Mga Klasikong Salita tungkol sa Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Kung Ano Siya

1. Ang kagalakan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at pag-usbong ng pagkamakatuwiran at liwanag; dahil sa pagkawasak ng kadiliman at kasamaan. Natutuwa Siya dahil naghatid na Siya ng liwanag at mabuting buhay sa sangkatauhan; ang Kanyang kagalakan ay isang matuwid na kagalakan, isang simbolo ng pag-iral ng lahat na positibo at, higit pa, isang simbolo ng kaginhawahan. Ang galit ng Diyos ay dahil sa kapahamakang dulot ng pag-iral at paggambala ng kawalan ng katarungan sa Kanyang sangkatauhan, dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, dahil sa pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit dito dahil sa pag-iral ng mga bagay na kumakalaban sa anong mabuti at maganda. Ang galit Niya ay simbolo ng lahat ng bagay na negatibo na hindi na umiiral, at higit pa, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kapighatian ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inasahan ngunit nahulog na sa kadiliman, dahil ang gawain na Kanyang ginagawa sa tao ay hindi nakaaabot sa Kanyang mga inaasahan, at dahil ang sangkatauhang minamahal Niya ay hindi lahat makakapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng pighati para sa inosenteng sangkatauhan, para sa tapat ngunit ignoranteng tao, at para sa taong mabuti ngunit nagkukulang sa kanyang sariling pananaw. Ang Kanyang pighati ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang kahabagan, isang simbolo ng kagandahan at kabutihan. Siyempre, ang Kanyang kasiyahan ay nagmumula sa pagdaig sa Kanyang mga kaaway at pagkamit ng mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, nanggagaling din ito mula sa pagpapalayas at pagkawasak ng lahat ng puwersa ng kaaway, at dahil ang sangkatauhan ay tumatanggap ng mabuti at payapang buhay. Ang kasiyahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pag-ani ng magagandang bunga, isang pakiramdam na mas higit pa sa kagalakan. Ang kasiyahan Niya ay simbolo ng kalayaan ng sangkatauhan sa pagdurusa mula sa oras na ito, at isang simbolo ng pagpasok ng sangkatauhan sa mundo ng liwanag. Ang mga damdamin ng sangkatauhan, sa kabilang banda, ay lahat para sa kanyang sariling kapakanan, hindi para sa pagkamakatuwiran, liwanag, o anumang maganda, at lalong hindi para sa biyayang kaloob ng Langit. Ang mga damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at kabilang sa mundo ng kadiliman. Hindi sila umiiral para sa kapakanan ng kalooban, lalong hindi para sa plano ng Diyos, kaya ang tao at Diyos ay hindi kailanman maaaring sabihing magkapareho. Ang Diyos ay magpakailanmang higit sa lahat at kailanman ay kagalang-galang, samantalang ang tao ay magpakailanmang mababang uri, magpakailanman walang halaga. Ito ay dahil ang Diyos ay magpakailanmang gumagawa ng mga sakripisyo at naglalaan ng Kanyang sarili para sa sangkatauhan; subalit ang tao ay magpakailanmang nangunguha at nagsisikap para sa kanyang sarili. Ang Diyos ay magpakailanman nagpapakasakit para sa kaligtasan ng sangkatauhan, ngunit ang tao ay hindi kailanman nag-aambag ng anumang bagay para sa kapakanan ng liwanag o para sa pagkamakatuwiran. Kahit na ang tao ay nagsisikap sa loob ng ilang panahon, napakahina nito na hindi nito makakayang matagalan ang isang hampas, dahil ang pagsisikap ng tao ay palaging para sa kanyang sariling kapakanan at hindi para sa iba. Ang tao ay palaging makasarili, samantalang ang Diyos ay magpakailanmang hindi makasarili. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng makatarungan, mabuti, at maganda, habang ang tao ay siyang nagtatagumpay at nagpapakita ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Hindi kailanman babaguhin ng Diyos ang Kanyang diwa ng pagkamakatuwiran at kagandahan, ngunit ang tao ay ganap na may kakayahan, sa anumang oras at anumang sitwasyon, na ipagkanulo ang pagkamakatuwiran at lumayo sa Diyos.

