Mga Salita tungkol sa Kabanalan ng Diyos
38. Ang kabanalan ng Diyos mula sa pinakasentro ng inyong puso na maging walang kapintasang kakanyahan ng Diyos, ang mapagparayang pagmamahal ng Diyos, na ang lahat ng ito na ibinibigay ng Diyos sa tao ay mapagparaya, at makikilala ninyo na ang kabanalan ng Diyos ay walang dungis at di-mapupulaan. Ang mga kakanyahang ito ng Diyos ay hindi lamang ang mga salita na ginagamit Niya upang ipagmalaki ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit sa halip ginagamit ng Diyos ang Kanyang kakanyahan upang pakitunguhan nang tahimik at nang taos-puso ang bawat isang tao. Sa madaling salita, ang kakanyahan ng Diyos ay hindi hungkag, ni hindi rin ito panteorya o pangdoktrina at tiyak na hindi isang uri ng kaalaman. Hindi ito isang uri ng edukasyon para sa tao, sa halip ay ang tunay na pahayag ng sariling mga kilos ng Diyos at ang ibinunyag na kakanyahan ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
39. Hindi ninyo makikita ang Diyos na humahawak ng magkakaparehong pananaw sa mga bagay na mayroon ang mga tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikitang gumagamit ng mga pananaw ng mga tao, ng kanilang kaalaman, ng kanilang siyensiya, o ng kanilang pilosopiya o ng imahinasyon ng tao upang panghawakan ang mga bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan. Iyon ay, bawat salitang sinabi Niya at bawat kilos na Kanyang ginawa ay may kaugnayan sa katotohanan. Ang katotohanang ito ay hindi ilang walang-basehang pantasya, ang katotohanang ito at mga salitang ito ay naipapahayag ng Diyos dahil sa diwa ng Diyos at Kanyang buhay. Dahil ang mga salitang ito at ang diwa ng lahat ng ginawa ng Diyos ay katotohanan, maaari nating sabihin na ang diwa ng Diyos ay banal. Sa madaling sabi, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay nagbibigay ng sigla at liwanag sa mga tao; pinahihintulutan nito ang mga tao na makita ang mga positibong bagay at ang realidad ng mga positibong bagay na iyon, at itinuturo ang paraan sa sangkatauhan upang maaari silang lumakad sa tamang daan. Ang mga bagay na ito ay nalalaman dahil sa diwa ng Diyos at dahil sa diwa ng Kanyang kabanalan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
40. Sa ano tumutukoy ang kabanalan ng Diyos na sinasabi Ko? Pag-isipan ang tungkol dito ng isang saglit. Ang pagkamakatotohanan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? Ang katapatan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? Ang pagiging hindi makasarili ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? Ang pagpapakumbaba ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? Ang pagmamahal ba ng Diyos para sa tao ay ang Kanyang kabanalan? Malayang ipinagkakaloob ng Diyos sa tao ang katotohanan at buhay—ito ba ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang lahat ng ito na ibinubunyag ng Diyos ay natatangi; hindi ito umiiral sa loob ng tiwaling pagkatao, ni hindi ito nakikita doon. Walang makikita ni katiting na bakas nito sa panahon ng proseso ng pagtitiwali ni Satanas sa tao, ni sa tiwaling disposisyon ni Satanas ni sa diwa o kalikasan ni Satanas. Ang lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi at tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng diwa, tanging ang Diyos Mismo ang nagtataglay ng ganitong uri ng diwa. … Ang diwa ng kabanalan ay tunay na pag-ibig, ngunit higit pa rito ito ay ang diwa ng katotohanan, pagkamakatuwiran at liwanag. Ang salitang “banal” ay angkop lamang kapag ginamit sa Diyos; walang sinuman sa nilikha ang magiging karapat-dapat tawaging banal. Dapat maunawaan iyon ng tao.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
