Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diy | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo. Kapag dumating ang araw na iyon, ang inyong mga pangarap na pagpapalain dahil sa inyong paniniwala sa Diyos, at ang pagpasok sa langit, ay mangadudurog lahat. Gayunman, ito ay hindi para sa mga kaayon kay Cristo. Bagaman nawalan sila nang napakarami, kahit na nagdusa sila ng maraming paghihirap, matatanggap nila ang lahat ng pamana na Aking iiwan sa sangkatauhan. Sa huli, inyong maiintindihan na Ako ang matuwid na Diyos, at Ako lang ang may kakayahang dalhin ang sangkatauhan sa maganda nitong hantungan."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at talagang hindi nilikha ng sinumang tao. Sa kasalukuyan, ang mga salita, pelikula ng ebanghelyo, himno ng papuri, at iba pa ay kumalat sa buong mundo sa pamamagitan ng network. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na nagpakita ang Diyos!