—mula sa “Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Nagpapakita ang Diyos na makapangyarihan sa lahat sa isang espirituwal na katawan, nang walang katiting na piraso ng laman o dugo na nagdurugtong sa ulo hanggang paa. Hinihigitan Niya ang sansinukob mundo, nakaupo sa maluwalhating trono sa ikatlong langit, pinangangasiwaan ang lahat ng bagay! Nasa loob ng Aking mga kamay ang lahat ng bagay sa sansinukob. Kung magsasalita Ako, mangyayari ito. Kung itatalaga Ko ito, gayon ang mangyayari. Nasa ilalim ng Aking mga paa si Satanas, nasa walang hanggang hukay ito! Kapag lumalabas ang Aking tinig, lilipas ang langit at lupa at mauuwi sa wala! Mapapanibago ang lahat ng bagay at ito ay isang di-mababagong katotohanan na tanging napaka-totoo. Napagtagumpayan Ko na ang mundo, napagtagumpayan ang lahat ng masasama. Nakaupo Ako rito nakikipag-usap sa inyo; lahat ng may mga pandinig ay dapat makinig at lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap.

—mula sa “Kabanata 15” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ang Makapangyarihang Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat, tinutupad-ang-lahat at ganap na tunay na Diyos! Hindi lamang Niya dala-dala ang pitong bituin, tinataglay ang pitong Espiritu, mayroong pitong mata, binubuksan ang pitong tatak at binubuksan ang kasulatan, ngun’t higit sa riyan pinamamahalaan Niya ang pitong salot at ang pitong mangkok at binubuksan ang pitong kulog; matagal nang panahong nakalipas pinatunog na Niya ang pitong trumpeta! Lahat ng bagay na nilikha at ginawang ganap Niya ay dapat na purihin Siya, magbigay ng kaluwalhatian sa Kanya at itaas ang Kanyang trono. O, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ang bawat bagay, naisakatuparan Mo ang bawat bagay, at sa Iyo lahat ay ganap, lahat ay maningning, lahat ay napalaya, lahat ay malaya, lahat ay malakas at makapangyarihan! Walang anumang natatago o natatakpan, sa Iyo ang lahat ng hiwaga ay nabubunyag. Lalong higit, Iyong hinahatulan ang sangkaramihan ng Iyong mga kaaway, Iyong ipinakikita ang Iyong kamahalan, ipinakikita ang Iyong naglalagablab na apoy, ipinakikita ang Iyong poot, at lalong higit Iyong ipinakikita ang Iyong walang katulad, walang-hanggan, buong-buong walang-katapusang kaluwalhatian!

—mula sa “Kabanata 34” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Sion! Magbunyi! Sion! Umawit nang malakas! Nakabalik na Akong may pagbubunyi, nakabalik na Akong matagumpay! Lahat ng tao! Magmadaling maayos na pumila! Lahat ng bagay! Darating kayo sa ganap na paghinto, dahil hinaharap ng Aking persona ang buong sansinukob at nagpapakita ang Aking persona sa Silangan ng mundo! Sinong nangangahas na hindi lumuhod sa pagsamba? Sinong nangangahas na hindi magsalita tungkol sa totoong Diyos? Sinong nangangahas na hindi tumingala sa paggalang? Sinong nangangahas na hindi magpuri? Sinong nangangahas na hindi sumigaw ng pagbubunyi? Maririnig ng bayan Ko ang Aking tinig, mabubuhay ang Aking mga anak sa loob ng Aking kaharian! Kabundukan, mga ilog, at lahat ng bagay ay walang katapusang magbubunyi, at tatalon nang hindi humihinto. Sa panahong ito, walang mangangahas na bumalik, walang mangangahas na tumindig sa paglaban. Ito ang Aking kamangha-manghang gawa, at lalong higit pang dakilang kapangyarihan Ko ito! Gagawin Kong igalang Ako ng lahat sa kanilang mga puso at higit pa gagawin Kong purihin Ako ng lahat. Ito ang pangunahing layunin ng Aking plano ng pamamahala ng anim na libong taon, at naitalaga Ko na ito. Wala ni isang tao, ni isang bagay ni isang usapin, ang nangangahas na tumindig para tutulan Ako, ni nangangahas na tumindig para labanan Ako. Lahat ng Aking bayan ay dadaloy sa Aking bundok (ipinahihiwatig nito ang mundo na lilikhain Ko sa dakong huli) at magpapasakop sila sa harap Ko dahil mayroon Akong kamahalan at paghatol, at nagdadala Ako ng awtoridad. (Tumutukoy ito sa kapag nasa katawan Ako. Mayroon din Akong awtoridad sa katawang-tao pero dahil sa mga limitasyon ng panahon at kalawakan ay hindi malalagpasan sa laman, kaya nga hindi masasabi na nakamtan Ko na ang ganap na kaluwalhatian. Bagaman nakakamit Ko ang mga panganay na anak sa laman, hindi pa rin masasabi na nakamtan Ko na ang kaluwalhatian. Tanging kapag bumalik Ako sa Sion at magbago ng Aking pagpapakita maaaring masabi na dala Ko ang awtoridad, iyan ay, nakamtan Ko na ang kaluwalhatian.) Walang magiging mahirap para sa Akin. Mawawasak ang lahat sa pamamagitan ng mga salita mula sa Aking bibig, at dahil ito sa mga salita mula sa Aking bibig na iiral sila at magiging ganap, gayon ang Aking dakilang kapangyarihan at gayon ang Aking awtoridad. Dahil puspos Ako ng kapangyarihan at puno ng awtoridad, walang sinumang tao na mangangahas na hadlangan Ako. Nakapagwagi na Ako sa lahat at nanalo sa lahat ng anak ng paghihimagsik.

