi humihingi sa kanila nang lampas sa kanilang likas na sangkap, ni gumagawa man Siya nang lampas sa kanilang totoong kakayahan. Kaya, ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay nagpapahintulot sa mga tao na makita ang sangkap ng layon ng gawain. Ang likas na sangkap ng tao ay hindi nagbabago; ang aktuwal na kakayahan ng tao ay limitado. Kahit ginagamit ng Banal na Espiritu ang mga tao o gumagawa sa mga tao, ang gawain ay laging nakaayon sa mga hangganan ng kakayahan ng mga tao upang maaaring makinabang sila mula rito. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga taong ginagamit, ang kanilang mga kaloob at totoong kakayahan ay parehong gumaganap ng papel at hindi naisasantabi. Ang kanilang aktuwal na kakayahan ay laging ibinubuhos para maglingkod sa gawain. Masasabi na Siya ay gumagawa sa pamamagitan ng paggamit sa mga bagay na mayroon ang tao upang makamit ang mga bunga ng paggawa. Kaiba rito, ang gawain sa nagkatawang-taong laman ay para tuwirang ipahayag ang gawain ng Espiritu at hindi ito nahaluan ng isipan at mga iniisip ng tao, hindi naaabot ng mga kaloob ng tao, karanasan ng tao o ng likas na kalagayan ng tao.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

48. Lahat niyaong nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pag-uutos ni Satanas, at walang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, ang mga nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. Kung yaong mga nasa loob ng agos na ito ay walang kakayahang makipagtulungan, at walang kakayahang isagawa ang katotohanan na kinakailangan ng Diyos sa panahong ito, kung gayon sila ay didisiplinahin, at ang pinakamalala ay tatalikuran ng Banal na Espiritu. Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, tatanggapin ang pangangalaga at pag-iingat ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, pananagutan ng Diyos ang lahat ng tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ang mga lumuluwalhati sa Kanyang pangalan at handang isagawa ang mga salita Niya ay makakatanggap ng Kanyang mga pagpapala; ang mga hindi sumusunod sa Kanya at hindi nagsasagawa ng Kanyang mga salita ay makakatanggap ng Kanyang kaparusahan.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

49. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang anyo ng maagap na paggabay at positibong kaliwanagan. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na maging walang kibo. Sila ay dinadalhan nito ng kaaliwan, binibigyan sila ng pananampalataya at katatagan at nagagawa nito na maghangad silang maging gagawing perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagama’t sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig sa Diyos, ang pag-ibig sa kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga tao na inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at sila ay nagtataglay ng pagkatao at palaging hinahangad ang katotohanan. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang mga kalagayan ay painam nang painam, at ang kanilang pagkatao ay lalong mas nagiging normal, at bagama’t ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaari mang maging hangal, ang kanilang mga pagganyak ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila.

—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

50. Kapag mayroong nangyayaring isang bagay sa iyo, ito ba ay mula sa Banal na Espiritu, at dapat mo ba itong sundin, o itatakwil ito? Ang totoong pagsasagawa ng mga tao ay nag-aangat sa marami na mula sa kalooban ng tao ngunit palaging pinaniniwalaan ng mga tao na nagmumula sa Banal na Espiritu. Ang ilan ay mula sa masasamang espiritu, ngunit iniisip pa rin ng mga tao na ito ay ipinanganak ng Banal na Espiritu, at may mga pagkakataon na ginagabayan ang mga tao ng Banal na Espiritu mula sa loob, ngunit natatakot ang mga tao na ang gayong paggabay ay nagmumula kay Satanas, at hindi sila nangangahas na sumunod, samantalang sa realidad ito ay kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Kaya, kung walang pagkakaiba walang paraan na maranasan kapag ang gayong mga karanasan ay totoong nangyayari sa iyo, at kung walang pagkakaiba, walang paraan sa pagkakamit ng buhay. Paano gumagawa ang Banal na Espiritu? Paano gumagawa ang masasamang espiritu? Ano ang galing sa kalooban ng tao? At ano ang ipinanganak ng paggabay at kaliwanagan ng Banal na Espiritu? Kung nauunawaan mo ang mga patakaran ng gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng tao, kung gayon magagawa mong palaguin ang iyong kaalaman at makita ang pagkakaiba sa iyong pang-araw-araw na buhay at sa panahon ng iyong totoong mga karanasan; makararating ka sa pagkaalam sa Diyos, magagawa mong maunawaan at makilala si Satanas, hindi ka malilito sa iyong pagkamasunurin o paghahangad, at ikaw ay magiging isang tao na ang mga pananaw ay malinaw, at sinusunod ang gawain ng Banal na Espiritu.