41. “At iniutos ng Diyos na si Jehova sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Subalit sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Anong utos ng Diyos sa tao ang nilalaman ng siping ito? Una, sinasabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin, mga bunga ng iba’t ibang mga puno. Walang panganib at walang lason, ang lahat ay maaaring kainin at makakain kung nanaisin ng tao, nang walang mga pag-aalinlangan. Isang bahagi ito. Ang isa pang bahagi ay isang babala. Ang babalang ito ay nagsasabi sa tao ng puno kung saan hindi niya maaaring kainin ang bunga-hindi niya dapat kainin ang bunga mula sa puno ng pagkakilala ng mabuti at masama. Ano ang mangyayari kapag ganoon ang ginawa niya? Sinabi ng Diyos sa tao: Kapag kinain mo ito tiyak kang mamamatay. Ang mga salita bang ito ay tapat? Kung sinabi sa iyo ito ng Diyos subalit hindi mo nauunawaan kung bakit, ituturing mo ba ito na isang alituntunin o isang utos na dapat sundin? Dapat itong sundin, hindi ba? Subalit makasunod man dito o hindi ang tao, ang mga salita ng Diyos ay maliwanag. Buong-linaw na sinabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin, at kung ano ang mangyayari kung kakainin niya ang hindi niya dapat kainin. Nakita mo ba ang anumang disposisyon ng Diyos sa maikling mga salitang winika Niya? Ang mga salita bang ito ng Diyos ay totoo? Mayroon bang anumang panlilinlang? Mayroon bang anumang kasinungalingan? Mayroon bang anumang pananakot? (Wala.) Matapat, makatotohanan at taos sa pusong sinabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin, malinaw at payak. May natatago bang kahulugan sa mga salitang ito? Ang mga salita bang ito ay tapat? Kinakailangan bang maghaka-haka? (Hindi.) Hindi na kailangang manghula. Ang kahulugan ng mga ito ay halata sa isang tingin, at mauunawaan mo pagkakita mo rito. Ito ay napakalinaw. Iyon ay, ang nais ipahayag ng Diyos na nagmumula sa Kanyang puso. Ang mga bagay na ipinapahayag ng Diyos ay malinis, tapat at malinaw. Walang pailalim na mga layunin ni anumang natatagong mga kahulugan. Nagsalita Siya sa tao nang deretsahan, sinasabi sa kanya kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin. Na ang ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga salitang ito ng Diyos makikita ng tao na ang puso ng Diyos ay malinaw, na ang puso ng Diyos ay totoo. Ganap na walang kasinungalingan ditto; hindi ito sinasabi sa iyo na hindi mo maaaring kainin ang maaaring kainin o nagsasabi sa iyong “Gawin ito at tingnan kung ano ang mangyayari” sa mga bagay na hindi mo maaaring kainin. Hindi ito ang big Niyang sabihin. Anuman ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso ang siyang Kanyang sinasabi.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
42. Nilikha ng Diyos ang tao at mula noon ay palaging pinangunahan ang buhay ng sangkatauhan. Maging sa pagbibigay sa sangkatauhan ng mga pagpapala, pagbibigay sa kanila ng mga kautusan at Kanyang mga utos, o pagtatakda ng iba’t ibang mga patakaran sa buhay, alam ba ninyo ang inilaang layunin ng Diyos sa pagsasagawa ng mga bagay na ito? Una, masasabi mo ba nang tiyakan na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kabutihan ng sangkatauhan? Maaari ninyong isipin na ang pangungusap na ito ay medyo malawak at walang laman, subali’t sa partikular, hindi ba ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay upang pangunahan at gabayan ang tao sa pagsasabuhay ng isang normal na buhay? Mapanatili man ng tao ang Kanyang mga alituntunin o mapanatili ang Kanyang mga kautusan, ang layunin ng Diyos ay upang hindi sumamba ang tao kay Satanas, upang hindi mapinsala ni Satanas; ito ang pinakapangunahin, at ito ang