Tanong 9: Pag tinanggap namin ang Makapangyarihang Diyos, tiyak bang makakapasok kami sa kaharian sa

Sagot: Malinaw nang nagsalita ang Makapangyarihang Diyos tungkol dito. Tingnan muna natin ang sinabi Niya.

Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Hahayaan ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katotohanang ito: Sa mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang mga taong hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga taong hindi makahanap ng layunin sa Aking mga salita, at ang mga hindi kayang tanggapin ang kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahatulan ng Aking mga salita, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi kailanman malilihis ang Aking tungkod sa kanila” (“Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, nguni’t hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi mo iniibig ang daan na nagdadala sa iyo nang mas malapit sa Diyos, kung gayon sinasabi Kong ikaw ay isa na sinusubukang iwasan ang paghatol, at na isa kang sunud-sunuran at taksil na tumatakas mula sa dakilang puting luklukan. Hindi patatawarin ng Diyos ang isa man sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalo pang mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa harap ng Diyos upang mahatulan, at higit pa ay nadalisay na, ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Tiyak, ito ay bagay na mangyayari sa hinaharap” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na inililigtas ng Diyos ang mga tao batay sa isang prinsipyo. Hindi totoo na lahat ng tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay maliligtas at makakapasok sa kaharian ng langit. Mabuti man o hindi ang kahahantungan ng mga taong tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, depende ‘yan sa kung mahal at hanapin nila ang katotohanan at tanggapin at sundin man nila ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, nang sa gayo’y matamo nila ang katotohanan, at makalaya sila sa tiwali at napakasamang disposisyon at malinis. Ang paghatol at pagkastigo lang ng Diyos sa mga huling araw ang tanging pagkakataon ng tiwaling sangkatauhan na lubos na maligtas. Yaon lamang mga nagmamahal sa katotohanan, sumusunod sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, sa Kanyang mga pagsubok at pagpipino, nagtatamo ng katotohanan, at nalinis ang dadalhin sa Kanyang kaharian. Yaong mga hindi tumanggap sa katotohanan o sumunod sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay pababayaan Niya. At yaong mga gumagawa ng lahat ng klase ng kasamaan ay parurusahan. Ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ibubukod ang lahat ayon sa kanilang klase. Kung matatanggap man at masusunod ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, matatamo ang katotohanan, at malilinis ay depende sa kung magtatamo sila ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit. Kung matatanggap man ng mga tao ang gawain ng Diyos sa mga huling araw o hindi ay depende sa kanilang kapalaran, hantungan at kauuwian sa huli. Basahin natin ang isa pang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali’t hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka’t pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali’t ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy- bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi- tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni’t hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni’t napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak na lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala