Paano Manalangin para sa Aking Anak na Malubhang Nanganganib

Paano Manalangin para sa Aking Anak na Malubhang Nanganganib

Ni Xiaotu

Maaga iyon, kakatapos lang ng ulan, at ang manipis na hamog ay binabalot ang baryo sa paanan ng bundok. Minsan lamang makita ang baryo sa kabila ng hamog, gaya ng mundo ng mga engkantado sa lupa. Sa isang mainit, ordinaryong-tingnan na kubo, dinala ni Molian ang asada na puno ng putik sa tarangkahan, at inudyukan ang manugang niyang nasa loob ng bahay, “Bilisan mo Xiaoqing, kapag nagtanim tayo matapos ang ulan sa tagsibol, siguradong lalaking matibay ang mga binhi!”

“Papunta na!”

Naglakad ang mag-biyenan sa kayumangging lupa papunta sa palayan…

Isang lumalangitngit na bisikleta ang mabilis na tumatakbo palapit sa kanila at biglang huminto sa harap nila. “Mga kamag-anak ba kayo ni Zhihui?” nababalisang singhap ng isang binatilyong patag ang ulo habang pinapalis nito ang pawis mula sa noo nito. Bahagyang tumango si Molian, ngunit bago pa siya makasagot, natatarantang sinabi nito, “Bilis! Nasaktan ang anak mo, at nakahiga siya sa ospital!” Agad na kinabahahan si Molian: Nakahiga sa ospital? Seryso ba ang pinsala? Bago sila makapag-isip pa, mabilis na nakahanap ng taxi si Molian at ang manugang niya at nagmamadaling pumunta sa ospital sa bayan.

Sa ikalawang palapag ng ospital, higit sa isang dosenang mga tao ang nakatayo paikot sa higaan sa makipot na silid ng ospital. Nagmamadaling pumasok si Molian sa silid at hinawi ang mga tao kasunod si Xiaoqing. Agad na napunta ang paningin ni Molian sa matingkad na pulang bakas ng dugo sa sahig. Nakahiga sa isang stretcher na babad sa dugo ang hindi gumagalaw na si Zhihui, napapaligiran ng mga doktor na binebendahan ang mga sugat nito para mapigilan ang pagdurugo. Nasindak si Molian sa nakita niya. Nanginig ang kanyang mga kamay, ang puso niya ay tila tatalon palabas ng dibdib niya, at blangko ang kanyang isip. Habang dahan-dahang bumabalik ang pakiramdam ni Molian, tinanong niya sa nanginginig na tinig, “Anong nangyari sa anak ko?” “Doktor, pakiusap, sabihin mo sa’min, anong nangyari sa kanya?” tanong ni Xiaoqing sa tabi niya habang pinipigilan nitong mapaluha. Isa sa mga lalaki sa malapit ang mabilis na sumagot, “Nakaupo kaming naghihintay na tatlo sa mga upuan sa gilid ng kalsada, nang biglang humaharurot na sumulpot ang isang malaking pulang trak ng mga kargamento at nagpalipad ng 5kg na mga batong sumalpok sa isang malapit na poste ng kuryente. Tumalbog iyon mula sa poste at lumipad diretso sa ulo ng anak mo, at bumagsak siya sa lupa. Mayroong malaking sugat malapit sa kanyang kanang mata, at umaagos ang dugo, kaya sinubukan naming pahintuin ang pagdurugo gamit ang mga damit namin, at pagkatapos ay dinala siya sa ospital.” Nang matapos sa pagsasalita ang lalaki, bumuntong-hining ang doktor at nagpatuloy, “Masyadong mahina ang pulso ng anak mo, at nahihirapan lang siyang huminga. Wala kaming kahit anong paraan upang mailigtas siya. Dalhin niyo siya sa ospital sa lungsod sa lalong madaling panahon!” Nanghina ang mga binti ni Molian, at muntik na siyang bumagsak sa sahig. Namumutla ang kanyang mukha, at bakas ang hikbi sa kanyang tinig, sinabi niya, “Sa ospital sa lungsod? Dalawang oras mahigit mula sa ospital sa bayan papunta doon, at mahina na ang pulso niya. Makakaabot pa ba siya sa ospital sa lungsod? Mamamatay ba siya habang papunta doon? Kapag namatay ang anak ko, anong gagawin namin?” Ngunit ang mga kagamitan at kakayahan ng mga doktor sa ospital sa bayan ay talagang hindi kakayaning iligtas ang kanyang anak, kaya walang pagpipilian si Molian kundi ang ilipat ito.

Sa labas ng ospital, habang kumikislap ang pula at asul na liwanag ng ambulansiya, ilang doktor ang nagdala sa walang malay na si Zhihui papasok sa sasakyan, kasunod ang luhaang si Xiaoqing, pagkatapos ay tinulungan ding makapasok ng mga doktor si Molian. Umupo si Molian sa tabi ni Zhihui habang hawak niya ang kamay nito na namumutla sa dami ng nawalang dugo, hindi bumibitaw kahit sandali, takut na takot na kapag ginawa niya iyon, habambuhay na siya nitong iiwan. Nakakunot ang noo ni Molian, namumula ang kanyang mga mata, at ang mukha niya ay puno ng takot at kawalang-magawa. Desperado siyang umaasa na sana ay may makapagligtas sa kanyang anak.

Bigla, naisip ni Molian ang Diyos, “Tama! Nariyan ang Diyos upang masandalan ng mga tao sa lahat ng oras. Paano ko nagawang makalimutan ang Diyos?” Kaya, tahimik na tinawag ni Molian ang Diyos, “Diyos! Labis na nasaktan ang anak ko, at hindi ko alam kung mabubuhay pa siya. Diyos! Labis akong nag-aalala, at hindi ko alam kung anong gagawin. Pakiusap, tulungan at gabayan mo ako.” Matapos siyang manalangin, biglang naalala ni Molian ang kuwento ni Job sa Bibliya: Nang dumating ang mga pagsubok kay Job, nawala sa kanya ang ilang kawan ng mga baka at tupa, ang marami niyang kayamanan, ang sampu niyang anak ay nadaganan ng bumagsak na bubong at namatay, at natakpan ng mga bulutong ang kanyang katawan, dahilan upang pasanin niya ang parehong pisikal at espirituwal na paghihirap. Gayunman, sa kabila ng mga pangyayaring ito, kahit kailan ay hindi nagsalita ng paninisi laban sa Diyos si Job. Sa halip, naniwala siya na ang lahat ng bagay ay isinaayos ng Diyos, na ang lahat ng bagay ay ibinigay at kinuha ng Diyos, at na kahit anong biyaya o sakuna ang dumating sa atin, dapat ay purihin ng tao ang banal na ngalan ng Diyos. Kaya, nagpatirapa siya sa lupa at tinanggap at sinunod lahat nang dumating sa kanya, at sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, pagka-masunurin, at takot sa Diyos, naging matatag siya at nagpatotoo para sa Diyos sa harap ni Satanas. Sa huli, natanggap ni Job ang biyaya at papuri ng Diyos. Naintindihan ni Molian mula sa mga karanasan ni Job na hinayaan ng Diyos na dumating sa kanya ang pagsubok na ito sa pag-asang magkakaroon siya ng pananampalataya ni Job sa karunungan Niya, at kahit na ano pang ibigay o kunin ng Diyos, sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at umasa sa kanyang pananampalataya sa Diyos upang maging matatag at magpatotoo para sa Kanya. Nang mapagtanto ito ni Molian, naghandog siya ng isang panalangin sa Diyos, “Diyos! Nais kong ihandog ang buhay ng aking anak sa Iyong mga kamay. Kapag nabuhay siya, papupurihan ko ang Iyong biyaya nang labis ang pasasalamat, ngunit kapag iniwan niya ako, nais kong sundin Ka at hindi Ka sisihin. Kahit ano pang maging resulta, susundin ko ang Iyong mga pagsasaayos.” Matapos siyang magdasal, malaki ang nabawas sa pagkabalisa ng kanyang puso.

