Salita ng Diyos | Mga Salita tungkol sa Diyos bilang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Bagay
46. Mula pa noong likhain ang lahat ng bagay ng Diyos, ang mga ito ay kumikilos alinsunod sa mga batas na itinakda ng Diyos, ang lahat ng bagay ay gumagana at nagpapatuloy na umunlad nang maayos. Sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang lahat ng bagay ay maayos na umuunlad kaagapay ng pagiging buhay ng mga tao. Walang anumang bagay ang makababago sa mga batas na ito, at walang anumang bagay ang makasisira sa mga batas na ito. Nang dahil sa pamamahala ng Diyos kaya maaaring magparami ang lahat ng nilalang, at dahil sa Kanyang pangangasiwa at pamamahala kaya ang lahat ng nilalang ay mananatiling buhay. Ito ay upang sabihin na sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nagsisiiral, umuunlad, nawawala, at muling isinisilang sa maayos na paraan. Kapag dumarating ang tagsibol, dinadala ng pag-ambon ng ulan ang damdaming iyon ng tagsibol at binabasa-basa ang lupa. Ang lupa ay nagsisimulang malusaw, ang damo ay tumutubo at umuusbong sa lupa at ang mga puno ay unti-unting nagiging luntian. Ang lahat ng nabubuhay na bagay na ito ay nagdadala ng sariwang sigla sa lupa. Ito ang tanawin ng lahat ng nilalang na nagsisiiral at nagsisiunlad. Ang lahat ng uri ng hayop ay lumalabas din sa kanilang mga lungga upang damhin ang init ng tagsibol at simulan ang isang bagong taon. Ang lahat ng nilalang ay nagbibilad sa tag-araw at ikinagagalak ang init na dulot ng panahon. Ang mga ito ay mabilis na lumalaki; ang mga puno, ang damo, at ang lahat ng uri ng halaman ay napakabilis na lumalago, saka ang mga ito namumukadkad at namumunga. Ang lahat ng nilalang ay masyadong abala sa panahon ng tag-araw, pati na ang mga tao. Sa taglagas, nagdadala ang mga ulan ng lamig ng taglagas, at ang lahat ng uri ng nabubuhay na mga bagay ay nagsisimulang maranasan ang panahon ng pag-ani. Ang lahat ng nilalang ay namumunga, at nagsisimula na rin ang mga tao na anihin ang lahat ng uri ng bagay dahil sa paggawa sa taglagas ng mga nilalang na ito, upang maghanda ng pagkain para sa taglamig. Sa taglamig ang lahat ng nilalang ay unti-unting nagsisimulang magpahinga sa kalamigan, upang pumayapa, at ang mga tao ay nagpapahinga rin sa panahong ito. Ang mga pagbabagong ito mula sa tagsibol papuntang tag-araw hanggang sa taglagas at hanggang sa taglamig—ang mga pagbabagong ito ay lahat nagaganap alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos. Pinangungunahan Niya ang lahat ng nilalang at mga tao gamit ang mga batas na ito at nakapagtatag para sa sangkatauhan ng isang mayaman at makulay na paraan ng pamumuhay, naghahanda ng isang kapaligiran para sa pamumuhay na mayroong iba’t ibang temperatura at iba’t ibang panahon. Sa ilalim ng maayos na mga kapaligirang ito para sa pamumuhay, ang mga tao ay maaari ding mamuhay at makapagparami sa maayos na paraan. Hindi maaaring baguhin ng mga tao ang mga batas na ito at walang sinuman at anuman ang makasisira sa mga ito. Anumang malaking mga pagbabago ang maganap sa mundo, ang mga batas na ito ay patuloy na iiral at umiiral ang mga ito dahil ang Diyos ay umiiral. Ito ay dahil sa pamumuno ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Sa ganitong uri ng maayos, mas malaking kapaligiran, ang buhay ng mga tao ay makapagpapatuloy sa loob ng mga batas at mga patakarang ito. Nilinang ng mga batas na ito ang sali’t salinlahi ng mga tao at ang sali’t salinlahi ng mga tao ang namuhay sa loob ng mga batas na ito. Tinatamasa ng mga tao ang mga nilalang at itong maayos na kapaligiran para sa pamumuhay na nilikha ng Diyos para sa sali’t salinlahi ng mga tao. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang ganitong uri ng mga batas ay katutubo, kahit na lubos ang kanilang paghamak sa mga ito, at kahit na hindi nila mararamdaman na ang Diyos ang nagsasaayos sa mga batas na ito, na pinamamahalaan ng Diyos ang mga batas na ito, kahit ano pa man, ang Diyos ay palaging sangkot sa hindi nagbabagong gawain na ito. Ang Kanyang layunin sa hindi nagbabagong gawain na ito ay para sa pananatiling buhay ng sangkatauhan, at nang upang maaaring makapagpatuloy ang mga tao.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
