Paano Manalangin para sa Aking may Malubhang Sakit na Anak

Sa Tagsibol ng 2015, isang araw ay umalis ng bahay si Wang Min upang gawin ang mga gawain at bumalik upang makita ang kanyang anak na lalaking si Linlin na maputlang nakaupo sa higaan nito. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa sikmura at patuloy na sumusuka. Nagmamadaling lumapit si Wang Min at tinanong, “Linlin, anong problema?” sumagot si Linlin sa mababang tinig, “Ma, sobrang sakit ng sikmura ko.” Kinuskos ni Wang Min ang sikmura nito at sinabing, “Sinipon ka ba kagabi, o may nakain ka bang hindi maganda?” Habang sinasabi niya ito, tumingin siya sa drawer at nakahanap ng gamot sa sikmura at ibinigay iyon kay Linlin. Inisip niya sa kanyang sarili: Hindi ganoon kahina ang 25-taon kong anak, kaya gagaling na siya sa kaunting gamot. Ngunit hindi inaasahan, hindi gumaling ang sikmura ni Linlin, ngunit sa halip ay lalo pang lumala. Labis itong nasasaktan na ang buong ulo nito ay pawis na pawis, at paulit-ulit itong humihiyaw, “Ma, sobrang sakit!” Nagmamadaling tinawag ni Wang Min ang doktor ng nayon.

Paano Manalangin para sa Aking may Malubhang Sakit na Anak

Nang dumating doon ang doktor, binigyan nito si Linlin ng gamit at naglagay ng drip upang gamutin ang sakit ng sikmura nito. Ngunit pagdating ng hatinggabi ng gabing iyon, nagsusuka pa rin si Linlin at nagdurusa sa pagtatae, at tumutulo na ang pawis nito sa ulo papunta sa pisngi at likod nito. Lumuhod si Linlin sa higaan nito habang patuloy na nagsusuka, sa sobrang sakit ay malakas itong umiiyak. Nakikita ang kanyang anak na lalaki na ganito ay nabalisa nang husto si Wang Min, at naisip niya: “Hindi ito isang karaniwang sakit sa tiyan. Maaari kayang acute gastritis?” Nang makita ang kondisyon ng kanyang anak na lalong nagiging seryoso, nagmamadaling lumabas si Wang Min upang hanapin ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at bayaw, at magkakasama nilang dinala si Linlin sa ospital nang mabilis hangga’t makakaya nila.

Kapag Nasa Matinding Pangangailangan, Makapagpapatuloy Lang ang Isa sa Pamamagitan ng Pagtitiwala sa Diyos

Nang makarating sila sa ospital, alas-siyete na ng umaga. Linggo nang araw na iyon at maraming pasyente sa ospital, lahat ay nakapila para sa kanilang pagkakataon. Nakatalungko si Linlin sa isang sulok habang patuloy na sumusuka, ni hindi magawang magsalita. Nakikita ang kanyang anak na ganito, labis na nasasaktan si Wang Min, tila isang kutsilyo ang sumasaksak sa puso niya, at umasa siya na mabilis na kikilos ang pila upang makita ang anak niya, ngunit nang makita niyang napakaraming tao ang nandoon, wala siyang ideya kung kailan sila makakapunta sa unahan ng pila. Labis na nababalisa si Wang Min at hindi alam kung anong gagawin. Ang tanging magagawa niya lang ay tahimik na tawagin ang Diyos sa kanyang puso: “O Diyos, ang makita ang aking anak na may ganito kalubhang sakit at labis na nasasaktan, labis akong nasasaktan at hindi alam kung anong pinakamagandang gawin. Hindi ko din alam kung kung kailan kami makakarating sa unahan ng pila. O Diyos, pakiusap magbukas ka ng daan para sa’kin!”

Noon din, may isang tao mula sa pulutong na nakakita na malala ang sakit ni Linlin, at sinabi sa ibang mga pasyente, “Hindi malala ang sakit natin kagaya ng binatang ito. Hayaan natin siyang maunang matingnan!” Nang marinig ng lahat ito, nagbigay daan sila, at paulit-ulit na sinasabi ni Wang Min, “Salamat sa inyong lahat!” Labis siyang naaantig noon, dahil nakita niya ang mga gawa ng Diyos. Sa kanyang puso, patuloy siyang nagpapasalamat sa Diyos, at naisip niya ang mga salita ng Diyos: “Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.” “Oo,” naisip niya, “lahat ng mga bagay ay ginawa ng Diyos at pinamumunuan at isinasaayos ng Diyos ang lahat. Ang eksena na ito na naganap ngayon sa ospital ay tila mabubuting layunin lamang ng mga tao, ngunit ang kumikilos talaga ay kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos.” Mula sa kaibuturan ng kanyang puso, pinasalamatan ni Wang Min ang pagbubukas ng daan ng Diyos para sa kanya!

Mabilis na pinakiusapan ni Wang Min ang kanyang bayaw na buhatin si Linlin papasok sa empermeryal. Matapos suriin ng doktor si Linlin at magsagawa ng ilang pagsusuri, seryosong sinabi niya kay Wang Min, “Malala ang sakit ng anak mo. Mayroon siyang acute pancreatitis. Ang likido ay naipon sa kanyang dibdib at tiyan; ang tibok ng kanyang puso ay maraming beses na mas mabilis kaysa sa normal at patuloy na nanganganib na mawala ang kanyang buhay. Hayaan mo siyang manatili upang ma-obserbahan. Bukod doon, dapat mong pag-isipang maghanda. Mananatili at oobserbahan namin siya sa loob ng 24 oras, at kung gumanda ang kondisyon niya sa oras na iyon, may pag-asang bumuti ang lagay niya. Kung walang pagbabago, dapat siyang ilipat sa ibang ospital. Sa ganitong uri ng karamdaman, mataas ang posibilidad ng nekrosis ng pancreas, at hindi ito madaling gamutin kahit gaano pa kalaking halaga ang gastusin mo …” Ang marinig na sinasabi ito ng doktor, pakiramdam ni Wang Min ay pinukpok ng maso ang kanyang ulo, at patuloy na naririnig niya ang matinis na tunog sa kanyang tenga. Dumaloy ang mga luha sa kanyang mga pisngi, at sinabi niya sa kanyang sarili, “Paano basta na lang nagkaroon ng ganoong sakit ang anak ko?” Nang mga sandaling iyon, naisip niya kung paanong kakatuntong pa lamang ng 25 ang kanyang anak, kung paanong namuhay ito bilang mahirap na estudyante sa loob ng 10 taon bago nakahanap sa wakas ng magandang trabaho. Nag-uumpisa pa lamang ang masasayang araw nito. Ngayon ay bigla na lang itong nagkaroon ng malubhang sakit, at kung may masamang nangyari dito, ano ang gagawin niya? Sa sandaling iyon, nadama ni Wang Min na nawala ang lahat ng pag-asa.

Noon din, tinawag ni Wang Min ang Diyos: “O Diyos! Nagkaroon ng malubhang sakit ang anak ko at hindi ko alam kung anong pinakamagandang gawin. Napakababa ng pakiramdam ko at mahina, at walang magawa. O Diyos! Kung ang aking anak ay hindi mapapagaling, hindi ko alam kung magagawa ko pang magpatuloy. Pakiusap bigyan mo ako ng pananampalataya at lakas.” Pagkatapos ay pumasok sa isip niya ang mga salitang ito ng Diyos: “Hindi ka dapat matakot dito at doon. Kahit na gaanong karaming hirap at panganib ang iyong harapin, mananatili kang hindi natitinag sa Aking harapan; … Ako ang iyong matibay na bato, manalig sa Akin!” “Ang Makapangyarihang Diyos ay isang makapangyarihan-sa-lahat na manggagamot! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Kung mayroon ka lamang isang hininga, hindi ka hahayaang mamatay ng Diyos.” Maka-isandaang ulit na dinoble ng mga salita ng Diyos ang pananampalataya ni Wang Min, napayapa ang puso niya at naramdaman niyang mayroon siyang suporta. “Tama nga,” naisip niya. “Ang Diyos ang aking suporta! Ang Diyos ay ang makapangyarihang tunay na Diyos, at Siya ang makapangyarihang manggagamot. Bakit hindi ako umaasa sa Diyos at naghahanap sa Kanya? Kung iisipin noon, si Lazarus ay patay na sa loob ng apat na araw at ang kanyang katawan ay nagsimulang mabulok. Ngunit isang salita mula sa Diyos at siya ay lumabas mula sa kanyang libingan—ito ang dakilang kapangyarihan ng Diyos! Kinokontrol ng Diyos ang buhay at kamatayan ng tao, at kinokontrol Niya ang buhay ni Linlin. Kung hindi pinahintulutan ng Diyos na mamatay si Linlin, hindi siya mamamatay hangga’t siya ay may isang hiningang natitira.”