ginawa simula’t sapul. Noong una, nang hindi maintindihan ng tao ang kalooban ng Diyos kumuha Siya ng ilang simpleng mga kautusan at mga alintuntunin at naglaan ng mga panukala na sumaklaw sa bawat aspetong mauunawaan. Ang mga panukalang ito ay payak, ngunit sa loob ng mga iyon ay nandoon ang kalooban ng Diyos. Pinakaiingat-ingatan, pinahahalagahan at pinakaiibig ng Diyos ang sangkatauhan. Hindi ba ganoon iyon? (Oo.) Kaya masasabi ba natin na ang Kanyang puso ay banal? Masasabi ba natin na ang Kanyang puso ay malinis? (Oo.) Mayroon bang natatagong mga layunin ang Diyos? (Wala.) Ang Kanya bang layunin kung gayon ay tama at positibo? (Oo.) Anumang mga panukala ang ginawa ng Diyos, sa kasagsagan ng Kanyang paggawa ang lahat ng iyon ay may positibong epekto para sa tao, at pinangungunahan ng mga ito ang daan. Kaya may mga makasariling pag-iisip ba sa isipan ng Diyos? Mayroon bang anumang karagdagang mga layunin ang Diyos patungkol sa tao, o nais ba Niyang gamitin ang tao sa ibang paraan? (Hindi) Hindi kailanman. Ginagawa ng Diyos kung ano ang sinasabi Niya, at ganito rin Siya mag-isip sa Kanyang puso. Walang magkahalong layunin, walang makasariling mga saloobin. Wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanya Mismo, subali’t ginagawa talaga ang lahat para sa tao, nang walang anumang pansariling layunin. Bagaman may mga plano at mga intensyon Siya para sa tao, wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanya Mismo. Lahat ng ginagawa Niya ay pawang ginagawa para sa sangkatauhan, upang ingatan ang sangkatauhan, upang mapanatiling hindi naliligaw ang sangkatauhan. Kaya hindi ba napakahalaga ng pusong ito? Makikita mo ba maging ang pinakamaliit na pahiwatig ng napakahalagang pusong ito kay Satanas? (Hindi.) Wala kang makikita ni isa mang pahiwatig nito kay Satanas. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay kusang nahahayag. Kung titingnan ang paggawa ng Diyos, paano Siya gumagawa? Kinukuha ba ng Diyos ang mga kautusang ito at Kanyang mga salita at mahigpit na itinatali ang mga ito sa mga ulo ng bawat tao tulad ng orasyon ng ginintuang buslo,[a] ipinapataw ang mga iyon sa bawat tao? Ganito ba ang paraan ng Kanyang paggawa? (Hindi.) Kaya sa anong paraan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? (Ginagabayan Niya tayo. Pinapayuhan at hinihikayat Niya tayo.) Siya ba ay nananakot? Paliguy-ligoy ba Siyang mangusap sa inyo? (Hindi.) Kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, paano ka ginagabayan ng Diyos? (Nagpapaliwanag Siya ng ilaw.) Nagpapaliwanag Siya ng ilaw sa iyo, malinaw na sinasabi sa iyo na ito ay hindi naaayon sa katotohanan, at kung ano ang dapat mong gawin. Mula sa mga paraang ito na kung saan gumagawa ang Diyos, anong uri ng kaugnayan ang nararamdaman mong mayroon ka sa Diyos? Nararamdaman mo bang ang Diyos ay lampas sa iyong pagkaunawa? (Hindi.) Kaya paano mo nararamdaman ang mga ito? Ang Diyos ay napakalapit sa iyo, walang distansya sa pagitan ninyo. Kapag ginagabayan ka ng Diyos, kapag naglalaan Siya para sa iyo, tinutulungan ka at sinusuportahan ka, nararamdaman mo ang Kanyang kagandahang-loob, Kanyang pagiging kagalang-galang, nararamdaman mo kung gaano Siya kaibig-ibig, kung gaano kagiliw. Subali’t kapag pinupuna Niya ang iyong katiwalian, o kapag hinahatulan at dinidisiplina ka dahil sa pagrerebelde mo sa Kanya, anong paraan ang ginagamit ng Diyos? Pinupuna ka ba Niya sa pamamagitan ng mga salita? Dinidisiplina ka ba Niya sa pamamagitan ng iyong kapaligiran at sa pamamagitan ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay? (Oo.) Sa anong antas nakararating ang disiplinang ito? Ito ba ay nakararating na sa parehong