Makalipas ang dalawang oras, dumating ang ambulansiya sa ospital sa lungsod, at nagmamadali ang mga yapak na dinala ang anak ni Molian sa emergency room. Inililis ng isang doktor ang manggas nito at lumapit kay Zhihui. Binuka nito ang talukap ng mga mata ni Zhihui at sinuri ang mga mata ng lalaki, pagkatapos ay nanghihinayang na umiling ito at tumingin kay Molian, sinasabing, “Maaaring hindi makaligtas ang anak mo. Hindi namin siya puwedeng tanggapin!” Ginulat ng mga simpleng salita na ito ang lahat ng sumunod sa kanila papasok sa emergency room. Muntik nang himatayin si Molian at bumagsak sa sahig. Habang nakasandal siya sa pader, nanginginig ang kanyang katawan, namumutla ang kanyang mukha, at puno ng luha ang kanyang mga mata, sinabi niya sa kanyang sarili: “Totoo ba ito? Talaga bang walang paraan upang iligtas si Zhihui? Napakalusog niya nang umalis siya sa bahay kaninang umaga. Parang wala lang na naging ganito ang kondisyon niya. Talaga bang sa ganitong paraan niya kami iiwan? At kapag namatay siya, paano mabubuhay ang natitirang pamilya namin?” Mabilis na kumilos si Xiaoqing para suportahan si Molian at nag-umpisang umiyak habang niyayakap siya nito. Labis siyang nahihirapan habang dumadaloy ang luha pababa sa kanyang mga pisngi. Hindi niya mapigilang kausapin ang Diyos, “Diyos! Kahit na determinado akong sundin Ka, napakasakit pa ring marinig ang balitang hindi magagawang iligtas ang anak ko. Diyos! Anong dapat kong gawin?” Matapos niyang magdasal, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang pumaimbabaw sa isip niya, “Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao”). “Ang Makapangyarihang Diyos ay isang makapangyarihan-sa-lahat na manggagamot! … Kung mayroon ka lamang isang hininga, hindi ka hahayaang mamatay ng Diyos” (“Kabanata 6”). Nagulat si Molian sa awtoridad ng mga salita ng Diyos. Bigla siyang nagising mula sa kanyang pagkagulat at naalalang makapangyarihan ang Diyos. Pagsasaayos ng Diyos kung maliligtas ang kanyang anak, gaya nang kapag ipinanganak at lumisan sa mundo natin ang tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang mga bagay na ito ay hindi kayang kontrolin ng tao, dahil ang awtoridad at kakayahan ng Diyos ay walang hangganan. Habang iniisip niya ito, tahimik na sinabi ni Molian sa kanyang sarili, “Ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay makapangyarihan, Siya ang Manlilikha na namumuno sa buong sansinukob, at ang pinagmulan ng lahat ng buhay. Ibinigay ng Diyos ang buhay ng anak ko, at ang buhay at kamatayan niya ay nasa mga kamay ng Diyos, kaya hindi nakasalalay sa doktor kung makakaligtas siya. Kailangan kong magkaroon ng pananampalataya sa Diyos.” Ang pagliliwanag at paggabay ng mga salita ng Diyos ay dumating sa kanya sa tamang oras, malaki ang ibinabawas sa sakit na nasa puso ni Molian. Hindi niya mapigilang ma-guilty sa ikinilos niya dala ng kawalan ng pananampalataya. Kahit na inamin niya sa teorya na pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, nagkulang pa rin siya sa tunay na pananampalataya sa Diyos, at nang marinig niyang sinabi ng doktor na hindi maililigtas ang anak niya, agad na nagkaroon ng pakiramdam ng kahungkagan sa puso niya, at nakulong siya sa matinding kalungkutan sa pagkawala ng kanyang anak. Ang kanyang espirituwal na tayog ay totoo ngang napakaliit. Kaya, nagdasal muli si Molian sa Diyos, “Diyos! Sinabi nang bibig ko na nasa mga kamay Mo ang buhay at kamatayan ng aking anak, ngunit hindi sigurado ang puso ko, at naniniwala pa rin ako na ang mga doktor ang may kayang magdesisyon ng buhay at kamatayan ng aking anak. Ito ay dahil hindi pa rin sapat ang pang-unawa ko sa Iyong kapangyarihan at galing at kulang sa tapat na pananampalataya. Diyos! Nais kong maranasan ang Iyong gawain. Kahit na ano pang maging kahihinatnan, pananatilihin ko ang pagkakaroon ng may-takot at masunuring puso sa harap Mo upang harapin ang kahit ano pang pangyayaring dumating sa akin.”