—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

51. Ang Diyos ay talagang gumagawa ng napakaraming gawain sa tao, kung minsan sinusubok sila, kung minsan ay lumilikha ng mga kapaligiran upang timplahin sila, at kung minsan ay nagsasabi ng mga salita upang gabayan sila at baguhin ang kanilang mga pagkukulang. Paminsan-minsan inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao sa mga kapaligiran na inihanda ng Diyos para sa kanila upang di-namamalayang matuklasan ang maraming bagay na kulang sila. Sa pamamagitan ng kung ano ang sinasabi at ginagawa ng mga tao, ang paraan na tinatrato ng mga tao ang iba at nakikitungo sa mga bagay, nang hindi nila nalalaman, nililiwanagan sila ng Banal na Espiritu upang maunawaan ang maraming bagay na hindi nauunawaan noong una, tinutulutan silang maunawaan ang maraming bagay o mga tao nang mas lubusan, tinutulutan silang makakita sa maraming bagay kung saan sila ay dating walang kamalayan.

—mula sa “Tungkol sa Karanasan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

52. May mga pagkakakataon na binibigyan ka ng Diyos ng isang tiyak na uri ng damdamin—naiwawala mo ang iyong panloob na kagalakan, naiwawala mo ang presensiya ng Diyos, at nasa kadiliman ka. Isang uri ito ng pagpipino. Tuwing may ginagawa ka nauuwi ito sa di-maayos o napipigil ka ng isang balakid. Disiplina ito ng Diyos. Maaaring gumagawa ka ng isang bagay at walang nararamdamang anumang partikular na damdamin para dito, at hindi rin nalalaman ng iba, nguni’t alam ng Diyos. Hindi ka Niya pakakawalan, at didisiplinahin ka Niya. Napakadetalyado ng gawain ng Banal na Espiritu. Buong ingat Niyang pinagmamasdan ang bawat salita at pagkilos ng mga tao, ang kanilang bawat kilos at galaw, at ang kanilang bawat kaisipan at ideya upang makamtan ng mga tao ang panloob na kamalayan sa mga bagay na ito. Minsan mong ginagawa ang isang bagay at nauuwi ito sa di-maayos, muli mong ginagawa at nauuwi pa rin sa di-maayos, at unti-unti mong maiintindihan ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa maraming beses ng pagdidisiplina, malalaman mo kung ano ang gagawin upang umayon sa kalooban ng Diyos at kung ano ang hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa katapusan, magkakaroon ka ng wastong mga pagtugon sa paggabay ng Banal na Espiritu sa loob mo. Kung minsan magiging mapanghimagsik ka at sasawayin ka ng Diyos mula sa loob. Lahat ng ito ay nagmumula sa disiplina ng Diyos. Kung hindi mo pinahahalagahan ang Diyos, kung pinapawalang-halaga mo ang Kanyang gawain, hindi ka Niya papansinin. Higit mong sineseryoso ang mga salita ng Diyos, lalo ka Niyang mas liliwanagan.

—mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

53. Kapag nililiwanagan ka para maunawaan mo ang isang bagay, kung minsan napakabilis ng impluwensya ng Banal na Espiritu, samantalang sa ibang mga pagkakataon, pinadaraanan ka sandali ng Banal na Espiritu sa isang karanasan bago ka pahintulutang unti-unti itong maunawaan. Hindi naman dahil diretsahan Niyang ibinubunyag ang isang bagay sa iyo o nililiwanagan ka o binibigyan ka ng kaunting liwanag nang hindi ka muna pinaparanas ng anuman, ni hindi ka Niya basta bibigyan ng pag-unawa sa ilang salita at doktrina. Ayon ba sa anong mga prinsipyo nag-iimpluwensya ang Banal na Espiritu? Ginagawa Niya iyon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ilang sitwasyon, mga tao, kaganapan, at mga bagay para matuto ka ng mga aral at unti-unti kang lumago. Sa pamamagitan ng prosesong ito ng karanasan at paglago, tinutulutan ka Niyang unti-unting maunawaan ang katotohanan. Samakatuwid, nag-iimpluwensya ang Banal na Espiritu sa napakanatural na prinsipyo; nag-iimpluwensya Siya nang lubos na alinsunod sa natural na huwaran ng pag-unlad ng tao, nang hindi gumagamit ng anumang pamimilit.