47. Ang Diyos ay ang Panginoon ng mga patakaran na namamahala sa sansinukob, pinamamahalaan Niya ang mga patakaran na sumasakop sa kaligtasan sa lahat ng bagay, at pinamamahalaan din Niya ang sansinukob at ang lahat ng bagay nang sa gayon ay makakapamuhay ang mga itong magkakasama; ginagawa Niya ito upang hindi mawala nang lubusan o maglaho ang mga ito para ang sangkatauhan ay maaaring makapagpatuloy na umiral, ang tao ay maaaring mabuhay sa gayong kapaligiran sa pamamagitan ng pangunguna ng Diyos. Ang mga patakarang ito na namumuno sa lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at ang sangkatauhan ay hindi maaaring makialam at hindi mapapalitan ang mga ito; tanging ang Diyos Mismo ang nakakaalam sa mga patakarang ito at Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa mga ito. Kailan uusbong ang mga puno, kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming pampalusog ang ibibigay ng lupa sa mga halaman, sa anong panahon malalaglag ang mga dahon, sa anong panahon mamumunga ang mga puno, gaano karaming enerhiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno, ano ang ihihingang palabas ng mga puno mula sa enerhiya na nakukuha nila mula sa sikat ng araw—ang lahat ng ito ay mga bagay na naisaayos na ng Diyos nang lalangin Niya ang sansinukob at ang mga ito ay mga batas na hindi maaaring labagin ng tao. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos—maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay ayon sa mga tao—lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Walang sinuman ang makababago o makasisira sa patakarang ito. Ibig sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay binalangkas na Niya ang nararapat sa mga ito. Ang mga puno ay hindi maaaring magkaugat, umusbong, at lumago kung wala ang lupa. Kung ang lupa ay walang mga puno, ito ay matutuyo. At saka, ang puno ay ang tahanan ng mga ibong umaawit, ito ang lugar kung saan nagkukubli ang mga ito mula sa hangin. Magiging OK lang ba kung magkakaroon ng puno kahit walang sikat ng araw? (Hindi ito magiging OK.) Kung lupa lamang mayroon ang puno hindi ito maaaring gumana. Ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan at para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin mula sa puno, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa na pinoprotektahan nito. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw, ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang iba’t ibang mga bagay na nabubuhay. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito ay kumplikado, kailangan mong tandaan na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng bagay upang maaaring umiral sila sa isang magkakaugnay at nagtutulungang paraan; ang bawat isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, hahayaan ito ng Diyos na mawala. Ito ay isa sa mga pamamaraan na Kanyang ginagamit sa paghahanda sa lahat ng bagay.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
48. Na ang paglalaan ng Diyos para sa sansinukob ay may napakalawak na kahulugan at paggamit. Hindi lamang pinagkakalooban ng Diyos ang mga tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at inumin, ipinagkakaloob Niya sa sangkatauhan ang lahat ng bagay na kanilang kailangan, kabilang ang lahat ng bagay na nakikita ng tao at mga bagay na hindi makikita. Itinataguyod, pinamamahalaan, at pinamumunuan ng Diyos ang buhay na kapaligiran na kinakailangan ng sangkatauhan. Anumang kapaligiran ang kakailanganin ng sangkatauhan sa anumang panahon, inihanda ito ng Diyos. Anumang kapaligiran o temperatura na angkop para sa pag-iral ng tao ay nasa ilalim din ng pamamahala ng Diyos at wala sa mga patakarang ito ang nangyayari sa ganang mga sarili nito lamang o basta na lang nagaganap; ang mga ito ay bunga ng pamamahala ng Diyos at ng Kanyang mga gawa. Ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng lahat ng patakarang ito at ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Ito ay isang matatag at hindi mapasusubaliang katotohanan maniwala ka man o hindi, makikita mo man ito o hindi, maiintindihan mo man ito o hindi.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
49. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse ang mga ito, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga batas na Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga batas na ito at hindi maaaring labagin ng mga ito. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran na maaaring ligtas na makapanatiling buhay at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang nabubuhay na nilikha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas, o bilang sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. … Kung mayroong isang uri o iba’t ibang uri ng nilalang na may buhay na lumampas sa angkop na bilang nito, ang hangin, temperatura, kahalumigmigan, at maging ang nilalaman ng hangin sa loob ng espasyo ng sangkatauhan para mabuhay ay malalason at masisira sa magkakaibang antas. Gayon din, sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, ang kakayahang mabuhay at kapalaran ng mga tao ay mapapasailalim pa rin sa panganib ng gayong uri ng kapaligiran. Kaya, kapag nawala ng mga tao ang mga balanseng iyon, ang hangin na kanilang hinihinga ay masisira, ang tubig na kanilang iniinom ay magiging kontaminado, at ang mga temperatura na kanilang kinakailangan ay magbabago din, maaapektuhan sa iba’t ibang mga antas. Kapag nangyari iyon, ang likas na kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay mapapasailalim sa mga katakut-takot na mga dagok at mga hamon. Sa ilalim ng ganitong uri ng kalagayan kung saan ang pangunahing mga kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay nangasira, ano ang magiging kapalaran at mga inaasahan ng sangkatauhan? Ito ay napakaseryosong suliranin! Sapagkat nalalaman ng Diyos kung ano ang lahat ng bagay sa sangkatauhan, ang papel ng bawat isang uri ng bagay na Kanyang nilikha, anong epekto mayroon ito sa mga tao, at gaano kalaking pakinabang ang dadalhin nito sa sangkatauhan—sa puso ng Diyos ay may plano para sa lahat ng ito at pinamamahalaan Niya ang bawat isang aspeto sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha, kaya para sa mga tao, ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay napakahalaga—ang lahat ng ito ay kinakailangan. Kaya makakita ka man ng ilang kakaibang pangyayari na pang-ekolohiya, o ilang likas na mga batas sa gitna ng lahat ng bagay, hindi ka na magdududa pa sa pangangailangan sa bawat isang bagay na nilikha ng Diyos. Hindi ka na uli gagamit pa ng mga ignoranteng pananalita upang gumawa ng mga hindi makatwirang paghatol sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay at ang Kanyang iba’t ibang pamamaraan sa pagkakaloob sa sangkatauhan. Hindi ka na rin gagawa ng mga hindi makatwirang konklusyon sa mga batas ng Diyos para sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
50. Lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos—nakapirmi man ang mga ito sa isang lugar o makakahinga sa mga butas ng ilong nito—lahat sila ay may mga batas na susundin para mabuhay. Bago pa man nilikha ng Diyos ang buhay na mga nilalang na ito nakapaghanda na Siya para sa mga ito ng sarili nitong mga tahanan, sarili nitong kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang na ito ay may sariling nakapirming mga kapaligiran para mabuhay, sarili nitong pagkain, sarili nitong permanenteng mga tahanan, sarili nitong permanenteng mga lugar na angkop para sa ikabubuhay nito, mga lugar na may mga temperatura na angkop para sa pamumuhay nito. Sa gayong paraan hindi na gagala ang mga ito kung saan-saan o pahinain ang pamumuhay ng sangkatauhan o makaapekto sa kanilang mga buhay. Sa ganito pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng nilalang. Ito ay upang ipagkaloob sa sangkatauhan ang pinakamabuting kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang sa loob ng bawat isa ay lahat mayroong pagkaing panustos-buhay sa loob ng sarili nitong mga kapaligiran para sa pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagkaing iyon, ang mga ito ay nakapirmi sa loob ng katutubong kapaligiran nito para sa pamumuhay. Sa gayong uri ng kapaligiran, ang mga ito ay nabubuhay pa rin, nagpaparami, at nagpapatuloy alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos para sa mga ito. Nang dahil sa ganitong uri ng mga batas, dahil sa pagtatalaga ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nakikipag-ugnayan na may pagkakasundo sa sangkatauhan, at ang sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nagtutulungan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