punto kung saan pinipinsala ni Satanas ang tao? (Hindi, ito ay nakararating sa antas na kayang tiisin ng tao.) Ang Diyos ay gumagawa sa isang banayad, mapagmahal, maselan at maalagang paraan, isang paraan na talagang kalkulado at wasto. Ang Kanyang paraan ay hindi nagdudulot sa iyo ng matinding mga emosyon tulad ng, “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko ito” o “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko iyon.” Ang Diyos ay hindi kailanman magbibigay sa iyo ng ganoong uri ng matinding pag-iisip o matinding mga damdamin na ginagawang hindi makayanan ang mga bagay. Hindi ba tama iyon? Tinatanggap mo man ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ano ang iyong nararamdaman pagkatapos? Kapag nararamdaman mo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, ano ang nararamdaman mo pagkatapos? Nararamdaman mo ba na ang Diyos ay makaDiyos at hindi maaaring labagin (Oo.) Nararamdaman mo ba na malayo ang Diyos sa ganitong mga pagkakataon? Nakakaramdam ka ba ng takot sa Diyos? Hindi, sa halip nararamdaman mo ang takot na paggalang sa Diyos. Hindi ba nararamdaman ng mga tao ang lahat ng ito dahil sa gawain ng Diyos? Magkakaroon ba sila ng ganitong mga damdamin kung si Satanas ang gumawa sa tao? (Hindi.) Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita, Kanyang katotohanan at Kanyang buhay upang tuluy-tuloy na maglaan para sa tao, upang suportahan ang tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag ang tao ay nanlulumo, tiyak na hindi malupit na mangungusap ang Diyos, na nagsasabing: “Huwag manlumo. Bakit ka nanlulumo? Bakit ka nanghihina? Mayroon bang dahilan para manghina? Napakahina mo at palaging nanlulumo.Wala bang dahilan para mabuhay? Mamatay ka na lang!” Sa ganitong paraan ba gumagawa ang Diyos? (Hindi.) Ang Diyos ba ay may awtoridad na kumilos sa ganitong paraan? (Oo.) Subali’t hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan. Ang dahilan kung bakit hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan ay dahil sa Kanyang kakanyahan, ang kakanyahan ng kabanalan ng Diyos. Ang Kanyang pagmamahal sa tao, ang pag-iingat at pagpapahalaga Niya sa tao ay hindi maaaring ipahayag nang malinaw sa isa o dalawang pangungusap lamang. Hindi ito isang bagay na idinulot ng pagyayabang ng tao kundi isang bagay na pinasisibol ng Diyos sa totoong pagsasagawa; ito ang pahayag ng kakanyahan ng Diyos. Ang lahat ba ng mga paraang ito na kung saan gumagawa ang Diyos ay makakapagtulot sa tao na makita ang kabanalan ng Diyos? Sa lahat ng mga paraang ito na kung saan gumagawa ang Diyos, kasama na ang mabubuting intensyon ng Diyos, kabilang ang mga epekto na nais ng Diyos na makamit sa tao, kasama ang iba’t ibang mga paraan na sinusundan ng Diyos upang gumawa sa tao, ang uri ng gawain na ginagawa Niya, ang nais Niya na maunawaan ng tao—nakakita ka ba ng anumang kasamaan o pagkatuso sa mabuting mga intensyon ng Diyos? (Hindi.) Kaya sa lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos, sa lahat ng bagay na sinasabi ng Diyos, sa lahat ng bagay na iniisip Niya sa Kanyang puso, gayundin sa kakanyahan ng Diyos na inihahayag Niya—matatawag ba nating banal ang Diyos? (Oo.) Nakita ba ng tao kailanman ang kabanalang ito sa mundo, o sa sarili niya? Maliban sa Diyos, nakita mo na ba ito kailanman sa sinumang tao o kay Satanas? (Hindi.) Mula sa mga tinalakay natin, matatawag ba nating natatangi ang Diyos, banal na Diyos Mismo? (Oo.) Ang lahat ng ibinibigay ng Diyos sa tao, kasama ang mga salita ng Diyos, ang iba’t ibang paraan kung saan ang Diyos ay gumagawa sa tao, ang sinasabi ng Diyos sa tao, ang ipinapaalaala ng Diyos sa tao, ang Kanyang ipinapayo at ipinanghihimok, nagmula ang lahat ng ito sa isang kakanyahan: Lahat ng ito ay nagmumula sa kabanalan ng Diyos. Kung walang ganoong banal na Diyos, walang taong makakahalili sa Kanya upang gawin ang mga ginagawa Niya.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