—mula sa “Makakamtan Mo ang Katotohanan Matapos Ipagkaloob sa Diyos ang Iyong Tunay na Puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

54. Ang Banal na Espiritu ay mayroong isang landas na lalakaran sa bawat tao, at nagbibigay sa bawat tao ng mga pagkakataon na maging perpekto. Sa pamamagitan ng iyong pagiging negatibo nagagawa mong malaman ang iyong sariling katiwalian, at sa gayon sa pamamagitan ng pagtapon sa pagiging negatibo makasusumpong ka ng landas sa pagsasagawa, at ito ang pagkaperpekto sa iyo. Karagdagan pa, sa pamamagitan ng patuloy na paggabay at pagpapalinaw ng ilang positibong mga bagay sa loob mo, aktibo mong matutupad ang iyong tungkulin at susulong sa kabatiran at magtatamo ng pagkakilala. Kapag ang iyong mga kalagayan ay mabuti, ikaw ay espesyal na nahahandang basahin ang salita ng Diyos, at espesyal na nahahandang manalangin sa Diyos, at maaaring iugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling mga kalagayan. Sa gayong mga panahong nililiwanagan at pinaliliwanag ka ng Diyos sa loob mo, ipinaiisip sa iyo ang ilang bagay sa panig ng positibo. Ito ang pagkaperpekto sa iyo sa panig ng positibo. Sa mga negatibong kalagayan, ikaw ay mahina at negatibo, at nararamdaman na hindi mo taglay ang Diyos sa iyong puso, nguni’t pinaliliwanag ka ng Diyos, tinutulungan ka na makahanap ng isang landas na isasagawa. Lalabas dito ang pagtatamo ng pagkaperpekto sa negatibong aspeto.

—mula sa “Tanging Yaong mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa ang Maaaring Gawing Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

55. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa batay sa prinsipyong ito: Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga tao, sa pamamagitan nila na aktibong nananalangin, naghahanap at mas napapalapit sa Diyos, ang mga bunga ay makakamtan at sila ay maaaring liwanagan at paliwanagin ng Banal na Espiritu. Hindi ito ang kaso na kumikilos nang isang-panig lamang ang Banal na Espiritu, o na ang tao ay kumikilos nang isang-panig lamang. Kapwa sila hindi maaaring mawala, at mas nakikipagtulungan ang mga tao, at habang mas hinahangad nila ang pag-abot sa mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos, mas malaki ang gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang totoong pakikipagtulungan ng mga tao, dagdag pa sa gawain ng Banal na Espiritu, ang maaaring magbunga ng tunay na mga karanasan at ng makabuluhang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, sa pamamagitan ng pagdanas sa ganitong paraan, isang perpektong tao ang sa kahuli-hulihan ay naibubunga. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga higit-sa-natural na mga bagay; sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat, at ang lahat ay ginagawa ng Diyos—na ang bunga ay walang-kibong paghihintay ng mga tao, hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nananalangin, at naghihintay na lamang sa pag-antig ng Banal na Espiritu. Yaong may tamang pagkaunawa, samantala, ay naniniwala rito: Ang mga kilos ng Diyos ay maaari lamang makasulong hanggang sa aking pakikipagtulungan, at ang epekto ng gawain ng Diyos sa akin ay nakasalalay sa kung paano ako nakikipagtulungan. Kapag nagsasalita ang Diyos, dapat gawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hanapin at magsumikap tungo sa mga salita ng Diyos; ito ang dapat kong makamit.

—mula sa “Paano Malalaman ang Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

56. Mayroong isang kondisyon para sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng mga tao. Hangga’t sila ay nananabik na maghangad at hindi hati ang puso o nag-aalinlangan tungkol sa mga pagkilos ng Diyos, at napagtitibay nila ang kanilang tungkulin sa lahat ng oras, sa ganitong paraan lamang nila makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos, ang kinakailangan sa sangkatauhan ay napakalaking pagtitiwala at paghahangad sa harap ng Diyos—sa pamamagitan lamang ng karanasan natutuklasan ng mga tao kung gaano kaibig-ibig ang Diyos at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa tao. Kung hindi mo mararanasan, kapag hindi mo nadama ang iyong landas sa pamamagitan ng gayon, kapag hindi ka naghangad, wala kang makakamit. Kailangan mong maramdaman ang iyong patutunguhan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, at sa pamamagitan lamang ng iyong mga karanasan na makikita mo ang mga pagkilos ng Diyos, at makikilala ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging di-maarok.

—mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

57. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at totoo, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at nililiwanagan Niya at ginagabayan ang tao alinsunod sa totoong paghahangad ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan at nililiwanagan Niya sila alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao, naglalaan Siya para sa kanila batay sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila batay sa kung ano ang wala sa kanila, at sa kanilang mga kakulangan; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang gawaing ito ay naaayon sa mga patakaran ng normal na buhay ng tao, at sa totoong buhay lamang nagagawang makita ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao sa isang positibong kalagayan at mayroong isang normal na espirituwal na buhay, kung gayon tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos mayroon silang pananampalataya, kapag sila ay nananalangin sila ay inspirado, kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila sila ay hindi nagsasawalang-kibo, at habang nangyayari ito sa kanila nagagawa nilang makita ang mga aral na hinihiling sa kanila ng Diyos na matutuhan, at sila ay hindi walang-kibo o mahina, at bagama’t mayroon silang totoong mga kahirapan, nakahanda silang sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

58. Ang Diyos ay gumagawa sa kanila na naghahangad at pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos. Habang lalo mong pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos, lalong mas gagawa sa iyo ang Espiritu ng Diyos. Habang lalong pinahahalagahan ng isang tao ang mga salita ng Diyos, lalong mas lalaki ang kanyang pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos yaong tunay na umiibig sa Kanya. Ginagawa Niyang perpekto yaong ang mga puso ay panatag sa harapan Niya. Kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang kaliwanagan ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang presensiya ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang pagmamalasakit at pangangalaga ng Diyos, kung pinahahalagahan mo kung paanong ang mga salita ng Diyos ay maging iyong realidad at panustos sa iyong buhay, higit mong hinahangad na kaayon ng puso ng Diyos. Kung pinahahalagahan mo ang gawain ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain na ginawa ng Diyos sa gitna mo, pagpapalain ka ng Diyos at itutulot na ang lahat ng sa iyo ay dumami.

—mula sa “Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

59. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwan nang binibigyan Niya sila ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at sa kanilang tunay na pagpasok at tunay na kalagayan. Pinahihintulutan din Niya silang maintindihan ang masugid na mga layunin ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao sa kasalukuyan, upang mayroon silang paninindigan na isakripisyo ang lahat para mapalugod ang Diyos, na dapat nilang mahalin ang Diyos maging kapag nakasasagupa sila ng pag-uusig at kahirapan, na dapat silang tumayong saksi sa Diyos kahit pa ibig sabihin noon ay dumanak ang kanilang dugo o ibigay ang kanilang buhay; hindi sila magkakaroon ng mga pagsisisi. Kung mayroon kang ganitong uri ng paninindigan ito ay mga pagpapakilos ng Banal na Espiritu, at gawain ng Banal na Espiritu—ngunit dapat mong malaman na hindi ka nagmamay-ari ng gayong mga pagpapakilos sa bawat sandali. Kung minsan sa mga pagtitipon kapag ikaw ay nananalangin at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, maaaring maramdaman mo na lubhang naantig ka at napukaw. Nadarama mo na bagung-bago at sariwa kapag nagbabahagi ang iba ng kanilang karanasan at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at ang iyong puso ay lubos na malinaw at maliwanag. Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang pinuno at binibigyan ka ng Banal na Espiritu ng di-karaniwang kaliwanagan at pagpapalinaw kapag ikaw ay nagpupunta sa iglesia upang gumawa, na tinutulutan kang makita ang mga suliraning umiiral sa loob ng iglesia at malaman kung paano magbahagi sa katotohanan para lutasin ang mga ito, na ginagawa kang sobrang masigasig, responsable at seryoso sa iyong paggawa, ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu.

—mula sa “Pagsasagawa (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

60. Anong mga epekto ang natatamo ng gawain ng Banal na Espiritu? Maaari kang maging hangal, at walang magiging pagkakaiba sa loob mo, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ng pananampalataya sa iyo, para palagi mong madama na hindi mo maaaring ibigin nang sapat ang Diyos, para maging handa kang makipagtulungan, upang maging handang makipagtulungan gaano man katindi ang mga kahirapan na darating. Ang mga bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging walang kibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob nila, nakasasagupa pa rin ang mga tao ng totoong mga kahirapan, may mga pagkakataon na lumuluha sila, at may mga pagkakataon na mayroong mga bagay na hindi nila mapagtatagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi nila napagtatagumpayan ang mga bagay na ito, at bagama’t, sa panahong iyon, sila ay mahihina at nagsisipagreklamo, nagagawa pa rin nila pagkatapos ang ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi sila maaaring pigilan ng kanilang pagiging walang-kibo sa pagkakaroon ng normal na mga karanasan, at hindi alintana kung ano man ang sasabihin ng ibang tao, at kung paano nila sila inaatake, nagagawa pa rin nilang ibigin ang Diyos. Sa panahon ng panalangin, palagi nilang nadadama na dati silang may masyadong pagkakautang sa Diyos, at sila ay nagpapasya na mapalugod ang Diyos at tinatalikuran ang laman kapag sila ay muling nakasasagupa ng gayong mga bagay. Ipinakikita ng lakas na ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob nila, at ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.