Iniisip ito, lumapit si Wang Min kay Linlin at hinawakan ang kamay ng kanyang anak. Sa isang mahinang tinig, sinabi niya sa dito, “Ang sakit ay sumapit sa atin, ngunit hindi dapat maging mali ang isipin natin at sisihin ang Diyos. Sa mabuti o masama, nasa mga kamay na iyon ng Diyos. Pareho tayong naniniwala sa Diyos, at naniwala tayo sa Diyos at tinawag ang Diyos sa ating mga puso.” Naririnig ito, marahang tumango si Linlin. Sa kanyang puso, si Wang Min ay nanalangin sa Diyos, humihingi sa Kanya na protektahan ang kanyang puso upang magawa niyang magpaubaya sa Kanyang mga orkestrasyon at pagsasaayos, at nais niyang ipagkatiwala sa Diyos ang buhay at kamatayan ng kanyang anak. Sa sandaling iyon, hindi na nalulungkot ang kanyang puso.

Sa Kawalan ng Pag-asa, ang Diyos ang Ating Malakas na Suporta

Matapos makumpleto ang mga pormalidad ng pagpasok ni Linlin sa ospital, inayos ang kanyang higaan at may dumating na nars upang kabitan ito ng IV. Sinabi ng nars kay Wang Min, “Hindi dapat kumain o uminom ng kahit ano ang anak mo sa loob ng pitong na araw.” Matapos na umalis ang nars, ang nakatokang doktor ay dumating at hindi inaasahang sinabi kay Wang Min, “Kinonsulta ko ang isang espesyalista, at patuloy na nalalagay sa panganib ang buhay ng anak mo. Maraming tao na ang nawala sa’min dahil sa kaparehong sakit ng anak mo dito sa ospital na ito. Isang gabi lang namin siyang oobserbahan at umaasa para sa isang himala. Kung gagaling siya o hindi ay nakasalalay sa suwerte niya …”

Nang matapos sa pagsasalita ang doktor, labis na nanghina at namighati si Wang Min. Nang maisip niya kung paanong maaaring mawala anumang sandali ang kanyang anak, malayang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata, at labis na nanghihina ang kanyang mga binti na hindi siya makalakad. Nang makarating siya sa ward upang makita ang kanyang anak, nakita niyang puno ng mga tubo ang buong katawan nito at kasing-puti ng papel ang mukha nito. Tila hinuhugot na nito ang huling hininga nito at mariing nakapikit ang mga mata nito. Naramdaman ni Wang Min ang sakit na sumaksak sa kanyang puso at tumakbo siya sa banyo at tumangis. Pumapailanlang sa kanyang tenga ang mga salitang sinabi sa kanya ng doktor: “Maraming tao na ang nawala sa’min dahil sa kaparehong sakit ng anak mo….”