43. Ngayon sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi na Niya basta iginagawad ang biyaya at mga pagpapala sa tao tulad ng ginawa Niya sa simula, ni hindi rin Niya patuloy na sinusuyo ang mga tao. Sa yugtong ito ng gawain, ano ang nakita ng tao mula sa lahat ng aspeto ng gawain ng Diyos na kanilang naranasan? Nakita nila ang pag-ibig ng Diyos at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sa panahong ito, lalo pang pinaglalaanan, sinusuportahan, nililiwanagan at ginagabayan ng Diyos ang tao, sa gayon unti-unti nilang nalalaman ang Kanyang mga intensyon, nalalaman ang mga salita na sinasabi Niya at ang katotohanang iginagawad Niya sa tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag sila ay nanlulumo, kapag wala silang mabalingan, gagamitin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang aliwin, payuhan at pasiglahin sila, upang unti-unting matatagpuan ng tao na mababa ang tayog ang kanilang lakas, bumangon sa pagiging positibo at maging handang makipagtulungan sa Diyos. Ngunit kapag sinusuway ng tao ang Diyos o tinututulan Siya, o kapag ibinubunyag nila ang kanilang sariling katiwalian at sinasalungat ang Diyos, hindi magpapakita ng awa ang Diyos sa pagtutuwid sa kanila at sa pagdidisiplina sa kanila. Sa kahangalan, kamangmangan, kahinaan at pagiging kulang sa gulang ng tao, gayunpaman, ang Diyos ay magpapakita ng pagpaparaya at pagtitiyaga. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos para sa tao, ang tao ay unti-unting nagkakagulang, lumalago, at nalalaman ang mga intensyon ng Diyos, upang malaman ang ilang katotohanan, upang malaman kung ano ang positibong mga bagay at ano ang negatibong mga bagay, upang malaman kung ano ang kasamaan at ano ang kadiliman. Ang Diyos ay hindi palaging nagtutuwid at nagdidisiplina ng tao, ni hindi rin Siya palaging nagpapakita ng pagpaparaya at pagtitiyaga. Sa halip tinutustusan Niya ang bawat tao sa iba’t ibang paraan, sa kanilang magkakaibang mga yugto at ayon sa kanilang magkakaibang mga tayog at kakayahan. Ginagawa Niya ang maraming bagay para sa tao at sa malaking sakripisyo; walang nahahalata ang tao sa sakripisyong ito o sa mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos, gayunman lahat ng ginagawa Niya sa realidad ay natutupad sa bawat isang tao. Ang pag-ibig ng Diyos ay totoo: Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos naiiwasan ng tao ang sunud-sunod na mga sakuna, habang sa kahinaan ng tao, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagpaparaya nang paulit-ulit. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nagbibigay-daan upang unti-unting makilala ng mga tao ang katiwalian ng sangkatauhan at ang kanilang mala-satanas na diwa. Na ipinagkakaloob ng Diyos, ang Kanyang kaliwanagan sa tao at Kanyang paggabay ay nagbibigay-daan lahat sa sangkatauhan upang higit pa lalong makilala ang diwa ng katotohanan, at patuloy na malaman kung ano ang kinakailangan ng mga tao, anong daan ang dapat nilang tahakin, para sa ano ang kanilang pamumuhay, ang kahalagahan at kahulugan ng kanilang mga buhay, at kung paano lumakad sa daang tatahakin. Ang lahat ng bagay na ito na ginagawa ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa Kanyang orihinal na layunin. Ano, kung gayon, ang layuning ito? Bakit ginagamit ng Diyos ang mga paraang ito upang ipatupad ang Kanyang gawain sa tao? Anong resulta ang nais Niyang makamit? Sa madaling salita, ano ang nais Niyang makita sa tao at makuha mula sa kanila? Nais makita ng Diyos na mapapanumbalik ang puso ng tao. Ang mga paraang ito na ginagamit Niya upang gumawa sa tao ay upang patuloy na gisingin ang puso ng tao, gisingin ang espiritu ng tao, hahayaan ang tao na malaman kung saan sila nanggaling, sino ang gumagabay sa kanila, sumusuporta sa kanila, nagkakaloob sa kanila, at nagpapahintulot sa tao na mabuhay hanggang sa ngayon; ang mga ito ay upang ipaalam sa tao kung sino ang Lumikha, na kanilang dapat sambahin, anong uri ng daan ang dapat nilang lakaran, at sa anong paraan dapat lumapit ang tao sa harapan ng Diyos; ginagamit ang mga ito upang unti-unting mapanumbalik ang puso ng tao, upang makilala ng tao ang puso ng Diyos, maunawaan ang puso ng Diyos, at maintindihan ang matinding pangangalaga at paglingap sa likod ng Kanyang gawain na iligtas ang tao. Kapag nanumbalik na ang puso ng tao, hindi na nila nanaising isabuhay ang buhay ng isang mababang-uri, tiwaling disposisyon, sa halip nanaising hanapin ang katotohanan sa kaluguran ng Diyos. Kapag ang puso ng tao ay nagising, makahihiwalay na sila nang husto kung gayon kay Satanas, hindi na mapipinsala pa ni Santanas, hindi na muling kokontrolin o lilinlangin nito. Sa halip, ang tao ay maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita sa isang positibong paraan upang bigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa gayon nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at ang paglayo sa kasamaan. Ito ang orihinal na layunin ng gawain ng Diyos.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
44. Sa kabuuan ng inyong mahabang mga buhay, talagang ang bawat isang tao ay nakasagupa na ng maraming mapanganib na mga sitwasyon at sumailalim sa maraming tukso. Dahil si Satanas ay nandoon mismo sa tabi mo, ang mga mata nito ay palaging nakatuon sa iyo. Gusto nito kapag ang kapahamakan ay humahampas sa iyo, kapag sumasapit sa iyo ang mga kalamidad, kapag walang mabuting nangyayari sa iyo, at gusto nito kapag ikaw ay nahuhuli sa lambat ni Satanas. Samantalang ang Diyos, palagi ka Niyang pinapangalagaan, inililisya ka Niya sa sunud-sunod na kasawian at sa sunud-sunod na kapahamakan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na ang lahat ng mayroon ang tao—kapayapaan at kasiyahan, mga pagpapala at personal na kaligtasan—sa totoo lang ay nasa ilalim lahat ng kontrol ng Diyos, at ginagabayan Niya at pinagpapasyahan ang kapalaran ng bawat isang tao. Subalit ang Diyos ba ay may napalaking pagkaunawa sa Kanyang posisyon, gaya ng sinasabi ng ilang tao? Sinasabi sa iyo, “Ako ang pinakadakila sa lahat, Ako ang namamahala sa inyo, kayong lahat ay dapat magmakaawa sa Akin at ang pagsuway ay paparusahan ng kamatayan.” Tinakot ba kailanman ng Diyos ang sangkatauhan sa ganitong paraan? (Hindi.) Kailanman ba’y sinabi Niya, “Ang sangkatauhan ay napakatiwali kaya hindi mahalaga kung paano Ko man sila tratuhin, anumang hindi makatwirang pagtrato ay maaari; hindi Ko kinakailangang isaayos nang maigi ang mga bagay para sa kanila.” Ganito ba mag-isip ang Diyos? Kumilos ba ang Diyos sa ganitong paraan? (Hindi.) Bagkus, ang pagtrato ng Diyos sa bawat isang tao ay marubdob at responsable, mas responsable pa kaysa ikaw sa sarili mo. Hindi nga ba? Ang Diyos ay hindi basta na lang nagsasalita, ni hindi rin Siya nagmamalaki, ni hindi Siya gumagawa ng panloloko sa mga tao. Sa halip ginagawa niya nang tapat at tahimik ang mga bagay na kinakailangan Niya Mismong gawin. Ang mga bagay na ito ay nagdudulot ng mga pagpapala, kapayapaan at kagalakan sa tao., Dinadala ng mga ito ang tao nang mapayapa at matiwasay sa paningin ng