—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

61. Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi-makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa katinuan ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob lamang sa hangganan ng normal na katinuan ng tao, at hindi lumalampas sa katinuan ng normal na pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga karaniwang iniatas sa tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkatao ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may dumaraming kaalaman sa kanyang satanikong tiwaling disposisyon, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng tao ay lumalago nang lumalago, at ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakakayanan ang parami nang paraming mga pagbabago—kung saan ang lahat ng ito ay ang kahulugan ng ang Diyos ay nagiging ang buhay ng tao.

—mula sa “Yaon Lamang mga Nakakakilala sa Diyos at Nakakaalam sa Kanyang Gawain ang Makakapagbigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

62. Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa mga tao ay malabo at mahirap unawain, at sila ay walang normal na pagkatao, ang mga pagganyak sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga bintang sa gitna nila, at ang mga bintang at mga saloobing ito ay palaging nanghihimasok sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay, at pinahihinto sila mula sa pagkakaroon ng normal na mga kalagayan sa harap ng Diyos. Na ang ibig sabihin, sa sandaling mayroong gawain ni Satanas sa gitna ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi maaaring maging panatag sa harap ng Diyos, hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa kanilang mga sarili, ang tanawin ng isang pagtitipon ay nagtutulak sa kanila na magnais na lumayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at binabalisa ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng pagpasok sa buhay, sa kanilang mga puso hindi sila kailanman maaaring maging malapit sa Diyos, palaging nangyayari ang mga bagay na nagdudulot ng pagkagambala sa kanila at iginagapos sila, at ang kanilang mga puso ay hindi makasusumpong ng kapayapaan, walang iniiwang lakas sa kanilang pag-ibig sa Diyos, at pinalulubog pababa ang kanilang mga espiritu. Ganoon ang mga pagpapakita ng gawain ni Satanas. Ang gawain ni Satanas ay ipinapakita sa mga sumusunod: hindi nagagawang makapanindigan at tumayong saksi, nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na makasalanan sa harap ng Diyos, at yaong walang katapatan tungo sa Diyos. Sa panghihimasok mula kay Satanas, nawawala mo ang pag-ibig at katapatan tungo sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan, o ang pagsulong ng sarili mo, ikaw ay umuurong, at nagiging walang kibo, pinalalayaw mo ang sarili mo, nagbibigay ka ng kalayaan sa paglaganap ng kasalanan, at hindi namumuhi sa kasalanan; tangi sa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas, nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo, at itinutulak kang magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, nag-aakay sa iyo upang mag-alinlangan sa Diyos, at mayroon pang panganib na iwanan mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay gawain ni Satanas.

—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

63. Mayroong ilang masasamang espiritu sa kasalukuyan na gumagawa sa pamamagitan ng mga bagay na higit-sa-karaniwan upang linlangin ang tao; yaon ay walang iba kundi panggagaya lamang sa kanilang bahagi, upang linlangin ang tao sa pamamagitan ng gawain na hindi ginagawa sa kasalukuyan ng Banal na Espiritu. Maraming masasamang espiritu ang gumagaya sa paggawa ng mga himala at paglunas ng karamdaman; ang mga ito ay walang iba kundi gawain ng masasamang espiritu, sapagka’t ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa ng gayong gawain sa kasalukuyan, at lahat niyaong pagkatapos ay gumagaya sa gawain ng Banal na Espiritu—sila ay masasamang espiritu. Lahat ng gawaing ipinatupad sa Israel sa panahong iyon ay yaong di-pangkaraniwan. Gayunman, ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa ngayon sa gayong paraan, at anumang gayong gawain na sumusunod ay kagagawan at panggugulo ni Satanas at ng masasamang espiritu. Nguni’t hindi mo masasabi na lahat ng di-pangkaraniwan ay kagagawan ng masasamang espiritu. Ito ay nakabatay sa kapanahunan ng gawain ng Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

64. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng maysakit—kung ginawa Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o halaga. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang mga yapak ng Diyos, binabago ng Diyos ang pamamaraan. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangan mong malinawan ito.