51. Kapag naiwala ng lahat ng nilalang ang sarili nitong mga batas, hindi na iiral pa ang mga ito; kapag ang mga batas ng lahat ng nilalang ay nawala, kung gayon ang mga nabubuhay na nilalang sa gitna ng lahat ng nilalang ay hindi na makapagpapatuloy pa. Mawawala din ng mga tao ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay na kanilang inaasahan para mabuhay. Kapag naiwala ng mga tao ang lahat ng iyon, hindi na sila makapagpapatuloy na mabuhay at magparami sa bawat henerasyon. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ang mga tao ay sapagkat tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan ng lahat ng nilalang upang pangalagaan sila, upang pangalagaan ang sangkatauhan sa iba’t ibang kaparaanan. Ito ay dahil lamang sa pinangangalagaan ng Diyos ang sangkatauhan sa iba’t ibang paraan kaya sila ay nabubuhay hanggang sa ngayon, kaya sila nabuhay hanggang sa kasalukuyang araw. Sa gayong uri ng isinaayos na kapaligiran para mabuhay na angkop at may kaayusan, lahat ng uri ng tao sa lupa, lahat ng uri ng lahi ay mabubuhay sa loob ng kanilang sariling iminungkahing mga saklaw. Walang sinuman ang maaaring lumampas sa mga saklaw na ito o mga hangganang ito sapagkat ang Diyos ang nagsalarawan sa mga ito.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
52. Ang lahat ng bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan. Hindi alintana kung anong lahi ka o kung anong piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para mabuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa pamumuno ng Diyos at ng Kanyang pamamahala.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
53. Ang pagtustos ng Diyos sa lahat ng bagay ay sapat upang ipakita na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay, dahil Siya ang pinanggagalingan ng pagtustos na nagbigay ng kakayahan sa lahat ng bagay na umiral, mamuhay, magpakarami, at magpatuloy. Bukod sa Diyos wala nang iba. Tinutustusan ng Diyos ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng bagay at lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan, kahit pa ito ang pinakapangunahing kapaligirang tinitirahan ng mga tao, ano ang kailangan ng mga tao araw-araw, o ang pagtustos ng katotohanan sa mga kaluluwa ng mga tao. Mula sa lahat ng perspektibo, pagdating sa pagkakakilanlan ng Diyos at sa Kanyang katayuan para sa sangkatauhan, tanging ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay. Tama ba ito? (Oo.) Ibig sabihin, ang Diyos ang Hari, Panginoon, at Tagapagtustos ng materyal na mundong ito na kayang makita ng mga tao sa kanilang mga mata at maaaring maramdaman. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito ang pagkakakilanlan ng Diyos? Ito ay ganap na totoo.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
54. Ang espirituwal na daigdig ay isang mahalagang lugar, isa na naiiba mula sa materyal na mundo. At bakit Ko sinasabi na ito ay mahalaga? Pag-uusapan natin ang tungkol dito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na daigdig ay mayroong hindi maihihiwalay na kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay; ito ang papel nito, at ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pag-iral nito ay mahalaga. Sapagkat ito ay isang lugar na hindi naaaninaw ng limang pandama, walang sinumang makahahatol nang wasto kung ito ay umiiral o hindi. Ang mga pangyayari sa espirituwal na daigdig ay matalik na nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan, bilang resulta kung saan ang pamamaraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay sobrang naimpluwensiyahan ng espirituwal na daigdig. May kaugnayan ba ito sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ito. Kapag sinasabi Ko ito, naiintindihan ninyo kung bakit Ko tinatalakay ang paksang ito: Sapagkat ito ay may kaugnayan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at sa Kanyang pamamahala. Sa isang mundo na katulad nito—isang hindi nakikita ng mga tao—ito ang bawat kautusan ng langit, atas at sistema sa pamamahala nito ay higit na mas mataas kaysa sa mga batas at mga sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nilalang na nabubuhay sa mundong ito na mangangahas na labagin o salungatin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa dakilang kapangyarihan at pamamahala ng Diyos? Sa mundong ito, may mga malinaw na mga atas administratibo, malinaw na mga panlangit na kautusan, at malinaw na mga alituntunin. Sa magkakaibang antas at sa magkakaibang lugar, ang mga tagapamahala ay mahigpit na namamalagi sa kanilang tungkulin at sumusunod sa mga patakaran at mga tuntunin, sapagkat alam nila kung ano ang magiging kalalabasan sa paglabag sa mga kautusan ng langit, nalalaman nila nang malinaw kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan ang lahat ng bagay, kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng bagay, at, mangyari pa, malinaw nilang nakikita kung paano pinatutupad ng Diyos ang Kanyang mga panlangit na kautusan at mga batas. Ang mga ito ba ay kaiba sa materyal na mundo na tinitirhan ng sangkatauhan? Malaki ang kanilang pinagkaiba. Ito ay isang mundo na lubos na naiiba sa materyal na mundo. Yamang mayroong mga panlangit na kautusan, at mga batas, may kinalaman ito sa dakilang kapangyarihan, pamamahala ng Diyos, at, mangyari pa, sa disposisyon ng Diyos at sa kung anong mayroon at kung ano Siya.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