Nang mga sandaling iyon, tinampal ng kapatid ni Molian ang noo nito at malakas na sinabing, “Ngayon ko lang naalala, direktor ng ospital na ito ang kaibigan ko sa hukbo!” Pagkatapos ay tumakbo ito palabas ng emergency room. Makalipas ang ilang minuto, nagmamadaling pumasok ang kapatid ni Molian sa emergency room kasama ang direktor ng ospital. Kinapa ng direktor ng ospital ang pulso ni Zhihui at sinabing, “Dahil kaibigan ko siya sa hukbo, kailangan naming makipagsapalaran at subukang iligtas ang anak mo, pero sa sukat ng sugat sa ulo niya, kahit na mailigtas pa namin siya sa pamamagitan ng operasyon, maaaring maging patay na ang kanyang utak. Kailangan ninyong ihanda ang isip ninyo doon.” Seryoso ang mukhang sinabi iyon ng direktor ng ospital, at nang matapos siya, agad na inutusan ang iba pang mga doktor na maghanda para sa operasyon. Habang pinagmamasdan ni Molian na itakbo sa operating room si Zhihui, nabawasan ang pagkabalisa sa puso niya, at kasabay niyon ay nakaramdam siya ng pasasalamat sa Diyos. Alam niyang ang biglang pagkakaalala ng kapatid niya na ang kaibigan nito sa hukbo ay ang direktor ng ospital, at ang pagpayag ng direktor na operahan ang anak niya ay mga pagsasaaayos ng Diyos. Habang iniisip niya ito, tahimik na nag-alay ng panalangin ng pasasalamat si Molian sa Diyos.

Lumipas ang mga segundo sa orasan sa dingding at habang nababalisang naghihintay ang pamilya ni Molian sa labas ng operating room. Umupo sa bangko si Molian at madalas na kinakausap ang Diyos, hindi naglalakas ng loob na iwan ng puso niya ang Diyos kahit sandali. Bigla, kasabay ng tunog, nawala ang pulang ilaw sa pintuan ng operating room, at kinakabahang tumingin sa pintuan ang mga taong naghihintay sa iba, ang iba ay nakasimangot, ang iba ay nakakuyom ang mga kamao, at si Molian na may seryosong ekspresyon …

“Tagumpay ang operasyon! Dapat ay magising siya sa loob ng ilang araw.” Lumabas ang doktor at sinabi sa lahat ang magandang balita. Tumingin sa isa’t isa ang lahat na may masayang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Ngunit, nagpatuloy ang doktor, “Pero, kahit na nailigtas namin ang buhay niya, sampung sentimetro ang haba ng sugat at napakalalim, na nangangahulugang maaaring mamuo ang dugo sa loob niyon. Kapag nabarahan ng namuong dugo ang mga ugat, maaaring mamatay ang utak niya.”

“Ano? Maaaring mamatay ang utak niya?”

“Kapag nangyari iyan, kung ganoon, ang mga buhay namin sa hinaharap ay….”

Habang ang mga miyembro ng pamilya sa paligid niya ay nababalisa at nag-aalala sa hinaharap ni Zhihui, napaka-kalmado ni Molian. Naisip niya kung paanong, mula sa aksidente ng kanyang anak, hanggang sa paggamot dito, hanggang sa tagumpay na operasyon, ipinakita ng Diyos ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at nasaksihan niya nang personal iyon. Kung wala ang pagliligtas ng Diyos, maaaring hindi nakaligtas ng isang gabi ang kanyang anak, ngunit nang inisip ng mga tao na imposibleng mailigtas ito, gumamit ng mga tao, pangyayari, at bagay ang Diyos sa paligid niya upang pagalingin ito at hayaan itong ligtas na makaalis sa operasyon. Hindi ba’t lahat ng ito ay ang mahimalang gawain ng Diyos? Mas iniisip iyon ni Molian, mas lalo siyang napupuno ng pananampalataya sa Diyos. Naniniwala siya na kung mamamatay ang utak ng kanyang anak ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit kahit ano pang maging resulta, handa siyang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos nang walang reklamo.