—mula sa “Kabanata 120” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadala Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito. Pahihintulutan Ko ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at makita ang kaluwalhatian na mayroon Ako noon sa Israel; sila ay pahihintulutan Ko na makitang matagal na Akong nakababa mula sa isang puting ulap tungo sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at hayaan silang makita ang hindi-mabilang na mga ulap na puti at masaganang kumpul-kumpol na prutas, at higit pa rito, hayaan silang makita si Jehova na Diyos ng Israel. Sila ay hahayaan Kong tumingin sa Panginoon ng mga Judio, ang kinasasabikang Mesiyas, at sa buong pagpapakita Ko na inusig na ng mga hari sa buong mga kapanahunan. Ako ay gagawa sa buong sansinukob at Ako ay gaganap ng dakilang gawain, ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian at lahat ng Aking mga gawa sa tao sa mga huling araw. Ipakikita Ko ang Aking maluwalhating mukha sa kapuspusan nito sa mga naghintay sa Akin nang maraming taon, sa mga nanabik sa Akin na dumating sa ibabaw ng puting ulap, sa Israel na nanabik sa Akin na magpakitang muli, at sa buong sangkatauhan na siyang umuusig sa Akin, upang ang lahat ay makaaalam na matagal Ko nang inalis ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, nang sa gayon ito ay wala na sa Judea. Sapagka’t ang mga huling araw ay nakarating na!

—mula sa “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng bansa at mga denominasyon. Ang Aking tinig ang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Kong malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang mangahulog sa agos na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!

—mula sa “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. At sa paglalim ng tindi ng Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang estado ng sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, ang hindi-mabilang na mga bagay ng sangnilikha ay ginagawang bago lahat. Ang langit ay nagbabago, at ang lupa ay nagbabago rin. Ang sangkatauhan ay inilalantad sa kanilang orihinal na anyo at, dahan-dahan, ang bawat isa ayon sa kanilang uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang landas na hindi sinasadya pabalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya. Sa ganito, Ako ay lubos na malulugod. Ako ay malaya sa pagkagambala, at ang Aking dakilang gawain ay nagiging ganap, ang lahat ay hindi-nakakamalay, ang hindi-mabilang na mga bagay ng sangnilikha ay binabago, ang lahat ay walang-kamalayan. Nang nilikha Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na pinagsasama-sama ang lahat ng may anyong nakikita ayon sa uri nito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, Aking ipanunumbalik ang dating estado ng paglikha, Aking ipanunumbalik ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Panahon na! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Ikaw ay tiyak na babagsak sa ilalim ng Aking mga salita! Ikaw ay tiyak na mawawalan ng halaga sa pamamagitan ng Aking plano! Ah, ang napakaraming bagay ng paglikha! Kayong lahat ay magtatamo ng bagong buhay ayon sa Aking mga salita, kasama na ninyo ngayon ng Pinaka-makapangyarihang Panginoon! Ah, dalisay at walang-dungis na bagong mundo! Tiyak na muli kang mabubuhay ayon sa Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok ng Sion! Huwag nang manahimik. Nakabalik na Ako nang matagumpay! Mula sa paglikha, sinisiyasat Ko ang buong mundo. Sa lupa, ang sangkatauhan ay nagsimula na ng bagong buhay, nagkamit na ng bagong pag-asa. Ah, Aking bayan! Paanong hindi kayo muling mabubuhay ayon sa Aking liwanag? Paanong hindi kayo tatalon sa kagalakan sa ilalim ng Aking patnubay? Ang mga lupain ay humihiyaw sa kagalakan, ang katubigan ay nag-iingay sa masayang paghalakhak! Ah, ang nabuhay na mag-uling Israel! Paanong hindi ka makakaramdam ng pagmamalaki dahil sa Aking itinakdang hantungan? Sino ang napaiyak? Sino ang napahagulgol? Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nakatayo at napakataas, sa mundo, ay napanindigan na sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na maaabot ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking bayan! Ah, kasuklam-suklam na Egipto! Siguro naman hindi ka na lumalaban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang takasan ang Aking pagkastigo? Paanong hindi ka maaaring umiral ayon sa Aking pagkastigo? Lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng lumalaban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako’y isang mapanibughuing Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan ko ang buong daigdig, at, nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

—mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Ako ang walang-katulad na Diyos Mismo, lalong higit pa Ako lamang ang nag-iisa at tanging persona ng Diyos, at Ako, ang kabuuan ng katawang-tao, ay lalong higit pa na ang ganap na kahayagan ng Diyos. Sinuman ang naglalakas-loob na hindi gumalang sa Akin, sinuman ang naglalakas-loob na magpakita ng paglaban sa kanilang mga mata, sinuman ang naglalakas-loob na magsalita ng mga salita ng paglaban sa Akin ay tiyak na mamamatay mula sa Aking mga sumpa at poot (magkakaroon ng pagsumpa dahil sa Aking poot). At sinuman ang naglalakas-loob na hindi maging tapat o maging anak sa Akin, sinuman ang naglalakas-loob na subukang linlangin Ako ay tiyak na mamamatay sa Aking pagkamuhi. Ang Aking pagkamakatuwiran, kamahalan at paghatol ay mananatili magpakailan pa man. Noong una, Ako ay mapagmahal at mahabagin, ngunit hindi ito ang disposisyon ng Aking ganap na pagka-Diyos; ang pagkamakatuwiran, kamahalan at paghatol ay ang disposisyon Ko lamang—ang ganap na Diyos Mismo. Noong Kapanahunan ng Biyaya Ako ay mapagmahal at mahabagin. Dahil sa gawain na kailangan Kong tapusin mayroon Akong maibiging-kabaitan at habag, ngunit pagkatapos wala nang pangangailangan para sa anumang maibiging-kabaitan o habag (wala na simula noon). Ito lahat ay pagkamakatuwiran, kamahalan at paghatol at ito ang ganap na disposisyon ng Aking normal na pagkatao kasama ang Aking ganap na pagka-Diyos.

—mula sa “Kabanata 79” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Pitong kulog ang nagmumula sa trono, niyayanig ang sansinukob, pinababagsak ang langit at lupa, at umaalingawngaw sa buong himpapawid! Lubhang tumatagos ang tunog kaya’t ang mga tao ay hindi makatatakas ni makapagtago mula rito. Ang mga pagkidlat at dagundong ng kulog ay ipinadadala, kapwa ang langit at lupa ay nababago sa isang iglap, at ang mga tao ay nasa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, isang marahas na bagyong maulan ang humahagupit sa buong kalawakan na singbilis ng kidlat, bumabagsak mula sa himpapawid! Sa pinakamalalayong sulok ng lupa, tulad sa isang pagbuhos na umaagos tungo sa bawat kasuluk-sulukan at piták-piták, walang naiiwan kahit isang mantsa, at habang hinuhugasan nito ang lahat mula ulo hanggang paa, walang anumang natatago mula rito ni malulukuban ang sinumang tao mula rito. Ang mga dagundong ng kulog, gaya ng nakakapanindig-balahibong liwanag ng mga guhit ng kidlat, ay pinanginginig ang mga tao sa takot! Ang matalas at magkabila’y-talim na sibat ay pinababagsak ang mga anak ng pagsuway, at nahaharap ang kaaway sa sakuna nang walang matatakbuhang anumang masisilungan, ang kanilang mga ulo’y nahihilo sa karahasan ng bagyo, at, pinabagsak na walang-malay, sila ay kaagad na namamatay sa umaagos na mga tubig upang maanod palayo. Basta na lamang sila namamatay nang walang anumang makapagliligtas sa kanilang mga buhay. Ang pitong kulog ay nagmumula sa Akin at ipinararatingnila ang Aking hangarin, na pabagsakin ang pinakamatatandang anak ng Egipto, upang parusahan ang masama at linisin ang Aking mga iglesia, upang ang lahat ay nakakaugnay nang malapit sa isa’t isa, sila ay nag-iisip at kumikilos nang pare-pareho, at sila ay kaisang-puso Ko, at upang ang lahat ng iglesia sa buong sansinukob ay maitatayo bilang isa. Ito ang Aking layunin.