55. Ang Diyos ay nagtatag ng iba’t ibang panlangit na kautusan, atas, at sistema sa espirituwal na dako, at pagkatapos ng pagpapahayag nitong mga panlangit na kautusan, atas, at sistema, ang mga ito ay mahigpit na ipinatutupad, gaya ng itinakda ng Diyos, sa pamamagitan ng mga nilalang sa iba’t ibang opisyal na posisyon sa espirituwal na daigdig, at walang sinuman ang nangangahas na labagin ito. At kaya, sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan sa mundo ng tao, maging ang isang tao man ay muling nagkatawang-tao bilang isang tao o isang hayop, may mga batas para sa dalawa. Sapagkat ang mga kautusang ito ay nagmula sa Diyos, walang sinuman ang nangangahas na labagin ang mga ito, ni walang sinuman ang makalalabag sa mga ito. Ito ay dahil lamang sa gayong dakilang kapangyarihan ng Diyos, at dahil mayroong gayong mga kautusan, na ang materyal na mundong iyon na nakikita ng mga tao ay karaniwan at may kaayusan; ito ay dahil lamang sa gayong dakilang kapangyarihan ng Diyos na ang sangkatauhan ay sabay na umiiral nang payapa sa iba pang mundo na lubos na hindi nakikita ng sangkatauhan, at nagagawang mabuhay nang may pagkakaisa dito—ang lahat kung saan ay hindi maihihiwalay sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Pagkatapos mamatay ng makalamang buhay ng isang tao, ang kaluluwa ay mayroon pa ring buhay, at kaya ano ang mangyayari kung wala ang pamamahala ng Diyos? Ang kaluluwa ay maglilibot sa lahat ng lugar, manghihimasok kahit saan, at makapipinsala pa sa mga buhay na bagay sa mundo ng sangkatauhan. Ang gayong pinsala ay hindi lamang tungo sa sangkatauhan, ngunit maaari din namang tungo sa mga halaman at sa mga hayop—ngunit ang unang mapipinsala ay ang mga tao. Kung ito ay mangyayari—kung ang gayong kaluluwa ay walang pamamahala, at talagang puminsala sa mga tao, at talagang gumawa ng napakasamang mga bagay—kung gayon magkakaroon din ng maayos na pag-aasikaso sa kaluluwang ito sa espirituwal na daigdig: Kung ang mga bagay ay malubha, ang kaluluwa ay kaagad na titigil sa pag-iral, ito ay mawawasak; hangga’t maaari, ilalagay ito sa isang lugar at pagkatapos ay muling magkakatawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang pamamahala ng espirituwal na daigdig sa iba’t ibang kaluluwa ay itinakda, at isinasakatuparan alinsunod sa mga hakbang at mga patakaran. Ito ay dahil lamang sa gayong pamamahala na ang materyal na mundo ng tao ay hindi nahulog sa kaguluhan, na ang sangkatauhan ng materyal na mundo ay nagtataglay ng normal na kaisipan, normal na pagkamakatuwiran, at isang isinasaayos na makalamang buhay. Pagkatapos lamang na magkaroon ang sangkatauhan ng gayong normal na buhay saka pa lamang makapagpapatuloy yaong mga nabubuhay sa laman sa pagpapaunlad at sa pagpaparami sa loob ng maraming salinlahi.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
56. Ang kamatayan ng isang buhay na nilalang—ang pagwawakas ng isang pisikal na buhay—ay nagpapahiwatig na ang buhay na nilalang ay nakaalis mula sa materyal na mundo patungo sa espirituwal na daigdig, habang ang pagsilang ng isang bagong pisikal na buhay ay nagpapahiwatig na ang isang buhay na nilalang ay dumating mula sa espirituwal na daigdig patungo sa materyal na mundo at nagsimulang gawin ang papel nito, upang gampanan ang papel nito. Maging ito man ay pag-alis o pagdating ng isang nilalang, kapwa sila hindi maihihiwalay mula sa gawain ng espirituwal na daigdig. Kapag ang isang tao ay dumating sa materyal na mundo, ang mga angkop na pagsasaayos at mga pakahulugan ay naisagawa na ng Diyos sa espirtuwal na daigdig para sa pamilya na kanilang pupuntahan, ang panahon na kanilang pupuntahan, ang oras ng kanilang pagdating, at ang papel na kanilang gagampanan. At kaya ang buong buhay ng taong ito—ang mga bagay na kanilang ginagawa, at ang mga landas na