Diyos at sa Kanyang pamilya; kung gayon nabubuhay sila sa harap ng Diyos at tinatanggap ang pagliligtas ng Diyos nang may wastong pangangatwiran at pag-iisip. Kaya ang Diyos ba kailanman ay naging mapanlinlang sa tao sa Kanyang gawain? Nagpakita ba Siya kailanman ng huwad na pagpapakita ng kabaitan, niloloko ang tao gamit ang ilang pagbati, pagkatapos ay tatalikuran Niya ang tao? (Hindi.) Kailanman ba’y nagsabi ang Diyos ng isang bagay at pagkatapos ay iba ang ginawa? Ang Diyos ba ay gumawa kailanman ng hungkag na mga pangako at nagyabang, sinasabi sa iyong maaari Niyang gawin ito para sa iyo o tutulungan kang gawin iyon, at pagkatapos ay biglang nawala? (Hindi.) Walang panlilinlang sa Diyos, walang kasinungalingan. Ang Diyos ay tapat at ang lahat ng Kanyang ginagawa ay totoo. Siya lamang ang Isa na maaasahan ng tao at ang Diyos na maaaring pagkatiwalaan ng tao ng kanilang mga buhay at ng lahat sa kanila. Dahil sa walang panlilinlang sa Diyos, masasabi ba natin na ang Diyos ang pinakataos ang puso? (Oo.) Mangyari pa, tama? Bagaman, sa pagsasabi tungkol sa salitang ito ngayon, kapag ginamit sa Diyos ito ay napakahina, masyadong ginawang pantao, wala na tayong magagawa tungkol dito sapagkat ang mga ito ang mga limitasyon ng wika ng tao. Hindi gaanong angkop dito na tawaging taos-puso ang Diyos, subalit pansamantala nating gagamitin ang salitang ito. Ang Diyos ay tapat at taos-puso. Kaya ano ang ibig nating sabihin sa pagtalakay tungkol sa mga aspetong ito? Ang ibig ba nating sabihin ay ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng tao at ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ni Satanas? Masasabi natin ito. Sapagkat hindi makikita ng tao sa Diyos kahit ang isa mang bakas ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Tama ba Ako sa pagsasabi nito? Makakakuha ba Ako ng Amen para dito? (Amen!) Wala tayong nakikitang anumang kasamaan ni Satanas na naibunyag sa Diyos. Lahat ng ginagawa ng Diyos at ibinubunyag ay lubos na kapaki-pakinabang at makakatulong sa tao, ganap na ginawa upang maglaan para sa tao, puno ng buhay at nagbibigay sa tao ng isang daanan na susundin at isang direksyon na tatahakin. Ang Diyos ay hindi tiwali at, bukod pa rito, kung titingnan ngayon ang lahat ng ginagawa ng Diyos, masasabi ba natin na ang Diyos ay banal? (Oo.) Dahil sa ang Diyos ay walang taglay na katiwalian ng sangkatauhan at walang anumang taglay na katulad o kamukhang-kamukha ng tiwaling disposisyon ng tao o ng kakanyahan ni Satanas, mula sa pananaw na ito masasabi natin na ang Diyos ay banal. Ang Diyos ay walang ibinubunyag na katiwalian, at ang pahayag ng Kanyang sariling kakanyahan sa Kanyang gawain ay ang tanging pagpapatibay na kinakailangan natin na ang Diyos Mismo ay banal. Nakikita ba ninyo ito? Ngayon, upang makilala ang banal na kakanyahan ng Diyos, titingnan natin pansamantala ang dalawang aspetong ito: 1) Walang tiwaling disposisyon sa Diyos; 2) ipinakikita ng kakanyahan ng gawain ng Diyos sa tao ang sariling kakanyahan ng Diyos at ang kakanyahang ito ay lubos na positibo. Sapagkat ang mga bagay na idinudulot sa tao ng bawat paraan ng gawain ng Diyos ay pawang positibong mga bagay. Una, hinihingi ng Diyos sa tao na maging tapat—hindi ba ito positibo? Binibigyan ng Diyos ang tao ng karunungan—hindi ba ito positibo? Ipinauunawa ng Diyos sa tao ang pagkakaiba ng kabutihan sa kasamaan—hindi ba ito positibo? Hinahayaan Niya na maunawaan ng tao ang kahulugan at kahalagahan ng buhay ng tao—hindi ba ito positibo? Hinahayaan Niya ang tao na makita ang kakanyahan ng mga tao, mga pangyayari, at ng mga bagay ayon sa katotohanan—hindi ba ito positibo? (Oo, ito ay positibo.) At ang resulta ng lahat ng ito ay ang hindi na malilinlang ni Satanas ang tao, hindi na maipagpapatuloy pa na mapinsala ni Satanas o makontrol nito. Sa madaling salita, hinahayaan ng mga ito ang mga tao na ganap na palayain ang kanilang mga sarili mula sa pagtitiwali ni Satanas, at sa gayon ay unti-unting lumakad sa daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