Mas lalo niyang iniisip iyon, mas lalo siyang natatakot, na tila palapit na ang kamatayan sa kanyang anak. Muli, tinawag niya ang Diyos sa panalangin: “O Diyos! Pakiramdam ko ay wala akong magawa at natatakot at hindi ko makakaya ang sakit na mawala ang aking anak. Hindi ko talaga alam kung paano haharapin ang lahat ng iyon. Hinihingi ko sa Iyo na protektahan ang aking puso upang hindi Kita iwan. Pakiusap gabayan mo ako at bigyan ako ng pananampalataya.” Matapos magdasal, naisip ni Wang Min ang mga salita ng Diyos: “Sino sa buong sangkatauhan ang hindi kinalinga sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng pagtatadhana ng Makapangyarihan? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmumula sa kanilang sariling mga pagpili? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran?” “Oo! Lahat ng nilalang malaki at maliit sa buong sanlibutan, at ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan, ay nasa mga kamay lahat ng Diyos! Tanging ang Diyos ang makapangyarihang Kataas-taasang kapangyarihan na kumokontrol sa buhay at kamatayan ng tao. Diyos ang nagbigay ng buhay ng anak ko, kaya kung makakaligtas man siya o hindi at ang kapangyarihang magpasya sa pagitan ng buhay at kamatayan ay wala sa mga kamay ng mga doktor, hindi rin sa akin, ngunit ito ay nakasalalay sa predestinasyon, orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos. Kung iisipin noon, nawala kay Job ang maraming tupa at baka, at nawala ang lahat ng kanyang ari-arian at kayamanan pati na rin ang kanyang mga anak. Subalit alam ni Job na ang lahat ng kanyang inaangkin ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos, at alam niya na dapat niyang ipaubaya pareho kapag nagbigay ang Diyos at kapag kinuha Niya. Pinuri ni Job ang Diyos sa kanyang puso at, nang harapin niya ang isang malaking pagsubok, hindi niya sinisisi ang Diyos o inabandona ang Diyos, ngunit pinuri niya ang Diyos mula sa kaibuturan ng kanyang puso, sinasabing, ‘Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova’ (Job 1:21). Kahit na hindi ako maikukumpara kay Job, nahaharap sa pag-aagaw buhay ng aking anak, nais kong tularan si Job at magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos.” Nang mag-isip sa ganitong paraan si Wang Min, labis na nabawasan ang sakit sa kanyang puso …

Ginagantimpalaan ng Diyos ng Himala ang Tapat

Nanatiling gising buong gabi si Wang Min at hindi ipinikit ang kanyang mga mata ni isang beses sa loob ng 24 oras, hanggang sa ika-lima o anim na nang sumunod na umaga. Nang mga oras na iyon, masayang dumating ang doktor sa ward at sinabi kay Wang Min, “Naging maayos na ang tibok ng puso ng anak mo, at nag-umpisa nang bumuti ang kondisyon niya! Hindi na kailangan mag-alala. Ang totoo, ito ay talagang isang himala! Sa mga namatay sa ospital na ito na may parehong karamdaman sa iyong anak, ang kanilang kalagayan ay hindi kasing-lala gaya ng sa iyong anak noong dumating sila dito, at ginamot namin sila ng parehong gamot na ginamit namin sa paggamot sa iyong anak, ngunit wala sa kanila ang gumaling. Naisip ko na malala na ang sakit ng iyong anak na wala nang pag-asang gumaling pa dahil, maliban sa kanyang prostate, naapektuhan ang iba pang bahagi ng kanyang katawan. Talaga ngang nakatakas siya sa kamatayan at malamang na napaka-suwerte. Mahirap ang naranasan niya, pero maaari ka nang makampante!” Nakinig si Wang Min sa doktor na sabihin ito at sa labis na saya ay napuno ng luha ang kanyang mga mata. Paulit-ulit niyang pinasasalamatan ang Diyos sa kanyang puso, dahil alam niyang lahat ng ito ay proteksiyon ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihang Diyos ay isang makapangyarihan-sa-lahat na manggagamot! … Kung mayroon ka lamang isang hininga, hindi ka hahayaang mamatay ng Diyos.” Na nakaligtas ang kanyang anak ay dahil lahat sa biyaya ng Diyos!

Nagmulat ng mga mata ang anak ni Wang Min at iniunat ang pareho nitong mga kamay. Gamit ang isang kamay, niyakap nito palapit ang ina nito at gamit ang isa pa, pinalis nito ang luha sa kanyang mukha, at marahang sinabi sa kanya, “Ma, salamat sa proteksiyon ng Diyos, mabuti na ang pakiramdam ko. Huwag kang mag-alala.” At sinabi niya sa kanyang anak, “Napakasaya ko. Gumagaling ka dahil iniligtas ka ng Diyos. Magpasalamat tayo sa Diyos!” Tumango ito.