—mula sa “Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

65. May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni’t sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. … Hindi ka maaaring maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang karunungan, himala, at pagiging di-maarok ng Diyos, o ang lahat ng mga disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao: lahat ng ito ay lumampas sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya hindi mahalaga ang iyong mga paulit-ulit na pag-angkin na ikaw ang Diyos; mayroon ka lamang pangalan at wala niyaong sangkap.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

66. Sinasabi ng ilang tao na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanila sa lahat ng pagkakataon. Ito ay imposible. Kung sasabihin nila na ang Banal na Espiritu ay palagi nilang kasama, iyon ay makatotohanan. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at diwa ay normal sa lahat ng pagkakataon, iyon ay makatotohanan din, at ipakikita na ang Banal na Espiritu ay kasama nila. Kung sinasabi nila na ang Banal na Espiritu ay palaging gumagawa sa loob nila, na sila ay nililiwanagan ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagkakamit ng bagong kaalaman sa lahat ng pagkakataon, kung gayon ito ay hindi normal. Ito ay lubos na higit sa karaniwan! Nang wala ni kakatiting na pag-aalinlangan, ang gayong mga tao ay masasamang espiritu! Kahit kapag ang Espiritu ng Diyos ay dumarating sa katawang-tao, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—nang walang sinasabi tungkol sa tao. Yaong mga inalihan ng masasamang espiritu ay parang walang damdamin at kahinaan ng laman. Nagagawa nilang pabayaan at isuko ang lahat ng bagay, sila ay may kakayahang matiis ang pagdurusa at hindi nakadadama ni kakatiting na pagod, na parang napangibabawan nila ang laman. Hindi ba ito lubos na hindi karaniwan? Ang gawain ng masamang espiritu ay hindi karaniwan, at ang mga bagay na ito ay hindi maaaring makamit ng tao. Yaong mga walang pagkilala ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao, at sinasabi na mayroon silang ganoong lakas sa kanilang paniniwala sa Diyos at mayroon silang dakilang pananampalataya, na hindi sila kailanman mahina. Sa katunayan, ito ang pagpapamalas ng gawa ng masamang espiritu. Iyon ay dahil sa ang mga normal na tao ay walang pagsalang nagtataglay ng mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng mga yaong mayroong presensiya ng Banal na Espiritu.

—mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

67. Kapag ang tao ay may kaunting pagkaunawa sa Diyos, handa siyang magdusa para sa Kanya at mabuhay para sa Kanya. Gayunpaman, si Satanas pa rin ang may kontrol sa mga kahinaan ng tao, at napagdurusa pa rin sila nito. Ang masasamang espiritu ay makagagawa pa rin sa mga tao para pakialaman sila, nagdudulot sa kanila ng litong kalagayan ng isipan, maging di-makatwiran, maramdamang magulo ang pag-iisip at magdusa ng paggambala sa lahat ng bagay. Mayroon pa rin sa loob ng tao na ilang bagay ng isipan o ng kaluluwa na makokontrol at mamamanipula ni Satanas. Kaya posible para sa iyo na magkaroon ng mga sakit, ligalig at maramdamang nais magpakamatay, at may mga panahong nararamdaman din ang kapanglawan ng mundo, o na ang buhay ay walang kahulugan. Na ibig sabihin, ang pagdurusang ito ay nasa ilalim pa rin ng pangingibabaw ni Satanas; isa ito sa mga nakamamatay na kahinaan ng tao. Nagagamit pa rin ni Satanas ang mga bagay na nagawang tiwali nito at natatapakan—ito ay mga sandata na magagamit ni Satanas laban sa mga tao. … Sinasamantala ng masasamang espiritu ang bawa’t pagkakataon para gawin ang gawain ng mga ito. Makakapagsalita ang mga ito sa loob mo o bumubulong sa tainga mo, o kaya magugulo ang iyong kaisipan at isip, at masisikil ng mga ito ang pagkilos ng Banal na Espiritu kung kaya hindi mo mararamdaman ito. Pagkatapos niyon sinisimulan ng mga ito na pakialaman ka, ginagawang lito ang iyong pag-iisip at malabo ang iyong utak, at iniiwan kang di-mapakali at hibang. Ganyan ang gawain ng masasamang espiritu sa tao at, malibang magkaroon ka ng pagtalos dito, masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa malaking panganib.