45. Ngayon ang inyong kakayahan sa pagkaunawa sa kakanyahan ng Diyos ay nangangailangan pa rin ng isang mahabang panahon upang matuto, upang pagtibayin, upang maramdaman at maranasan ito, hanggang sa isang araw makikilala ninyo ang kabanalan ng Diyos mula sa pinakasentro ng inyong puso na maging walang kapintasang kakanyahan ng Diyos, ang mapagparayang pagmamahal ng Diyos, na ang lahat ng ito na ibinibigay ng Diyos sa tao ay mapagparaya, at makikilala ninyo na ang kabanalan ng Diyos ay walang dungis at di-mapupulaan. Ang mga kakanyahang ito ng Diyos ay hindi lamang ang mga salita na ginagamit Niya upang ipagmalaki ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit sa halip ginagamit ng Diyos ang Kanyang kakanyahan upang pakitunguhan nang tahimik at nang taos-puso ang bawat isang tao. Sa madaling salita, ang kakanyahan ng Diyos ay hindi hungkag, ni hindi rin ito panteorya o pangdoktrina at tiyak na hindi isang uri ng kaalaman. Hindi ito isang uri ng edukasyon para sa tao, sa halip ay ang tunay na pahayag ng sariling mga kilos ng Diyos at ang ibinunyag na kakanyahan ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Dapat kilalanin ng tao ang kakanyahang ito at unawain ito, dahil ang lahat ng ginagawa ng Diyos at bawat salita na Kanyang sinasabi ay may malaking kahalagahan at malaking kabuluhan sa bawat isang tao. Kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, magagawa mo kung gayon na talagang maniwala sa Diyos; kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, makikilala mo talaga ang totoong kahulugan ng mga salitang “Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi.” Hindi ka na mag-iisip na makapipili ka ng ibang mga daan na lalakaran, at hindi ka na handang pagtaksilan ang lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos para sa iyo. Sapagkat ang kakanyahan ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan ng Diyos ka makalalakad sa maliwanag, sa tamang daan patungo sa buhay; tanging sa pamamagitan ng Diyos mo malalaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan ng Diyos na maisasabuhay mo ang totoong pagkatao, matataglay ang katotohanan, malalaman ang katotohanan, at tanging sa pamamagitan ng Diyos mo makakamit ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang anuman ang makakapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa: Ito ay pinagpapasyahan ng kakanyahan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging ang Diyos ang responsable sa bandang huli para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na hindi matatamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagtataglay ng isang kakanyahan ng Diyos na tulad nito, walang tao o bagay ang may kakayahan na iligtas at akayin ka. Ito ang kahalagahan ng kakanyahan ng Diyos sa tao.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Talababa:
a. “Ang orasyon ng ginintuang buslo” ay tumutukoy sa kilalang nobela ng Tsino na “Paglalakbay sa Kanluran,” na kung saan ang monghe na si Xuanzang ay gumagamit ng isang orasyon upang makontrol ang Haring Unggoy gamit ang isang ginintuang buslo na inilagay sa ulo ng Haring Unggoy na mahihigpitan sa pamamagitan ng salamangka, sa gayon ay nagdudulot ng di-matitiis na mga sakit ng ulo. Kalaunan ito ay naging isang talinghaga para pagbuklurin ang mga tao.
0コメント