Nang sumunod na araw, isang babaeng pasyenteng nasa edad tatlumpu ang lumipat sa tapat ni Linlin, at nang sandaling pumasok ito ng silid, hindi ito tumigil sa pag-iyak. Kalaunan ay narinig ni Wang Min na ang babae ay may kaparehong kondisyon kay Linlin, at nakita niyang hindi kasing-lala ng kay Linlin ang kondisyon nito. Ngunit makalipas ang ilang araw, malapit na itong mamatay. Ang pamilya nito ay sumamo sa mga doktor, na nagsasabi na magbabayad sila kahit magkano basta’t mailigtas ang kanilang manugang na babae. Gayunpaman, sa wakas, matapos itong mailipat sa ospital sa lalawigan at gumagastos ng higit sa 100,000 yuan, hindi pa rin nila nailigtas ang buhay nito.

Inisip ni Wang Min ang tungkol sa babaeng pasyente na ito: Dinapuan ito ng sakit na kagaya ng sa kanyang anak, binigyan ng kaparehong gamit, at mayaman ang pamilya nito. Ngunit walang halaga ng pera ang maaaring makapagligtas ng buhay nito, samantalang, sa proteksyon ng Diyos, ang kanyang anak na lalaki ay ligtas na sa panganib. Sa sandaling iyon, si Wang Min ay nagkaroon ng isang malaking pagpapahalaga sa pag-ibig at pag-aalaga ng Diyos para sa kanila, at sa kanyang puso, tahimik siyang nagpasalamat sa Diyos para sa Kanyang proteksyon.

——————————————————

Bakit mahalaga ang panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos at sumunod sa Diyos hanggang sa huli.

——————————————————

Gumaling ang Kanyang Anak sa Ilalim ng Gabay ng Diyos

Ang anak ni Wang Min ay nanatili sa ospital sa loob ng dalawang linggo at unti-unting bumalik ang lakas nito. Nagsimula rin itong makalabas sa kama at maglakad-lakad, at maaari na rin itong kumain nang normal. Nakikita ang kanyang anak na unti-unting bumubuti ang kalusugan sa bawat araw, sa wakas ay sumungaw ang ngiti sa mukha ni Wang Min. Na ang kanyang anak na lalaki ay maaaring makatakas sa kamatayan at mabilis na gumaling ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lahat! Pagkaraan ng dalawang linggo, sinabi ng doktor kay Wang Min na maaari na niyang iuwi ang kanyang anak. Ang lagay ng panahon na iyon ay hindi pangkaraniwang kahanga-hanga, at isang nagniningas na pulang araw ang nagningning sa kalangitan. Si Wang Min at ang anak nito ay umalis sa ospital at sumakay ng bus pabalik sa bahay.

Habang pauwi, labis na pinagpasalamat ni Wang Min na kung mabubuhay o mamamatay ang isang tao ay hindi nakasalalay sa mga doktor, at na ang buhay ng isang tao ay hindi maililigtas sa pamamagitan ng pera o pagmamahal; ang Diyos ang magdedesisyon sa buhay at kamatayan, at ang Diyos lamang ang suporta ng tao! Sa pag-iisip sa bawat pagkakataon na ibinigay ng doktor sa kanyang anak ang isang “hatol ng kamatayan,” mga salita ng Diyos ang nagbigay ng pananampalataya at lakas ng loob ng Wang Min sa bawat pagkakataon at naging dahilan upang matiis niya na harapin ang sakit ng kanyang anak, at nabawasan ang sakit ng kanyang puso. Mula sa mga pangyayaring ito, nakita ni Wang Min ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha, at na labis siyang naniwala na, anuman ang mangyari, hanggat tapat na umaasa sa Diyos ang isang tao at nakatingin sa Kanya, kung ganoon ay ibibigay ng Diyos ang Kanyang gabay, pamumuno at proteksiyon, at noon magagawang magpatotoo ng taong iyon sa kamangha-manghang mga gawain ng Diyos. Lahat ng papuri sa Diyos.