—mula sa “Ang Kahulugan ng Pagdaranas ng Diyos ng Kirot ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

68. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay maagap na pag-unlad, samantalang ang gawain ni Satanas ay paurong at pagsasawalang-kibo, pagkamasuwayin tungo sa Diyos, paglaban sa Diyos, pagkawala ng pananampalataya sa Diyos, at kawalang kahandaan kahit na umawit ng mga himno o tumindig at sumayaw. Yaong nagmumula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay hindi ipinipilit sa iyo, ngunit talagang likas. Kung susundin mo ito, tataglayin mo ang katotohanan, at kung hindi, pagkatapos saka magkakaroon ng paninisi. Kung ito ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, kung gayon walang anuman sa ginagawa mo ang mapanghihimasukan o mapipigilan, ikaw ay mapalalaya, magkakaroon ng isang landas na isagawa ang iyong mga pagkilos, at hindi ka sasailalim sa anumang mga pagbabawal, at nagagawang kumilos ayon sa kalooban ng Diyos. Ang gawain ni Satanas ay nagdudulot ng maraming bagay na nagiging sanhi ng panghihimasok sa iyo, ginagawa ka nitong hindi nakahandang manalangin, masyadong tamad upang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at hindi nakahandang isabuhay ang buhay ng iglesia, at inihihiwalay ka nito mula sa espirituwal na buhay. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nanghihimasok sa iyong pang-araw-araw na buhay, at hindi nanghihimasok sa iyong pagpasok sa isang normal na espirituwal na buhay.

—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

69. Kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa iyo sa iyong pang-araw-araw na buhay, paano mo titingnan ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ito ay mula sa gawain ng Banal na Espiritu o mula sa gawain ni Satanas? Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay normal, ang kanilang mga espirituwal na buhay sa laman ay normal, at ang kanilang katwiran ay normal at maayos; sa pangkalahatan ang kanilang nararanasan at nalalaman sa gitna ng kanilang mga sarili sa panahong iyon ay maaaring sabihin na nagmumula sa pagiging inantig ng Banal na Espiritu (sa pagkakaroon ng mga pananaw o pagtataglay ng mababaw na kaalaman kapag kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos, o pagiging tapat kapag ang mga bagay ay nangyayari sa kanila, o sa pagkakaroon ng lakas upang ibigin ang Diyos kapag nangyayari ang mga bagay—ang lahat ng ito ay ukol sa Banal na Espiritu). Ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay talagang normal; ang tao ay walang kakayahan na madama ito, at tila sa pamamagitan ng tao mismo—ngunit ang katunayan ito ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa pang-araw-araw na buhay, ang Banal na Espiritu ay gumagawa kapwa ng malaki at ng maliit para sa bawat isa, at ito ay simple na ang saklaw ng gawaing ito ay nagkakaiba. Ang ilang tao ay mayroong mainam na kakayahan, nauunawaan nila ang mga bagay nang mabilis, at ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay talagang matindi sa loob nila; ang ilang tao ay mayroong mahinang kakayahan, at inaabot sila nang mas matagal upang maunawaan ang mga bagay, ngunit inaantig sila sa loob ng Banal na Espiritu, at sila, gayundin, ay nagagawang matamo ang katapatan sa Diyos—ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa lahat ng taong naghahangad sa Diyos. Kapag, sa pang-araw-araw na buhay, hindi kinakalaban ng mga tao ang Diyos, o naghihimagsik laban sa Diyos, hindi gumagawa ng mga bagay na magkasalungat sa pamamahala ng Diyos, at hindi nanghihimasok sa gawain ng Diyos, sa bawat isa sa kanila ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa mas malaki o mas maliit na saklaw, at inaantig sila, nililiwanagan sila, binibigyan sila ng pananampalataya, binibigyan sila ng lakas, at pinakikilos sila upang pumasok sa mas aktibong paraan, hindi sa pagiging tamad o pag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, nakahandang isagawa ang katotohanan, at nananabik para sa mga salita ng Diyos—lahat ng ito ay gawain na nagmumula sa Banal na Espiritu.