kanilang tinatahak—ay magpapatuloy alinsunod sa mga pagsasaayos ng espirituwal na daigdig, nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang panahon kung kailan magwawakas ang isang pisikal na buhay, samantala, at ang paraan at ang lugar kung saan ito magwawakas, ay malinaw at namamalas sa espirituwal na daigdig. Pinamamahalaan ng Diyos ang materyal na mundo, at pinamamahalaan Niya ang espirituwal na daigdig, at hindi Niya pinatatagal ang normal na pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa, ni hindi Siya makagagawa ng anumang mga pagkakamali sa pagsasaayos ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa. Ang bawat mga namamahala sa opisyal na mga puwesto sa espirituwal na daigdig ay tinutupad ang kanilang mga pananagutan, at ginagawa ang kinakailangan nilang gawin, alinsunod sa mga tagubilin at mga patakaran ng Diyos. At kaya, sa mundo ng sangkatauhan, ang bawat materyal na kakaibang pangyayari na nakikita ng tao ay nasa ayos, at hindi naglalaman ng kaguluhan. Ang lahat ng ito ay dahil sa maayos na pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay, at dahil din sa ang awtoridad ng Diyos ang namamahala sa lahat, at kabilang sa lahat na pinamamahalaan Niya ang materyal na mundo na tinitirhan ng tao, at, mangyari pa, ang hindi nakikitang espirituwal na daigdig sa likod ng sangkatauhan. At kaya, kung nagnanais ang sangkatauhan na magkaroon ng mabuting buhay, at nagnanais na manirahan sa magandang mga kapaligiran, bukod sa paglalaan sa buong materyal na mundo na nakikita, ang tao ay kailangan ding paglaanan ng espirituwal na daigdig, na walang sinumang makakakita, na siyang namamahala sa bawat buhay na nilalang sa ngalan ng sangkatauhan, at ito ay maayos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
57. Ang Diyos ang Siyang namamahala sa lahat ng bagay, at ang nangangasiwa sa lahat ng bagay. Nilikha Niya ang lahat ng mayroon, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mayroon, at pinamamahalaan din Niya ang lahat ng mayroon at nagkakaloob sa lahat ng mayroon. Ito ang katayuan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng bagay. Ang gayon ay ang pagkakakilanlan ng kung anong mayroon ang Diyos, at Siya ay natatangi sa gitna ng lahat ng bagay. Wala sa mga nilikha ng Diyos—maging sila man ay sa gitna ng sangkatauhan, o sa espirituwal na daigdig—ang maaaring gumamit ng anumang mga pamamaraan o dahilan upang magpanggap o palitan ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, sapagkat mayroon lamang isa sa gitna ng lahat ng bagay na taglay ang pagkakilanlang ito, kapangyarihan, awtoridad, at ang kakayahang mamahala sa lahat ng bagay: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng bagay; maaari Siyang tumayo sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng bagay; kaya Niya Mismong magpakumbaba sa pamamagitan ng pagiging isang tao, sa pagiging isa sa gitna niyaong may laman at dugo, harap-harapang dumating sa mga tao at nakikibahagi sa kanila sa hirap at ginhawa; kasabay nito, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mayroon, at nagpapasya sa kapalaran ng lahat ng mayroon, at anong direksyon ang tatahakin nito; higit pa rito, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at ang patutunguhan ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na gaya nito ay dapat sambahin, sundin, at kilalanin ng bawat buhay na mga nilalang. At kaya, sa alinmang grupo at uri sa gitna ng sangkatauhan ka kabilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paggalang sa Diyos, pagtanggap sa pamamahala ng Diyos, at pagtanggap sa pagsasaayos ng Diyos para sa iyong kapalaran ang tangi mong pagpipilian, at mahalagang pagpipilian, para sa bawat tao, para sa bawat buhay na nilalang. Sa pagiging natatangi ng Diyos, nakikita ng mga tao na ang Kanyang awtoridad, ang Kanyang matuwid na disposisyon, ang Kanyang diwa, at ang mga pamamaraan kung paano Siya naglalaan para sa lahat ng bagay ay lahat natatangi; ang Kanyang pagiging natatangi ang nagpapasiya sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at ito ang nagpapasiya sa Kanyang katayuan. At kaya, sa gitna ng lahat ng nilikha, kung ang alinmang buhay na nilalang sa espirituwal na daigdig o sa gitna ng sangkatauhan ang magnais na tumayo sa lugar ng Diyos, magiging imposible ito, na animo’y pagtatangka na magpanggap na Diyos. Ito ang katotohanan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
0コメント