Kapag ang kulog ay dumadagundong, ang mga pagtangis ay nagsisimulang umalon. Ang ilan ay nagigising mula sa kanilang pagkakatulog, at, matinding natatakot, nagsasaliksik silang malalim sa kanilang mga kaluluwa at dali-daling bumabalik sa harap ng trono. Tumitigil sila sa panlilinlang at pandaraya at paggawa ng mga krimen, at hindi pa gaanong huli para sa gayong mga tao na magising. Nagmamasid Ako mula sa trono. Tinitingnan Ko nang malalim ang mga puso ng mga tao. Inililigtas Ko yaong masigasig at marubdob na nagnanasa sa Akin, at kinaaawaan Ko sila. Aking ililigtas tungo sa kawalang-hanggan yaong mga nagmamahal sa Akin sa kanilang mga puso nang higit kaysa lahat ng iba pa, yaong nakakaunawa sa Aking kalooban, at siyang sumusunod sa Akin hanggang sa katapusan ng daan. Hahawakan silang ligtas ng Aking kamay upang hindi nila harapin ang tagpong ito at hindi sumapit sa kapahamakan. Ang ilan, kapag nakikita nila ang tanawing ito ng gumuguhit na kidlat, ay may paghihirap sa kanilang mga puso na hindi nila maibubulalas, at ang kanilang mga panghihinayang ay naging masyadong huli na. Kung magpipilit silang kumilos nang papaganito, halos lubhang huli na ito para sa kanila. O, ang lahat, ang lahat! Lahat nang ito ay mangyayari. Ito ay isa sa Aking mga paraan ng pagliligtas. Inililigtas Ko yaong mga nagmamahal sa Akin at pinababagsak ang masama. Kaya ang Aking kaharian ay magiging matibay at matatag sa lupa at malalaman ng lahat ng bansa at mga tao, at mga tao sa mga dulo ng sansinukob na Ako ay kamahalan, Ako ay nagngangalit na apoy, Ako ay Diyos na nagsasaliksik sa kaloob-loobang puso ng bawat tao. Mula sa sandaling ito, ang paghatol ng malaking puting trono ay hayagang ibinubunyag sa karamihan at ibinabalita sa lahat ng tao na ang paghatol ay nagsimula na!

—mula sa “Kabanata 35” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Isang makulog na tinig ang lumalabas, niyayanig ang buong sansinukob, binibingi ang mga tao, ginagawa silang huli na para umalis sa daan, at ang ilan ay napapatay, ang ilan ay winawasak, at ang ilan ay hinahatulan. Ito ay talagang isang tanawin na hindi pa nakita ng sinuman noong una. Makinig na mabuti, ang mga pagputok ng kulog ay may kasamang mga tunog ng pagtangis, at ang tunog na ito ay nagmumula sa Hades, ang tunog na ito ay nagmumula sa impiyerno. Ito ang mapait na daing ng mga anak ng paghihimagsik na nahatulan Ko na. Yaong mga hindi nakikinig ng Aking sinasabi at hindi isinasagawa ang Aking mga salita ay mahigpit na hinahatulan at tumatanggap ng sumpa ng Aking poot. Ang Aking tinig ay paghatol at poot, at wala Akong pinalilibring sinuman at hindi nagpapakita ng habag kaninuman, sapagka’t Ako ang matuwid na Diyos Mismo at Ako ay puno ng poot, Ako ay nagsusunog, Ako ay naglilinis, at Ako ay nagwawasak. Sa Akin ay walang natatago, walang emosyonal, bagkus lahat ay bukas, matuwid, at walang-kinikilingan. Dahil ang Aking mga panganay na anak ay kasama Ko na sa trono, namumuno sa lahat ng bansa at lahat ng bayan, yaong di-makatarungan at di-matuwid na mga bagay at mga tao ay nagsisimulang mahatulan. Sisiyasatin Ko sila nang isa-isa, walang nalilisan, ibinubunyag sila nang ganap. Sapagka’t ang Aking paghatol ay lubusan nang nabunyag at lubusan nang bukas, at walang anumang natitira na kahit kailan; itatapon Ko sa labas ang anupamang hindi nakaayon sa Aking kalooban at hahayaan itong mapahamak nang walang-hanggan sa walang-hanggang kalaliman; hahayaan Ko itong masunog nang walang-hanggan sa walang-hanggang kalaliman. Ito ang Aking pagkamakatuwiran; ito ang Aking pagiging matuwid. Walang sinumang makapagbabago nito, at ito ay dapat na nasa Aking pag-uutos.

—mula sa “Kabanata 103” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ako ay matuwid, Ako ay matapát, Ako ang Diyos na sinusuri ang kaibuturan ng puso ng tao! Ibubunyag Ko agad kung sino ang totoo at kung sino ang bulaan. Hindi kailangang mangamba, lahat ng bagay ay nagagawa sa Aking panahon. Kung sino ang naghahangad sa Akin nang matapat, kung sino ang hindi naghahangad sa Akin nang matapat─sasabihin Ko sa inyo. Kumain lamang nang mabuti, uminom nang mabuti, pumarito sa Aking harapan at lumapit sa Akin at gagawin Ko Mismo ang Aking gawain. Huwag labis na mabagabag sa mga kagyat na resulta, ang Aking gawain ay hindi isang bagay na maisasagawa agad lahat. Nakapaloob dito ang Aking mga hakbang at Aking karunungan, upang ang Aking karunungan ay maibubunyag. Ipakikita Ko sa inyo kung ano yaong maisasagawa sa pamamagitan ng Aking mga kamay─ang pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa kabutihan. Ako ay talagang hindi pumapabor sa kahit na sino. Ako ay nagmamahal nang tapat sa iyo na nagmamahal nang tapat sa Akin, at ang aking poót ay mamalagi magpakailanman doon sa hindi nagmamahal sa Akin nang tapat, upang maaaring maalala nila palagi na Ako ang tunay na Diyos, ang Diyos na sinusuri ang kaibuturan ng puso ng tao.