Kapag ang kalagayan ng mga tao ay hindi normal, sila ay pinababayaan ng Banal na Espiritu, mayroong pagmamaktol sa gitna nila, ang kanilang mga pagganyak ay mali, sila ay tamad, nagpapasasa sila sa laman, at ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa katotohanan, at ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay hindi normal, kapag sila ay madilim sa loob at nawala ang kanilang normal na katwiran, napabayaan na ng Banal na Espiritu, at hindi nagagawang maramdaman ang Diyos sa loob ng kanilang mga sarili, ito ay kung kailan gumagawa si Satanas sa loob nila. Kung ang mga tao ay palaging mayroong lakas sa loob nila at palaging minamahal ang Diyos, kung gayon sa pangkalahatan kapag ang mga bagay ay nangyayari sa kanila ang mga ito ay mula sa Banal na Espiritu, at sinumang makatagpo nila ay ang resulta ng pagsasaayos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kapag ang iyong mga kalagayan ay normal, kapag ikaw ay nasa dakilang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon imposible para kay Satanas na gawin kang nag-aalinlangan; maaaring sabihin ayon sa saligang ito na ang lahat ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at bagama’t maaaring mayroon kang hindi tamang mga saloobin, nagagawa mong talikuran ang mga ito, at hindi sinusunod ang mga ito. Ang lahat ng ito ay nagmumula sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa anong mga sitwasyon nanghihimasok si Satanas? Kapag ang iyong mga kalagayan ay hindi normal, kung ikaw ay hindi pa naantig ng Diyos, at walang gawain ng Diyos, at ikaw ay tuyo at tigang sa loob, kapag ikaw ay nananalangin sa Diyos ngunit walang nauunawaang anuman, at kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos ngunit hindi naliliwanagan o napapalinaw—sa gayong mga pagkakataon madali para kay Satanas na gumawa sa loob mo. Sa ibang pananalita, kapag ikaw ay naiwan na ng Banal na Espiritu at hindi mo mararamdaman ang Diyos, kung gayon nangyayari ang maraming mga bagay sa iyo na nagmumula sa tukso ni Satanas. Si Satanas ay gumagawa sa kaparehong oras na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at nanghihimasok sa tao sa kaparehong oras na inaantig ng Banal na Espiritu ang loob ng tao; sa gayong mga pagkakataon, gayunpaman, ang gawain ng Banal na Espiritu ang nangunguna, at ang mga tao na normal ang mga kalagayan ay makapagtatagumpay, na siyang tagumpay ng gawain ng Banal na Espiritu laban sa gawain ni Satanas. Ngunit kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, ang naroon ay ang napakaliit na gawain ni Satanas; kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa naroroon pa rin ang isang masuwaying disposisyon sa loob ng mga tao, at ang lahat na dating nasa kanila ay naroroon pa rin, ngunit sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu madali para sa mga tao na malaman ang mahahalagang bagay ukol sa kanila at ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon tungo sa Diyos—bagama’t maaari lamang nilang alisin sa kanilang mga sarili ang mga ito sa pamamagitan ng unti-unting gawain. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at habang Siya ay gumagawa sa mga tao mayroon pa rin silang mga suliranin, lumuluha pa rin sila, nagdurusa pa rin sila, mahihina pa rin sila, at marami pa rin ang hindi malinaw sa kanila, ngunit sa gayong kalagayan nagagawa nilang pigilan ang kanilang mga sarili na dumausdos pabalik, at maaaring ibigin ang Diyos, at bagama’t lumuluha sila at nababalisa sa loob, nagagawa pa rin nilang purihin ang Diyos; ang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang normal, at kahit katiting ay hindi higit sa karaniwan. Pinaniniwalaan iyon ng karamihan sa mga tao, sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kalagayan ng mga tao at ang mahahalagang bagay ukol sa kanila ay tinatanggal. Ang gayong mga paniniwala ay mapanlinlang. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng tao, ang pagsasawalang-kibo ng tao ay naroroon pa rin at ang kanyang tayog ay nananatili gaya nang dati, ngunit taglay niya ang pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kaya ang kanyang kalagayan ay mas maagap, ang mga kalagayan sa loob niya ay normal, at nagbabago siya nang mabilis. Sa totoong mga karanasan ng mga tao, pangunahin nilang nararanasan ang alinman sa gawain ng Banal na Espiritu o ng kay Satanas, at kung hindi nila maunawaan ang mga kalagayang ito, at hindi nakikita ang pagkakaiba, kung gayon ang totoong mga karanasan ay hindi pinag-uusapan, upang wala nang masabi ukol sa mga pagbabago sa disposisyon. Kaya, ang susi sa pagdanas sa gawain ng Diyos ay ang magawang makakita nang malinaw sa gayong mga bagay; sa ganitong paraan, mas magiging madali para sa kanila na makaranas.

—mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao