Bakit kailangang magbalik ng Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, at gawin ang ga
Sa mga pulong ng iglesia, madalas sabihin ng pastor at elder na ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na" ay nagpapatunay na tapos na ang pagliligtas sa sangkatauhan, na sa pananalig lang sa Panginoong Jesus at pagkukumpisal ng ating mga kasalanan sa Kanyang harapan, napapatawad ang ating kasalanan, at hindi na tayo ituturing ng Panginoon na makasalanan. Napapawalang-sala tayo at inililigtas ng biyaya dahil sa ating pananampalataya. Tatanggapin tayo ng Panginoon sa kaharian ng langit pagbalik Niya, at hindi Siya posibleng magbalik para gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Pakiramdam ko hindi katanggap-tanggap ang pagkaunawang ito ng pastor at elder. Pero, ano ba talaga ang tinutukoy ng Panginoong Jesus nang sabihin Niya sa krus na, "Naganap na"? Bakit kailangang magbalik ng Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, at gawin ang gawain ng paghatol at pagdalisay sa tao?
Sagot: Nang sabihin ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na," ano ba talaga ang tinutukoy Niya? Ibig ba Niyang sabihin, tapos na ang gawain ng pagtubos, o tapos na ang gawain ng Diyos na lubos na iligtas ang sangkatauhan? Talaga kayang alam ng mga tao noon? Masasabi na walang nakaalam niyan. Ang sinabi lang ng Panginoong Jesus ay: "Naganap na." Hindi Niya sinabi na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Hindi talaga mauunawaan ng mga tao kailanman kung ano ang tinutukoy ng Panginoong Jesus nang sabihin Niyang: "Naganap na." Bakit mangangahas ang sinuman na ipaliwanag ang mga salita ng Panginoon ayon sa sarili niyang mga ideya? Bakit kayo mangangahas na bigyang-kahulugan ang mga katagang "naganap na"? Ito’y walang iba kundi ang walang-habas na pagpapalit ng sariling mga ideya ng tao sa mga salita ng Panginoong Jesus. Isipin n’yong lahat ito, kung ang sinabi ng Panginoong Jesus na "Naganap na," ay nagpapahiwatig na ang gawain ng Diyos na iligtas ang buong sangkatauhan ay kumpleto na, bakit nagpropesiya ang Panginoon, na nagsasabing: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: Sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). Ano’ng pagkaintindi mo ‘run? Ayon din sa nakatala sa Evangelio ni Juan, Kapitulo 12, Bersikulo 47-48, sinabi ng Panginoong Jesus: "At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw." Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Panginoong Jesus na babalik ang Panginoon para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. May propesiya rin sa Biblia: "Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17). Asa sinasabi ng pastor at elder, kung kinumpleto ng pagpapako sa Panginoong Jesus sa krus ang buong gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, paano magkakatotoo ang propesiya ng Panginoong Jesus na, "Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan," paano ito magkakatotoo? Hindi ba magkakatotoo ang propesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol? Kung gayon, malinaw na hindi tugma ang sinasabi ng pastor at elder sa mga salita ng Panginoong Jesus, at hindi tugma sa realidad ng gawain ng Diyos. Dapat nating malamang lahat na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Ang kailangan lang nating gawin ay tanggapin ang Panginoong Jesus, magkumpisal at magsisi sa Kanyang harapan, at mapapatawad ang ating mga kasalanan. Sa gayo’y karapat-dapat tayong manalangin sa Panginoon, at matatamasa natin ang biyayang kaloob ng Panginoon. Anuman ang kasalanan, hindi na tayo hahatulan ayon sa kautusan. Ito ang resulta ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ito ang tunay na kahulugan ng mga katagang "kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya" na madalas nating sabihin. Mula sa resultang nakamit ng gawain ng Panginoong Jesus mas napapatunayan natin na ang gawain ng Panginoong Jesus ay pagtubos lamang. Hindi ito gawain ng paghatol, pagdalisay, at paggawang perpekto sa mga tao ng mga huling araw. Kahit napapatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoong Jesus, at hindi na tayo gaanong nagkakasala, at mabuti na ang ating pag-uugali, hindi pa tayo lubos na lumalayo sa pagkakasala at hindi pa tayo dalisay, at lubos na naligtas, ‘di ba? Madalas pa rin ba tayong nagsisinungaling at nagkakasala? Sakim pa rin ba tayo at masama ang ating iniisip? Naiinggit pa rin ba tayo at namumuhi sa iba? Puno ba ng kayabangan at pandaraya ang ating puso? Gumagaya pa rin ba tayo sa mga makamundong uso, kumakapit sa kayamanan, at nag-iimbot ng kaluwalhatian? Sinisisi pa ng ilang tao ang Diyos, kapag nahuli o pinahirapan sila ng komunistang gobyerno ng Tsina. Nagbibigay pa sila ng nakasulat na mga pahayag kung saan tinatanggihan at pinagtataksilan nila ang Diyos. Lalo’t patungkol sa pagpapahayag ng katotohanan at gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hinuhusgahan at tinutuligsa ng mga tao ang gawain ng Diyos batay sa sarili nilang mga paniwala at kuru-kuro, ‘di ba? Kung gayon, sa ating pananalig sa Panginoon, napapatawad lang ang ating mga kasalanan. Pero nananatili sa atin ang kalikasan ni Satanas at ang disposisyon ni Satanas. Kaya nagkakasala tayo at kinakalaban natin ang Diyos. Kung hindi mawawala ang ating likas na pagkamakasalanan, kakalabanin natin at pagtataksilan ang Diyos, at ituturing Siyang kaaway. Masasabi mo ba na nararapat ang taong ‘yon na makapasok sa kaharian ng langit? Dapat ay malinaw na sa inyo ngayon na sa pagsasabi ng "Naganap na," ang ibig sabihin lang ng Panginoong Jesus ay tapos na ang gawain ng pagtubos. Tiyak na hindi Niya sinabing tapos na ang buong gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Naparito ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, at para gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Ang pagparitong ito ay para lubos na gawing dalisay ang mga tao, at lubos silang iligtas, para maalis ang ugat ng problema ng kasalanan sa kalooban ng mga tao, para mapalaya ang mga tao mula sa kasalanan at magtamo ng kadalisayan, para magtamo ng lubos na kaligtasan at makapasok sa kaharian ng Diyos. Basahin natin ang ilan pang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, para mas malinaw natin itong maunawaan.
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang makasalanang tulad mo, na Kanyang tinubos, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—ganoon ka kaya dapat kapalad! Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang matamo ang pamana ng Diyos" ("Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Dapat mong malaman kung anong uri ng tao ang Aking nais; silang mga hindi dalisay ay hindi papayagang makapasok sa kaharian, silang mga hindi dalisay ay hindi pahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at gumawa sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi— hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pasukin ang Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na panuntunan, at walang sinuman ang makababali nito!" ("Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay" ("Punong Salita" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang tumatanggi sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, ngunit ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang narungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawain ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang karumihan at ang tiwaling bahaging nasa kanya, at magagawa niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagdalisay, magagawa ng tao na maitaboy ang kanyang katiwalian at maging malinis. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay" ("Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawa’t isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos" ("Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid" ("Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakayang sumunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang kalikuan, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magdadala sa liwanag doon sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi maaari, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa ibabaw ng lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mananahan kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay mawawasak at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang mga masasama, at sila ay hindi matuwid na mga tao. … Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-mahalaga Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala" ("Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Napakalinaw ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kahalagahan at resultang nakamtan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Natiyak namin na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang gawaing lubos na nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan. Ang gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus ay nagbigay-daan nga sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, na lubos na nagliligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan at nagdadala sa kanila sa kaharian ng Diyos. Hindi ba napaka-praktikal ng ginagawang ito ng Diyos? Kung ang tatanggapin lang natin ay ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng Diyos sa mga huling araw, paano tayo magiging marapat na makapasok sa kaharian ng Diyos? Mukhang sa pananalig sa Diyos, kailangan nating maunawaan ang gawain ng Diyos. Napakahalaga n’yan! Pero maraming relihiyosong tao ang nananangan sa paniniwala na maliligtas ka kung mananampalataya ka lang. Naniniwala sila na ang pananalig sa Panginoon ay nagpapatawad sa mga kasalanan, lumulutas sa lahat ng problema, sa paniniwalang pinatatawad ng maawain at mapagmahal na Panginoon ang anumang kasalanan ng tao. Itataas Niya silang lahat sa kaharian ng langit pagdating Niya. Sa gayo’y ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Anong problema ‘to? Nauunawaan ba ng ganitong klaseng tao ang gawain ng Diyos? Nauunawaan ba nila ang matwid na disposisyon ng Diyos? Masasabi mo ba na papayagan ng Diyos na makapasok sa Kanyang kaharian ang makademonyong kategorya ng taong naghihimagsik laban sa Kanya at kumakalaban sa Kanya? Siguradong hindi! Ano ang magiging resulta ng pagpasok ng ganitong klaseng tao sa kaharian ng Diyos? Isipin natin ang isang halimbawa. Kung nadala ang mga Israelitang nanalig sa Diyos na si Jehova sa kaharian ng Diyos, ano sa palagay n’yo ang mangyayari? Ni hindi nila matanggap ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Panginoong Jesus, at ginawa rin nila ang lahat para tuligsain ang Panginoong Jesus, at ipako Siya sa krus. Ang makademonyong klase ng taong ito na kumakalaban nang ganito sa Diyos, kung papasok sila sa kaharian ng Diyos, patuloy ba nilang kakalabanin ang Diyos? Mag-aalsa ba sila? Tatangkain ba nilang agawan ng kapangyarihan ang Panginoon? Bakit hindi nangaral ang Panginoong Jesus sa sinagoga? Dahil napakasama ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong mga Judio. Kaya nilang gawin kahit ano. Alam nating lahat na matapos nilang hulihin ang Panginoong Jesus, binugbog, kinutya, at dinuraan nila Siya. Ibinigay pa Siya sa gobyernong Romano para ipako sa krus. Alam na ng Panginoong Jesus para silang mga ahas kaya hindi Siya nangaral sa sinagoga. Sa mga huling araw nagbalik na ang Panginoong Jesus. Bakit hindi Siya nangangaral sa mga iglesia? Dahil malulupit lahat ang mga pinuno sa mga iglesia. Kung nagpunta ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga iglesia, siguradong tatawag sila ng pulis. Siguradong ibibigay nila ang Makapangyarihang Diyos sa gobyernong CCP. Hindi ba totoo ‘yan? Ngayon mangangahas ba tayong magpunta sa mga iglesia para hayagang magpatotoo para sa Makapangyarihang Diyos? Kung nagpatotoo ka sa kanila tungkol sa Makapangyarihang Diyos, Siguradong dudumugin at sisiraan ka nila, at ibibigay ka pa sa Public Security Bureau. Dahil dito, ang iglesia sa ngayon ay kapareho ng mga sinagoga ng mga Judio. Lahat ng iyon ay mga lugar na nagtataboy sa Diyos, kumakalaban sa Diyos, at tumutuligsa sa Diyos. Gan’on ba? Ipinapakita niyan ang laki ng katiwalian ng sangkatauhan. Sawa na sila at nasusuklam sa katotohanan. Itinatanggi nilang lahat ang pagdating ng Diyos, at naging katulad silang lahat ni Satanas at kontra sila sa Diyos. Kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan, hatulan ang mga tao, at padalisayin sila, nilipol na sana ng Diyos ang sangkatauhan dahil kinalaban nila ang Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Huwag Kang Makialam
————————————————
Ipinaliliwanag ng bahaging Mga Propesiya sa Biblia ang mga propesiya tungkol sa mga kalamidad sa mga huling araw, ikalawang pagparito ni Jesus, mga pangalan ng Diyos, ang huling paghuhukom, at iba pa.
0コメント