—mula sa “Kabanata 44” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Minamahal Ko lahat yaong mga taimtim na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at inilalaan ang kanilang mga sarili sa Akin. Namumuhi Ako sa lahat niyaong isinilang sa Akin pero hindi Ako kilala, tinututulan pa nga Ako. Hindi Ko pababayaan ang sinumang tao na taimtim na para sa Akin, kundi dodoblehin ang kanilang mga pagpapala. Yaong mga di-mapagpasalamat ay parurusahan Ko nang dalawang ulit, at hindi basta palalampasin. Sa Aking kaharian ay walang kabuktutan o panlilinlang, walang kamunduhan, iyon ay, walang amoy ng patay, kundi lahat ay pagiging-nasa-tama, pagkamakatuwiran, ang lahat ay kadalisayan, pagiging-lantad, na walang itinatago, walang pagkukubli; lahat ay sariwa, lahat ay kasiyahan, lahat ay pagpapatatag. Kung ang sinuman ay pinamamalagi ang amoy ng patay, tiyak na hindi siya maaaring manatili sa Aking kaharian, kundi pamumunuan ng Aking bakal na pamalo.

—mula sa “Kabanata 70” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Yaong mga tunay na namumuno bilang mga hari ay umaasa sa Aking paunang-pagtatalaga at pagpili, at hindi dapat magkaroon ng anumang kalooban ng tao. Kung may sinumang mangangahas na makibahagi rito, dapat maranasan niya ang hampas ng Aking kamay, at siya ang layon ng Aking naglalagablab na apoy; ito ang isa pang mukha ng Aking pagkamakatuwiran at kamahalan. Nasabi Ko na, pinamumunuan Ko ang lahat ng bagay, Ako ang marunong na Diyos na gumagamit ng lubos na awtoridad, at hindi Ako maluwag kaninuman, malupit, na walang personal na pakiramdam. Itinuturing Ko ang sinuman (gaano man siya kagaling magsalita, hindi Ko siya pagpapasensiyahan) sa Aking pagkamakatuwiran, pagiging-nasa-tama, at kamahalan, samantalang tinutulungan ang lahat na mas makita ang pagiging-kamangha-mangha ng Aking mga gawa, makita kung ano ang ibig sabihin ng Aking mga gawa. Isa-isa Kong pinarurusahan ang lahat ng uri ng pagkilos ng masasamang espiritu, isa-isang itinatapon ang mga ito sa walang-hanggang kalaliman. Tinapos Ko ang gawaing ito bago nagsimula ang panahon, hinahayaang walang paglagyan ang mga ito, hinahayaang walang lugar ang mga ito para gawin ang gawain ng mga ito. Lahat ng Aking hinirang na bayan, yaong mga paunang-itinalaga at pinili Ko, ay hindi kailanman maaangkin ng mga ito kahit kailan, kundi palaging banal. Yaong mga hindi Ko paunang-naitalaga at napili ay ipinapasa Ko kay Satanas at hindi na hinahayaang manatili pa.

—mula sa “Kabanata 70” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Dapat mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit maaaring marami ka nang nagawa, at nakagawa na sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makakasuway rito!

—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Kapag nasa ayos ang lahat, iyan ang araw na babalik Ako sa Sion, at gugunitain ng lahat ng tao ang araw na ito. Kapag bumalik Ako sa Sion, mapapatahimik ang lahat ng bagay sa daigdig at makikipagpayapaan ang lahat ng bagay sa daigdig. Kapag nakabalik na Ako sa Sion, ipagpapatuloy ng lahat ang kanilang orihinal na anyo. Sa panahong iyan, sisimulan Ko ang Aking gawain sa Sion, parurusahan Ko ang masama at gagantimpalaan ang mabuti, ipatutupad Ko ang Aking katuwiran at isasagawa Ko ang Aking paghatol. Gagamitin Ko ang Aking mga salita para maisakatuparan ang lahat at gagawin ang lahat ng tao at lahat ng bagay na maranasan ang Aking kamay na nagkakastigo. Gagawin Kong makita ng lahat ng tao ang Aking buong kaluwalhatian, makita ang Aking buong karunungan, makita ang Aking buong kasaganaan. Walang taong mangangahas na tumindig para humatol dahil lahat ay nagagawang ganap sa Akin. Sa ganito, makikita ng lahat ang Aking buong karangalan at mararanasan ng lahat ang Aking buong tagumpay yamang lahat ay ipinamamalas kasama Ko. Mula rito, kayang-kaya ng isa na makita ang Aking dakilang kapangyarihan, at makita ang Aking awtoridad. Walang mangangahas na magkasala sa Akin, walang mangangahas na hadlangan Ako. Lahat ay ipinaaalam sa publiko kasama Ko, sinong mangangahas na magtago ng anuman? Tiyak na hindi Ko siya pakikitaan ng awa! Dapat tumanggap ng Aking matinding parusa ang mga gayong masasama at dapat mawala sa Aking pananaw ang gayong mga hamak. Pamumunuan Ko sila ng may isang bakal na tungkod at gagamitin Ko ang Aking awtoridad para hatulan sila, nang wala kahit na katiting na awa at hindi pinalalampas ang kanilang damdamin paanuman, dahil Ako Mismo ang Diyos na walang emosyon at siya na maringal at hindi maaaring magdamdam. Dapat itong maunawaan ng lahat at makita ng lahat upang maiwasan na “walang dahilan o katuwiran” na napapabagsak Ko, nalilipol Ko, kapag dumating ang panahon, dahil ang Aking tungkod ay pababagsakin ang lahat na nagkakasala sa Akin. Hindi mahalaga sa Akin kung alam man nila ang Aking mga atas administratibo o hindi; hindi iyan magiging mahalaga sa Akin yamang hindi mapapahintulutan ng Aking persona ang pagkakasala ninuman. Ito ang dahilan na sinasabi na Ako ay isang leon; sinumang nahihipo Ko, pababagsakin kita. Kaya nga sinasabi na ang magsabi ngayon na Ako ang Diyos ng kahabagan at kagandahang loob ay pagsalangsang sa Akin. Hindi Ako sa diwa ng isang tupa kundi isang leon. Walang nangangahas na magkasala sa Akin at sinumang nagkakasala ay kaagad Kong parurusahan ng kamatayan, nang walang damdamin paanuman!

—mula sa “Kabanata 120” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Ako ay isang tumutupok na apoy at hindi Ko kinukunsinti ang pagkakasala sapagka’t ang mga tao ay nilikha Kong lahat. Anuman ang Aking sinasabi at ginagawa, dapat sumunod ang mga tao at hindi maaaring maghimagsik laban dito. Ang mga tao ay walang karapatang makialam sa Aking gawain, at sila sa partikular ay walang kakayahang suriin kung ano ang tama o mali sa Aking gawain at Aking mga salita. Ako ang Panginoon ng sangnilikha, at ang mga nilalang ay dapat na makamit ang lahat ng bagay na kailangan Ko na may pusong may paggalang sa Akin; sila ay hindi dapat mangatwiran sa Akin at sila ay lalong hindi dapat lumaban. Ginagamit Ko ang Aking awtoridad upang maghari sa Aking bayan, at lahat niyaong bahagi ng Aking sangnilikha ay dapat na sumunod sa Aking awtoridad. Bagaman ngayon kayo ay matapang at mapangahas sa harap Ko, sinusuway ninyo ang mga salita na itinuturo Ko sa inyo, at hindi kayo marunong matakot, kinakatagpo Ko lamang ang inyong pagkasuwail nang may pagpaparaya. Hindi Ako mawawalan ng pagtitimpi at maaapektuhan ang Aking gawain dahil ang maliliit na uod ng langaw ay ibinalikwas ang dumi sa bunton ng dumi ng hayop. Kinakaya Ko ang patuloy na pag-iral ng lahat ng Aking kinasusuklaman at mga bagay na Aking kinapopootan alang-alang sa kalooban ng Aking Ama, hanggang mabuo ang Aking mga pagbigkas, hanggang sa pinakahuli Kong sandali.

—mula sa “Kapag ang Mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa Kanilang Mga Ugat Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, ang taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod na sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagbabayad ng kanilang mga kasalanan; sila man, na nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita na sa milyon-milyong taon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang kalagayan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umasa Ako nang husto na makamit ang isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi Ko kailanman nalimutan yaong mga hindi Ko kaisa sa pag-iisip; nasuklam na Ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at matutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!

—mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Yamang naitalaga mo na ang iyong determinasyon na paglingkuran Ako, hindi kita pakakawalan. Ako ay isang Diyos na namumuhi sa kasamaan, at Ako ay isang Diyos na naninibugho sa tao. Yamang nailagay mo na ang iyong mga salita sa altar, hindi Ko kukunsintihing lumayas ka sa harap ng Akin mismong mga mata, at hindi Ko kukunsintihin ang paglilingkod mo sa dalawang panginoon. Inakala mo ba na maaari kang magkaroon ng ibang pag-ibig matapos mong ilagay ang iyong mga salita sa Aking altar, matapos mong iharap ang mga iyon sa Aking mga mata? Paano kong mahahayaan ang mga tao na linlangin Ako sa ganyang paraan? Inakala mo ba na maaari kang basta na lamang gumawa ng mga taimtim na pangako, gumawa ng mga panata sa Akin gamit ang iyong dila? Paano kang manunumpa ng mga panata sa trono Ko, ang Kataas-taasan? Inakala mo ba na ang iyong mga panata ay nakalipas na? Sinasabi Ko sa inyo, kahit na ang inyong mga laman ay lumipas, ang inyong mga panata ay hindi maaaring lumipas. Sa katapusan, uusigin Ko kayo batay sa inyong mga panata. Gayunman inyong inaakala na mailalagay ninyo ang inyong mga salita sa harapan Ko upang makayanan Ako at na ang inyong mga puso ay makapaglilingkod sa maruruming espiritu at masasamang espiritu. Paanong makukunsinti ng Aking poot yaong parang-aso, parang-baboy na mga taong nandaraya sa Akin? Dapat Kong isakatuparan ang Aking mga atas administratibo, at agawin mula sa mga kamay ng maruruming espiritu lahat niyaong mga matitigas at “relihiyosong” tao na naniniwala sa Akin upang “magsilbi sa” Akin sa isang maayos na paraan, maging Aking baka, maging Aking kabayo at maging nasa ilalim ng pagsasaayos ng Aking pagkatay. Ipababalik Ko sa iyo ang dati mong determinasyon at papapaglingkurin kang muli sa Akin. Hindi Ko kukunsintihin ang sinuman sa nilikha na dayain Ako. Inakala mo bang maaari ka lang basta humiling at basta magsinungaling sa harap Ko? Inakala mo bang hindi Ko narinig o nakita ang iyong mga salita at gawa? Paanong ang iyong mga salita at gawa ay mawawala sa Aking paningin? Paano Ko mapapahintulutan ang mga tao na dayain Ako sa ganyang paraan?

—mula sa “Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

19. Kapag ang mga anghel ay tumutugtog ng musika sa pagpupuri sa Akin, hindi Ko mapipigilan ang Aking pagkaawa sa tao. Bigla Akong nakakaramdam ng malubhang kalungkutan sa Aking puso, at mahirap pawiin sa Aking sarili ang masakit na damdaming ito. Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang makakalaya mula sa pananabik para sa mga dating damdamin? Sino ang makakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao. Bagama’t pareho ang espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang madalas. Sa gayong paraan puno ng dalamhati at walang sigla ang buhay ng sangkatauhan, dahil laging nananabik ang tao sa Akin. Ang mga tao ay parang mga bagay na bumagsak mula sa langit; isinisigaw nila ang pangalan Ko sa lupa, tumitingala sila sa Akin mula sa lupa—nguni’t paano sila makakatakas mula sa bibig ng gutom na gutom na lobo? Paano sila makakawala mula sa mga pagbabanta at mga panunukso nito? Paanong hindi masasakripisyo ng mga tao ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa pagsasaayos ng Aking plano? Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng kanilang mga pag-iyak? Itatama Ko ang mga kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking gawain sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ipakukumpisal ang kanilang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Tatapakan Ko ang buong sansinukob dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, walang isa mang itinitira, at sinisindak ang lahat ng Aking mga kaaway. Wawasakin Ko ang buong lupa, at pababagsakin ang mga kaaway Ko sa mga guho, upang mula ngayon ay hindi na nila maaaring magawang tiwali ang sangkatauhan. Buo na ang Aking plano, at walang sinuman, maging sino man sila, ang maaaring makapagpabago nito. Habang naglilibot Ako sa maringal na parada sa ibabaw ng sansinukob, magagawang bago ang lahat ng tao, at mapapasigla ang lahat ng bagay. Hindi na iiyak ang tao, at hindi na sila sisigaw sa Akin para sa tulong. Sa gayon magagalak ang Aking puso, at babalik ang mga tao upang makipagdiwang sa Akin. Magbubunyi ang buong sansinukob, mula sa itaas hanggang sa ibaba, dahil sa kagalakan …

—mula sa “Kabanata 27” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Buong Teksto: https://tl.kingdomsalvation.org/God-s-disposition.html



Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan para sa iyo.