————————————————

Ang panalangin ay isang proseso upang makipag-usap sa Diyos at ang pagdarasal sa Diyos ay dapat na maging bahagi ng buhay Kristiyano. Matapos malaman ang kahalagahan ng panalangin, alam mo ba kung paano magsanay?

————————————————

Nang mga sandaling ito, isang mahinang pagtawag ang nagmula sa silid ng ospital. Napunta doon ang tingin ni Molian at ng iba pa. Si Zhihui, na hinulaang magigising makalipas ang ilang araw, ay himalang may malay na! Nang makita niya ito. Dumaloy ang luha sa mga mata ni Molian. Labis siyang naapektuhan na hindi niya alam kung anong sasabihin. Ang tanging nagawa lamang niya ay magpasalamat sa Diyos sa kanyang puso. “Isang himala! Sa napakaraming ganitong klase ng operasyon, kahit kailan ay hindi pa kami nakakita ng ganito. Ang mga pasyenteng sumailalim sa matinding operasyon ay hindi kailanman nagising ng ganito kaaga,” anang nagulat na doktor na nakatingin sa electrocardiogram. Lahat nang naroon ay mukhang namangha, at hindi mapigilang mamangha sa nakita nila. “Napakasuwerte niya! …” Ngunit malinaw na alam ni Molian sa puso niya na hindi iyon suwerte o ang kakayahan ng doctor sa medisina, iyon ay proteksiyon at mahimalang gawain ng Diyos. Hindi masusukat ng siyensiya ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, pinapalitan niyon ang lahat ng lakas, at umaalpas sa lahat ng mga imposible. Lahat ay kayang magawa ng Diyos. Gaya ng sinabi ng mga salita ng Diyos, “Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay itinatatag at ginagawang ganap sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig at sa Akin anumang bagay ay kayang maisakatuparan” (“Kabanata 60”). Si Molian, nagpapasalamat muli na hinayaan siyang magpatotoo sa isa sa mga himala ng Diyos, ay napuno ng pasasalamat. Kontentong ngumiti siya habang nakatingin siya sa higaan ng kanyang anak. Hindi niya mapigilang balikan ang maigsi ngunit nakakasindak na paglalakbay na ito. Labis niyang napagtanto na ginabayan siya Mismo ng Diyos sa bawat hakbang na ginawa niya. Nang makaramdam si Molian ng takot, matinding kalungkutan, at kawalan ng magawa, ang paliwanag sa mga salita ng Diyos ang gumabay sa kanya upang maintindihan ang kalooban ng Diyos, binibigyan ng masasandalan ang puso niya, at tinuruan siya kung paano maranasan ang mga hinaharap niya ngayon. Nang “masentensiyahan ng kamatayan” ang kanyang anak, muling nawalan ng pag-asa si Molian, at ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa kanya ng pananampalataya, at ginabayan siya paunti-unti palabas sa kanyang matinding kalungkutan. Nang maranasan ni Molian ang pinagdaaanan niya sa pamamagitan ng pananampalataya, paulit-ulit niyang nakita ang mga mahimalang gawain ng Diyos, at sa wakas ay nakita niyang ligtas na nakalabas ang kanyang anak sa krisis. Naramdaman ni Molian ang natatanging awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, napagtanto niyang hindi magagawang pagdesisyunan ng mga doktor ang buhay at kamatayan ng mga tao, na ang mga makabagong siyentipikong kagamitan ay hindi magagawang pahabain ang buhay ng tao, at ang buhay at kamatayan ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos, isinasaayos ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay labis na tumindi, at ang karanasang ito ay naging isang mahalagang kayamanan sa kanyang paglalakbay sa pananampalataya sa Diyos.

Makalipas ang 28 na araw …

Matapos maglinis ng kanyang bahay, lumabas sa tarangkahan ng kanyang bakuran si Molian at tumingin sa malayo. Marahan niyang sinabi sa kanyang sarili, “Ngayong araw dapat lalabas sa ospital si Zhihui. Tunay ngang proteksiyon ng Diyos kaya napakabilis niyang gumaling!” Hindi nagtagal, nang makita ni Molian si Zhihui na naglalakad palapit sa bahay, hindi niya mapigilang mag-alay ng pasasalamat at papuri sa Diyos sa kanyang puso!